Chapter 8

1028
Naglalakad ako pauwi habang nakatulala at hindi ko alam kung ano ang aking sunod na gagawin habang nakatulala sa kadilam at tanging street lights lang ang nagbibigay ilaw sa akin at isama mo pa ang malamig na simoy ng hangin na yumayakap sa aking buong katawan. Iniisip ko kasi kung ano an gang mga nangyari at akung paano ako makakatakas pero mukhang kahit saan ako magpunta nakikita at nahahanap parin nila ako. Alam ko naman ang kanilang habol sa at sana sinabi nalang nila sa akin na kukunin nila at kung ano ang paraan haharapin ko hanggat hindi ako namamatay pero ang sundan ako ng sundan na parang isa silang stalker nakakasawa at nabibigyan ako ng sakit sa ulo at kaba sa dibdib. Napatingin ako sa isang street lights na aking nadaanan at kaagad akung tumingin doon kung saan maraming lumilipad na insekto doon at masakit naman sa mata kapag tumagal ang iyong titig habang ako naman ay hindi parin alam kung ano ang gagawin ko. Kahit sino naman siguro makakabahan sa kanilang ginagawa na kapag nakakakita ako ng mga naka tuxedo para akung baliw na tumatakbo at lumalayo kahit hindi naman sila, pilit ko ngang kinakalimutan kung ano ang dinanas ko at kung ano ang aking nakita doon pero pilit parin nilang pinapaalala sa akin dahil sa kanilang paghahabol at pagsunod sa akin. Malalim akung napabuntong hininga na hindi ko alam kung ano ang aking gagawin kundi ang matahimik nalang at habang naglalakad ako may narinig akung nagtatawanan at huli kuna napansin na mga lasing itong nakaupo sa tabi ng daan at nag-iinoman kahit na basang-basa sila ng ulan at mas lalo akung napamura sa aking sarili ng makita silang nakatingin sa akin. Minalas na ako kanina pero minalas na naman ako ngayon! At dahil sa fully occupied na ang aking buong utak hindi kuna alam kung ano ang gagawin ko at hindi ko pa napansin ang mga hayop na ito na nandito pala sila sa daan. Humigpit ang hawak ko sa aking kamay at napalunok ng sunod-sunod ng magkatingingan sila habang nakangisi sa akin at dahan-dahan pa silang tumayo na dalawa habang ako naman ay dahan-dahan na napaurong pero ang mata ko ay nasa kanila parin at para parin akung baliw dito na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko lalo pa at natulos na ako dito sa aking kinatatayuan at napupuno ng matinding takot ang aking buong puso. “Miss mukhang gusto mo atang sumama sa amin dahil dumaan ka dito,” natatawang saad ng isa sa kanila habang dahan-dahan na lumalapit ito sa akin at nakakahiya man aminin pero hindi ako marunong lumaban at hindi ko alam kung paano lumaban ni hindi ko alam kung ano ang aking gagawin ngayon, kahit na lasing sila wala akung laban sa kanila at wala akung magagawa lalo pa at nasa lima sila. “Napadaan lang naman po ako dito,” mahina kung sagot sa kanya habang nanginginig ang aking boses at sobrang halata sa boses ko ang takot at kaba habang sumasagot ako lalo na sa mukha ko halata ang sobrang pagod. “Hindi ka napadaan lang dito dahil talagang gusto mo kaming makasama diba?” hindi ko napansin at nasa likod kuna ang isa habang nakahawak sa aking balikat at ako naman ay napaigtad at lumayo doon na mas lalong nagbigay ng dahilan upang matawa ang lalaki sa akin at kinindatan pa ako nito. “Sumama kana sa amin kung ayaw muna patayin kita,” sunod-sunod na napalunok ako sa kanyang sinabi at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin habang nakatingin sa kanila. “Alam muna kung ano ang gagawin ko kaya sumama kana, hindi ka madadala sa maayos na usapan kung ganon sa paspasan kaya gumalaw kana at sumama sa amin!” biglang hinawakan nito ng sobrang higpit ang aking kamay at sobrang sama ng kanyang tingin sa akin habang nanginginig ang aking buong katawan. “Hindi ako sasama sa inyo!” malakas kung sigaw at inagaw ang kamay ko pero mabilis na hinawakan niya ang aking panga at sobrang sama ng kanyang tingin sa akin isama mo pa ang amoy nitong alak. “Ano ba! Isusumbong ko kayo sa pulis!” malakas kung saan pero kaagad niyang hinawakan lalo ng malakas ang aking panga. f**k! Wala akung laban sa kanila kahit na ano ang gawin ko kasi ang lalaki nila at ang apat na lalaki ay nakangisi lang sa akin habang nakatingin sila na mukhang nag-eenjoy pa sila sa kanilang nakikita. “Sasama ka o papatayin kita!” may diing saad niya at pinandilatan ako ng kanyang mata at doon mas lalo akung natakot sa kanya ng tinutukan niya ng kutsilyo ang aking tagiliran. Ramdam ko ang tulis ng kutsilyo sa aking tagiliran at kaunting galaw ko lang alam kung masusugatan na ako. “Lakad!” sigaw niya sa akin at mukhang minalas nga talaga ako ng sobra-sobra dahil wala manlang dumadaan na tao dito o kahit sino wala lalo pa at katitila lang ng ulan kaya walang dumadaan at walang nakakapansin sa amin dito at kahit na labag sa loob ko dahan-dahan akung naglakad at nanginginig pa ang aking buong katawan. “Hindi siya sasama sayo gago,” doon bigla akung napatingin sa nagsalita at nakita ko ang isang lalaki naka tuxedo at nakangiti sa akin at hindi ko naman siya kilala at sobrang sama ng tingin niya sa mga lalaking may hawak sa akin. “Not in my sight asshole!” binaba niya ang kanyang hawak na bag at pati nadin ang kanyang payong habang hindi mawari ang kanyang tingin. Ako naman ay dahan-dahan na napalunok ng hinubad niya ang tuxedo niya at ang kanyang polo nalang ang natira at mabilis niya itong itinaas habang nakatingin sa akin. “Ako muna ang kalabanin niyo bago niyo siya mahawakan,” may diin niyang sagot sabay hawak sa kanyang leeg. “Kapag natalo niyo ako bibilhan ko pa kayo ng beer kaya tara na,” biglang tumingin sa akin ang lalaki at kinindatan ako pero bago pa ako maka react mabilis na siyang sinugod ng mga lalaki at sa gulat ko natumba ako sa semento dahil sa galing nitong lumaban. Damn!
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작