Chapter 4

1003
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko habang nakatago ako sa malalaking bato at napupuno ng luha ang aking buong mukha ng may mga armadong lalaki ang pumunta sa isla at hindi ko lubos akalain na dadanasin ko ang lintik na ito! Panay parin ang tulo ng luha ko habang nakikinig sa kung ano man ang nangyayari isama mo pa ang putukan sa paligid at ang hiyaw ng mga tao na namamatay, nabitiwan kuna ang hawak kung painting at paint brush dahil sa takot ang aking buong akala ay ligtas ang isla na ito at tahimik pero mukhang nagkakamali pala ako at mukhang buhay ko pa ang mawawala dito, tinakpan ko pa ang aking bibig habang nakikinig sa putukan at nanginginig ang aking buong katawan dahil sa takot na nadama ko. Para akung nasa world war habang nagtatago dito at hindi alam kung ano ang nangyayari. Panay pa ang punas ko ng aking luha habang humahalo dito ang aking pawis. May mga nagsisigawaan at rinig na rinig ko pa ang daing ng mga taong nawawalan ng buhay na mas lalong nagbigay sa akin ng dahilan upang matakot at matakot nalang. Hindi ko lubos akalain nasa tanang buhay ko mararamdaman ko ang bagay na ito! Tangina naman! May mga papalapit pana helicopter dito at panay tago nalang ako mukhang hindi naman kasi nila ako makikita dito sa laki ng bato at mukhang sa iba naman kasi ang kanilang pansin, bakit pa naman kasi ako napadpad sa lugar na ito! Kung alam ko lang na ito ang mangyayari sa akin sana hindi na ako pumunta dito! Nais ko lang namang gumawa ng magandang painting pero tangina ito pa ang mangyayari sa akin! Dahan-dahan na napatingin ako sa himpapawid kung saan pati ang aking buhok ay nililipad ng hangin dahil sa sobrang baba ng lipad ng chopper at binobomba nag buong isla. Tangina naman! Xenia kung alam mo lang na ito ang madadatnan mo dito sana nanahimik ka nalang sa bahay at doon gumawa ng painting pero dahil sa umalis ka ito pa ang nangyari sayo! Bakasyon lang naman sana ang aking pinunta dito upang makagawa ako ng magandang painting pero mukhang gyera pala ang aking pinunta dito. Gyera na tuluyang magwawakas sa aking buhay ng hindi ko nalalaman, dahan-dahan na tinakpan ko ang bibig ko ng may narinig akung yapak ng taong tumatakbo at dalangin kuna sana hindi niya ako makita pero isang malakas na putok ng barel ang narinig ko at ang pagka-tumba ng tao sa harapan ko mismo mabuti nalang napigilan ko ang aking sarili na huwag sumigaw sa nakita ko ng dahan-dahan na tumulo ang dugo sa kanyang bibig. Nakita pa ako nito dahil nakadilat ang kanyang mata pero mukhang mawawala naman ito ng buhay. Napahawak ako sa aking bibig habang nakatingin sa lalaking dahan-dahan na nawawalan ng buhay sa aking harapan at wala naman akung magagawa kundi ang huwga maingay kasi baka kung ano ang gawin nila sa akin, umagos pa lalo ang dugo sa kanyang bibig isama mo pa ang biglang pag-ubo nito at doon mas lalong lumabas ang madaming dugo. Ano ba kasi ang nagawa ko sa buhay ko at pinadanas sa akin ito! Dahan-dahan ko nalang na iniwas ang aking tingin sa lalaki at dahan-dahan na yumuko at pumikit upang wala akung makita at tanging tunog at putukan nalang ang aking naririnig. Ilang minuto pa ang narinig kung putukan hanggang sa sunod-sunod na pag-bomba ng buong lugar kaya dahan-dahan naman akung dumilat at naglakas loob na tumingin kung ano ang nangyayari at ng sumilip ako sa gillid ng bato may nakita akung lalaki na nakasuot ng gold mask at mabilis itong nakikipag-barilan sa kung sino man ang kanyang kalaban at ng sundan ko ng tingin ang nasa dulo nakita ko ang kanyang binabaril at sa bawat pitik niya ng gatilyo ng barel isang buhay ang kanyang nakukuha at mabilis naman akung bumalik sa aking kinauupuan habang hawak-hawak ang dibdib ko. Mas lalo lang akung napatakip sa aking tenga ng mas lalong lumakas ang putukan at nagsiliparan na ang mga missle at ibat-ibang pasabog na mukhang sisira sa buong lugar na ito. Hindi ko alam kung ilang luha na ang aking nagawa habang hindi alam kung ano ang gagawin ko pero ano paba ang magagawa ko kundi ang magtago nalang dito at maghintay kung hanggang kailan ito matapos at umalis sila, kung aalis paba sila dito kasi mukhang mas lalong tatagal pa ang kanilang barilan dito. Muli kung tinignan ang lalaki at mukhang wala na itong buhay dahil sa nakanganga nalang na parang isang hayop habang nakadilat ang kanyang mga mata. Nag lakad loob na naman ako sabay tingin ulit sa bato at doon nakita ko naman ang lalaki na may gold mask na walang awing pumapatay. Kanina noong wala pa ang mga nagliliparang helicopter dito ay lalaki na iyan ay walang awa niyang pinapatay ang mga nakagapos na tao at kahit siguro katiting na awa wala siyang pinakita at hindi ko naman naririnig kung ano ang kanilang usapa dahil sa malayo ako at naunahan na naman ako ng takot. Walang awa niyang pinapatay ang mga tao at isang bala lang ang kanilang ulo at walang bakas ng awa. Tinignan kuna naman ang lalaki at sobrang galing nitong lumaban at sobrang liksi naman kasi ng kanyang galaw. Kung siya ang papatay sa akin alam kung wala akung ligtas pero bakit naman niya ako papatayin na wala naman akung kasalanan at wala naman akung ginagawang masama. Dahan-dahan na nagtago na naman ako sa bato at mas mabuting dito nalang ako kasi kung lalabas ako baka kung makita nila ako at kung ano pa ang gawin nila sa akin. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan sabay upo at pinahid kuna naman ang aking luha dahil sa takot at baka kung ano ang mangyari sa akin kapag nagtagal ako dito pero kung lalabas naman ako baka isang pitik lang ng barel patay na naman ako kaya mas lalong sumakit ang aking puso. Kailangan kung makaligtas dito! Tangina naman!
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작