Chapter 7

2277
BUMUHOS ang malakas na ulan sa Terra Region nang dahil sa makapal na ulap na bigla na lamang lumamon sa kalangitan. Sina Laxus at Lisa? Heto at patuloy lang na naglalakad sa gitna ng malawak na kapatagang ilang oras na nilang binabaybay. Medyo natatanaw na rin naman nila ang dulo ng lugar at wala na rin naman silang magagawa sapagkat wala naman silang lugar na pwedeng masilungan dito. “Hindi kaya magkasakit tayo nito?” tanong ni Lisa na makikitang basang-basa na ang kasuotan. Ngayon ay mapapansin lalo ang ka-sexy-han ng karakter nito sa game na ito dahil sa pagdikit ng tela ng damit nito sa kanyang katawan. Si Laxus naman ay pasimpleng tiningnan ang kanyang HP bar at wala namang nababawas. Nasa loob naman sila ng laro at tiyak siyang hindi naman sila dadapuan ng sakit dito. May isang bagay nga lang siyang nararamdaman nang oras na ito habang sila ay naglalakad nang matagal sa area na ito. Napahawak ang binata sa kanyang sikmura at napaseryoso siya. “Mukhang nagugutom ako,” sabi niya sa sarili at dito niya napagtanto na kailangan yata niyang kumain. Parang nakakaramdam din siya ng panghihina dahil dito at habang nakatingin siya sa dulo ng area ay may lumabas sa vision niya na pulang mensahe. “Warning! Your HP will lose 1% per hour if you can’t eat food starting this time!” May lumabas na ngang running time sa gilid ng kanyang vision at mukhang ito na ang simula ng oras hangga’t hindi siya nakakakain. Napalingon nga siya sa kanyang kasama at nakita niyang masama na rin ang mukha nito. “Laxus, nagugutom na ako, wala ba tayong pagkain dito? Akala ko, hindi tayo magugutom dito,” nangingiting wika ni Lisa na parang nanghihina na sa paglalakad nang malayo. “Kailangan palang kumain sa game na ito… Ayos din ito. Pero ang tanong ay ano ang kakainin namin ngayong narito kami sa lugar na wala namang ibang pwedeng kainin?” sabi ni Laxus sa sarili at napaseryoso siya nang maalala ang ginawa ng Kobold kanina bago sila nito atakehin. Dito nga siya napaseryoso at naglibot ng tingin sa paligid. Parang nawala ang mga AI dahil sa malakas na ulan, at ang tanong ay saan nagpunta ang mga ito. “Pwede kaya silang kainin? Kaso, parang hindi ko rin yata kaya,” sabi pa niya sa sarili at napahigpit ang hawak niya sa dala niyang Spear. “Babae, magmasid ka sa paligid. Kapag may nakita kang AI, ituro mo sa akin… Iyon ang kakainin natin,” wika ni Laxus na ikinagulat ni Lisa. “H-hindi! P-pwede ba silang kainin?” bulalas ni Lisa na parang hindi yata kayang gawin iyon. “Wala kang choice, kung ayaw mo, sige, ako na lang…” sabi ng binata at hindi pa rin naman siya sigurado hanggang sa may nahagip ang vision niya na tumatakbo sa hindi kalayuan. Isang puting kuneho iyon at may katabaan ito. Napaseryoso na nga lang siya nang may nag-register na kung ano sa kanyang vision. “White Rabbit, Level 0. Food!” May lalabas palang ganoon sa vision para ma-recognize ang isang AI kung pagkain, kung kalaban o kung bystanders lang. Mukhang pabor pa rin nga sa kanila ang pagkakataon at eksaktong lumitaw ang kunehong iyon. Nakita ni Laxus na may kabilisan ang pagtakbo nito, pero gutom na siya at kailangan nila ito. Humigpit ang hawak niya sa kanyang spear. Gamit ang kanyang kanang kamay na may suot na glove ay seryoso niyang tinantya ang galaw ng AI. Parang kagaya lang ito ng mga nilalaro niya noon. Prediction ng isang common movement lang para maging accurate ang kanyang atake. Ngumisi si Laxus at dito na niya pinakawalan ang kanyang Spear. Ginamit niya ang skill nitong Throw at si Lisa ay napatingin sa sandatang iyon na bigla na lang tinuhog ang isang malaking kuneho bago pa man ito makatapak ang mga paa noon sa damuhan. “Easy,” ani Laxus at si Lisa ay napahanga na naman ng binata nang makita iyon. “P-paano mo iyon nagawa?” bulalas ng dalaga na napasunod na lamang sa binata nang maglakad na ito papunta sa tinamaang AI. “Movement Prediction lang iyon. Common lang ang galaw ng kuneho kaya nakuha ko ang dadaanan niya,” pagyayabang pa ni Laxus na nang hawakan ang kanyang Spear ay iniangat niya ito sa ere para pagmasdan ang kasing-laki ng bola ng basketball na kunehong may puti na balahibo. “May pagkain na tayo,” sabi pa ni Laxus at si Lisa ay napalunok na lang ng laway. Hinawakan ni Laxus ang kuneho at bigla na lamang itong nagliwanag. Naging isang bloke ng karne ito at doon ay napangiti siya sa nangyaring iyon. “Rabbit Meat Level 1.” “Raw: Fills Energy level for 6 hours.” “Energy level?” mahinang sabi ni Laxus at doon nga ay may isang Orange Bar ang lumitaw sa kanyang vision. Napaseryoso nga siya dahil paisa-isa ang paglitaw ng mga ito. Parang naisip niya tuloy na baka may iba pa siyang stats bar na pwedeng makita, kaso, kailan iyon? Nakita niyang wala nang laman ang gauge bar na iyon at mukhang dito papasok ang pagkagutom niya sa larong ito. Kapag naubos ang laman nito ay kailangan na niyang kumain. Napatingin pa nga siya sa karneng tinuhog ng kanyang sandata. Kakainin niya ito ng hilaw at hindi niya alam kung okay ba ito. Kaya nga raw yata siya nanghihina ay dahil sa pagka-drain ng Energy Bar niya. Wala na rin siyang ibang choice. Hinati niya ito sa dalawa at inabot kay Lisa ang kalahati. “3 hours Energy Level!” Lumabas pa ito sa vision niya nang pinilit niyang kainin ang bagay na iyon. Nahati pala sa dalawa ang effect nito kaya napa-iling siya sa sarili. Ito ang isa sa mga bagay na ayaw niya kapag may kasama sa game. Nahahati ang rewards at isa na ngang halimbawa ito. “Ang pangit ng lasa, pero kailangan,” sabi pa ni Laxus sa sarili na kinain nang kinain ang karneng nabasa na rin ng ulan. Mabilisan lang niya itong nginuya at nilunok. Kahit na hindi masarap ay kaya pa rin naman niyang pagtiisan ito. Parte ito ng game kaya kailangan daw niyang mag-adjust. Si Lisa naman ay napalunok na lang ng laway nang makita si Laxus. Kinain talaga nito ang hilaw na karneng iyon. Pasimple pa nga niyang inamoy ang hawak niya at wala naman itong amoy. Kaso, parang gusto niyang mandiri kasi hilaw ito. Mabuti na lang at hindi siya nauudwa, o baka raw ay epekto ito ng game. Pumikit na lang siya at ginaya ang binata. “Nasa game kami. Okay lang ito,” sabi ng dalaga sa sarili at tiniis na lang na kumain ng bagay na iyon. Natapos nilang ubusin iyon at si Laxus ay nakaramdam ng paglakas sa kanyang katawan nang makitang puno na ang kanyang Energy Bar. Nakakita rin siya ng timer sa taas noon, 3 hours, at nawala na rin nga ang oras na kanina ay lumitaw sa vision niya dahil nagutom siya. Kaginhawaan ang naramdaman niya at mabuti na lang daw at may lumitaw ngang kuneho. Hindi na raw iyon masama. Napalingon naman siya kay Lisa na parang hindi makapaniwala. Napaseryoso na naman nga siya nang makita niya ang HP at Energy Bar nito. Pwede na pala niya itong makita at parang natutuwa siya sa nangyayari ngayon sa kanya. Hindi man mabilisan, pero dahan-dahang nag-a-adjust ang katawan niya sa game. “Ang galing, hindi na ako gutom,” nasabi naman ni Lisa at nang mapatingin siya sa binata ay nakita niyang naglalakad na agad ito. Napahabol tuloy siya rito, at ang iniisip na lang niya ay kung paano matutuyo ang damit niya. Mabuti na lang at hindi siya nilalamig kaya okay lang din na mabasa raw siya ng ulan. Pasimple pa siyang napahawak sa kanyang dibdib at parang namula siya kasi mas malaki ito kaysa sa normal niyang sukat. Napangiti na nga lang siya ng palihim at nagmadaling maglakad dahil masyadong nagmamadali ang kasama niya. Hindi pa rin siya inimikan ni Laxus at nanatiling tahimik na muli ito. Ang ulan ay unti-unti nang humihina at ang makapal na ulap sa langit ay nagsisimula nang maging manipis hanggang sa muling nagliwanag unti-unti ang paligid. Bumalik ang sikat ng araw at sa dulo na kanilang nakikita ay isang magandang bahaghari ang nakita ng mga mata nila. Si Lisa ay napangiti sa ganda noon habang kay Laxus naman ay wala lang ito. Mukhang gubat na naman daw ang papasukin nila bago makarating sa kung saan. Sigurado siya na may mga villages din dito kagaya sa mga games, at ramdam niyang may mga bilihan din ng gamit dito. Ang problema ay kung may pera bang gamit sa larong ito. Iniisip din niya kung may kailangan bang gawin para makakuha noon kung mayroon nga. Alam niyang sa bawat games na RPG ay may mga ganoon. Kaso, dahil kulang pa siya sa infos, ay mukhang hanggang hula pa rin siya. “Pero ang importante ay nakakatuklas ako ng mga bagong bagay rito.” Dati, ang mga new games ay ilang saglit lang niyang pag-aaralan at matapos ang ilang oras o minuto ay nakakabisado na kaagad niya. Pero iba raw yata sa larong ito, dahil sa siya na mismo ang maglalaro rito ay hindi ito magiging ganoon kadali para sa kanyang makabisado ito nang mabilis. MULA naman sa kagubatang pinanggalingan nila sa kabilang dulo ay lumabas na nga mula roon ang isang grupo ng mga players na medyo may malaking bilang. Ito ay ang mga non-gamers at pinangunahan ito ng isang lalaking may hawak na espada. Nakasuot ito ng simpleng black shirt at brown pants. May suot itong simpleng sapatos na mukhang dekalidad kahit pa ito ay marumi. Tirik ang itim nitong buhok at medyo singkitin ang mata. Pagkatapos niyang isama ang mga kapwa niya manlalaro ay ibinalik na niya sa kanyang tagiliran ang kanyang espada. “Sumama lang kayo sa akin. Ako ang bahala sa inyo,” sabi nito at matapos niyang pabagsakin ang mga AIs na nasa loob ng gubat kanina ay makikitang level 4 na kaagad ang kanyang weapon na ikinatuwa niya. Bukod doon ay naisama rin niya ang isang malaking bilang ng mga players na nais niyang isama sa gagawin niyang grupo. “Dahil ako lang ang magaling maglaro rito… Tawagin na lang ninyo akong Captain! Okay ba iyon? Tuturuan ko kayong maging manlalaro sa game na ito… Isang simpleng RPG game lang ito, at ako ang bahala sa inyo,” sabi pa nito nang harapin niya ang naisama niyang bilang ng mga players mula sa Starting Plaza kanina. May mga babae at mga lalaki rito. Alam niyang kapag naturuan niya ang mga ito ay tiyak siyang magiging malakas din ang mga ito. Isa pa, may kaunting ideya na rin siya tungkol sa larong ito. Ang totoo nga ay dapat ay sa Gamers group siya kasama, kaso, para sa kanya ay walang thrill iyon kaya nga lumipat siya. Patago niya itong ginawa at sumalisi sa mga naroon kanina. Dahil nga siya ang pinakamarunong sa mga narito, pagkakataon na rin niya ito para siya ang mamuno rito. Pagkatapos noon ay hahanapin na niya ang lagusan para marating ang lugar kung nasaan ang mga Gamers at hahamunin niya ang mga ito. Mahina pa ang grupo niya ngayon, pero kapag natuto ang mga ito, dito na niya susubukang hamunin ang kaharian ng mga Gods na hindi pa niya alam kung nasaan. “Sa ngayon, kailangan ko munang maging malakas. Pati na rin itong mga kasama ko,” sabi pa niya sa sarili nang pagmasdan ang nasa limampu niyang mga na-recruit. Marami na rin nga ang mga namatay sa game kanina at marami pa rin ang hindi umaalis sa Starting Area dahil parang natatakot pa ang mga ito. “Marami pa rin akong dapat malaman sa game na ito…” sabi pa niya at natutuwa siya dahil espada ang naging main weapon niya kaagad. Advantage na kaagad ito para sa kanya na kung ikukumpara sa mga kasama niya ay ang kanya lang daw ang pinaka-may kwenta pagdating sa pakikipaglaban. “Tayo na mga kasama!” sabi pa niya at taas-noo niyang pinangunahan ang mga ito sa pagsisimula ng kanilang paglalakbay sa malawak na damuhang kanilang tatahakin para marating ang dulo nito. Kasunod noon ay ang masayang sigaw ng mga kasama niya na natutuwa dahil may kasama raw silang malakas na manlalaro. “Ayos, hindi tayo mawawala sa game na ito,” natatawang wika pa ng isang matabang lalaki na pasimpleng nakatingin sa mga babaeng kasama nila sa grupong ito. “Ayos na rin ito. Nakatakas ang sa mga ipapagawa ni Mama,” ani naman ng isang lalaking may nakatali pa na tela sa may parteng noo. “Sa wakas, hindi ako mapapaghugas ng pinggan sa bahay,” sabi naman ng isang lalaki na medyo bata pa ang itsura. Dalawang babae naman ang kilig na kilig habang nakatingin sa kanilang lider. “Ang cute niya, buti sumama tayo rito…” “Oo nga, para siyang korean,” nakabungisngis namang sabi ng katabi nito. Pareho pang tila kinilig ang pwet ng dalawa habang nakatingin sa nasa unahan nila. “Mga talandi,” bulong naman ng isang lalaki sa likuran ng dalawa. Sa dulo naman ng grupo ay may isang lalaking player ang makikitang tahimik lang na nagmamasid sa mga kasamahan niya rito at pagkatapos noon ay makikita ang isang lihim na pagngisi sa labi nito na tila ba may hindi magandang gagawin anumang oras. Pagkatapos noon ay tumingin na siya sa malayo at nag-obserba sa paligid. “Mga weaklings ang mga narito… Pero ewan ko lang sa lider-lideran na ito…”
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작