Chapter 4

2273
Tinignan ko ang mukha ko sa salamin habang inaayos ang buhok ko kaagad itong tinali. Lalabas kasi ako kahit sandali lang mawala lang ang init ng ulo ko sa grupong iyon na hanggang ngayon wala parin akung balita tungkol sa kanila. Ngayon lang ako nahirapan na hanapin ang kagaya nilang grupo na halos ginamit ko na ang kahat kung connection. Nag-aalala pa ako kay Beatriz at Slayt dahil nawawala pa ang anak nila na siguradong nakuha ng mga assassin na iyon. Pakiramdam ko napaka wala kung kwentang leader dahil hindi ko manlang matulungan ang mga kaibigan ko. Kahit na nandito na ang mga pinsan ko para tulungan ako ay wala parin. Nag-aalala na ako kay Beatriz dahil sa anak niyo at hindi mo na ito makakausap ng maayos ganon din si Slayt. Lalabas ako ngayon para mag jogging sa park para kahit paano mawala ang init ng ulo ko. Babalik ako mamaya para maghanap na naman ng impormasyon sa kanila. Mukhang dito talaga masusubok ang galing ko sa grupong ito at alam kung hindi sila pwedeng hayaan lamang sa mga kahayupan na ginagawa nila. Umuwi ako dito para patayin sila kaya kahit na ano man ang mangyari gagawin ko ang lahat mapatay lang sila. Kinuha ko ang cellphone ko at pinadalhan ng mensahe si Gwen ang isang member ng Alpha Team na aalis ako at mamaya sa pagbalik ko marami kaming pag-uusapan ng ibang mga member lalo pa at wala sa sarili ngayon si Beatriz. Mabilis akung lumabas ng kwarto ko sabay kuha ng susi ng kotse at lumabas. Nakasalubong pa ako ng ibang sundalo na kaagad naman akung binati. Kaagad akung sumakay sa kotse ko paalis sa kampo habang hindi pa tuluyang lumalabas ang araw. Makalipas ang ilang minuto nakarating na ko sa park at marami naring tumakbo dito. Kung titignan ang tao sa paligid napakasaya nila pero hindi mo alam ang mga pagkataong nakatago sa kanila. All my life wala akung ginawa kundi ang gawin ang lahat maging proud lang sa akin ang ama ko at ang mga pamilya namin. Hindi ko sila pwedeng ipahiya o kahit ma disappoint dahil sa anak ako ng General at tinitingala ito ng lahat dahil sa galing nitong humawak ng mga tao at maging isang magaling na leader. Inaasahan ng lahat ng kagaya ako ng ama ko na kayang gawin ang lahat at walang inuurungan. Mataas ang tingin sa akin ng mga tao na parang kaya ko na ang lahat dahil sa anak ako ng General. Kaya buong buhay ko wala akung ibang ginawa kundi ang maging mabuting anak at maging masunurin sa lahat nitong gusto at desisyon dahil iyon ang makakabuti sa akin. I always make my father proud of me in all field. Nagawa kung pumatay ng tao at maging isang savage na tao para lang maging proud ang ama ko sa akin. Naging captain ako na wala ang tulong ng ama ko at pinagsikapan ko lahat upang mas lalong maging proud ito sa akin. Kahit isang beses hindi ako nagreklamo dahil ito ang tama. Mapait akung napangiti at nilagay sa bulsa ng short ko ang susi ng kotse. Ng umapak ang paa ko sa park kaagad na napapatingin sa akin ang mga tao. Aminado ako na kilala ako ng mga tao dito dahil minsan na akung naging headline sa TV ng makailang beses. Hindi ko nalang sila pinansin at nagsimula ng mag warm-up sa tabi. Pero ayos lang naman sa akin dahil mahal na mahal ko ang ama ko kaya handa akung gawin ang lahat para sa kanya. Pakiramdam ko nga wala akung ibang pinahahalagahan kundi ang pamilya ko. Wala akung ibang inisip kundi ang pamilya ko. Ng matapos na akung mag warm up nagsimula na akung tumakbo palibot sa park habang nakikinig sa musika. Sa edad na twenty nine hindi pa ako nakapasok sa matagalang relationship I commitment dahil sa trabaho ko. May mga naging kasintahan naman ako pero hindi ito nagtatagal dahil daw sa ugali ko. Aminado ako na pangit ang ugali ko at kung minsan ayaw ko ng malanding relasyon kaya siguro ako iniiwan dahil sa hindi ko mabibigay ang gusto nila. Marami akung nakakasabayan na napapatingin sa akin at kaagad na umiwas na hinayaan ko nalang. Alam ko naman kung bakit sila iniiwas sa akin. Sa loob ng isang oras kung pagtakbo sa park doon palang ako tumigil at nagsimula ng maglakad. Hindi ko nga alam kung ano ang patutunguhan ng buhay ko lalo pa at ganito na ako. Marami akung magagawa na dapat lalaki lang ang gumagawa. Bigla akung napatingin sa matandang nakaupo sa gilid ng park habang kumakain ng tinapay habang nakatingin sa paligid. Isa itong palaboy na matandang lalaki at kaagad na nalungkot ako sa kanya. Matanda na ito para magpalaboy pa at mukhang bulok na ang pagkain nito. Mabilis akung lumapit sa kanya at medyo naupo sa kanyang harapan kaya napatingin ito kaagad sa akin. "Madumi napo ang kinakain niyo Tatay," saad ko sa kanya at kaagad na ngumiti pero ang matanda napatingin sa hawak nitong pagkain at kaagad na mapangiti. "Mas mabuti ng kumain ng maduming pagkain iha kaysa sa walang laman ang tiyan ko," Kinuha ko ang pagkain na hawak nito at hinawakan ang kanyang kamay. "Bakit mo kinuha ang pagkain ko iha," Tinulungan ko itong makatayo at ngumiti ulit sa kanya. Tumingin ako sa paligid at maliwanag na ang buong paligid at marami naring sasakyan ang dumaan. Napalinga ako sa kabilang sulok ng may nakita akung bukas na bake shop. "Ibibili ko po kayo ng pagkain niyo," Itinuro ko ang bake shop na kaagad ikinaliwanag ng kanyang mga mata. "Mauna napo kayo," mabilis na hinawakan ako sa kamay ng matanda na halos naluluha ang kanyang mga mata. "Maraming salamat iha," mabilis na tinungo ng matanda ang bake shop habang nakasunod ako sa kanya sa likod. Kung may maitutulong ako sa ibang tao gumagawa ako ng paraan para matulungan sila. Kagaya na lamang niya na matanda na ito at dapat nagpapahinga na ito sa kanilang bahay pero sa kalsada ito natutulog. Habang papalapit ako sa bake shop at nandoon na si Tatay sa loob ng makita ito ng mga empleyado akma nila itong palalabasin ng mabilis akung humarang sa harapan niya. "Kasama ko siya," biglang saad ko na naging dahilan upang mapatingin sa amin ang ibang bumibili at ang dumadaan sa mga kalsada na mga tao. Tinignan ko ng babae at kaagad na napailing. "Bawat po siya dito Ma'am," kakaibang tingin ang binigay ko sa kanya sabay lingon sa paligid. "Wala namang naka paskil dito na bawal pumasok ang mga tao dito? Besides his with me," Tinignan ko si Tatay at ngumiti sa kanya na nababahala na ang mga mata. "Pumili napo kayo at babayaran ko," kaagad na nagliwanag na naman ang mga mata nito at mabilis na lumapit sa mga naka glass na tinapay. "Bawal ang pulubi dito sa loob Ma'am," parang napantig ang tenga ko sa kanyang sinabi at kaagad na napatawa ng pagak. Ganito na pala ang mundo ngayon? Kung pulubi ka o mahirap na tao iba na ang trato sayo? Hindi ito ang mundo na kilala ko. "Bakit bawal? Hindi porke't pulubi siya bawal na siya dito?" Tinaasan ko ng kilay ang babae at nilampasan. Lumapit ako kay Tatay na abala sa pagpili ng kanyang pagkain. Ito ang ngiti na hinding-hindi mabibili ng pera o kahit ano. Ano ang silbi ng pera ko kung hindi ko naman magagamit kaya mas mabuti ng maitulong ko sa ibang tao. "Siya po Sir ang nagpapasok dito ng pulubi sa loob," mabilis akung napatingin sa likod ko ng marinig ulit ang boses ng babae kanina. Pero may kasama na itong lalaki nasa tingin ko ay manager ng bake shop na ito. Napatingin kaagad sa akin ang manager at tinaasan ako ng kilay. "Palabasin niyo ang pulubi ngayon din!" isang masamang tingin ang pinukol ko sa kanila na kaagad ikinatigil ni Tatay sa pagpili ng tinapay at napatingin sa akin. "Lalabas nalang ako iha," akmang lalakad ito ng hawakan ko ang kamay niya at umiling. "Gusto niyo atang isarado ko ang bake shop niyo ano? Ikaw ba ang manager dito?" saad ko sabay tingin sa lalaking kasama na ng babae kanina. "Magbabayad ako ng tama kaya hayaan niyo siyang pumili ng pagkain niya!" malakas kung sigaw na kaagad kumuha ng atensiyon ng bawat tao sa paligid. "Thank you for visit my bake shop Captain Galaxy," doon napunta ang atensiyon ko sa lalaking kakapasok lamang sa bake shop habang naka polo ito at nakangiti sa akin. "I am the owner of this bake shop Captain Galaxy and yes pwede po siyang pumasok dito," pagak akung napatawa at marahas na tinignan ang mga tauhan nito na ngayon palang ako nakilala. Kaagad silang napayuko habang tinitignan ko sila. "May ganyan pa palang mga tao dito sa mundo? Pathetic!" mabilis ko silang tinalikuran at kumuha ng tatlong libo sa likod ng cellphone ko at kaagadna nilagay sa counter nila. "Pambili niyo ng respeto ang sukli," ako na mismo ang kumuha ng dalawang plastic ng tinapay na napili ni Tatay at kumuha ng dalawang minaral water sabay bigay kay Tatay. "Mauna napo kayo," magalang kung saad kay Tatay na kaagad naman nitong sinunod. Muli ko silang tinagnan at napangisi. "Pakidisiplina ng mga empleyado mo," with that umalis ako sa bake shop na iyon sabay sarado ng pinto. Hindi talaga maiiwasan na may mga ganong tao sa mundo. Pareho lang kayo naninirahan dito sa mundo pero gagawa pa sila ng paraan para ibaba ka. Ayaw na ayaw ko sa mga ganong tao. "Napa-away kapa dahil sa akin iha," Napalingon ako kay Tatay na nakaupo na ngayon sa gilid ng park habang hawak-hawak ang dalawang plastic ng tinapay. "Hindi ko naman hahayaan na bastusin nila kayo Tatay," saad ko sabay ngiti sa kanya. "Saan po ba kayo nakatira at ihahatid ko na sayo," biglang lumungkot ang mukha nito at mapait na napangiti. "Nasa kalsada ang bahay ko iha," bigla akung nakaramdam ako ng awa kay Tatay. Matanda na ito at dapat nagpapahinga nalang ito tapos sa kalsada pa ito natutulog. Hindi ko naman siya pwedeng iwan nalang dito dahil sa kanyang sitwasyon na sobrang payat at umuubo pa ito. Init at ulan ang kinakaharap niya sa bawat araw. "Gusto niyo po bang sumama sa akin sa campo?" biglang napatingala ito sa akin habang nanlalaki ang mata. "I am a military officer po Tatay," biglang nanlaki ang mata nito ng sinabi ko na military ako. "Pwede po kayong manatili sa campo hangga't kailan niyo gusto," gusto kung matawa ng bigla itong umiyak at sunod-sunod na pinahid ang kanyang luha. "Maraming salamat talaga iha, salamat!" masaya na akung nakatulong ako sa kapwa ko tao at kahit paano napasaya ko sila. Maayos naman ang pag-iisip ni Tatay sadyang sa kalsada lang ito natutulog at walang mauwian na bahay. "Miss!" bigla akung napalingon ng nga tatlong lalaki na lumapit sa akin habang may hawak na mga ice cream sa ganitong kaaga. Patungo sila sa akin habang nakasunod sa kanila ang nagbebenta ng ice cream. Ng tumigil sila sa harapan ko biglang napakunot ang kilay ko ng makilala sila. Sila ang mga lalaking nagkasagutan ko noon sa cafe na iba-iba ang kulay ang buhok pero ngayon mga itim na ang mga buhok at sobrang weird pa ng mga pangalan nila. "Hihingi sana ako ng tulong," biglang tumaas ang kilay ko sabay tingin sa kanila pataas baba habang kumakain ito ng ice cream. Ang kapal ng mukha! "Sandali!" biglang hiyaw ng isa sa kanila at tinuro ako. "Ikaw ang babaeng sa cafe noong isang araw diba?" kaagad na tinignan Nola akung tatlo at nanlaki ang mga mata. Naalala pa pala ako. "Ikaw nga! Akalain mo nagkita tayo ulit!" Iniwas ko nalang ang paningin ko sa kanila dahil sa taas ng kanilang boses at naririndi ako sa mga boses nila. Kung titignan mo maayos naman sila manamit pero ang pinapakita nila hindi. "Hindi ko kayo kilala," malamig kung saad at tinulungan na makatayo si Tatay ng makaalis na ako sa lugar na ito. Bigla kasing dumilim ang paningin ko at baka iba pa ang magawa ko dito. "Tulungan mo naman kami Miss," bigla akung kinindatan ng isa sa kanila na akala niya naman madadala niya ako sa mukha niya. Mga gwapo nga sila pero hindi ako apektado sa mga mukha nila. "Bayaran mo muna itong ice namin kasi wala kaming dalang pera," bigla akung napatawa ng pagak at muntik na akung mabulunan sa sinabi nila. Parang ako na ang nahihiya sa sinabi nila sa akin. Ng tignan ko sila abala parin silang tatlo sa pagkain ng kanilang ice cream na ako ang gusto nila magbayad. Parang may pinatago lang sila sa akin ano? "Bakit naman ako magbabayad? Kilala ko ba kayo?" bigla silang tatlo napatigil at napatingin narin sa akin ang nagbebenta ng ice cream na hindi alam kung sino ang magbabayad sa kinain niyang paninda. "Kapag nagkita tayo ulit Miss babayaran ka namin!" with that mabilis silang tatlo na tumakbo at sumakay sa kanilang kotse habang ako naiwang nakatulala sa kanila na hindi ko akalain na tatakbo sila. Napatingin na lamang ako sa papalayong kotse nila habang hindi umaalis sa harapan ko ang nagbebenta ng ice cream. Malalim akung napabuntong hininga at kumuha ulit sa likod ng cellphone ko ng limang daan at binigay sa nagbebenta ng ice cream at akmang ibabalik nito ang sukli ko ng umiling na ako. Balato ko na sa kanya iyon. Inaya ko na si Tatay na umalis na at mabilis naman itong sumunod sa akin hanggang sa makarating kami sa kotse. Pinapasok ko ito sa kotse ng makaalis na kami.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작