Episode 10 Part II

3511
Siguro nga kahit hindi naging maganda ang unang pagkikita namin ni Paxton ay gusto ko parin sya makita, tama si Demon hindi lang paghanga ang meron ako sa kaibigan nya, inamin ko na naman sa sarili ko na nahulog na ang loob k okay Paxton kahit hindi ko pa sya ganun kakilala. At dahil sa alok ni Demon, hindi na ako nagdalawang isip na sumama sa kanya kahit binilin sa akin ni Kuya na wag akong aalis ng bahay ng walang paalam sa kanya. PEro pag si Paxton ang usapan nakakalimutan ko ang mga bawal sa akin. Mabilis akong nagbihis at after nun ay umalis na kami ni Demon sa Village naming. Habang nasa byahe kami maraming nakwento si Demon sa akin at wala na rin akong nagawa dahil napaamin ako ni Demon sa tunay na nararamdaman ko kay Paxton. Habang nasa byahe kami ay panay ang asar nya sa akin, may ilan pa nga na may sinasabi sya na hindi ko naman magets at ayaw naman nyang i-explain sa akin. Ilang oras na byahe ng tumigil ang kotse ni Demon sa tapat ng isang malaking bahay na may mga maraming sasakyan na nakaparada. "Touch down, ready ka na ba?" tanong ni Demon sa akin na ngiting ikinatango ko. Sabay kaming lumabas ng kotse ni Demon at sumunod nalang ako sa kanyang likuran habang papasok kami sa malaking bahay. Nang makapasok kami sa loob ay narinig ko nalang ang pag-bati ni Demon na ikinalingon ko at ganun nalang ang bahagyang pagtigil ng hinga ko ng makita ng mga mata ko si Paxton na nakatayo di kalayuan sa akin at may kasamang dalawang lalaki at isa doon ay kamukhang-kamukha ni Demon. "Where's the other Boss Taz?" tanong ni Demon na ikinalingon ko sa isang gwapong lalaki na may tinuturo na sinundan ng tingin ni Demon "Tapos na agad ang meeting?" tanong pa ni Demon "The wives do the meeting, the others are n the garden to have some drink." Sagot ng kamukha ni Demon na ikinalingon ko dito at kahit nakakunot ang noon yang nakatingin sa akin ay binigyan ko sya ng matamis na ngiti Kambal nga sya ni Demon pero nakikita ko na malaki ang pagkakaiba nilang dalawa, bigla akong naexcite na makilala din sya tulad ni Demon. "Bakit kasama mo sya?" Muling napalingon ako kay Paxton na tulad ng nakita ko sa mga mata nya ng marinig nya ang pangalan ko ay nakikita ko ulit ngayon, walang emosyon. Rinig kong sinagot sya ni Demon na kita kong lalo nyang ikinawalan ng emosyon sa mga mata ng marinig nya ulit ang pangalan ko. "I told you don't call her by that na---" "Tanya? You're name is Tanya?" Sabay kaming napalingon ni Demon sa lalaking tinawag ni Demon sa pangalang Taz na ikinatigil naman ni Paxton sa mga sasabihin nya na wala sa sariling ikinatango ko "O-oo, Tanya Irish Petrovic ang pangalan ko. He-hello sa inyo." Pagpapakilala ko na ikinalingon nung Taz kay Paxton na wala nang imik sa kinatatayuan nito. "Sinama ko si Tanya para magkakilanlan naman sila ng mabuti ni Paxton, you yell at her last night right? You need to apologize to my friend Paxton." Ngising sambit ni Demon na kita kong walang emosyong ikinatitig ni Paxton kay Demon. "I think I found that woman Paxton, you really loved the name Tanya aren't you?Same name but different person, destiny can play well huh!" Pahayag nung Taz na ngising ikinaalis nito sa harapan naming na walang imik na ikinasunod ni Paxton dito na bahagya kong ikinalungkot. Bakit ba malaki ang epekto ng pangalan ko kay Paxton? Ano ba talagang problema niya sa pangalan ko? "Kakayanin mo ba Tanya? Mukhang mahihirapan ka sa isang 'yun." Tanong ni Demon sa akin na ikinangiti ko nalang "Komplikado nga syang kilalanin pero dahil sa komplikadong 'yun mas gusto kong mapalapit sa kanya." "Did we met somewhere?" biglang tanong ng kambal ni Demo na sabay naming ikinalingon sa kanya Si Demon ang sumagot sa kanya na sinagot nya na parang pamilyar daw ang mukha ko sa kanya, nakita na nya kaya ako somewhere? Pero mukhang Malabo naman 'yun dahil kung wala ako sa hospital nakakulong lang naman ako sa kwarto ko noon so paano naging pamilyar sa kanya ang mukha ko? "I know that bringing her here is your intention, if this your way to help Ignacio, so be it. But if you'll see that Ignacio will give her a hard time and hurt her, stop your plan Denver." Seryosong pahayag ng kambal ni Demon sa kanya bago kami iwan nito na ikinaharap ni Demon sa akin "Mukhang nakakuha na tayo ng suporta mula sa dalawa kong kaibigan, kapatid ko yung isa. Iba talaga ang charm mo Tanya." Pahayag ni Demon na ikinangiti ko "Sana makita din ni Paxton 'yung charm na 'yan nuh." "We will see for that Tanya." "Aba-aba! Don't tell me ang isa sa anak ni Lucifer ay may babae narin na kinahuhumalingan?" Sabay kaming napalingon ni Demon sa anim na magagandang babae na sunod-sunod na bumababa sa hagdan hanggang sa makaharap naming sila. Ang gaganda nila at kung hindi ako nagkakamali ang isa sa kanila ay si Ruana Castillione na isang sikat na ballerina na biglang binitawan ang propesyon nya dahil mas piniling maging butihing asawa ng isang sikat na isang soccer player. Kaya lang hindi ko na alam kung sinong soccer player ang napangasawa nya dahil nasa Opsital ako ng mga panahon na 'yun ay naghahanda sa operasyon ko na failed naman. "Wag kang judgemental Sora, hindi porket may babae akong kasama eh tulad narin ako ng mga kaibigan kong baliw sa pag-ibig. Malayo pang mangyari 'yan sa akin." Depensang pahayag ni Demon na bahagyang ikinatawa ng isang babae na sa tingin ko may lahi dahil hindi pang pilipina ang ganda nya. "Narinig ko din ata kay Travis ang mga linya na 'yan, huwag kang magsalita ng tapos Demon baka kainin mo ang mga sinabi mo. Masipag pa namang magtrabaho si Kupido sa samahan nyo." "Please Sariya, don't say bad words. Kinikilabutan ako sa mga naririnig ko sa inyo." Angal ni Demon na nagkunwaring gininaw na lihim kong ikinangiti. "Kung ganun sino ang magandang babae na kasama mo Demon?" tanong ni Ms. Ruana na agad ikinaakbay ni Demon sa akin na bahagya kong ikinagulat "Tama ka dyan Ruana, maganda talaga ang Lilttle sister ko kaya lang hindi ata masyadong makita ni Paxton." Ngiting pahayag ni Demon na mahina kong ikinasiko sa kanya na rinig kong ikinatawa nya lang. "Little Sister? Sa pagkaka-alam ko si Devil lang ang kapatid mo at dalawa lang kayo." Takang sambit nung isa pang magandang babae na may suot na salamin pero hindi maitatago na maganda sya. "Hahahaha! Self proclaimed little sister ko sya, isa pa bagong kaibigan ko din sya. Hulaan mo pangalan nya Gail." Ngiting tanong ni Demon sa magandang babae na mukhang mabait at sopistikada. Bakit ang gaganda nilang anim? Parang gusto kong ma-insecure sa itsura ko dahil mukhang wala akong panama sa kanila. "Huhulaan ko ang pangalan nya? " takang sambit nung Gail na tumitig sa akin na nahihiyang ikinangiti ko sa kanya "Malaki ang ganap ng lil'sis ko sa buhay ni Paxton Gail, baka sya na ang sagot at makakatulong sa kanya." Pahayag ni Demon na ikinalingon ko sa kanya dahil wala akong naintindihan sa mga sinabi nya Anong ibig sabihin nya sa makakatulong ako at malaki ang ganap ko sa buhay ni Paxton? "Anyway, sila nga pala ang mga nagpabaliw sa mga kaibibigan ko na happily married na sa kanila. Si Gail,Sariya,Sora,Maria at Ruana.Why don't you introduce yourself to them." Sambit sa akin ni Demon na inalis ang pagkaka-akbay sa akin kaya inayos ko ang tayo ko sa harapan ng anim na magagandang babae na nasa harapan ko at ngumiti sa kanila "Magandang umaga sa inyo, ako nga pala si Tanya, Tanya Irish Petrovic. Kinagagalak ko kayong makilala." Pagpapakilala ko na hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mata nung Gail Pati ba naman sya nagulat sa pangalan ko? Ano ba talaga kasing meron sa pangalan ko? "Your name is Tanya?" sambit na ulit nung Gail sa pangalan ko "Kaya may mainit na ulo na nasa Garden nyo ngayon eh, napaganda ko ata ang umaga nya." Ngising pahayag ni Demon na bigla nitong ikinalingon sa isa pang magandang babae na nasa likuran nung Sariya na kanina pa hindi umiimik. "Oh! Doctora Yshara Vijeral, one of the best surgeons of Han International Hospital, Ang isa pang lahi ng mga amazona na bumihag kay Prince, don't tell me narito si El Diente?" "Kung nasaan ako malamang nandun 'yun, so wag mo ng tanungin ang obvious na." masungit na pahayag nit okay Demon na agad ikinalingon ni Demon sa Garden. "EL DIENTE BAKIT WALA KANG ABISO NA DADALAWIN MO KAMI!!!" Mabilis na tinungo ni Demon ang isang way kung san patungo at mukhang nakalimutan nyang may kasama sya dito. Hindi ko alam kung anong ikikilos ko sa harapan ng mga magagandang babae na nasa harapan ko. Ayoko namang mag feeling close sa kanila baka kung ano pa ang isipin nila sa akin. "Huwag kang mailang sa amin Tanya, masaya kaming makilala ang isang kaibigan ni Demon." Ngiting sambit sa akin nung Gail na lumapit sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay na bahagya kong ikinagulat. "Sa tingin ko magkakasundo tayong dalawa." "Sa tingin ko nga Gail talagang magkakasundo natin sya lalo na kung isa na sya sa mapapasama sa Phantom wives." Pahayag nung Sora na ikinakunot ko ng noo "P-Phantoms wi-wives?" "Yes, Phantoms wives, samahan nang mga asawa ng mga Phantoms kung saan kabilang si Demon. So it means, si Paxton na ang sunod?" pahayag nung Sariya na malawak din akong ngitian na ikinapula naman ng mukha ko dahil sa sinabi nya "She's blushing, how cute. Ilang taon ka na?" tanong naman sa akin nung Maria na syempre sasagutin ko agad para hindi nakakahiya kung hindi ako sasagot sa mga itatanong nila. "23 na ako pero malapit na akong mag 24 next month." "I see, so five years gap ang pagitan nyo ni Paxton,anyway sino bang may pakielam sa mga edad na 'yan eh numero lang naman sila." Sambit ni Ms. Ruana na lalo yatang ikinapula ng mukha "Mukhang nagplano na ng inuman ang mga 'yun, hindi na nga nakatulong sa pagpaplano sa binyag ni Light mga nagkasiyahan pa." pahayag na reklamo nung Sora na bahagyang ikinatawa ni Gail Kahit pag tawa nya mas lalong nagpapaganda sa kanya, sino kaya ang asawa nya sa mga kaibigan ni Demon. "Don't worry Sora makikigulo naman tayo sa kanila eh, isa pa baka kanina pa hinihintay ni Ribal si Yshara." Sambit na pahayag ni Gail na kita naming lahat na ikinapula ng mukha nung Yshara "Tara na sa Garden, let's go." Ngiting aya sa akin ni Gail na ikinatango ko nalang. Sabay-sabay kaming naglakad patunngo sa part ng bahay na ito kung nasaan sina Paxton, gusto kong kausapin si Paxton pero sa pinapakita nyang ugali sa akin hindi ko alam kung papaano ko uumpisahan. Nakahawak lang si Gail sa wrist ko habang palakas naman ng palakas ang t***k ng puso ko, ng makarating kami sa malawak na Garden ay tumambad sa mga mata naming ang labing limang kalalakihan kasama si Paxton na nakabilog sa isang lamesa na may maraming inumin at pagkain na sabay-sabay namang ikinalingon nilang lahat sa amin at ganun nalang ang panlalamig na naramdaman ko ng dumako sa akin ang seryosong mukha ni Paxton. Nawala nalang ang tingin k okay Paxton ng may isang gwapong lalake na may seryosong mukha ang lumapit sa amin na agad dumako kay Yshara na agad hinawakan ang kamay nito. "I missed you." Sambit nito na rinig naming lahat na ikinahiyaw nina Demon sa lalaki "Ang tamis mo Prince, matamis ka na noon mas lalong tumamis ka pa ngayon. Baka masobrahan si doktora nyan." "Shut the f*ck up Amadeus." "No cussing in my house El Diente." Sita nung Taz na ikinaharap nito at ikinayuko dnito "I'm sorry Emp." Napatingin naman ako kay Blue na tumayo din sa kinauupuan nito at tinahak ang pwesto ko kaya lang bago pa sya makalapit sa akin ay tumigil sya sa paglalakad at nilingon si Gail bago umatras ng isang hakbang palayo sa amin ni Gail. "One meter policy is still alive." Mahinang sambit nito bago muling bumaling ng tingin sa akin "Bakit narito ka Tanya?" tanong nya sa akin na si Demon ang sumagot para sa akin "Sinama ko sya dito Ynarez, bisita ko yan." Nilingon ni Blue si Demon at hinigit nalang ako ni Gail palapit sa pwesto nina Demon kasunod ng iba. Lumapit si Maria sa lalaking nang asar sa boyfriend ata ni Yshara, si Sora naman ay lumapit sa lalaking... teka kung hindi ako nagkakamali boss ni Kuya Tomi ang lalaking nilapitan ni Sora, so it means asawa nya 'to? May pagmamahal na niyakap nung Boss ni Kuya Tomi si Sora, ang sweet naman. Naglakad din si Ms Ruana sa kinauupuan nung gwapong lalaking tumayo sa upuan nya at ibinigay 'yun kay Ms. Ruana, ibig sabihin 'yun ang asawa nya, isang sikat na soccer player! Tumayo naman sa kinauupuan nito 'yung isang lalaki na mukhang mabait ang awra kay Sariya at inakbayan agad ito. "How's the meeting wife?" "So far so good, kami ang nagplano eh." Ngiting sambit ni Sariya na ikinangiti ng asawa nya "Gail, kanina pa nakatingin sayo si Westaria, baka naman daw gusto mo syang lapitan at lambingin dahil naiingit na kina Kiosk." Ngising sambit ni Paxton na ikinalingon ko sa kanya na lihim kong ikinalungkot dahil parang iniiwasan nya ng lumapat ang paningin nya sa akin "Zip your mouth Ignacio or I'll start my acting like a cupid even it's so damn gross." Sita nung Taz na ikinatahimik bigla ni Paxton at agad uminom ng alak. Hindi ko alam kung paano huhulihin ang loob ni Paxton, paano kaya ako mag-uumpisa. Hinila ako ni Gail palapit sa pwesto ni Taz na katabi lang si Paxton, nakakatuwa naman na ang asawa ni Gail ay ang kaibigan ni Demon na hlata ang pagmamahal kay Gail dahil sa mga titig nya dito. Nakaka inggit silang tingnan, mukhang masasaya ang pagsasama nina Gail sa mga asawa nila. Dahil sa nakikita ko di ko maiwasang lingunin si Paxton na biglang nawalan ng imik at umiinom nalang. "Phantoms, hindi ko na naman kailangan ipakilala sa inyo si Tanya diba? You already met her in the sky Garde kagabi." Pahayag ni Demon na ikinalingon nila sa akin maliban kay Paxton na nakakunot na ang noo. "Nice to see you again, can I call you Tanya?" tanong nung lalaking nakahuli sa akin sa may malaking puno na ikinatango ko sa kanya "I'm Tork Valenzeula by the way, just call me Tork. I'm a lawyer, if you need a lawyer I can give you my service." Pagpapakilala nito sa akin na sunod-sunod na nilang sinabi ang pangalan nila "Hi, we met at the bar were Tomi handle, I'm Ford Rosales JEYA's owner welcome to Taz humble abode." "Ako naman si Travis Lancellot Amadeus, tamad noon pero masipag na ngayon dahil inspire sa asawa ko. Nice too meet you Tanya, bagay sayo pangalan mo." Ngiting pagpapakilala nito sa akin biglang binato ni Paxton ng isang maliit na bagay na ikinatawa lang nito "Don't mind that man, I'm Balance Kiosk president and owner of Kiosk International Airport. Hindi kami maayos na nagpakilala sayo kagabi that's why we awe you an introduction of ourselves." "Leighton Achilles Yvanov, LAY for short nice meeting you lady." Pakilala naman nung gwapong lalaki na parang si Sariya, parang may lahi sya at hindi purong Pilipino "Hi There Ms. Tanya, I'm Lunova Santos, a Luietenant and LAY is a Prince so yeah nice meeting you." Gulat na napabaling ang tingin ko dun sa LAY na pinakilalang prinsipe nung Lunova, hindi ako makapaniwala na makakakita ako ng isang prinsipe sa tanang buhay ko. Nakakagulat din na may kaibigan silang prinsipe. "Stop introducing me with my tittle Lu." Malumanay na sita nung LAY na kinibit balikat lang nung Lunova. "Hindi ka na nasanay kay Lunova LAY, he loves to brag your tittle. Anyway, I'm Shawn Torres it's so nice to meet you Tanya. Your name suits you by the way." Pakilalang pahayag nung asawa ni Ms. Ruana na ikinangiit ko nalang "Ito palang katabi ko ay si Yo Ringfer, tipid magsalita ang isang ito pero nagagalak syang makilala ka." Sabi pa nung Shawn na kung hindi ako nagkakamali ay ito ang kaibigan ni Demon na nagpabayad sa barn nya dahil sa pag stay ko dun. Hindi ko makakalimutan sya dahil sa gwapo nyang mukha at walang emosyong mga mata. "Ako naman, alam kong nagkakilala na tayo pero hindi ganun ka pormal, ako nga pala si Blue Percy Ynarez, kamusta Tan- I mean Irish." Sambit ni Blue na ikinangiti ko sa kanya "Tadeus Han here, owner of Han International Hospitol, ako ang tumingin sayo nung dinala ka nina Demon sa barn ni Yo." Pahayag nung Tad na agad kong ikinayuko sa kanya "Sa-salamat pala sa pag tingin sa akin nun." Pagpapasalamat ko na ikinangiti nya lang sa akin. "Devil Mondragon, Demon's twin." Pakilala naman nung kambal ni Demon na ikinatango ko. "Welcome to my home Tanya, I'm Taz Ezra Westaria. I'm glad to know you." Seryosong sambit nung Taz na bahagyang lumingon kay Paxton na tahimik lang sa kinauupuan nya. "Why don't you introduce yourself to her Ignacio." Sambit na pahayag nung Taz kay Paxton na ilang segundong hindi umimik bago seryosong lumingon sa akin bago ngumisi sa harapan ko pero ang mga mata nya walang emosyon na makikita "Paxton Ignacio, happy to know me?" pahayag nito sa akin na ikinailing ng ilan sa kaibigan nya. Nakatitig lang ako sa kanya, sabi ni Demon mahihirapan akong mapalapit kay Paxton pero dahil ginusto ko na makilala sya then kailangan ko 'tong panindigan. Umayos ako ng pagkakatayo ko at pagkakaharap kay Paxton bago ako matamis na ngumiti sa kanya. "Oo, masaya akong makilala ka Paxton." Ngiting sagot ko sa kanya na ikinawala ng mga ngisi nya. Kahit pangit ang ipakita mo sa akin nagdesisyon na akong gawin lahat para mapalapit sayo bago ko sabihin na gusto kita. Gagawin ko lahat para mawala ang pagkainis nya sa akin at para magustuhan nya. Binigyan ako ng tadhana na Makita sya ulit at makilala kaya hindi ko 'yun sasayangin. "Ignacio why don't you get a chair for her to sit, be gentle to your girl." Pahayag nung Taz na pokerface na ikinalingon ni Paxton sa kanya. "She's not my girl Westaria so stop playin with me." Sita ni Paxton na tumayo sa kinauupuan nya na binigyan din ako ng pokerface na tingin "DIto ka na maupo sa upuan ko nakakahiya naman kay Westaria baka akalain nya pinagdadamot ko ang upuan nya." Pahayag nya sa akin bago naglakad papasok sa loob na ikinasunod ko ng tingin. Nilingon ko sina Gail dahil may naisip akong gawin na unang hakbang para mapalapit kay Paxton "Excuse me, kung ok lang maari ko bang sundan si Paxton?" pahayag ko na ikinalingon nilang lahat sa akin "Hayaan mo na si Paxton na kum—" "Go ahead Tanya, help my friend to carry his chair, please." Sambit ni Taz na ikinataigil ni Blue sa sasabihin nya. "Nice one Boss Taz." Ngiting sambit naman ni Demon na ikinangiti ko. Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay ni Taz at hinanap ng paningin ko si Paxton na nakita kong may buhat na bangko na ikinatigil nya sa paglalakad ng Makita ako. "Anong ginagawa mo dito?" pagsusungit nya sa akin na hindi ko nalang papansinin "Gusto kitang maging kaibigan, gusto talaga kitang makilala ng mabuti Paxton sana hayaan mo kong kilalanin ka." Ngiting pahayag ko sa kanya na ikinaungos nya. "Paano kung ayaw ko? Ayokong maging kaibigan ka at ayokong lalapit lapit ka sa akin naiintindihan mo? Tss! Ayokong may baliw na lumalapit sa akin." Nilagpasan ako ni Paxton at iniwan sa loob, bahagya akong napatawa dahil imbis na malungkot ako dahil ayaw nyang mapalapit ako sa kanya ay hindi ko mapigilang ngumiti. Alam kong mahirap mapalapit sa kanya pero hindi ako susuko, si Tanya Irish Petrovic ata ito na hindi sumusuko. Gagawin ko lahat para mapalapit sa kanya para hindi ako magsisisi sa huli na wala akong ginawa bago man lang ako mawala kung darating ang araw na 'yun. Pero ngayong pwede ko na syang lapitan at makilala pakiramdam ko gusto kong mabuhay ng matagal, na hindi ako pwedeng mamatay dahil may sapat na rason na ako para ilaban ang buhay ko. Nawala nalang ako sa mga naiisip ko ng lumantad sa harapan ko si Paxton na may inis sa mukha na nakatingin sa akin "Pwede ba bumalik ka na sa tangnang Garden ni Westaria, naabala pag inom ko dahil ako ang inutusan para sunduin ka dito. Wag kang pa espesyal Miss." Masungit na pahayag nya sa akin bago umalis sa harapan ko. "Tangnang Westaria na 'yun, sinasadya talagang ako ang bwisitin." Rinig kong reklamo nya na ngiting ikinasunod ko na sa kanya. Mapapalapit din ako sayo at sana ganun ka din sa akin Paxton.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작