Chapter 11

1013
Nakatingin lang ako sa papalayong kotse ni Ysmael at sabi niya sa akin kapag may oras siya babalik siya dito upang singilin na naman ako o mas tamang sabihin na magpapaluto lang naman siya, ayos lang naman sa akin iyon kasi kung wala akung ibang ginagawa pwede naman siya dito at mabait naman siya at hindi masamang tao tsaka mabuti na at tumila na ang ulan ng umalis na siya. Ako naman ay pumasok nasa loob at naghugas ng plato at inayos ang kailangan kung ayusin kasi bukas may raket na naman ako tsaka medyo malaki ang kikitain ko bukas dahil malaking painting ang kanyang pinapagawa at kahit medyo mahirap ito kakayanin ko naman at sanay na ako sa kung ano man ang pinapagawa sa akin. Hanggang sa makatapos ako sa aking ginagawa mabilis akung pumasok sa loob ng aking silid at sinirado ang mga bintana kasi baka kung may pumasok dito at kung ano ang gawin sa akin. Bigla akung napahiga sa aking kama at bumalik na naman sa aking buong isipan ang nangyari doon sa isla at kung ano ang mga nangyayari doon at kung ano ang mga p*****n doon lalo na ang mga lalaki na kasama ng naka gintong mask at kung gaano ka galing ang lalaking iyon, sobrang galing niyang makipaglaban at kung ano ang ginagawa niya sa kanyang mga kalaban, wala siyang awa at magagawa niya kung ano man ang kanyang nais na gawin kita mo nagawa niyang tusukin ako ng syringe na nagbigay ng matinding kalbaryo sa buhay ko, halos araw-araw akala ko may humahabol sa akin na parang may nagmamasid sa akin at parang bawat galaw ko may nakatingin sa akin. Umiling nalang ako at pinilit ang aking sarili na matulog at kalimutan kung ano man ang nangyari kasi wala naman akung pakialam sa kanila at kung ano ang gagawin nila. Mabuti nga at hindi nila ako sinaktan ng mahuli nila ako at binigyan pa ako ng payong pero minsan nahuhuli ko sila na nakatingin lang sa akin pero hindi naman sila lumalapit pero naiilang ako dahil baka kung ano ang gawin nila sa akin. Kahit anong isip ko sa mga nangyari hindi kuna maibabalik kung ano ang dati at ang kailangan ko lang gawin ay mag-ingat at kalimutan kung ano man ang nangyari kasi kahit anong gawin hindi kuna mababago kung ano man ang nangyari at kung ano man ang naranasan at nakita ko doon. Hinayaan ko nalang ang aking sarili ng dahan-dahan na akung dalawin ng antok kasi ano pa ang hihintayin ko bukas maaga pa ako at kailangan ko pang magbayad ng upa ko sa aking gallery bukas baka kung ano na naman kasi ang sabihin ng matandang babae na iyon kung mahuli na naman ako. Katapusan na kasi ng buwan at siguro sa susunod na tatlong buwan lilisan na naman ako at hindi ko alam kung saan na naman akung lugar nito pupunta kasi palagi lang din naman nila akung nakikita at nahahabol kahit saan ako magpunta na parang kahit sobrang ingat kuna makikita at mahahanap parin nila ako. HABANG papasok ako sa bahay ng aking gagawan ng painting kaagad akung hinarang ng guard kaya bigla naman akung nagulat kasi bakit niya ako hinarang na alam naman niyang may gagawin ako sa lood. Napakamot ako sa aking ulo at tumingin sa guard kasi baka nagulat lang siya sa akin o baka nakalimutan niyang mga transaction ako dito. “Hindi ko pwedeng pumasok Maam,” mabilis na saad sa akin ng guard at itinaas pa ang lambat niya sa daan. Kaagad namang nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi at ako naman ay biglang naguluhan kasi naman kung ano na ang kanyang sinabi sa akin. “Sir may gagawin po ako sa loob ako po ang pintor na kinuha nila,” magiliw kung sagot sa kanilang guard pero parang walang emotion lang ang kanyang mukha at walang sinasabi sa akin at nanatiling nakatitig lang ito sa akin at wala naman akung ibang magawa kundi ang tumingin nalang din sa kanya. “Hindi na ikaw dahil ako na,” mabilis akung napatingin sa biglang nagsalita at bumungad sa akin ang mukha ng kinaiinisan kung saan walang iba kundi si Monica na ngayon ay nakangisi siya sa akin at inaasar pa ako nito. “Hindi ba nila sinabi sayo na ako na ang kanilang kinuha na bago at hindi na ikaw,” napakuyom nalang ako ng aking kamay dahil sa inis ko sa lintik na babaeng ito kundi gaguhin kung ano man ang aking ginagawa at kung ano ang trabaho ko. Kaklase ko kasi si Monica noon at matindin ang selos niya sa akin dahil ako ang Suma c*m Laude sa batch namin at hindi siya, hindi niya kasi matanggap na mas mataas ako sa kanya at natalo ko siya kaya ngayon gumagaw siya ng lahat-lahat upang gaguhin ang trabaho ko at hindi niya talaga ako tinatantanan. “Hindi ka naman magaling kaya ibigay muna sa akin ang trabaho na ito at alam naman natin na madami ka ng inagaw sa akin kaya deserve mo lang din na agawan din diba,” hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ng babaeng ito at nabulag na siya ng selos sa akin. Wala naman akung ginagawa sa kanya pero kung magselos siya sa kung ano ang meron ako sobrang tindi. “Ang sabihin mo naiinggit kalang sa akin at hindi mo matanggap na ang kagaya ko lang ang nakatalo sayo at isa pa ikaw ang walang kwenta sa ating dalawa!” malakas kung sigaw sa kanya at tinaasan ko lang siya ng kilay kasi kahit kunin niya pa ang customer ko ayos lang. “Ano pa ang ginagawa mo dito umalis kana,” sita ko sa kanya at inirapan ito sabay talikod ko kasi hindi ko gusto ng gulo o ano pa dahil sa sobrang sama ng ugali niya at wala akung pakialam sa kung ano man ang sabihin niya sadyang ayaw ko lang talaga ng gulo. Mabilis ko ng nilisan ang lugar na iyon at hinayaan nalang ang lintik na babaeng iyon. Tangina niya!
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작