1- Richard

1027
*RECAP* After graduating in high school nang nalaman ni Chard na panganay na kapatid niya pala si Alek, ang unang naging asawa ni Princess, ang babaeng pinakamamahal niya. Sa kasamaang palad ay nauwi sa annulment ang kasal ni Alek at Princess dahil sa panloloko, pagsisinungaling at pambababae nito. At saksi si Chard sa nangyari sa kanilang dalawa. Afterward ay nag-proceed si Chard sa medical school at dahil madalas siya bumisita sa restaurant na pagmamay-ari ng mother niya ay naging mag-kaibigan sila ni Geon na naging pangalawang asawa naman ni Princess. Ngunit ang pagmamahalan ng dalawa ay nauwi sa malungkot at masaklap na trahedya dahil namatay si Geon sa isang car accident na hindi nila lahat inaasahan. Pinilit niyang habulin si Princess pero ito na mismo ang umiiwas sa kaniya. Ilan taon niya ito hinabol pero walang nangyari sa kanilang dalawa. Kaya naman for four years ay nag-aral siya nang mabuti at doon niya nakilala si Axel na pasyente niya na naging kaibigan din niya nang one time bumisita ito sa Pilipinas hanggang sa nakatapos siya sa kursong Nurse. Pero ang koneksiyon niya at ni Axel ay hindi nawala dahil madalas humihingi ito nang payo sa kaniya tungkol sa kalusugan nito na maayos naman niyang sinasagot. Naging close sila lalo dahil madalas ay nagku-kwentuhan sila about sa mga nangyari sa buhay nila at doon niya nalaman ang tungkol sa pagpapakasal nito kay Princess. Masakit para sa kaniya na marinig muli na ikakasal ang pinakamamahal niyang babae sa ibang lalaki kaya gumawa siya nang paraan para pigilan ito pero huli na ang lahat dahil naikasal na ang dalawa. Ganunpaman ay gumawa siya nang paraan to talk to her at least and explain his side but then, nawala sila ulit ng connection without knowing that Axel and Princess got divorced dahil sa kaniya na nalaman naman niya sa kaibigan na si Rachel. Everything seems unfortunate for him na naging dahilan kung bakit halos sumuko na siya pero kahit anong gawin niya ay hindi niya maalis sa isipan niya ang itsura ni Princess. Pagkatapos ay nakapasa siya nang board exam kaya nag-proceed siya sa pag-aaral as a Medical Doctor. Four years ang ginugol niya ulit sa pag-aaral para lang makapag-doctorate. He tried so hard to take off Princess in his mind by being so busy sa hospital na halos doon na siya nakatira. He literally disconnected himself sa mga news or whatsoever sa paligid niya dahil nothing interest him anymore after what happened. His elder brother, Alek even tried to talk some sense on him pero nang makita niya si Princess na successful na sa pinili nitong landas ay lalo siya natakot na lapitan ito. At mas pinili na lang niya na tumandang lalaki dahil wala na siyang ibang makita na katulad ni Princess. He felt like Princess is the one that got away niya at wala na siyang magagawa pa to take her back, that’s what he thought. Afterwards, itinuon na lang niya ang kaniyang panahon at oras sa pagiging orthopedic surgeon at General doctor all at the same time. May mga babaeng lumalapit sa kaniya pero hindi niya ine-entertain ang mga ito. Siya na mismo ang umiiwas o nagsasabi na 'hindi ako interesado'. Kaya naman naging usap-usapan sa buong hospital kung saan siya nagtatrabaho na isa siyang isnabero at antipatiko. Pero whenever he went home sa tinutuluyan na apartment ay bigla na lang siya umiiyak dahil naiisip niya ang babaeng gustong-gusto niya kahit na kumakain siya, naliligo, o bago matulog sa gabi. Princess will always be in his mind kahit na sobrang sakit nang malaman niya na nali-link ito sa panibagong lalaki nang isang beses he tried his luck to get her again. — — — Pero ang hindi niya alam ay never naging sila dahil hindi gusto ni Princess ang bago niyang manliligaw. Ngunit hindi na niya iyon nalaman pa dahil he never open his ears again sa kung anuman bagay na hindi siya involve. Pagsapit ng umaga, gigising siya na malungkot, nag-iisa at wala man lang nagmamahal sa kaniya. Then, naalala niya ang pag-uusap niya at ng mother niya. ... "Richard Danverson!!!" sigaw ni Sophia nang buksan niya ang pinto at nakita niya ang bunsong anak. Kaagad na napatigil sa pagsusulat si Chard nang marinig niya ang buong pangalan niya. Tumingala siya at nakita niya ang mother niya na matalim ang tingin sa kaniya. "Mom?" "Mom?" ulit na sabi ni Sophia at isinara niya ang pinto para makausap ang anak ng masinsinan. "Tama ang Kuya mo. You came back. Pero bakit hindi ka na bumalik sa bahay? Ano, kaya mo na ang sarili mo ngayon porket nakatapos ka ng pag-aaral? At nakapag-doctor ka? Baka nakakalimutan mo kung sino ang nagpaaral sa 'yo," galit na galit na panunumbat niya. Nagkasalubong naman ang dalawang kilay ni Chard sa mga pinagsasasabi nang mother niya. "Hindi ba pwedeng gusto lang makapag-isa?" seryosong sambit niya without looking anywhere but to his mother's eyes. "W-what? Gusto mo makapag-isa?" tanong ni Sophia na hindi makapaniwala sa sinabi nang anak. "Tama ang narinig ninyo, Mom. Gusto ko makapag-isa. Bawal po ba 'yun?" maayos na sambit ni Chard. "N-no. I mean—yes! No, no. Teka!" nalilitong sagot ni Sophia when she shook her head. "Sabihin mo nga sa akin, bakit gusto mo makapag-isa?" "Kasi, Mom, matanda na ako. Gusto ko maranasan mamuhay mag-isa ngayon na nawala na sa akin ang lahat," makahulugan na paliwanag na sabi ni Chard. "Nawala na sa iyo ang lahat? What do you mean?" nagtatakang tanong ni Sophia. "Kung ano ang sinabi ko, that is what it is," malungkot na sagot ni Chard at bumalik na siya ulit sa pagsusulat. "Nagtagpo ba kayo ni Princess Lorainne?" malumanay na tanong ni Sophia nang maramdaman niya ang lungkot sa boses ng bunsong anak. "Oo. At masaya na siya ngayon. Wala na talaga ako pag-asa sa kaniya. Tanggap ko na," tugon ni Chard calmly pero deep inside him ay nasasaktan na naman siya ngayon na naalala niya si Princess na ikakasal na naman sa ibang lalaki instead of him. At dahil doon ay nanahimik si Sophia na tinignan lang ang kaniyang anak na halatang nasaktan sa pagkawala ni Princess sa buhay nito. ... Itutuloy...
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작