bc

The Ghost Kryptonite

book_age18+
362
선작수
1.6K
독자수
왕족/귀족
여왕
달콤
미스터리
두려움
유령
신화
이세계
마녀사냥
아름다운
like
intro-logo
작품 소개

Isang babae ang iibig sa isang multo na makikita at makakausap lamang niya sa kanyang panaginip, isang babae na mamahalin ng buong puso ang sinumpang multo sa loob ng mahabang panahon.

chap-preview
무료로 첫화보기
Chapter 1
Nakatanaw ako sa malawak na kapatagan habang sinusuklay ng aking Lola ang buhok ko. Nandito kasi kami sa probinsya at naiisipan ni Lola na magpahangin dito sa burol. "Lola paglaki ko po gusto kung malibot ang buong earth!" Nakangiting saad ko at nilingon ang Lola ko na napangiti nalang sa sinabi ko. Napanguso ako dahil tinawanan lang ako nito. Sa edad na walang taong gulang iyon na ang pangarap ko sa buhay ang malibot ang buong earth at magkaroon ng maraming kaibigan. "Alam mo apo na suportado kita sa lahat ng gusto kaya alam kung makakamit mo ito," Ngumiti ako kay Lola kaya kaagad ako nitong hinaplos sa ulo. "Alam mo may kwento ako sayo," kaagad na napantig ang tenga ko ng marinig ang sinabi ng lola ko. Magaling kasi si Lola pagdating sa mga kwento kaya palagi akung nagpapakwento sa kanya. "Tungkol po ba sa manika ito Lola?" Napakisap mata ako ng biglang mapait na ngumiti si Lola. Lahat kasi ng kwento niya sa akin tungkol sa mga manika. "Tungkol ito sa multong matagal ng naninirahan sa isang mansyon at hinihintay ang kanyang reyna," kaagad na napukaw nito ang atensiyon ko at biglang umayos ng upo sa harapan ni Lola. Hindi naman ako takot sa multo kaya intersado ako sa kwento ni Lola. "Dumating po ba ang reyna niya? Mabait po ba ang multo? Ilang taon napo siyang naninirahan sa mansyon?" sunod-sunod kung tanong kay Lola dahil sa intersado ako sa kwento nito. Paano siya naging multo at bakit niya hinihintay ang kanyang reyna? "Isa siyang Hari na sinumpa ng bruha na sa oras na mamatay ito ay mananatiling buhay ang kanyang kaluluwa hanggang sa dumating ang kanyang reyna," literal na nanlaki ang aking mata sa sinabi ng Lola ko. "Sobrang nakakahalina ang taglay nitong mukha at halos lahat ng kababaihan noong sinaunang panahon ay nagkakgusto sa Hari. Ngunit ng mamatay ito nanatiling nasa kastilyo ang kaluluwa nito at hindi tumatawid sa kabilang buhay," nanatiling nakatingin ako kay Lola na nakangiti na at biglang mapapakisap mata ito. "Bakit po ba siya sinumpa Lola? Masama ba siyang Hari? Kung Hari siya nasaan ang kanyang reyna?" hindi naman siya siguro isusumpa ng bruha kung wala itong kasalanan na nagawa. At diba dapat kung Hari ka mayroon ka ng reyna sa iyong buhay. "Nahumaling ang bruha sa Hari hanggang sa nagtapat ito sa Hari ngunit walang minahal na babae ang Hari kaya dahil sa galit ng bruha isinumpa niya ito at tuluyang nilamon ng galit," Hinawakan ako ng Lola ko sa pisngi. "Hangang ngayon nasa mansiyon parin ang kaluluwa ng Hari at hinihintay ang pagdating ng kanyang reyna upang makalaya na ito ng tuluyan. Ngunit magsisilbi itong multo sa mansiyon at katatakutan ng mga tao at ituturing na demonyo ang nakatira sa mansiyon," bigla akung naawa sa Hari dahil wala naman itong kasalanan pero naparusahan ito ng bruha dahil sa pagmamahal na tinatawag. "Kawawa naman pala siya Lola," mahinang usal ko at napabuntong hininga. "Darating kaya ang reyna niya upang iligtas siya? Makakalaya kaya siya sa sumpa Lola? Malungkot siya siguro dahil wala na itong kasama sa loob ng mahabang panahon pero magiging masaya naman siya kapag dumating na ang kanyang reyna," tama naman ako diba? Makakalaya na ang Hari at magiging masaya na ito kapag dumating na ang kanyang mahal. "Oo apo sasagipin siya ng kanyang reyna at magmamahalan sila ng buong-buo," kaagad akung napatayo at tumalon-talon dahil magkakaroon ng happy ending ang Hari. Gustong-gusto ko talaga ang kwento na palaging happy ending at nagkakatuluyan ang mga bida. "At mananahimik na ang bruha dahil tapos na ang sumpa nito sa Hari at hindi na katatakutan ang mansiyon ng Hari dahil nandoon na ang reyna nito," Nagpagiwang-giwang pa ako habang masayang iniisip ang magandang ending ng Hari. "Pero alam mo ba apo kung hanggang saan ang kayang gawin ng pag-ibig?" doon ako napatigil sa pagtalon dahil sa tanong ni Lola. Ito ang gusto ko kay Lola dahil kahit bata pa ako minumulat na niya ako sa mga katotohanan dito sa mundo. Alam kung bata pa ako pero kapag kasi si Lola kasi ang kasama ko marami akung nalalaman sa kanya. "Mamahalin ko naman siya ng kanyang reyna kaya magiging masaya sila sa huli Lola at palaging happy ang ending!" malakas kung hiyaw at sunod-sunod na pumalakpak pero kaagad nawala ang ngiti ko sa mga labi ng makita ang malungkot na mukha ni Lola. "Bakit po Lola?" Hinawakan ako sa kamay ni Lola ng mahigpit sabay haplos sa aking pisngi. "Kung mahal mo ang isang tao handa kang masaktan at suportahan ito sa kanyang ikakaligaya at ikabubuti apo kaya palagi mo itong tandaan," kahit wala akung naintindihan sa sinabi ni Lola tumango nalang ako. "Halika uwi na tayo," Tumango ako kay Lola at humawak sa kanyang kamay habang naglalakad kami pauwi. Muling lumingon ako sa kinalalagyan namin kanina ni Lola at ngumiti ng matamis. Babalik ako dito kasama si Lola upang makinig ulit sa kanyang mga kwento. Simula ng araw na iyon halos araw-araw ko ng ipinapa kwento kay Lola ang kwentong iyon na tuluyang lumanon sa akin dahil sa magandang pag-iibigan nila at nasisiyahan ako dahil naging maganda ang kanilang wakas. Sa lahat ata ng nakwento ni Lola sa akin ito ang pinaka gusto ko na halos araw-araw ay nagpapakwento ako sa kanya. Bawat kataga ay kabisado ko na pero hindi parin ako nauumay sa kwentong ito. "Anak?" bigla akung napalingon ng marinig ang boses ni Mama habang nakaupo ako sa lupa at naglalaro ng mga laruan ko. Kaagad akung napangiti dahil baka nandito na si Lola. "Nandito na si Lola? Nasaan siya?" malakas kung hiyaw dahil sa excitement at syempre magpapakwento na naman ako sa kanya. Hindi ko na nga naligpit ang mga laruan ko at akmang tatakbo ako papasok ng bigla akung hinawakan ni Mama sa kamay at mapait na ngumiti. "Mama pupunta po ako kay Lola," saad ko sa nanay ko at akmang aalis ng bigla nalang ako nitong niyakap. Kaagad nawala ang mga ngiti ko sa labi ng marinig ang sunod-sunod na hikbi ni Mama. Hikbing magbabago ng buong ko "Wala na ang si Lola mo anak," ang salitang binitiwan ni Mama ay ang tuluyang nagpaguho ng buhay ko na kahit saan ako dalhin patuloy akung tumatangis dahil sa sakit ng pagkawala ng aking Lola.

editor-pick
Dreame-PD 추천픽

bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
539.1K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.6K
bc

SILENCE

read
386.7K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
349.4K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

The Billionaire's Obsession

read
3.1K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
84.3K

스캔하여 APP 다운로드하기

download_ios앱스토어
google icon
구글 플레이
Facebook