Chapter 5

3329
WALANG gaanong ginawa si Laxus (Saint) sa pag-oobserba niya sa paligid ng game. Sa sandaling nakakakita siya ng mga AIs sa kung saan ay iniiwasan niya muna ang mapalaban sa mga ito. Hangga’t hindi niya nalalaman kung paano ang tamang fighting strategy sa larong ito ay hindi siya magiging padalos-dalos sa kanyang mga gagawin. Habang maingat nga siyang naglalakad sa kagubatang kanyang napasukan ay makikitang may ilang mga common AIs siyang tinakbuhan at tinakasan. Ayaw niyang mamatay kaagad sa game na ito. Pasimple siyang nagtago sa likuran ng isang puno at doon ay may nakita siyang tatlong players na pinaliligiran ng nasa isang grupo ng mga black-haired wolves. Nakita niya ang takot sa mga mata niyon at dahil nga hindi mga gamers ang mga ito ay walang nagawa ang mga ito kundi ang lapain ng mga AIs. Tanging ang sigaw na lang ng mga manlalarong iyon ang kanyang narinig. Iniwanan na niya ang mga ito at nang makita niyang wasak-wasak na ang katawan ng mga iyon ay doon na rin naglaho ang mga katawan nito na tila mga alikabok. Pinayid ng hangin ang mga iyon at tinanggal sa game. “Kung mapagtutulungan ako ng mga AIs na iyon ay baka maaga rin akong mawala sa game na ito,” ani Laxus sa sarili at sa paglalakad pa niya nang halos isang oras ay nakakita na siya ng liwanag sa dulo ng mga puno na sa tingin niya ay ang labasan. Nakarinig pa nga siya ng alulong ng mga lobo mula sa likuran niya at doon na nga siya sumeryoso. Matapos ang paghinga nang malalim ay doon na nga siya kumaripas ng takbo. Doon na nga tumambad sa kanya ang nasa limang Common Wolf at mukhang ito ang mga lumapa sa mga weak players na nakita niya. “Hindi ito maganda,” bulalas niya sa sarili at kinuha na rin niya ang patalim na nasa kanyang pouch. Normal lang ang bilis ng kanyang pagtakbo kung ikukumpara sa mga humahabol sa kanyang mga kalaban, at hindi ito maganda kung madadapa siya kapag naabutan. Wala ring kasiguruhang ligtas siya kapag nakalabas ng gubat na ito. Pero… Humigpit ang hawak niya sa kanyang patalim at doon na niya itinodo ang kanyang pagtakbo. Sa pagtodo niya sa kanyang bilis ay doon na rin siya nakarinig ng tili mula sa kanyang likuran. Isang boses na nagmula sa isang babae at doon na nga siya napaseryoso. Nilingon niya ito at nakita niya ang isang female avatar na may kulay ang buhok na kapareho ng sa kanya. Umiiyak nga ito habang kumakaripas ng takbo. “H-hin-tayin mo akooo!” bulalas ng babae na mababakas sa mukha ang labis na takot. Si Laxus naman ay napa-iling at hindi na lang ito pinansin. “Kagaya rin ito ng mga players kanina. Hindi naman sila gamers kaya okay lang na mamatay sila rito sa game. Tamang-tama dahil magkakaroon ako ng pagkakataon para maka-buy time sa pagtakas.” Napangisi na lang ang binata kasi isang magandang oportunidad ito para sa kanya. Sa oras na maabutan ng mga lobo ang babae ay doon na hihinto ang mga ito sa paghabol sa kanya. Nakarinig pa siya ng tili at doon na muling sumigaw ang babae dahil nadapa ito. Nang lingunin ito ni Laxus ay seryoso lang niya itong pinagmasdan. Wala siyang pakialam dito at nakita niyang pinalilibutan na ito ng mga AIs. Nakakalayo na rin siya at nakita niyang patuloy pa rin sa pag-iyak ang babae habang hawak ang isang tila patpat na bagay. “Okay, lusot na ako… Malaman ko lang kung paano maging malakas na player dito… Hindi ko na kayo tatakbuhan sa susunod na magkita tayo,” sabi na lang ni Laxus sa sarili at dito ay makikitang palapit na siya nang palapit sa labasan. Nakita naman ng nakaupong babae ang ginawa sa kanya ng binata. Ni hindi man lang daw siya tinulungan na labis niyang ikinaiinis. Hindi niya alam kung ano ang larong ito at lalong wala naman siyang kamalay-malay na ganito ang mangyayari. Kung mas pinili na lang daw niyang tumigil sa bahay ay baka wala siya sa sitwasyong ito. Ngayon ay natatakot siya sa mangyayari sa kanya. Kahit pa isa lang itong game ay hindi naman mawala ang kabog sa dibdib niya. Umiiyak nga siya at bilang isang babae, ang mapalibutan ng mga nagngangalit na mga lobo na may mapupulang mata ay hindi talaga isang biro. Nanginginig ang kamay niya habang hawak-hawak ang bagay na nasa pouch niya. Isa itong simpleng wand na may isang ruler ang haba. Kulay itim ito at may maliit na marka ng pula sa dulo. Ni hindi nga niya alam kung may magagawa ito laban sa mga mababangis na lobong ito. Isa pa, ano ba ang alam niya sa ganitong klaseng game? Napasigaw na nga lang siya at kasama ng luha niya ay naalala niya ang ginawa sa kanya ng lalaking kanina pa niyang sinusundan. Sa game na ito ay hindi na siya dapat pang mahiya sa lalaking iyon. Nang makita niya ito matapos umuwi ng probinsya ay puro kasupladuhan na lang ang ginagawa nito sa kanya. Inis na inis siya rito, at nang makita niya ito sa examination area kanina ay laking-gulat niya dahil sa pagkakaalam niya ay isa itong gamer. “A-ano’ng ginagawa nito sa group namin?” tanong niya sa kanyang sarili nang makita itong pumasok sa silid ng pinagkuhanan nila ng exam. Nakita rin niya na napili ito sa sampung pinakamababa ang exam. Medyo nahihiya pa nga siya kasi top 10 lowest pala ang kukuhanin para sa game na ito. Hindi kasi siya magaling sa klase ng exam na binigay sa kanila. Pero nang makita niya si Saint na isa rin sa kanila ay parang napaseryoso siya. Balak niya sanang lapitan ito, kaso, naalala niya ang pagsusuplado nito sa kanya kaya mas pinili niyang huwag na lang. Wala siyang unang hinanap kanina sa pinaglitawan nila kundi ang binata. Hindi siya sigurado, pero nang makita niya ang isang lalaki na hindi man lang nagawang makipagkilala sa mga kapwa manlalaro sa lugar na iyon ay isang tao kaagad ang naisip niya. Nakita niya rin kung paano nito nalusutan ang mga Slimes kanina at malakas ang kutob niyang si Saint nga ito. Kahit kabadong-kabado siya sa pagsunod dito ay naging ligtas pa rin siya. Mabuti na nga lang daw at walang mga monsters na lumapit sa kanya dahil kung nangyari raw iyon ay baka nagtitili at sigaw na lang siya sa kagubatang ito. Ngayon, sa sitwasyong kinalalagyan niya ay alam niyang wala siyang magagawa laban sa mga ito. Ano raw ba ang alam niya rito? Ni hindi naman siya gamer. Ang lalaking inaasahan naman niyang tutulungan siya ay tinakbuhan lang siya na labis niyang ikinainis. Kahit na natatakot siya habang umiiyak ay naisingit pa rin niya ang inis sa lalaking iyon. Wala siya sa tunay na mundo kaya hindi na siya mag-aalinlangang pagsalitaan ito. “Wala ka talagang kwenta Saint! Walang-wala ka kay Clyde! Nakakainis ka!” bulalas ng dalaga at doon na nga siya napa-iyak dahil katapusan na niya dahil nagsabay-sabay na sa pag-alulong ang mga mababangis na hayop na nakapalibot sa kanya. Kagaya ng mga nangyari sa nakita niya kanina ay lalapain ng mga ito ang katawan niya at maglalaho ang katawan sa game na ito. Hindi naman siya gamer kaya ano ba raw ang pakialam niya kung mamatay siya rito? Nagsitalunan na nga palapit sa kanya ang mga lobo at doon na siya pumikit para tanggapin ang pagkamatay sa larong ito. PAPALABAS na si Laxus sa gubat hanggang sa isang sigaw mula sa babaeng iyon ang kanyang narinig. Binanggit nito ang pangalan niya sa real world at pati ang pangalan ng kanyang kuya. Ibig-sabihin lang nito ay kilala siya nito. Ito nga ang naging dahilan para mapahinto siya sa pagtakbo palabas. “S-sino ang isang ito? B-bakit kilala niya ako at ang kuya?” tanong ni Laxus sarili at agad iyang nilingon ang kinaroroonan ng babae. Napapaligiran na ito ng mga AIs at wari’y aatakehin na. Agad niyang kinuha ang kanyang patalim sa pouch at doon na siya kumaripas ng takbo pabalik. Hindi niya ugaling tumulong sa ibang manlalaro sa kahit anong game. Kahit nga sa mga team games ay may sarili siyang mundo na kinaaayawan sa kanya ng mga kasama niya. Sumigaw si Laxus at doon na nga napukaw ang atensyon ng mga AIs na nagsitalunan papunta sa babaeng nakaupo sa lupa. Dinambahan ng mga ito ang dalaga at parang hinimatay na ito sa nangyari. Pero dahil nga sa pag-abala niya sa mga ito ay hindi nagawa ng mga lobong ito ang paglapa sa babae, bagkus ay nagngalit ang ngipin ng mga ito habang nakatingin sa kanya ang mapupulang mga mata nito. Wala siyang balak labanan ang mga ito, makapagpabagsak lang siya ng isa o dalawa ay sapat na. Ang tunay niyang pakay ay ang itakas ang babaeng ngayon ay nakabulagta na sa lupa. Napa-iling siya sa kanyang isip dahil unang-una ay wala naman siyang balak gawin ito. Kaso… “Puro level 1 lang din ang mga ito… Pero base sa nabasa kong infos sa pagkagat nila sa mga players kanina ay high damaging attack iyon na posible talagang ikamatay ko sa larong ito.” “Hindi ko pa rin alam kung ano ang weakness ng mga ito. Masyado silang aggressive at ang makahanap ng kahinaan sa oras na ito ay hindi ganoon kadali…” Tumakbo na nga palapit sa kanya ang mga lobo at dito na siya sumeryoso at sa pagdamba ng mga ito palapit sa kanya ay doon na siya umupo gamit ang mga paa nang mabilis. Ang mga lobo ay nilampasan siya at siya naman ay mabilis na tumakbo papunta sa babaeng may dilaw na buhok. Napaseryoso siya dahil ang bilis naman niyang naiwasan ang mga iyon. Pagdating niya sa babae ay nakita niyang nakapikit ito. Mukha naman daw siyang malakas ang katawan kaya nga binuhat niya ito para itakbo palabas ng gubat na ito. Kaya naman daw pala niya ang babae. Dito na nga siya humarap sa mga lobo na nagngangalit ang mga ngipin na humarap sa kanya. Napangisi siya at ngayong hindi na niya hawak ang kanyang patalim ay wala na siyang paraan para ma-atake ang mga ito. Tanging ang pagtakbo na lamang ang gagawin niya. “Nakita ko ang kahinaan ninyo,” sabi ni Laxus sa sarili. Kanina nga ay lumabas sa vision niya ang weakness ang ability ng mga ito na Crunch. “Accuracy,” sabi ni Laxus at kahit na normal speed lang ang nagagawa niya ay nagagawa niyang hindi matamaan ng pagdamba ng mga ito. Moving object siya kaya hindi mas malaki ang chance na sumablay ang atake ng mga ito. Nagpatuloy siya sa pagtakbo at kahit na alam niya ang weakness na iyon ay pwede pa rin siyang matamaan ng mga ito. Kumaripas nga siya ng takbo at kahit nga may buhat siyang babae ay nagawa pa rin niyang maging mabilis. Paglabas niya sa kagubatan ay doon na rin nga huminto sa paghabol ang mga lobo na iyon. Nakatingin na lang sa kanya ang mga iyon na tila ayaw lumabas sa lugar na iyon. Dito na nga tumambad kay Laxus ang isang malawak na damuhan na may kung anong mga insekto at paru-paru ang lumilipad. Nakakakita rin siya ng mga naglalakad na AI sa kung saan-saan. Hindi niya alam kung aatake ba ang mga ito o hindi kapag nalapitan. Pero ang nasa isip niya ngayon ay ligtas na ang babaeng buhat-buhat niya. Dito na nga niya ito inihiga sa damuhang nasa tapat niya. “Hihintayin ko pa bang magising ang isang ito?” tanong niya sa sarili at muli niyang nilingon ang kagubatang pinanggalingan niya. Dito niya naisip na ang mga AI na naroon ay tanging doon lamang magiging agresibo, at kapag nasa labas na siya sa area ay wala na itong pakialam sa kanya. Napatango siya at isang magandang impormasyon iyon para sa kanya. Hindi niya alam kung applicable ito sa lahat pero, magandang malaman na rin niya ito. Sa kabila ng pagtakbo niya nang mabilis kanina ay hindi man lang siya nakaramdam ng hingal o pagod. Natuwa siya sa bagay na iyon at wala siyang choice kundi ang hintaying magising ang babaeng ito dahil unang-una ay kilala yata siya nito. Umupo na muna siya sa damuhang malapit dito at tahimik na pinagmasdan ang paligid. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa iba pang mga players, pero parang siya pa lamang ang narito sa lugar na ito. Kung sabagay, siya rin naman ang naunang umalis kanina sa pinaglitawan nila. Naisipan niyang humiga at pagmasdan ang kalangitan. Kagaya lang ito ng nasa tunay na mundo. Walang pinagka-iba. Tirik na tirik ang araw sa isang bahagi ng asul na langit pero hindi siya naiinitan dito. Wala nga siyang nararamdamang init o pagka-irita sa balat niya. Kaso, habang siya ay nakatingin sa langit ay may isang bagay siyang napansin na gumagalaw sa itaas. Kung pagmamasdan ay hindi ito malaki, dahil napakataas nito, pero habang seryoso niya itong tinitingnan ay unti-unti niyang na-iitsurahan ito. May isang dalawang malaking pakpak ito at para itong isang serpent. Dumadaan lang ito sa itaas ng mga ulap na dumaraan sa paningin niya at habang papalayo ito nang papalayo ay mas nagiging seryoso ang pagtitig niya rito. Hindi siya sigurado kung ano iyon, pero tila kagaya ito ng mga nakakalaban niya sa mga RPG games. “Isa iyong dragon… Hindi ako maaring magkamali,” sabi ni Laxus sa sarili na mabilis na umupo mula sa pagkakahiga. Naglaho na sa paningin niya ang lumilipad na bagay na iyon sa langit at kasabay nga noon ay ang pag-ihip ng malakas na hangin. “Kung may mga mahihinang AIs… Mayroon din syempreng mga high level AIs dito sa game na ito.” Inaasahan na niya ito at ang bagay na iniisip niya nang mga sandaling iyon ay kung paano niya matatalo ang mga ganoon kalalakas na kalaban kung sakaling may makaharap siyang isa? Alam niyang posibleng hindi lang isa, kundi marami. “Kaya kailangan kong malaman kung paano magiging malakas sa game na ito. Hindi kaya ng simpleng kutsilyo ang mga ganoon kalalaking kalaban sa larong ito,” sabi niya sa sarili at nakaramdam siya ng paggalaw mula sa babaeng nakahiga sa gilid niya. Nag-banat ito ng braso at agad siyang umiwas ng tingin dito dahil napatingin siya sa dibdib nito na kung titingnan ay medyo may laman. Bumuntong-hininga na lang siya at napansin na lang niya ang pagbangon ng babae. Gulat na gulat ito na kinapa ang sarili. Hinawakan nito ang mukha at braso para tingnan kung ayos ba siya. “B-buhay pa ako?” bulalas ng babae at nang mapatingin siya sa gilid niya ay doon na niya nakita ang isang lalaking may dilaw na buhok. Napatingin din siya sa likuran niya at nakita niya ang isang gubat. “P-paanong?” ani ng babae na parang nakahinga nang maluwag. Hindi pala siya napatay ng mga lobo. Kung nakaligtas siya, isa lang ang naisip niyang dahilan kung paano iyon nangyari. “Bakit kilala mo ako?” “Bakit pati ang kapatid ko kilala mo rin?” Ito ang mga tanong na sumalubong sa kanya nang pagmasdan niya si Saint na ngayon ay nakatingin lang sa damuhan sa tapat nito. “I-iniligtas mo ako?” tanong din naman ang sagot ng babae na ikina-iling ng binata. “Maraming salamat Saint! Sabi na nga ba at babalikan mo ako,” natatawang wika ng dalaga at sumama naman ang tingin ng binata sa d**o na nasa tapat nito. “Laxus ang pangalan ko sa game na ito. Huwag mo nga akong matawag-tawag na Saint,” pasupladong sagot ng binata at ang dalaga naman ay parang hindi natuwa. Pero tama rin naman ang lalaki dahil iba nga rin pala ang pangalan niya nang pumasok siya rito. “Iyong tanong ko ang sagutin mo, sino ka? Bakit kilala mo ako?” Dito na nga sumeryoso ang dalaga. Gustong-gusto na nga niyang tirisin ang binata kaso ikinalma niya ang kanyang sarili. Sinamaan na lang niya ng tingin ito at umupo na rin muna siya sa gilid nito. “Ako si Leona… pero sa game na ito, ang aking pangalan ay Lisa!” Nang marinig ito ni Laxus ay dito na siya tumayo. “Iyon lang ang gusto kong malaman. Salamat.” “H-hoy! S-saan ka na pupunta?” bulalas ni Lisa na tumayo na rin matapos pagpagan ang kanyang pwetan. “Maglalaro… Nakuha ko na ang sagot na kailangan ko kaya, okay na.” Napakuyom naman ng kamao si Lisa nang marinig iyon. Naiinis na naman siya kay Saint kaya nga hinabol niya ito at hinampas sa likod. “Nakakainis ka Saint! Dapat si Clyde na lang ang kasama ko rito,” bulalas ng dalaga at ang binata naman ay muntikan nang matumba sa lakas noon. Paano, hindi kasi niya alam na may papalo sa likod niya. Hindi naman iyon masakit, pero hindi siya natuwa sa ginagawang iyon ng dalaga. Magsasalita na nga sana siya kaso, inunahan na naman siya ni Lisa na agad na humarang sa kanyang harapan. “Hindi mo ako pwedeng iwanan dito. Ano’ng alam ko sa game na ito? Gamer ka ‘di ba? Kaya alam ko na magiging okay ako kapag sumama ako sa iyo. Kahit tumanggi ka, didikit ako sa iyo. Wala tayo sa labas kaya malakas ang loob ko na magsalita sa iyo. Wala akong pakialam!” wika ng dalaga na seryoso lang na pinagmasdan ni Laxus. Nagtanggal na nga lang ng dumi sa tainga ang binata at nilampasan ang dalaga. “Ayaw ko ng maingay,” ani ng binata at nagmadali na siyang maglakad. Kaso, binuntutan pa rin siya ni Lisa na talagang ayaw magpa-iwan. “Dapat kasi si Clyde na lang ang kasama ko sa game na ito…” mahina pang wika ni Lisa at nang marinig ito ni Laxus ay nakaramdam na rin ito ng pagka-irita. “Sa susunod na malagay ka sa panganib, hindi na kita ililigtas. Hahayaan na lang kitang mamatay sa game na ito. Si kuya pala ang gusto mong kasama? Kaya bakit ka pa bumuntot sa akin? Mas trip ko ang pagiging solo player kaysa ang magkaroon ng kasamang weaklings,” ani Laxus na hindi na nga nakapagtimpi. Nais pa rin sanang mainis ni Lisa… Kaso, alam naman niya sa kanyang sarili na wala rin naman siyang choice. Kung maaalala lang niya ang nangyari sa kanya kanina. Kamuntikan na siyang mamatay at kung wala ang lalaking ito ay baka tapos na siya sa game na ito na gusto na rin naman niyang laruin dahil bihira raw ang ganitong klase ng laro. “E de, pasensya. Magiging tahimik na ako. Basta, isama mo ako. Ayaw ko pang mamatay agad sa game na ito. Gusto ko ring makita ang mga mayroon dito. Pwede ga?” nakangiting ani Lisa at si Laxus ay nagpatuloy na lang sa paglalakad. Hindi na niya inimikan ang babaeng nakasunod sa kanya. “Malay mo, mapakinabangan mo rin ako. Player din ako ah,” sabi pa ng dalaga at si Laxus ay napatanggal na lang muli ng tutuli sa tainga para ipakita sa dalaga na nabibingi siya sa boses nito. “Ang suplado! Pasalamat ka no choice ako!” sabi ni Lisa sa sarili at pasimple na lang niyang pinagmasdan ang itsura ni Saint ngayon habang siya ay nasa likuran nito. Pareho pala sila ng kulay ng buhok at hindi naman siya bulag para hindi mapansin ang anyo nito sa game na ito. Napogian din siya sa bagong itsura nito rito sa game na pasimple na lang niyang sinarili. “Para namang may pakinabang sa isang ito. Parang wala naman.” sabi naman ni Laxus na napatingin na lang sa malayo. Kailangan muna niyang mag-explore sa game at kailangan na talaga niyang malaman kung paano siya magiging malakas na player dito. May isang bagay rin kasi na tumatakbo sa isip niya nang mga oras na iyon. “Ngayon, nasaan kaya ang mga players na iyon? Ang mga gamers na napunta rito?”
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작