Chapter 10

1077
Nagluluto ako ng adobong manok at naglalagay ng fries sa kawali habang si Ysmael naman ay nakatingin lang sa akin at mukhang binabantayan niya ako kung ano ang aking gagawin o ano ang sunod kung gagawin kasi bawat galaw ko sinusundan ng kanyang mga mata. Isang matamis na ngiti ang aking pinakawalan habang nakatingin siya sa akin. Mukhang ngayon palang kasi siya nakakakita ng babaeng nagluluto at talagang ang pwedeng kainin na hinihiwa ko ay kanyang kinain kaya mas lalo akung natauwa sa ugali ni Ysmael, mabuti nalang at isang mabait na tao ang tumulong sa akin kahit na ang lakas ng hangin niya sa kanyang ulo. “Masarap ba ang niluluto mo?” biglang tanong niya sa akin kaya pinatikman ko sa kanya ang niluluto ako actually ang kaunting sabaw lang ng adobo ang pinatikim ko sa kanya at biglang kumislap ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. “Ang sarap!” biglang saad niya at halata sa kanyang mukha ang saya habang tumatango pa ito. “Sandali nalang ito,” sagot ko sa kanya at kinuha ang fries na niluluto ko gagawin ko itong pang himagas mamaya pagkatapos na naming kumain. “Hindi kaba kumakain nito?” biglang tanong ko sa kanya kasi parang ngayon lang siya nakatikim ng adobo at dahan-dahan naman siyang umupo sa tabi ng mesa. “Kumakain naman ako ng ganyan lalo pa at gawa ng ma chief kaso hindi ko gusto ang mga luto nila parang nilalason ako,” hindi ko napigilan ang aking sarili dahil sa kanyang sinabi dahil sa salitang parang nilalason siya. “Masarap naman ang luto nila pero ako lang naman ang mag-isang kumakain sa bahay kaya hindi ko feel ang sarap niya,” ngayon mapapatunayan kuna mayaman nga ang lalaking ito dahil may chief siya at sobrang mahal naman ng binabayad sa chief kaya duda talaga ako lalo na at kung paano pa ito gumalang pang mayaman talaga. “Baka hindi ka masarapan sa luto ko dahil naka chief ka pala doon at hindi naman ako ganon kagaling sa pagluluto,” saad ko sa kanya sabay lagay ng aking mga niluto sa lalagyan at sumandok na ako ng kanin sa rice cooker, nilagay ko ito sa mesa at siya naman ay kaagad na umupo doon at hinintay kung ano ang aking sunod na gagawin, pero siya may hawak na itong kutsara at nakatingin nasa aking niluto at nilagay kuna nga ang fries sa mesa sabay upo nadin ng malagay ko ang malamig na tubig doon. “Kaya nga titikim ako ng ibang luto ng malaman ko kung ano ang mas masarap diba kaya huwag moa kung lasunin,” mabilis niyang saad sa akin kaya ako naman ay kinuha ang sandok at nilagyan siya sa plato habang tinitignan ko siya ng masama at siya naman ay napapangiti nalang. “Siguraduhin mo lang na masarap ito,” saad na naman niya at siya na mismo ang kumuha ng kanin niya sabay lagay nito sa kanyang plato. “Kung lalasunin kita sana hanggang ako namatay na dahil tumikim din ako,” saad ko sa kanya at ang aking sarili naman ang nilagyan ko ng kanin at ulam at kumain na ako na kanyan namang ginaya at kagaya ng inaasahan ko mukhang gutom nga siya dahil tuloy-tuloy lang ang kanyang pagkain at hindi na ito nagsasalita at mukhang hindi niya napapansin na pinagmamasdan ko siya at binabantayan. “Dahan-dahan lang,” natatawang sita ko sa kanya kasi ang bilis naman niyang kumain at parang nauubusan ito. Hinayaan ko nalang sita sa kanyang pagkain at kumain nalang din ako habang hindi nalang siya pinapansin kasi mukhang nasarapan ito sa luto at napadami ang kanyang kain. Hindi nagtagal at tapos na akung kumain habang siya hindi pa ito tapos at tuloy-tuloy parin siya sa kanyang pagkain ng manok at kanin kaya hinayaan ko nalang habang umiinom ako ng tubig, pasalamat nalang ako at ang kagaya niyang mabait na tao ang tumulong sa akin dahil kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa akin ngayon. Hindi muna ako nagligpit at hinihintay ko lang siya sa kanyang sunod na gagawin at mukhang tapos na siya dahil uminom na ito ng tubig at wala ng laman ang kanyang plato at naubos nadin ang niluto kung adobo para sa kanya. “Pwede na,” iyon lang kanyang sinabi kaya mabilis akung napatawa at napailing nalang sa kanyang sinabi pero ubos naman niya ang aking niluto. “Salamat sa dinner,” nakangiting saad niya sa akin at kaagad naman akung tumayo sa aking kinauupuan at niligpit ang mga plato sabay lagay nito sa lababo siguro mamaya nalang ako maghuhugas kapag umuwi na ang lalaking ito. “Salamat at nagustuhan mo,” sagot ko sa kanya at kaagad naman siyang tumango sabay tayo at uminom na naman ng tubig sabay ikot ng tingin niya sa loob ng aking kusena. “Ano nga pala ang trabaho mo?” mabilis niyang tanong sa akin kaya dahan-dahan ko namang binaba ang plato na aking hawak. “Painter ako,” mahina kung sagot sa kanya sabay ngiti. “Dumadayo ako sa ibang lugar upang mag-paint ng kahit paano may pera naman ako,” sagot ko sa kanya kaya kaagad naman siyang napatango sa akin. “Kung ganon ikaw ang mag gawa ng mga painting sa labas?” tanong niya naman sa akin kaya mabilis akung tumango dito. “Oo, iyan ang mga ginawa ko habang nagpapalipas ako ng oras at kapag may tira-tira akung mga painting,” sagot ko sa kanya at ngumiti. “May gallery naman ako kaso nalulugi na ito kasi matumal naman ang benta pero ayos lang naman ang mahalaga gumagawa ako ng paraan,” dagdag saad ko sa kanya sabay ngiti habang siya naman ay napatango nalang. “Maganda,” saad niya sa akin at dahan-dahan na itong luambas sa kusena kaya mabilis ko naman siyang sinundan at doon ang kanyang tungo sa aking mga painting na nakasabit sa pader at isa-isa niya itong tinignan. “Na sustain ba ng mga painting mo ang pang-araw-araw muna kailangan?” mabilis niyang tanong sa akin nahihiya naman akung sumagot sa kanya pero mukhang interested naman siya. “Sa totoo lang hindi dahil minsan lang naman may nagpapagawa sa akin kaya minsan hindi ako nakakabenta sa isang araw,” tumango na naman siya sa aking sinabi at tuloy parin ang kanyang tingin sa painting ko na hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga idea na ito.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작