Episode 10 Part I

3229
"Falling inlove is not just happiness, there will be sadness,pain and heartbreak. You just needto ready your heart for the result." - Rhen A. -IRISH P.O.V- "Yes Kuya, hindi ako aalis sa bahay ng hindi nagpa-paalam sayo. Wag kana mag-alala sa akin." (I'm just making sure Irish, remember your condition. Don't make me worried.) Napapailing nalang ako sa pagiging strikto ni kuya sa akin, masyado syang nag- aalala sa kalagayan ko. Bago pa nga sya umalis kanina ay tinambakan nya ako ng maraming bilin, kesyo wag akong magpapakapagod at magrelax lang ako dito sa bahay. Nakakarami na nga ako ng movie na pinapanuod eh at nakakaramdam na ako ng pagkabagot sa bahay. "Tulad ng sinasabi ko sayo Kuya, I'm fine and don't worry about me. Focus on your work." Narinig ko nalang ang pag-buntong hininga ni Kuya Orlin, lagi nalang syang nag-aalala sa kalagayan ko. I'm aware that I'm in a critical condition right now because of my heart and and any moment pwede akong atakihin that's why I understand that his worried for me, pero I'm Tanya Irish at hindi ako basta-basta nagpapatalo sa sakit ko. (Fine! I'll call again to check you up, but if you feel something please call me immediately.) "Copy that Kuya, sige nab aka marami ka pang gagawin. Bye bye!" Mabilis ko ng pinatay ang tawag ni Kuya dahil for sure magbibilin na naman 'yun ng marami na actually pauli-ulit lang naman. Sumandal nalang ako sa sofa na kinauupuan ko at pinagpatuloy ang panunuod ng ikaapat na movie na napag-desisyunan kong panuorin. Actually, nakaka-relate ako sa bidang babae sa movie na ito, she had a very serious illness that can lead to her death. I feel her situation before, yung wala kang choice kundi ang magkulong sa kwarto mo o sa bahay para makaiwas sa pwedeng mangyari. Kung tutuusin mas swerte pa ako kaysa sa bidang babaeng ito, dahil ako my chance na madugtungan ang buhay ko samantalang sya once na madampian ng araw ang balat nya ay pwede nyang ikamatay. I have a chance to live normally unlike her pero I didn't set aside the chance that I might die. But in some part, this woman was partly a lucky girl because despite of his condition, she found a guy that will love her,that will cherish her and give the best time of her life. Ako kaya? Despite of my illness, will I found the man who can share with me the best time of our life? Am I allowed to fall in love? My doctor told me that my heart is fragile; too much emotion is bad for me. Too much happiness or even heartbreak is not good in my heart. Kaya si Kuya ay never akong pinayagan na niligawan, besides pabor naman sa akin 'yun. Ayokong ma attached sa isang lalaki na alam kong sa bandang huli ay baka iwan ko lang. In that thought, biglang pumasok sa isipan ko si Paxton, tulad ng sabi ko, ayokong ma-attached sa isang lalaki but there's something in him na gustong-gusto ko. Hindi ko alam kung ano 'yun basta ang alam ko lang, simula ng makita ko sya never nang umalis sa isipan ko ang lalaking 'yun. After what happened on Sky Garden, after I told to Demon that I want to know Paxton even more, and then I realize that the reason why I wanted to know him more is because, I like him. Love at first sight? I dunno but the thing is I had a feelings for him that makes me want to see him more often. Hindi ko alam if this feeling will take me in happiness or heartbreak dahil in what I saw to Paxton last night, lalo na when I saw his emotionless eyes, mukhang may pinagdadaanan sya na mabigat na may kinalaman sa pangalan ko. That night when he react when Demon called me by my first name, nagalit sya. I'm shocked when he yelled at me lalo na nung sinabina nyang hindi bagay sa akin ang pangalan ko. Pangit ba ang panglan Tanya para magalit sya ng ganun sa akin? Wala akong maisip na dahilan para magalit sya ng ganun dahil sa pangalan ko pero kahit ganun man gusto ko parin syang makilala at gusto kong mapalapit sa kanya mapabuti man o mapasama sa akin. Buntong hiningang umayos ako sa pagka-kaupo ko, hindi ko naman masasagot ang mga sarili kong tanong kahit anong isip ang gawin ko. Siguro naman malalaman ko ang mga reasons pag nakilala ko na si Paxton ng lubusan. Ang dapat kong gawin ngayon ay kung paano makaka-survive sa mag-hapong pagtambay ko sa bahay. Hindi ako pwedeng umalis dito sa bahay, kung aalis man ako ned kong magsabi kay Kuya Orlin at kailangan may makakasama ako. Mel is busy on her masteral degree, nag-decide kasi sya na mag take pa ng masteral para mas maging reliable lawyer sya in the near future kaya hindi ko sya pwedeng istorbohin. Nagsaya lang sya kagabi dahil susubsob sya sa pag-aaral ngayon. Ayoko din namang mang-abala ng ibang tao, natawa nalang ako sa naisip ko. "Sino ba ang ibang tao na aabalahin ko eh si Mel lang naman ang kaibigan ko at si Kuya Tomi lang ang nakilala ko." See? Even in making friends hindi ko magawa dahil sa sakit ko, I remembered before when I'm in high school may mga naging kaibigan ako nun, I'm happy that time because I made friends but those friends was the first reason why I ended up in hospital. Kaya si kuya ay mas naging istrikto sa akin. I graduated High school and college na si Mel lang ang naging kaibigan ko. TUlad ni Mel gusto ko din magamit ang natapos kong kurso which is education, gusto kong magturo ng mga bata. The same time gusto ko ding i-pursue ang dream ko na makakanta sa maraming tao which is unti-unti namang tinutupad ni Kuya Tomi when he made me the main singer of JEYA's bar he managed. 'Yun nga lang may limitations parin ako because Kuya Tomi and Kuya Orlin considered my condition. "After watching this movie the Midnight Sun, anong susunod kong gagawin?" tanong ko sa aking sarili dahil nararamdaman ko na ang pagka bored sa bahay. Habang dere-deretso ang pag play ng movie na pinapanuod ko ay humiga nalang ako sa sofa na kinauupuan ko at nag-isip ng pwedeng pagkalibangan. "Mag cover kaya ako ng kanta? Kaya lang wala ako sa mood mag gitara eh." Sambit ko sa sarili ko "Another movie?" Napailing ako sa sinabi ko, kung watching movie ulit ano naman ang panunuorin ako? "Frozen II?" Pang-bata lang 'yun eh, bored lang talaga ako brfore kaya pinanuod ko ang part one. "Clarita I guess..." Hindin pala pwede, horror 'yun at baka atakihin pa ako sa puso literally dahil sa gulat factor ng movie na 'yun. "Should I watch Lie in April?" Oh Gosh! Napabangon ako sa pagkakahiga ko dahil sa mga naisip ko. "Really Tanya? You will watch lie in April? Another dying story like Midnight Sun. Yung totoo, nahihiligan ko na bang manuod ng mga not happily ever after story?" Gusto kong tawanan ang sarili ko, grabe ang mga naiisip ko pagnabo-bored ako, hindi ko na alam kung paano ko aaliwin ang sarili ko. "Maybe I should bake cupcakes to ease my boredom." Sambit ko sa sarili ko na agad kong pinatay ang movie na hindi ko na tinapos panuorin at mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at nakangiting tumakbo sa kusina para ihanda ang mga gagamitin ko in baking cupcakes. I'm so proud of myself dahil nag-tyaga akong mag-aral ng baking courtesy of youtube. Magtatanggal na nito siguro ang pagka-inip ko. Inilabas ko na ang mga ingridients na gagamitin ko and the tools ofcourse. I choose to bake chocolate cupcake kaya pinaghalo ko na ang dapat paghaluhin. After mixing and tasting if okay na and when I taste that pwede na ay inilagay ko na sa tray ang mga nagawa kong cupcakes at nilagay na ito sa oven na malawak kong ikinangiti. "Another job well done in baking class Tanya." Puri ko sa sarili ko at hinintay nalang na maluto ang ginawa ko. I was in the middle in watching and waiting my cupcake to baked when I heard my phone ring at dahil ilang minutes pa naman bago maluto ang ginagawa kong cupcakes ay tinakbo ko agad ang sala naming para kunin ang c.p kong nakapatong sa center table naming at agad kong sinagot ang caller na hindi ko na tiningnan kung sino dahil malamang si Kuya Orlin lang ito at kakamustahin na naman ako. "Yes Kuya! Ang bilis naman ng pag tawag mo ulit sa akin." (Sorry to say pero hindi ako ang Kuya mo, but it feel so nice when you call me Kuya para akong may little sister,.) Napakunot ang noo ni Tanya ng hindi boses ng Kuya nya ang kanyang narinig, pamilyar sa kanya ang boses pero ayaw nyang mag assume na kilala nya ang tumatawag sa kanya ngayon. "And who are you?" (Oh! That is so not nice to hear Tanya, you can't recognize my voice.) "Actually, pamilyar ang boses mo, I don't just want to assume but, Demon?" (The one and only!) Bigla akong natuwa sa pagtawag nya, akala ko kinuha nya lang ang number ko dahil naawa sya sa akin dahil nakita nyang gustong-gusto ko, ang kaibigan nya at para tumigil na ako sa pagtatanong sa kanya. Mukhang mali ako. "Natutuwa naman ako at tumawag ka Demon." (Hindi ko kinuha ang number mo para itambak lang sa contacts ko. Anyway, can you give me your exact address?) Nagsalubong ang kilay ko ng hinihingi ni Demon ang address ng bahay naming, nagtataka lang ako dahil sa pwede nyang tanungin bakit 'yun pa. "Tumawag ka sa akin para itanong lang kung saan ako nakatira?" tanong ko sa kanya na rinig kong ikinatawa nya sa kabilang linya (Just give me your address and give me thirty minutes in your watch.) Bakit kaya nya hinihingi ang address naming at thirty minutes in my watch? What does it mean?Pero kung tatanungin ko sya may pakiramdam ako na hindi nya ako sasagutin. Hindi ako basta-basta nagbibigay ng address naming lalo na kung hindi ko lubusang kilala pero may part sa akin na kailangan kong i-exempted si Demon dahil may weird feelings ako that Demon will doesn't give harm to me. "Sa Lakewood Village kami nakatira, 403 building kami pang apa---" (That's enough Tanya, I will find your house, so expect me to knock on your door.) "Ha?Pero teka? Hindi ko pa masyadong nasasabi ang exact address namin." (Don't yah worry Little Sister, I loved adventure. Ciao!) Napatitig nalang ako sa cellphone ko ng mawala na sa kabilang linya si Demon. "Little Sister?" Bahagya akong napatawa sa sinabi ni Demon, nakakatuwa ang ugali nya though hindi ko pa sya masyadong kilala pero dahil magaan ang loob ko sa kanya mukhang hindi ako mahihirapan na kilalanin sya. Alam kong magagalit si Kuya sa akin once na may isang lalaki na aapak sa bahay namin. Hindi naman siguro masama kung i-welcome ko si Demon dito sa bahay, tutal naman mukhang he likes me as a little sister to him. Tiningnan ko ang relong suot ko at ngumiti habang pinagmamasdan ang pag-galaw ng malaking kamay ng suot kong relo. Thirty minutes and Demon will be here. Napalingon lang ako sa kusina naming ng marinig kong tumunog ang oven hudyat na luto na ang ginawa kong cupcakes. Mabilis akong pumunta sa kusina at kinuha ang cupcakes na ginawa ko. Pagdating ni Demon dito sa bahay, ipapatikim ko sa kanya ang cupcake na gawa ko. Sana pumasa sa pansala nya dahil baka malungkot ako kung hindi nya magugustuhan ang ginawa kong cupcakes. Hindi ko alam kung bakit ganito agad kahalaga ang opinyon ni Demon o kung anong sasabihin nya sa gawa ko, hindi naman ganun katagal ang pagkakakilala naming sa isa't-isa pero I feel at ease sa kanya. Sana kung paano naging maayos ang pakikitungo ni Demon sa akin sana ganun ang kambal nya. "Kailan ko kaya makikilala ang kambal ni Demon?" tanong ko sa sarili ko ng matigilan ako ng marinig ko ang pagtunog ng doorbell naming na ikinakunot ng noo. "Imposible naman na si Demon 'yan? Hindi rin naman si Kuya 'yan dahil mamaya pa ang uwi nya. Agad akong lumabas ng kusina at dere-deretsong tinungo ang pintuan namin na hindi ko na naisip na hindi ako basta-basta pwedeng magbukas ng pinto kung hindi ko kilala ang nasa labas. Agad kong binuksan ang pintuan at bahagya nalang akong nagulat ng tumambad sa harapan ko si Demon na may malawa na ngiti. "D-Demon?" "Zup Tanya! Hindi naman pala ganun kahirap hanapin ang bahay nyo dito sa village nyo." "Pa-paanong nakarating ka kaagad dito ng ganun kabilis?" agad kong tiningnan ang relo ko at bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makita kong fifteen minutes lang ang nakalipas matapos ang tawag nya sa akin "Nahanap mo ang bahay naming ng ga-ganun kabilis?" "Shocked? I'm born to be a racer that's why. Can I come in?" Agad kong nilakihan ang pag-bukas ng pintuan kaya agad din namang pumasok si Demon sa loob na kita kong ginagala nya ang paningin nya sa kabuuan ng bahay naming. "Hmmm..Nice house. Ikaw lang ba ang nakatira dito?" tanong ni Demon na binaling na ang tingin sa akin "Hindi, kasama ko ang Kuya ko dito. Nasa trabaho lang ngayon si Kuya." "Kayo lang dalawa? Nasaan ang parents nyo?" Bahagya ako ng nalungkot sa tanong ni Demon na sa tingin ko ay napansin naman nya bahagya syang lumapit sa akin. "Hey!may mali bas a sinabi ko Tanya?" "Wala na ang magulang namin ni Kuya, namatay sila bata palang daw ako. Hindi ko sila nakilala o kahit litrato man nila wala kami kaya hindi ko alam kung anong itsura nila. Pero ok lang naman 'yun atleast kasama ko si Kuya Orlin ko." "Sorry for asking about your parents." "Wala 'yun, hindi naman ako ganun nalulungkot na wala na sila dahil wala naman akong memory na kasama sila. Ikaw, siguro buo kayo ng family mo nuh?" ngiting pahayag ko na bahagyang ikinangiti ni Demon pero kita ko sa ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nya. "Hindi naman kami ganun kabuo, kami ng kambal ko at ng tatay namin ang magkasama sa bahay. Hindi kami makabukod ni Kambal dahil ayaw naming iwan si Lucifer sa bahay mag-iisa. Madrama pa naman ang isang 'yun." Pahayag nya na bahagya ko ding ikinalungkot. "Nasaan ang mama mo?" "She's dead 10 years ago." Malungkot ang nginitian ni Demon bago sya naglakad papunta sa sala at pabagsak na umupo sa mahabang sofa namin. Wala na pala ang mama nya, dapat hindi na ako nagtanong pa pero may pakiramdam kasi ako na gusto ko pang magtanong about sa family nya. Lumapit ako kay Demon at umupo sa inuupuan nya di kalayuan sa kanya. "Pwede ko bang malaman kung anong ikinamatay ng mama mo? Pero kung hindi naman pwede ok lang naman kahit di mo sagutin ang tanong ko." Sambit ko na ramdam kong ikinapatong ng kamay nya sa ulunan ko na madalas gawin ni Kuya Orlin sa akin. "Parehas lang kayo ng pangalan pero malaki ang pinagkaiba nyong dalawa." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Demon, sino ang tinutukoy nya kaparehas ko ng pangalan pero may pagkakaiba naman sa ugali. Gusto ko sanang itanong kung anong sinasabi nya kaya lang naunahan na ako. " My mom died in a car accident, pauwi sya noon galing Davao dahil nagkatampuhan sila ng tatay namin. Matagal din a hindi umuwi si Mama sa bahay, I think sa pagkakatanda ko mag iisang taon na hindi umuwi si Mama kahit gustong-gusto na syang sunduin ni Daddy. Sanay na naman kami noon sa tampuhan ng mga magulang namin dahil tatlong beses nangyari 'yun. Parehas kaming mag pi-pitong taon ng kambal ko noon ng magpasyang umuwi si Mama sa bahay dahil may surprise daw sya sa amin nun, kaya lang nakatanggap nalang kami ng tawag na nalaglag sa bangin ang kotse ni Mama, nawalan ng preno si Mama kaya tumalon ang kotse nya sa bangin. Masakit para sa amin ng kambal ko 'yun, gusto namin sisihin ang tatay namin sa nangyari pero alam namin na mas nasaktan sya sa pagkawala ng asawa nya na hanggang ngayon ay dinadamdam nya." Pahayag ni Demon na kita kong bahagyang nagulat matapos syang humarap sa akin "Oi oi bakit umiiyak ka Tanya? Masyado ka bang naapektuhan sa kinuwento ko?" Agad kong pinunasan ang mga mata ko at kahit ako ay nagulat dahil sa pagtulo ng mga luha ko. Masyado nga ata akong naapektuhan sa nangyari sa Mama ni Demon. "Sorry kung naiyak ako." Dispensa ko na bahagya nyang ikinatawa "Sandali lang." paalam ko ng mabilis akong tumakbo sa kusina at kinuha ang cupcakes na ginawa ko bago mabilis na bumalik sa tabi ni Demon at inilapag sa harapan nya ang gawa kong cupcakes na ikinatitig nya dito "Cupcakes?" "Ginawa ko 'yan kanina kasi nabobored na ako dito sa bahay, tikman mo." Alok ko na agad naman ikinadampot ni Demon sa cupcake na gawa ko at sinubo 'yun. Habang kinakain ni Demon ang cupcakes ay hindi ko maiwasang intayin kung anong saabihin nya sa gawa ko. Kung nagustuhan nya o hindi ng bigla syang ngumiti. "You can bake huh, mukhang sa pangalan lang talaga kayo nagkaparehas, swerte ni Paxton sayo." Sambit na ramdam kong ikinainit ng mukha ko "Oo nga pala, bakit pala naisipan mo na puntahan ako dito sa bahay namin?" Pag-iiba ko ng topic dahil pag napag uapan pa naming si Paxton baka mas lalo nyang mahalata na hindi lang pagka-gusto ang nararamdaman ko sa kaibigan nya. "Oh! That's remind me, wala ka bang gagawin ngayon?" tanong nya na agad kong ikinailing "Wala naman, actually bawal nga akong umalis ng bahay eh." Sambit ko na agad kong ikinatakip ng kamay ko sa aking bibig. "Bakit?Wala ka bang trabaho? Bakit bawal kang lumabas dito sa bahay nyo?" Ayokong malaman ni Demon ang dahilan kung bakit nasabi ko na bawal akong lumabas ng bahay, baka masabi ko sa kanya ang dahilan at ayokong malaman nya na may sakit ako. Baka hindi nya ako tulungan na mapalapit kay Paxton "Uhmm, m-may trabaho ako kaya lang wala akong pasok ngayon, ba-bawal akong lumabas ngayon kasi baka hanapin ako ni Kuya pag umuwi na sya." Palusot ko na mukha namang naniwala si Demon na ikinahinga ko ng maluwag Kahit magaan ang loob ko sa kanya ayokong malaman nya ang kalagayan ko at kaawaan nya, ayokong malaman nya kung gaano ako kahina at maisip nya na hindi ako pwede sa kaibigan nya. "Don't worry hindi naman tayo magtatagal sa pupuntahan natin." Sambit nya na ikinataka ko "Anong ibig mong sabihin? May pupuntahan tayo?" "Yep! you want to see him? May gathering kaming magkakaibigan sa bahay ng lider naming makikita mo sya doon, sasama ka ba?" sambit nya na ikinatunganga ko the same biglang ikinakabog ng dibdib ko "Sabi mo sa akin last night gusto mong makilala ang kaibigan ko, hindi mo naman nanaisin na makilala ang kaibigan ko matapos ang pinakita nyang ugali sayo kung humahanga ka lang sa kanya tama ba ako?" Pahayag nya na hindi ko magawang magsalita Napasunod nalang ang mga mata ko ng tumayo si Demon at nilahad ang kanang kamay nya sa harapan ko. "will you come with me to see him?"
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작