Chapter 5

2078
Ng matapos kung isuot ang combat ko kaagad akung kumuha ng dalawang caliber 45 sabay lagay ng bala at sunod-sunod na kinasa ito. Napatingin sa akin si Von at Van na nakangisi. "What?" pabalang na tanong ko sa kanila sa kadahilanan na kakaiba ang kanilang mga titig. Alam kung iba ang ugali ko sa ibang mga babae dahil kung sila naka stiletto at dress ako naman naka combat at battle dress uniform at kung sila naka sling bag ako naman naka naka sniper. See the difference? "Disidido ka nga talagang pumatay sa mukha palang," malalim akung napabuntong hininga sabay lapag ng hawak kung cunai. Ito na ang trabaho ko at walang magbabago doon. Tanggap ko na ito na ako habang buhay. Papatay ako para lipunan at sa kaligtasan ng bawat tao dito sa mundo. Handa ako maging makasalanan para lang maging tahimik ang bansa natin. "Papatay ako sa lahat ng mga pinatay nila at sisiguraduhin ko na magbabayad silang lahat dahil wala akung ititirang buhay kahit ni isa sa kanila," mapakla akung napangisi at kumuha ng dalawang samurai. "Umuwi ako dito para wakasan ang kagaguhan nilang ginawa sa mga lahat na nahuli nila at magbabayad sila ng sobrang sakit sa akin," kitang-kita ko ang paglunok ni Von at ang paghawak nito sa kanyang kambal habang napapailing sa akin. "Kaya ikaw talaga ang maging leader ng Alpha Team dahil sa ugali mo Celine," kahit saan talaga dalhin ang dalawang ito napaka inggay. "Hindi ka lang magaling na leader kundi isa ka ring huwaran na sundalo," mabilis silang lumapit sa akin na dalawa sabay akbay. "Mabuti nalang pala pinsan ka namin Babe," biglang napantig ang tenga ko dahil sa sinabi ni Van na kaagad kung ikinangiwi. Si Daddy naman kasi bakit babe ang binigay niya sa aking palayaw. Kaya ayaw ko na tinatawag ako ng kung sino sa pangalan ko dahil baka iba ang isipin nila. "Tigilan mo ako sa kakatawag sa akin na babe," sita kay Van na nakangisi na ngayon kasama ang kambal niya. Alam ko naman na dinadaan lang nila sa tawa ang galit at sakit. Lalong-lalo na si Slayt na hanggang ngayon wala parin ang kanyang anak. Naaawa na ako kay Beatriz na walang ibang ginawa kundi ang umiyak kaya hindi ko na siya isasama mamaya dahil sa kundisiyon nito. "Kasalanan ba namin na babe ang palayaw mo," at kaagad na humagalpak ng tawa silang dalawa. Kung hindi ko lang mga pinsan ang dalawang ito kanina ko pa sila iniuntog sa pader ng makita nila ang hinahanap nila. Talagang mga abusado dahil pinsan nila ako. "Tara na nga," ako na mismo ang naunang umalis dahil kapag pinansin ko sila hahaba lang ang asaran namin at hinding-hindi magpapatalo ang dalawang ito. Mamaya papagalitan na naman ako ni Daddy dahil na late ako. Kaagad naman silang sumunod sa akin habang dala ang kanilang riffle at panay ang tawa sa bawat isa. Kita mo na? Mga bopols talaga! Bigla akung napadaan sa canteen kung saan nakaupo si Tatay sa mesa habang nagpupunas ng mesa. Mabuti nalang pumayag si Daddy na dito nalang tumira si Tatay at tumutulong ito sa canteen kahit paano. Sapat na sa akin makita ang matamis nitong ngiti habang may maayos na damit at tinitirhan si Tatay. Ang mga lumang damit ng mga sundalo dito ay binigay nila kay Tatay at ang pwedeng gamitin nito. Ng mapatingin ito sa akin kaagad itong kumaway at ngumiti sa akin na kaagad ko namang ikinangiti ng tudo. Ngiting hindi mabibili ng kahit ano o sino. Sino ang hindi magiging masaya kung ang tinulungan mo ay nasa maayos na ngayon at matamis na ngumingiti. Itinuloy ko na ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa helicopter na naghihintay sa akin upang sugurin ang na trace na location ng mga assassin at pupunta ako ngayon doon upang patayin sila. Oo, ang patayin sila at walang ititirang buhay. Alam ko namang masama ang pumatay pero para sa kapakanan ng bansa ko gagawin ko at para sa kaligtasan ng lahat para naring hustisya sa lahat ng pinatay nila. Ng makaakyat ako sa helicopter kaagad na itong umalis kasama ang pitong helicopter na nakasunod lang sa amin sakay ang ibang member ng Alpha maliban nalang kay Beatriz. Sana magtagumpay ako na matuldukan ang kasamaan nila ng makabalik na ako sa USA. Hindi nagtagal nakarating na kami sa kuta nila at sobrang laki ng hideout nila sa gitna ng kagubatan. Hinintay ko lang na maibaba ang rapel at kaagad na akung tumalon sabay hawak sa rapel at bumulusok pababa, rinig na rinig ko pa ang pag hiyaw ng ibang sundalo dahil sa ginawa ko pero mas lalo silang napahiyaw ng sumunod din ang mga pinsan ko at ibang Alpha Team na hindi alintana ang taas nito. Bigla akung bumitaw sa rapel at maayos na lumapag pababa sabay kuha ng baril ko. Pero bigla akung napakunot ng noo ng wala manlang sumalubong sa amin na mga tao o kahit ano sa hide out nila. Ng makalapag si Von kaagad kaming nagkatinginan at napailing ng sabay-sabay. "Don't tell me nakatakas na naman sila," Nilingon ko si Gwen na napahawak sa kanyang ulo at sunod-sunod na napamura kahit na si Astrid ay nagbabaga ang mga mata sa galit. "Search the area!" malakas kung sigaw at sinipa ang bato sa harapan ko. Mabilis naman silang sumunod sa sinabi ko habang nagpupuyos ako sa galit. "Damn it!" sunod-sunod kung sinipa ang bawat makikita ko na pwedeng sipain na tanging malakas kung boses ang bumabalot sa buong paligid. "Calm down Celine!" malakas na sigaw ni Slayt at hinawakan ako sa kamay. Tinignan ko ang pinsan ko na nagpupuyos din sa galit at nanlilisik ang mga mata. "Alam kung galit ka dahil natakasan nila tayo pero hinding-hindi tayo titigil hangga't hindi sila nahuhuli Celine! Anak ko ang kinuha nila kaya buhay nila ang kukunin ko!" biglang nilapitan ni Van si Slayt at kaagad itong hinila pabalik sa helicopter dahil mukhang magwawala na ito sa galit. Mariin akung napapikit at kaagad na sumunod sa hideout nila. Baka kahit paano may mahanap akung clue kung nasaan na sila ngayon. May mga foot steps pa sa labas kasama ang ibang bala ng baril nila. Alam kung hindi pa gaano katagal silang nakatakas. Ng makapasok ako sa loob wala akung ibang nakita kundi ang mga nagkalat na dugo at mga patalim. Maraming punit na mga cartoon at mga gupat-gupat na damit at maraming dugo. Mga walang hiya! Maraming buhay na silang nakuha tapos ito ako walang magawa kundi ang magalit lamang. Damn! Paano ba kasi nila nalaman na susugod kami dito! "Wala ng tao ang buong lugar Celine," gusto kung pumatay pero sino! Malaman ko palang na wala ng tao dito nagdidilim ang paningin ko! For the first time nabigo ako! Mabilis kung linapitan ang mga nakatangkas na upuan at cartoon at malakas itong sinipa hanggang sa magkalat ito sa buong paligid. Walang tumangka na lumapit sa akin o kahit na pigilan lamang ako. Binabalot ng buong galit ang pagkatao ko dahil sa kahayupan nila. Ano nalang ang ihaharap ko sa ama ko nito? Anong mukha ang ihaharap ko sa kanila ngayon na nabigo akung hulihin sila. Marami na silang nagawang mali pero nakatakas pa sila sa mga kamay ko. "Damn it! Damn!" malakas kung sigaw sabay sipa sa isang upuan na nasa harapan ko na kaagad nawasak ng tumama sa pader. Nagka watak-watak ito na naging dahilan upang lapitan na ako ni Gwen at tinapik sa balikat. "Mahahanap natin sila kaya kumalma ka," Tinabig ko ang kamay ko at napahilamos sa mukha ko. Nauubos na ang oras ko sa kanila at mas lalo lang nilang pinapainit ang ulo ko. "Nagiging bobo pagdating sa lintik na grupong ito!" sigaw ko sabay tingin ng masama sa mga kasamahan ko. "May traydor ba dito?" kaagad na nanlaki ang mga mata nila na napatingin sa akin kahit na si Castel ay nanlaki ang mata na nakatingin sa akin. "What the hell are you talking about Celine!" sita sa akin ni Von at hinawakan ako sa kamay na kaagad ko namang tinabig. "Kinakain kana naman ng galit mo kaya huminahon ka!" pagak akung napatawa at walang alinlangan na sinuntok ang pader. Walang kumibo ni isa sa kanila na kaagad ikinainis ko lalo. "Maraming buhay na ang nawala at nakatakas pa sila kaya paano ako hihinahon!" malalim na napabuntong hininga si Von at hinawakan ako sa balikat ng mahigpit. "Walang magagawa ang pagwawala mo dito kaya huminahon ka at gagawa tayo ng paraan para mahuli sila," akmang tatabigin ko ang kamay nito ng kaaga itong umiling sa akin. "Makinig ka sa akin Celine," wala na akung nagawa kundi ang kumalma nalang muna. Kahit paano tama naman si Von. Kapag pinairal ko ang galit ko sa huli ako lang ang matatalo. "I want to kill them all," malamig kung saad na napaiwas ng tingin nila sa akin. Kilala nila ako kaya kapag nagagalit ako hindi na nila ako pinapansin at hinahayaan na lamang ako. Hinding-hindi ako magpapapigil kung nagagalit ako. Hinding-hindi ako papayag na makatakas sila sa akin. Nakatakas man sila pero hahanapin ko sila kahit hanggang imperno hahabulin ko sila. "Umalis na tayo dito Celine," hindi ko pinansin ang sinabi ni Von bagkus ay nilingon ko ang ibang sundalo lalong-lalo na si Castel. "Pasabugin niyo ang buong lugar na ito!" malakas kung saad at nauna ng lumabas sa lugar na iyon. Sumunod sa akin sina Gwen palabas at kaagad na sumunod paakyat sa helicopter. Ng makaupo ako kaagad ako napasandal sabay hilamos sa mukha ko. Ito ang unang pagkakataon na nabigo ako sa mission na binigay sa akin. Ito ang unang beses na binigo ko ang ama ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Matatanggap niya naman siguro na nabigo ito palang naman ang unang beses. "Magpahinga kana muna Celine, ilang araw kanang walang tulog at alam kung pagod na pagod kana," Nilingon ko si Von na nakatingin sa akin. "Inaabuso mo ang katawan mo sa trabaho," Inirapan ko ang pinsan ko dahil masyado itong protective sa akin. "Kaya ko ang sarili ko," sagot ko sa pinsan ko at tinignan si Gwen na napapailing sa akin. "What?" isa si Gwen sa mga magagaling na sundalo kaya napabilang ito sa Alpha Team. "Nawawala na sa kanyang sarili si Beatriz habang tumatagal na wala ang kanyang anak," isa pa ito sa mga problema ko. Ang anak ni Beatriz hanggang ngayon wala parin at walang balita kung nasaan ito. Sana nasa maayos lang itong kalagayan tapos may namatay pa. Hindi ko na alam ang gagawin o uunahin ko. Parang pinasan ko ang lahat ng problema. "May sinabihan na akung grupo na maghanap sa ibang bansa at dito sa Pilipinas para mapabilis ang paghanap sa anak niya pero hanggang ngayon wala parin akung balita kahit isa," mapait akung napangiti dahil sa problema na dinadala ko. "Ano ba dapat ang unahin ko," Lumapit sa akin si Gwen at tinapik ako sa balikat. "Makakakuha tayo ng bagong impormasyon kaya tiwala lang," alam kung pinapagaan lang ni Von ang utak ko. Dahil sa oras na makauwi ako mamaya sari-saring opinyon at komento ang maririnig ko. Ito kasi ang unang beses na nabigo ako kaya alam kung magiging talk of the town na naman ako. Buhay ko lang ang binabantayan nila at naiinis na ako sa ginagawa nila. Pero ano ang magagawa ko kundi hayaan sila. Nasanay na akung palaging nasa media ang buhay ko kahit kung minsan sobra-sobra na. "Kayo na ang bahala maghanap sa anak ni Beatriz at ako na ang bahala maghanap sa mga lintik ng grupong iyon. Hindi ako bobo para hindi malaman nasa likod nito ay isang makapangyahirang tao at maraming connection na hindi ko alam kung paano ko hahanapin," dahan-dahan akung tumayo sabay tingin sa labas ng helicopter kung saan umuusok na ang hideout nila habang nagsiliparan na ang mga natirang helicopter. "Kailangan mo ng tulong Celine," rinig kung saad ni Gwen. Kailangan ko nga ng tulong pero kapag isang galaw lang kami hindi namin sila mahuhuli. "Kapag isang galaw lang tayo mahihirapan tayong hulihin sila kaya dapat hindi tayo mahalata," Nilingon ko sila sabay taas ng kilay ko kay Von. "Ikaw ang tumulong sa akin pero sa ngayon haharapin ko pa si Daddy," mapait na napangiti sa akin si Von dahil alam na niya ang ibig sabihin ko. Masyadong strict si Daddy kaya hindi ko alam ang sasabihin nito sa akin.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작