Chapter 3

1044
Nakatingin ako sa kalawakan ng isla kung saan sinabi sa akin ng aking tauhan kanina na nandito daw nagtatago ang isang ambassador ng kalaban namin dito sa islang ito at kasama niya ang kanyang mga alagad at habang nakatingin ako sa kanya na duguan nagbabaga naman ang kanyang mga mata at kulang nalang patayin nila ako pero hindi naman niya magawa dahil napapalibutan siya ng aking mga tauhan at isang maling galaw lang talaga nila sabog ang kanilang mga ulo, talagang ako pa kasi ang kanilang kinalaban na alam naman nila ang kung ano ang aking kayang gawin kapag humuurang sila sa daraanan ko, sinabihan kuna ang kanilang boss na lumayo sila sa akin at wala kaming gulo pero anong ginawa ng gago nilang amo mas lalo pa nga niya akung kinalaban. “Sabihin mo nalang sa akin kung saan ngayon ang amo baka lang naman na buhayin kita diba,” nakangisi kung saad sa kanya habang tinignan ang kanyang mukha na punong-puno ng takot at nanginginig pa talaga siya. Dumaan lang ako dito sa isla na ito para patayin sila pupunta kasi ako sa bahay ng scientist na pinagaw ako ng liquid tattoo para siya na mismo ang magturok sa akin nito. Ang pinagawa ko kasi ay parang isang liquid na nakapg itinurok sayo magiging isang paru-paru na tattoo ito at kulay ginto na magiging susi sa lahat ng kailangan mo at isa ito sa magbibigay sayo ng tagumpay kaya madami ang humahabol at balak na agawin sa akin ito. Nag-iisa lang naman ito at hindi kana makakagawa ng ganito kasi wala na ang nag-iisang cheap na kailangan para magawa ito. “Huwag mo akung kaguhin Asher alam kung papatayin mo parin ak kahit sabihin ko pa sayo!” doon ako napatawa ng malakas sa kanyang sinabi kasi totoo naman talaga na kapag nakuha kuna ang sakit sa kanya papatayin ko din naman siya, ang kagaya niyang walang kwenta ay kailangang patayin at isa pa wala naman siyang ambag dito sa mundo. “Kung sa tingin mo panalo kana kasi nasa sayo ang tattoo na iyan nagkakamali ka dahil hanggang kamatayan hahabulin ka niya at hinding-hindi ka niya titigilan!” matatakot naba ako sa kanyang sinasabi kasi parang hindi manlang ako kinilabutan o ano. Sa dami ng taong gustong pumatay sa akin ngayon paba ako matatakot na makailang beses na akung nakakita ng imperno pero nandito padin ako at buhay. “Kaya sabihin mo nalang sa akin kung nasaan siya para naman may ambag ka sa akin tapos ikamusta mo nalang ako kay kamatayan sabihin mo matagal pa kami magkikita kaya hintayin niya ako kasi ako ang papalit sa kanya,” narinig ko ang pigil ng tawa ng aking mga tauhan sa sinabi ko na kahit ako natawa nadin sa aking sinabi. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at kahit ang kanyang mag tauhan ay nanginginig nadin. “Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niyo dito sa pangit na isla na ito o baka naman kapos kana sa pera kaya dito sa pipityuging isla ka nalang nakakapunta,” mas lalong bumakat ang galit sa kanyang mukha lalo na ng tumawa na talaga ang aking mga tauhan. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa kung iyon ang aking sinabi. “Hayop ka Asher!” malutong niyang mura sa akin at bakas doon ang galit at poot malamang makailang-beses ko ng napatay ang kanilang mga tauhan at wala manlang silang nagawa o makaganti sa akin. Kahit ilang beses niya pa akung murahin wala padin naman silang magagawa kaya ang mas mabuti pa ay tumahimik nalang sila. Umirap ako sa kanila at sumenyas sa aking mga tauhan na patayin na sila pero dahil sa mood kao ngayon bumalik ako at kinuha ang barel ng aking mga tauhan at ngumisi sa kanila. “Ilang bala ang gusto muna ipasok ko sa ulo mo?” mas lalo siyang namutla at nanginig ang kanyang katawan, wala na siyang matatakasan pa sa tingin niya bubuhayin ko pa siya, nagkakamali siya dahil kukunin ko din ang kanyang buhay at isusunod ko pa ang kanyang amo na ngayon ay nagtatago. “Magpa-alam kana gago,” iyon ang aking huling sinabi bago pa pinasabog ang kanyang ulo kasi kahit ano ang gawin ko alam kung hindi niya naman sasabihin sa akin kung nasaan ang kanyang mga amo kaya mas mabuti ng mapatay ko siya. Kaagad na dumanak ang dugo sa paligid at ang iba nito at tumalsik sa aking kamay at sa mukhang ng kanyang ibang mga tauhan. Hindi nagtagal sunod-sunod na putok ng barel ang umalingawngaw sa buong paligid ng sabay-sabay na silang pinagbabarel ng aking mga tauhan at pagkatpos ng ginawa nila malalim akung napabuntong hinga at binalik sa aking isang tauhan ang kanyang barel. Wala na akung panahon sa kagaya nilang mga walang kwenta at walang ibang ginawa kundi ang guluhin ang aking buhay ko, sino ba naman kasi sila para guluhin ako dito wala naman akung pakialam sa kanila kahit umiyak pa sila ng dugo. Sila ang kumakalaban sa akin kahit alam naman nilang buhay ang magiging kapalit ng ginagawa nila. “Umalis na tayo dito,” malamig kung saad sa aking mga tauhan kaya mabilis naman silang gumalaw at hinanda an gaming masasakyan pero hindi pa ako nakakasakay ng Helicopter ng may malakas na pagsabog akung narinig. “What the f**k!” malutong kung mura at mabilis na hinablot ang barel ng aking isang tauhan at tinignan ang may gawa nito ng makita ko ang ilang Helicopter na binobomba kami at sa isang iglap inulan na kami ng mga bala dito at wala akung ibang nagawa kundi ang magtago nalang sa mga bato kasi kapag lumabas ako tangina matatamaan ako. “Mukhang patibong ang lintik na ito Boss,” malutong na mura nng aking tauhan at mukhang tama ang kanyang sinabi na patibong ang lahat-lahat ng ito. Talagang idadamay nila ang lahat-lahat para lang makuha ang kanilang mga gusto at sa tingin nila mapapatay nila ako ng ganito nalang! Mahigpit akung napahawak sa aking barel at tinignan ang aking mga tauhan na ngayon ay hindi ko makikitaan ng takot bagkus ay galit at handa na silang pumatay na naman. Kaya ito ang gusto ko sa mga tauhan ko dahil kung ano ako katapang ganon din naman sila.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작