Chapter 3

1199
Bitbit ang DSLR ko nakangiti akung umupo sa bench kung saan hinihintay ang ibang kasamahan namin na dumating. Pupunta kami sa bahay ng isang kasamahan naming sa trabaho upang doon matulog kaya hinihintay namin ang ibang sasama. Mabuti nalang at day off namin at talagang sabay-sabay ang naging day off namin. Isang linggo na ako dito sa Pilipinas at sobrang saya ko dahil nagkita ulit kami ng mga naging kaibigan ko dito. "Masira sana," mabilis akung napabusangot ng marinig ang boses ni Ivan sa likod ko at ng lingunin ko ito kaagad akung namangha sa taglay na kagwapuhan ng kaibigan ko. Alam niyo ba na maraming nagkakagusto sa kanya pero hindi niya pinapansin. Wala pa itong naging girlfriend kahit isa siguro fling marami sobrang rami. Ayaw niyang magseryoso dahil ang gusto niya ang unang girlfriend niya ay ang magiging asawa niya narin. Sobrang lucky ng babaeng iyon dahil sobrang bait ni Ivan at mapagmahal sa pamilya. Idol ko nga ang pamilya nila dahil buong pusong nagmamahalan ang pamilya niya at may dalawa itong kapatid na babae. Nag-iisang lalaki lang si Ivan at panganay ito. Kapag doon ako natutulog hindi na ako nakakatulog dahil marami kaming ginagawa ng mga kapatid nito at ng nanay niya. Pamilya na ang turing nila sa akin at sobrang open ako sa kanila. "Gwapo natin ah!" hiyaw ko sabay tayo at akbay sa kanya at talagang inamoy ko pa ito. "Ang banyo pa!" bigla ako nitong inamoy at kaagad na tinakpan ang kanyang ilong. Walang hiya! "Baho mo!" inambahan ko ito ng suntok dahil ang galing talaga manira ng araw ni Ivan. Kaagad ako nitong nilapitan at siya na mismo ang umakbay sa akin sabay halik sa noo ko. Ganito kami ka close ni Ivan na halos isipin ng lahat magkasintahan kami pero isang malaking pagkakamali. Masyadong importante sa akin si Ivan para sirain ang pagkakaibigan namin dahil lang sa bagay kaming dalawa na maging lover. Matalik kung kaibigan si Ivan at kapatid na ang turing ko sa kanya. "Mabaho hininga mo!" singhal ko sa kanya sabay tulak dito at hawak ulit ng DSLR ko. "Tayo ka doon kukunan kita ng litrato," mabilis naman itong tumayo sa tabi ng puno at ngumiti. Kung hindi ko lang kaibigan ang isang ito baka nagkagusto na ako sa kanya dahil sa gwapo talaga ito. "Bilisan mo naman ang sakit na ng panga ko sa kakangiti," sigaw nito kaya kinunan ko nalang ito ng litrato habang pa stolen shot pa siya. "Ang bagal mo!" singhal nito sa akin at kinuha ang DSLR ko sabay tingin ng mga kinuha kung litrato. "Mukhang sa simbahan talaga ang bagsak niyong dalawa!" mabilis akung napatingin sa nagsalita at bumungad sa akin ang mga kasamahan ko sa trabaho kasama ang iba pa na nakangiting nakatingin sa amin ni Ivan. "Bakit ba kayo magkaibigan lang? Halata namang may something sa inyo," mabilis na nagkatinginan kami ni Ivan at gusto kung humagalpak ng tawa dahil nanlalaki talaga ang mata nito. "Iyan ang hinding-hindi mangyayari Hailey," sagot ko kay Hailey sabay bigay ng camera ko sa kanya. "Kunan mo nga kami," kaagad niya naman itong kinuha habang napapailing sa amin. "Kayo nalang dalawa kasi," banat pa ulit nito bago tumingin sa mga ibang kasamahan namin. "Diva guys? They look good together," sunod-sunod silang tumango na ikinangiwi naming dalawa ni Ivan. Ito ang nangyayari sa oras na magkasama kami ni Ivan dahil palagi kaming napagkakamalan na magkasintahan dahil sa sobrang close namin sa isat-isa. "Ikaw nalang kaya ang magpakasal kay Ivan," sagot ko sa kanya na ikinangiwi nito. Oo mabait sa akin si Ivan pero pagdating sa ibang babae kawali ang ugali ni Ivan. Napaka cold nito at snobber sa akin at sa pamilya lang siya nito malambing at syempre sa mga flings niya. "Ayoko nga! Bilisan niyo na!" napatawa kaming dalawa ni Ivan at nag pose ng makailang beses habang panay naman ang pindot ni Hailey sa camera ko. Ano na kaya ang mga mukha namin doon. "Aalis na tayo!" hiyaw ng isang kasamahan namin kaya mabilis na tinulungan ako ni Ivan na kunin ang ibang dala ko at ibang pagkain. Van kasi ang sasakyan namin at mukhang mahaba ang byahe namin dahil bundok daw iyon. Mas mabuti nga kung bundok dahil makakalanghap kami ng sariwang hangin at walang internet connection doon. Ng makapasok kami ni Ivan sa Van kaagad narin itong umalis at sobrang ingay nila sa loob. Habang si Van namin nakahiga na sa balikat ko. Sigurado na nagpuyat na naman ito sa online games at inubos ang sweldo sa mga skin ng hero niya. Bahala siya diyan mayaman naman yan si Ivan kaya kahit magwaldas ng pera hinahayaan ni Tita Aly ang mama ni Ivan. Hindi ako sumagot sa mga usapan nila at nakikinig lang ako hanggang sa tumahimik na sila at nagsitulog narin. Kapatid ng pupuntahan namin ang nagmamaneho ng Van kaya may tiwala naman kami sa kanya. Mapagkakatiwalaan naman si Hailey. Hindi ko narin napigilan at napapikit narin ako ng dito na kami sa highway kung saan puro nalang puno ang nasa paligid at wala ng mga bahay. Alam kung medyo malayo pa kami at gigisingin lang nila ako mamaya sa oras na hindi ako nagising kapag nakarating na kami. Hindi nga nagtagal nakatulog na ako. NAGISING ako ng may narinig akung tawanan at ng idilat ko ang mga mata ko nasa Van parin ako at nasa labas na ang mga kasamahan ko kasama si Van. Sumilip ako sa bintana ng Van at nandito kami sa tabi ng daan kung saan maraming punong kahoy sa paligid. Dahan-dahan akung lumabas sa kotse at kaagad na napatingin sila sa akin. Si Ivan na nag-aayos ng gulong kasama ang kapatid ni Hailey. Kung ganon nasiraan kami. "Gising kana pala," saad ni Hailey at binigay sa akin ang isang bottle ng tubig. "Nasiraan tayo pero patapos narin sila sa pagpapalit ng gulong," Tumango nalang ako dahil sa wala narin akung magagawa kung nasiraan kami at ang mahalaga patapos narin sila. "Naiihi ako," biglang saad ko dahilan na mapatingin sila sa akin. Ngumiti ako sa kanila ng bigla nalang silang umiling. "Walang banyo dito kaya doon ka umihi sa loob ng gubat," Napangiwi ako sa sinabi ni Hailey pero mukhang seryoso nga ito. "Wala namang tao dito at magdala ka nalang ng payong panakip mo," biglang napatawa si Hailey tapos ngumisi naman si Ivan. Padabog akung bumalik sa Van at kinuha ang payong ni Ivan sa bag nito at walang paalam na umalis upang umihi nga. Kung hindi lang talaga ako naiihi hindi ako iihi dito pero kaysa naman tiisin ko ito. Tuloy-tuloy ako sa paglalakad at nawiwili ako sa mga huni ng ibon at sa matatayog na puno at hindi ko namalayan na napalayo na nga ako ng sobra. Nako naman! Ito ang mahirap sa akin dahil kapag nawiwili ako sa isang lugar nakakalimutan ko na ang pakay ko. Akmang babalik na ako ng bigla nalang nahulog ang malaking sanga ng puno kaya mabilis akung napaurong pero kaagad akung natumba at gumulong pababa. Ramdam ko ang masakit na pagtama ng likod ko sa kahoy hanggang sa huling nakita ko ay ang mataas na bangin kung saan ako nahulog.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작