Apoy 6

2147
BUMUNGAD kina Honoo ang kalunos-lunos na sinapit ng mga taga-Gomi nang makabalik muli sila rito. Makikitang umuusok pa nga ang malaking bahagi ng lugar dahil sa sunog na naganap doon. Nagkalat din ang mga katawang nasunog sa paligid, mga wala ng buhay ang mga ito. May ilan nga ring hati ang katawan at mayroon ding mga puno ng sugat na dulot ng espada. Kalunos-lunos sa paningin ang mga bangkay na nagkalat sa lugar na iyon.   "Kasalanan n'yo ito!" Napalingon silang apat nang may ilang nagsalita mula sa likuran nila. Nasa sampu sila at sira-sira ang damit. Puno rin ang mga ito ng sugat at duguan. May buhat pa nga ang isa na sanggol at may dalawang walang saplot na mga bata sa tabi nito.   "Kung hindi n'yo sana sinuway ang batas ng mga Duragon, tahimik pa sana ang pamumuhay namin dito! Dapat ay kayo ang sumalo ng kanilang parusa at hindi kami!"   Napakuyom ng palad si Honoo sa mga narinig. Seryoso nga niyang tiningnan ang direksyon kung saan ay makikita ang mataas na pader ng Ken.   "S-saan ka pupunta Honoo?" tanong ni Erza nang seryosong naglakad si Honoo.   "Sa Ken. Para ipakita sa kanilang hindi lahat ng nakatira rito ay mauuto nila," sambit ni Honoo at isang imbisibol na pwersa ang biglang kumawala mula sa katawan nito.   Napangisi naman si Argus at sumunod sa binata. Sumunod din nga si Ezel dito habang napasulyap naman saglit si Erza sa mga taga-Gomi. Napailing na nga lang siya at pagkatapos ay sumunod sa tatlong kasama.   "Saan ang daan papasok sa Ken?" tanong ni Honoo sa mga kasama.   "Sumunod kayo sa akin," ani naman ni Argus. Doon nga'y naglakad sila ng ilang minuto hanggang sa makarating sila sa harapan ng isang malaki at mataas na bakal na tarangkahan.   "Mga taga-Gomi! Sino ang nagbigay karapatan sa inyo na lumapit sa pasukan ng Ken?" Isang kawal agad ang lumapit sa kanila. Nagsuot naman ng maskara si Argus bago pa ito makalapit sa kanila. Tila itinatago niya ang itsura niya sa hindi malamang dahilan.   "Binigyan ko ng karapatan ang sarili ko. Bakit? May angal ka?" seryosong tugon ni Honoo. Napalunok tuloy ng laway ang magkapatid dahil sa tagal na nilang namumuhay sa Gomi ay ngayon lang sila makakaranas na sumuway sa mga taga-Ken. Napangisi naman si Argus sa likod ng maskara niya dahil doon kaya naasar ang kawal at agad hinugot ang espada nito.   Isang mabilis na paghugot din ng espada ang isinagot ni Honoo rito. Nanlaki bigla ang mata ng kawal dahil doon. Hindi man lang kasi niya namalayang naputol na pala kaagad ang talim ng kanyang espada. Napaupo rin ito dahil sa takot habang nakatingin sa seryosong binata na nasa kanyang harapan.   "A-ang lakas ng loob n'yo. H-humanda kayo..." Kahit kinabahan ay nagawa pa ring makuha ng kawal ang isang maliit na torotot mula sa bulsa niya at agad pinatunog. Nagngising demonyo pa ito matapos iyon.   "Maghanda na kayo ngayon! Papabagsakin kayo ng mga kawal ng Ke---" Pero napahinto ang kawal sa sasabihin nito nang itutok ni Honoo ang dulo ng espada niya sa noo nito.   "Isa pang salita mula sa bibig mo, ibabaon ko ito nang walang pag-aalinlangan!" nakangising sinabi ng binata. Nanginig naman dahil sa takot ang kawal at nagkangitian naman ang magkapatid na nasa likuran niya.   Nilingon naman ni Honoo si Argus. "Lolo, ayos lang bang wasakin ko ang tarangkahang ito?"   Tumango naman si Argus. "Sige, napakakapal niyan at purong bakal... Napakatibay niyan, pero ikaw ang bahala."   "Ang tatapang nin---" Biglang nagsalita ang kawal kaya ginawa nga ni Honoo ang sinabi niya. Nawalan kaagad ng malay ang kawal dahil doon.   "Pasalamat ka dahil hindi ko talaga ibinaon sa ulo mo ang espada ko." Nakangisi pa ang binata matapos hugutin mula sa lupa ang espada niya. Pagkatapos noon ay seryoso niyang pinagmasdan ang tarangkahan. Tiningnan niya saglit ang kanyang sandata at ikinalma ang kanyang sarili.   "Hikin! Gawin na natin!" Isang mataas na talon ang ginawa ni Honoo. Iniwasiwas niya nga sa hangin ang espada niya na bumuo ng malaking ekis na dumiretso papunta sa kanyang target. Kasunod nga noon ay ang pagkahati ng tarangkahan sa apat na bahagi.   Nanlaki ang mata nina Ezel at Erza sa kanilang nasaksihan. Si Argus naman ay napangisi dahil doon. Sa paglapag nga ni Honoo sa lupa ay siya namang pagbagsak ng tarangkahan. Nayanig noon ang buong paligid at ang karamihan sa mga kawal ng Ken ay naalarma sa nangyari.   Sa pagkawala ng usok sa paligid ay ang pagbungad ng mga kawal na nakatulala sa nangyari sa kanilang tarangkahan. Hindi sila makapaniwala sa mga nangyari. Iyon tuloy ang naging dahilan upang madali silang matalo ng apat na bisita mula sa Gomi. Ang kanilang pagkagulat ang ginamit na pagkakataon ng apat. Gamit ang kanilang mga sandata ay pinabagsak nila ang mga naroon.   "Magaling... Nakapasok na tayo sa Ken," ani Argus matapos pabagsakin nang sabay-sabay ang nasa dalawampung kawal gamit lamang ang isang tira.   *****   ISANG malakas na tunog ng gong ang umalingawngaw sa loob ng Ken. Maraming mamamayan ng Ken ang nataranta dahil doon at marami sa mga alipin nila ay naiwanan nila. Senyales kasi ang tunog na iyon na may mga kalabang pumasok sa kanilang lugar. Takot na takot naman nga ang mga inaliping taga-Gomi dahil sa wala silang ideya sa mga nangyayari.   Mula sa timog ng Ken, nandoon ang napakaraming kawal na nakalupasay sa lupa. Wala silang magawa sa p'wersa ng apat na taga-Gomi na pumasok sa loob ng wala nilang pahintulot.   "Kailangan na natin ng mga Zodiac dito! Pambihira ang kakayahan ng mga ito! Bilisan n'yo! Sabihan n'yo agad ang palasyo!" sigaw ng isa sa mga mandirigma na nakakubli sa isang mataas na bahay habang pinapanood ang isa-isang pagbagsak ng kanyang mga kasamahan.   Patuloy pa rin sina Honoo sa pag-usad at wala ni isa sa mga kawal ang makatalo sa kanila.   "Iyon ba ang palasyo?" Napatingin si Honoo sa isang mataas na istruktura na tila espada kung titingnan mula sa itaas at nasa isang nakaangat na lupa sa gitna ng Ken ito.   "Iyon nga iho! Malayo-layo pa tayo at marami pang mga kalaban ang ating patutumbahin," ani naman ni Argus na nagpakawala ng malakas na atake, bagsak nga ang limang mga kawal at nahati sa dalawa ang mga bahay sa paligid.   Samantala.   "Ang lakas ng loob ninyo mga alipin!" Isang malakas na atake ang ginawa ni Marco papunta kay Ezel. Lumikha nga iyon ng matalas na hangin. Pero kumpara noon, ibang kapatid ni Erza ang kinaharap niya.   "Humanda ka! Hindi na ako tulad ng dati!" seryosong sinabi ni Ezel at nagliwanag ang espada niya.   "Turuan natin siya ng leksyon... Gyaku!" Sinalag ni Ezel ang tirang ginawa ni Marco. Isang malakas na wasiwas ang isinagot niya roon at kumawala mula sa kanyang kinatatayuan ang isa ring malakas na hangin. Kasunod noon ay ang pagbalik ng tira ni Marco na tatama sana sa kanya.   "Hi-hindihhhh!" napasigaw na lang si Marco nang direktang tumama sa katawan niya ang sariling atake. Bumulwak ang napakaraming dugo mula sa dibdib niya hanggang sa tuluyan siyang bumagsak.   Habang, bawat matamaan naman ni Erza ay nagiging yelo. Kasabay rin noon ay ang pagwasak niya sa mga kadenang nasa leeg ng mga aliping nakikita niya. Hindi nga makapaniwala ang mga ito sa mga nangyayari. Nabuhay kasi ang mga ito sa paniniwalang alipin na sila magmula nang malagyan sila ng kadena... Pero heto at pinapakawalan sila ng apat na nagmula sa impyernong nakagisnan nila. Marami ang hindi maiwasang napaiyak sa mga nangyayari at agad din silang nagtatakbuhan palayo. Marami ang biglang nagkaroon ng pag-asa dahil sa pagkawala ng kanilang kadena, pero mayroon ding hindi.   "Sadya bang mahihina ang mga kawal dito?" nakangising tanong ni Honoo.   "Siguro'y gano'n nga. Nabuhay ang mga taga-Ken na tinitingalang malakas pero iyon ang nagbigay ng kahinaan sa kanila. Akala nila, habambuhay nang walang susuway sa kanila," sagot naman ni Argus.   "Pero, nagkamali sila!" nagliwanag ang espada ni Honoo pagkasabi niya noon. Tumalon siya at buong lakas na iwinasiwas sa ere ang talim ng kanyang sandata.   "Ngayon na Hikin!" Lumikha iyon ng maraming matatalas na hangin. Bumulusok iyon paibaba at dumiretso sa mga kawal ng Ken, at sabay-sabay ang mga itong nagtalsikan palayo.   PATULOY silang apat sa pag-usad at wala pa ring makapigil sa kanila. Narating na rin nga nila ang plaza ng kaharian. Doon nga ay bumungad sa kanila ang marami pang mga kawal na pinangungunahan ng mga may suot ng kumikislap na baluti at may mga dala pang kalasag. Nasa dalawampu ang mga ito at mukhang sila ang malalakas na pinuno ng mga hukbong nakaabang sa kanilang apat.   "Ang mga Heneral. Talagang ayaw pa nilang ipadala ang mga Zodiac. Iniisip pa rin nilang mahihina kami..." sabi ni Argus sa sarili habang nakatingin sa tatlo pa niyang kasama.   "Wala na bang matibay na kalaban!?" malakas namang sigaw ni Honoo na nagpainit ng ulo sa mga kawal sa harapan nila.   Isa naman sa mga Heneral ang lumapit sa apat. Kalmado lang ito at seryosong tiningnan si Honoo.   "Bata! Ba't hindi mo ako subukan?" nakangising tanong nito. "Umatras muna tayo. Mukhang hinahamon ni Inazuma si Honoo," mahinang sabi ni Argus sa magkapatid. Kilala niya ang heneral na iyon at masasabi niyang malakas ito.   "Sige! Hindi kita uurungan!" Pagkasabi noon ni Honoo ay naghiyawan ang mga taga-Ken para suportahan ang kanilang heneral.   "Hunanda kayo mga walang k'wentang taga-Gomi! Ang lakas ng loob n'yo! Ngayon, makikita na ninyo si Kamatayan!" sigaw ng karamihan at pinagtawanan nila ang apat.   *****   NAGULAT si Honoo nang biglang maglaho ang heneral sa harapan niya. Mabilis naman niyang inilibot ang kanyang tingin pero hindi niya makita kung saan ito nagpunta.   "Tikman mo ngayon ang galit ni Raiko!" Mula sa langit, isang malakas at malaking kidlat ang bumagsak papunta kay Honoo. Lumikha iyon ng malakas na pagsabog at naghiyawan sa tuwa ang lahat ng kawal. Nakangising demonyo naman ang heneral na nasa ere nang mga sandaling iyon. Sa lakas ng atake niya ay tiyak na hindi nakaligtas ang binatang nasa ibaba niya.   "H-honoo?" Kinabahan naman si Erza sa bilis ng mga nangyari.   "Patay ka ngayon... Inazuma." Napangiti na lang si Argus habang nakasampay sa balikat niya ang espada na kanyang hawak.   Nakangisi ngang lumitaw sa harapan ni Inazuma si Honoo na wala man lang kahit isang galos. "Iyon na ba ang pinagmamalaki mo?"   "P-paan---" Hindi na naituloy ng heneral ang sasabihin niya nang tumama sa kanya ang malalakas na atake ng binata mula sa iba't ibang direksyon. Bumagsak sa lupa si Inazuma na basag ang baluti at kalasag. Putol din ang espada nito at lumiligo sa sariling dugo ang katawan sa pagbagsak nito.   Nanlaki ang mga mata ng mga kawal ng Ken. Kinilabutan sila sa kanilang nakita. Nakaramdam nga sila ng takot, pati na rin ang mga heneral nilang kasama dahil hindi nila akalaing ang isa sa pinakamalakas na heneral nila ay ganoon lang kadali matatalo ng ekstranghero na pumasok na lamang bigla sa loob ng kanilang kaharian.   "A-ang galing..." nasabi na lang ni Ezel. Halos mapaiyak naman si Erza sa ipinakita ng binata.   "Sino pang lalaban?" seryosong tanong ni Honoo. Wala namang nagsalita sa mga kawal, bagkus ay nagtakbuhan ang mga ito palayo. Subalit nabigla sila sa sumunod na mga nangyari... Biglang nagliyab ang mga nagtakbuhang kawal. Ang ilan naman sa mga iyon ay nilamon ng lupa. Ang iba ay hinigop ng ipo-ipo at ang natira ay nalunod dahil sa isang malaking alon ng tubig na hindi malaman kung saan nagmula. Lahat ng mga kawal na iyon ay namatay, pati ang mga heneral na naabutan ng mga elemental na kapangyarihang iyon.   "A-ang mga Duragon..." nasambit ni Erza ay bahagya siyang napaatras dahil sa takot. Apat na lalaking may mga edad na ang mga iyon. Nakasuot sila ng gintong baluti at akay-akay ang bawat isa ng kani-kanilang aliping taga-Gomi, na kahit nahihirapan ay tuloy lang sa paglakad huwag lang silang maglakad. Tila mga hayop naman nga ang mga naggagandahang kababaihang walang saplot na nakasunod sa kanila habang hila-hila ang kadena ng mga ito.   "Mga mahihina! Tama lang na patayin namin kayo..." wika ng isa sa mga Duragon.   "Mga Zodiac, gusto kong pahirapan n'yo sila at huwag n'yo munang papatayin," sabi naman ng isa sa mga Duragon. Kasunod noon ay ang paglitaw ng labing-isang mandirigmang may kanya-kanyang porma. Sila ay ang mga Zodiac, ang tagapagbantay ng apat na Duragon.   "Hindi ko kayo uurungan!" seryosong sabi naman ni Honoo at nagliyab ang determinasyon niya. Nakaramdam din siya ng galit nang makita ang mga Duragon kasama ang mga alipin nito.   "Humanda kayo. Mapapalaban na talaga tayo," paalala naman ni Argus sa tatlo. Isa na itong seryosong laban at hindi na ito basta-basta.   Kumawala bigla ang malakas na hangin sa plaza ng Ken. Biglang nabalot din ng itim na ulap ang kalangitan at nagkidlatan sa iba’t ibang lugar matapos iyon. Bumigat din ang tensyon ang paligid. Kasunod noon ay ang pagliliwanag ng espada ng bawat isa.   "Sugod na... mga Zodiac!" utos ng isa sa mga Duragon.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작