Atarah Klyte
NAKATULALA lang ako habang hinahalo-halo ang kape na tinimpla ko. Hindi pa din ako maka move on sa nangyari kahapon. How dare him! Ang gago ng Rare na 'yun.
Hindi ako buntis at hindi ako pinagbigyan ni Rare na maging masaya. Damn him! Paasa siya.
Hindi ko lang maintindihan kung gumamit naman siya ng protection nun alam niya na hindi ako buntis so bakit siya nag act na parang naghahabol sa baby ko? Bakit parang inaalagaan niya ako. Hindi ako nag assume ha pero totoo talaga.
Pinaglalaruan niya ba ako? He's so jerk!
May pa this is not the right time baby pa siyang nalalaman kala mo talaga may susunod pa. Kala mo talaga pipilitin ko pa rin siyang buntisin ako. Pwes nagkamali siya. Ang kapal ng mukha niya. Sinayang niya ang chances na binigay ko. Maghahanap nalang ako ng ibang sperm donor. Tss.
Wala siyang silbe! Nagpakasasa lang siya sa katawan ko na walang kapalit. D-mn kung hindi niya ako kayang buntisin, edi maghahanap ako ng Iba! 'yung mas gwapo, 'yung mas yummy, at higit sa lahat hindi paasa.
Syempre hahanapin ko 'yung hindi na EX ng Ate ko at higit sa lahat 'yung lalaking hinding hindi na mag krus ang landas namin.
Ting!
Napabalik ako realidad ng biglang tumunog ang oven toster. Napabuntong hininga ako saka kumuha ng plate at dun nilagay 'yung bread.
Nag b-breakfast ako ngayon and wala si Rare dito. Kagabi pa siya umuwi. Pinauwi ko na actually dahil masama talaga timpla ko sakaniya.
Nang malagay ko na ang bread sa plate ay kinuha ko naman ang palaman na nuttella. Nagsimula na ako kumain. Sinawsaw ko ang tinapay sa nuttela at pagakatapos ay Ininom ako na ang coffee ko.
Nung matapos na ako sa pagbreakfast ay dumiretso ako sa sala para ipagpatuloy ko ang pagaayos ko. May duty ako ngayon and hindi pwedeng umabsent ako ulit kasi maraming nangangailangan saakin.
Nakabihis na ako, nag r-retouch lang ako ng konti. Habang inaayos ko ang sarili ko napansin ko ang isang wallet na panlalaki na nasa sahig, katabi ng couch. Napataas ang kilay ko dahil wala namang lalaki ang bukod tanging pumunta dito sa condo ko kung hindi si Rare lang.
Ewan ko pero bigla akong napangisi habang inaabot ang wallet na 'yun. Nung nakuha ko na sawakas ang wallet at tinignan ko muna mg maigi ito.
"Wow this is Loius Vuitton pince wallet damier graphite bifold card case bill purse. Ganda ng taste sa wallet ha check naman natin laman. Hihi." excited kong sambit sa sarili ko baka may makita akong ipang b-black mail ko sakaniya.
Hep! Syempre ibabalik ko sakanya 'to ng walang kulang. 'Di ko kukunin 'to no. Duh baka parusahan pa ako ni God. Baka 'di niya ako bigyan ng kasiyahan sa buhay and besides I have my own money duh. I'm Just curious sa laman ng Louise Vuitton na 'to na pagmamayari ng isang sikat na surgeon sa buong mundo.
Dahan dahan kong binuksan ang wallet tumambad agad saakin ang mga cards niya. "Whoa." mahigpit pa sa lima ang laman ng Cards niya. Next ko naman chineck ang isang pocket which is ang laman ay money niya.
Nilabas ko 'to at binilang. "22, 23, 24, 25, 26, 27, 27,600." laman ng wallet niya. Not bad huh dahil hindi ako kumbinsado sa mga nakita ko ay nagkalikot pa ako at napaawang ang ang bibig ko nang mapansin ang strawberry flavor na condom.
"Yuck!" ewan ko pero bigla kong hinagis ang wallet niya nang makita ko ang bagay na 'yun.
Wow self, parang ngayon ka lang nakakita nun ha? Pavirgin ka siz.
Napakamot nalang ako sa pisnge ko at pinulot ang hinagis kong wallet. Nang linuha ko 'yun ay may nalaglag doon na picture at isang kwintas.
Agad ko naman sinuri kung sino ang nasa picture.
Picture ni Ate Akisha na masayang nakatanaw sa tanawin. Sinuri ko pa ang likod ng larawan may nakalagay roon na. ' I love you beb.',
"What the hell HAHAHAH ang corny talaga ng tawagan nila. Oh beb~ ajujuju HAHAHA d-mn." natatawa at naiiling kong sambit. Sunod ko namang tinignan ang gold na kwintas na may pendant na maliit na letter A.
"Whoa, mukhang inlove pa rin si Rare sa Ate ko. Kawawa naman ang paasang 'yun buti nga sakaniya HAHAHA." mukhang exciting 'to ha, ano kaya gagawin niyang move para magpapansin sa ate ko?
Nakakatawa ka talaga tadhana. Napakamapaglaro mo. Isipin mo sa dinadaming tao na pwede maka one night stand ko si Rare pa, Ex ni Ate na ngayon ay may asawa na ni Charl na Ex ko rin.
Hinawi ko ang buhok ko at itinago sa wallet ko ang picture at kwintas, mukhang mapapakinabangan ko kasi ito soon.
Para kapag napagtanto ko na pinaglalaruan talaga ako ni Rare well paglaruan ko rin siya. Mali siya ng kinalaban.
°°°
NASA St. Calisha Foundation Medical Center na ako at sinulubong agad ako ni Kristan."Hey are you ok now?" ngumiti lang ako sakanya dahil ang cute niya mag alala.
"Yep."
"Let's go to my office. I'll check you." hindi kumbinsadong sambit nito. Oh Kristan. Nagiging cute ka nanaman sa paningin ko. Ang sarap pisilin ng pisnge niya kaso baka magkapasa na naman.
"Para ka naman baliw Tan. I'm fine na nga, thanks sa concern." tinap ko pa ang likod nito saka ngumiti.
"Sorry, hindi kita napuntahan kahapon. May surgery kasi, eh." napakamot pa ito sa ulo saka yumuko kaya napatawa ako.
"Tange, ok lang 'yun hindi mo naman obligasyon na puntahan ako. Osya na punta lang ako sa locker. Lagay ko lang 'tong gamit ko."
"Hatid na kita. let's go."
"Sige." inakbayan niya ako saka masaya making naglakad. Gan'to lang siya. Masyado siyang clingy sanay na ako sakanya.
"By the way sabay tayo mag lunch later. Ok?" sambit nito saka pinitik ang ilong ko kaya agad ko siyang tinulak.
"Ang sakit nun!" kunot noong sambit ko. lagi niyang ginagawa saakin 'yun. Kung hindi pinipitik ilong ko pinipisil niya naman.
"Hahaha ang cute mo talaga baby." nilapit niya ako sakanya saka niyakap.
"Kaazar ka!" sambit ko at akmang pipisilin din ang kaniyang ilong pero natigilan ako nang may tumikhim.
"Ehem.." sabay kaming napatingin ni Kristan sa kay Rare na tumikhim na halatang sinadya naman.
"Oh hey Doc Rare. What we can do for you?" nakangiting usal ni Kristan. Tss, kung alam lang ng bestfriend ko ang ginawa niya saakin 'di mangingitian ng gan'yan 'yang Rare na 'yan.
"Hey. Oh nothing." nginisian niya lang so Kristan saka binaling ang tingin saakin.
"Ms. Atarah. Let's go to my office. We have something to talk." seryosong saad ni Rare kaya napataas ang kilay ko.
Ang kapal naman nito. Close kami?
"What? Why? Ayoko nga. Let's go na Kristan.." ako na humila kay Kristan para Iwan roon si Rare.
"What was that?" kunot noong sambit ni Kristan.
"Wala lang."
"What if importante paguusapan nyo. Bakit mo siya tinangihan?"nagtatakang sambit ni Kristan.
"No hindi importante no magtatanong lang ng magtatanong about sa Ate ko. Shh ka lang ha. Ex kasi siya ni Ate ko and hanggang mahal niya pa rin kaso 'di ba may sarili ng Family si Ate.." kwento ko sakanya. Ewan pero ang saya sa feeling nung nikukwento ko kay Kristan 'yun.
"Oh So balak niya sirain 'yung Family ni Ate mo para lang makuha gusto niya? What a f-cker jerk." sinulyapan pa ni Kristan si Rare at napayukom ito sakanyang kamao.
"Oo siguro ganon na nga." hahaha yes naman. Masaya 'to. Sarap n'yang siraan sa lahat ng tao kapag 'di niya pa rin ako tinigilan.
"T-ngina niya pala eh. Sabihin mo agad saakin kapag ginugulo ka niya ha."
"Bibig mo naman, baka may makarinig sayo. Hayaan nanatin 'yun." patago akong ngumisi at sinulyapan si Rare na ngayon ay halatang frustrated kaya nilabas ko nalang ang dila ko saka siya binelatan .
"Bleh." tinignan niya lang ako mg masama kaya inirapan ko siya saka kami nagdirediretso na ni Kristan sa locker ng mga nurse.
Nang makarating kami dun ay agad nariin umalis si Kristan dahil may ic-check pa raw itong pasyente.
"Sabay tayo naglunch ok? See you around baby Ath." nginitian ko lang siya saka tinanguan. Pumasok ako sa loob ng locker toom ng mga Nurse at binuksan ko ang akin para ilagay doon ang bag ko roon pero naalarma agad ako nang maramdaman ko ang pagsara ng pinto. Agad akong napatingin dito at tumambad saakin ang frustrated na mukha ni Rare.
"Ano gingagawa mo rito?" mataray kong sambit. Sabi na e, susundan ako nitong bwiset na 'to.
"You, what do you think are you doing?" pabalang na sagot nito kaya bored ko itong tinignan.
"Naglalagay ng gamit. Isn't obvious?"
"F-ck!" naiinis na wika nito habang umiigting ang panga niya.
"Lah? Napapano ka? Para kang tanga." naiinis kong sambit saka ko sinara ang locker ko at nilagpasan siya pero pag hinila niya lang ako.
"Is he your boyfriend?" diretso niya akong tinignan sa mga mata ko. Ang intense ng mga eyes niya, napalunok nalang ako at umiwas ng tingin.
"What? Who?" nagtatakang tanong ko.
"Dr. Laspiatio?" Oh He's pertaining to Kristan. Well actually fenny lang talaga kami ni Kristan talaga sadyang clingy lang ang kolokoy na 'yun kaya maissue kami madalas. What do you expect nasa Pilipinas tayo ih.
"Pake mo ba? Shoo! Alis ka na nga." pagtataboy ko sakanya.
"Just answer my goddamn question!" Namumula ang mga pisnge nito at medyo magulo ang buhok niya.
Galit na galit siya mga sis.
"He's my Babypie bleh! Ano Inggit ka no? Hahaha kasi 'yung 'beb' mo may pamilya na opx bye! Hahaha." pangaasar ko saka tumakbo bago niya pa ako saktan.
"D-MN IT!" napamura nanaman siya kaya tuwang tuwa ako hoho skrt! I'm enjoying this. I want to make him angry para ganti lang paasa kasi ih.
°°°
NIPLAY ko ang Lullaby for kids para makasleep ang binabantayan kong pasyente. Kinuhanan ko kasi ito ng dugo bago umalis ang mommy niya.
"Hmmmm~." napapahamming ako habang nakatingin kay Baby Jeco. He's 1 year old and na dengue siya. Sobrang baba ng platelets niya at hindi tumatataas which is kailangan tumaas kaya nasa under observation pa rin siya.
Pumipikit pikit na siya kaya napangiti ako. Ang cute niya. Sana gumaling na siya. Nakaupo lang ako ngayon sa tabi niya habang siya ay nakahiga nang biglang bumukas ang pintuan.
Nilingon ko ang pumasok at nginitian pero napawi agad ito ng mapagtanto ko na si Rare 'yun.
Hayz. Bakit nandito nanaman 'tong mokong na'to?
"What are you doing here? Sa Pagkakaaalam ko Si Dra. Agasi ang Doctor ni baby Jeco duhh."
"Well, I'm not here for him. I'm here to get my wallet. Where's my wallet?" seryosong saad nito kaya napabuga ako ng hangin at natawa.
"Oh malay ko beb? Hahaha."
"F-ck stop calling me beb! I know i left my wallet in your condo." napakagat pa ito sa kaniyang labi at ginulo ang buhok halatang frustrated nanaman ang g-ga.
"Shh hinaan mo boset ka! Fine bibigay ko mamaya labas ka muna dun. Ang ingay mo pagnagising si Jeco yari ka saakin." mahina at may diin kong sambit sakanya.
"Saan ka uuwi mamaya?" ngi layo ng tanong niya sa topic namin ha. Bakit gusto niya malaman? Hmm.
"Aba, pake mo? Bakit kailangan mo malaman, H'wag mong sabihin makikitulog ka nanaman lintek ka." nangigil kong saad. Bigla naginit ulo ko dahil sakanya. Ayoko na talaga ang presenya niya ngayon simula nang paasahin niya ako.
"Ofcourse not lol. Tita Alaine at Tito Anjo invited me for the dinner in youransion. Si Mom and Dad 'yun ha? Bakit nila ininvite ang lalaking 'to? For what reason?
"What bakit? Kailan pa kayo naging close?!" gulat na sambit ko.
"Si Tito Anjo and Daddy are bestfriend." wait--I don't know that, wala akong ideya? Paanong nangyari 'yun? Una, si Rare naging EX ni Ate pero 'di ko alam at pagkatapos ngayon mag bestfriend ang magulang namin. How come that I don't knoe about that?
"What?!" gulat na sambit ko kasabay ng Pagiyak ni baby Jeco kaya napahampas nalang ako sa noo ko.
"AaAAAA! Kaazar ka! Hayz." Napasimangot ako saka nilapitan si Baby jeco.
"Shhh Baby tahan na, wait timpla lang ako ng milk mo." tinignan ko pa ng masama si Rare bago ako nagtimpla ng milk ni Baby Jeco.
Nagmadali ako magtimpla dahil lumalakas na ang iyak nito pero nang is-shake ko na ang gatas ay tumigil na ng iyak si baby Jeco kaya nilingon ko ito at nasa tabi na pala ni baby si Rare. Buhat buhat niya ang bata habang minove niya ng konti ang dextrose nito..
Seryosong nakatingin si Rare kay Jeco habang ito naman ay nakapikit na. What the f?, Bakit ang Cute and Hot niya tignan habang buhat buhat niya ang bata. Sanay na sanay siya, infairness. Ang daddy ng look niya.
Tinignan niya naman ako kaya napaiwas ako ng Tmtigin. Omg self! Nahuli ka niya nakatitig sakanya. Nakakahiya ka, ayan naman nagsisimula ka naman sa ka cringe-an mo.
Lumapit nalang ako sakanila. "Akin na. Ako na bahala kay Jeco. Balik ka na sa work mo." akmang kukunin ko si Jeco pero umiling lang ito.
"Magigising." napabuntong hininga ako.
"I know busy ka kaya bigay mo na siya ako na ang bahala.." nagtitimpi kong usal.
"No I'm not. Just shut up so he wont wake.." binalingan niya ako ng tingin at tinaas ang kaniyang kaliwang kilay.
"Fine." Inirapan ko siya saka umupo sa couch dito sa private room ni Jeco.
Hindi naman ako pwedeng umalis dito kahit na nandito si Rare dahil saakin pinagkatiwala ng Mommy ni Jeco siya.
Nagpretend nalang ako na nag p-phone pero sa peripheral vision ko ay 'di ko maiwasan tignan siya.
Tahimik lang kami, tanging ang aircon lang ang naririnig na tunog. Napansin kong ibinaba na ni Rare si Baby Jeco sa kama nito at unaayos ang Ddxtrose ng bata kasabay ng pagbukas ng pinto at inuluwa nito ang Mommy ni Jeco.
"Magandang araw po doc." yumuko pa ito kay Rare saka binalingan ako.
"Thank you sa pagbabantay ha. Eto I bought cheesecakes for you." inabot saakin ng Mommy ni Jeco ang box ng Cake.
"Ay nagabala papo kayo Thank you." Nginitian ko pa ito. "Oh sige mauna na po kami." ewan ko pero bigla kong hinawakan ang kamay ni Rare at hinila ito palabas.
Nang makalabas naman kami natauhan ko at bigla biglang binitawan ang kamay ni Rare na nakangisi ngayon.
"Chansing huh." He's teasing me! I hate it!
"Kapal mo! Tse." akmang aalis ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinili ako palapit sakanya.
"Its lunch time, lets go." hinila niya na naman ako at naglakad pero nagpumiglas lang ako.
"Hoy, may kasabay ako no si Babypi-----."
"One more talk, I'll kiss you so pips will make an issue.."
"How dare you, binablackmail mo ba ako?!" tumigil kami sa paglalakad at hinarap niya ako tinignan ng seryoso naguguluhan ko naman siyang tinignan pero sa isang iglap ay nakaramdaman ako ng mainit at malambot na bagay na dumampi saakin.
Nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ang cheesecake na hawak ko.
F-ck this familliar taste of his lips. Nakakapanghina na naman.
Nilayo niya na ang mukha niya saakin at nginisian ako. Speechless akong tumingin sa paligid at nakahinga naman ako ng maluwag nang wala kapwa ko nurse at mga doctors ang nakakita saamin at tanging mga ibang patients lang ang nakakita na ngayon ay halatang kinikilig.
Omg kahiya! This is PDA!
"You're cutie tho. You're so red." natatawangsambit nito kaya nagsalubong ang kilay ko.
"D-mn you Rare Cedrick!" saka ako nagmadaling maglakad palayo sakanya.
°°°
2 unread messages from Mom.
| Hey Ath, uwi ka muna sa bahay ngayon. Dito ka muna magdinner.|
|May bisita tayo, ang anak ng bestfriend ng daddy mo I want you to meet him.I'm sure magkakasundo kayo.|
Binaba ko ang phone ko at napairap. Magkakasundo daw? Duh ang epal kaya ng paasang 'yun.
First, ayoko pumunta sa dinner na 'yun baka ipahiya nanaman nila ako na kesyo di pa ako naka move on kay Charl kaya 'di pa ako nagkakaboyfriend and worst baka ireto pa ako sa Rare na 'yun.
Second, nando'n panigurado si Ate and Charl. Ayoko lang sila makita naaazar lang ako. Take note naka move on na talaga ako no. I'm not bittet!
Huminga ako ng malalim saka ko kinuha ang mga gamit ko sa locker ko. Nang makuha ko na ay lumabas na ako pero naabutan ko si Rare na nakahalukipkip habang nakasandal sa pader.
Nakasuot ito ng white polo longsleeve na naka tupi at black pans. Ang fresh and linis niya tignan.
Tinignan ko lang 'to ng masama saka nagmadaling maglakad pero ramdam ko na nahagip ni Rare ang braso ko.
"Ano na naman?" ang hilig niya akong hilain. Boy hila, tss. He think ba, he's cool by doing that?
"Sabay na tayo. I don't know where's your tho.."
"Para saan pa 'yung waze aber?"mataray kong sambit.
"I didn't bring my car.."napakagat pa ito sa kanyang labi saka napahawak sakanyang batok.
Sexy sh-t.
"Oh, ngayon problema ko 'yun?"
"Yep, lets go. Ano ihahatid mo 'ko or I'll tell to them that you rape me 'coz you want my sperm so bad." nakangising sambit niya kaya pinaghahampas ko ito.
Napaka bastos!
"Shut up! AaAaAaA nakakainis ka! Fine ihahatid kita pero hindi ako pupunta sa dinner na 'yun." padabog akong naunang maglakad at sinundan niya naman ako.
"Akisha is there.." mahina niyang saad kaya napangisi agad ako.
"Kaya nga ayoko pumunta do'n, kasi nando'n din siya and 'yung asawa niya." bigla kong sambit kaya napakagat ako sa labi.
Bakit ko ba sinabi 'yun!? Baka isipin niya bitter at 'di pa ako nakakamove on. Tss.
"Eh, why?" pinanliliitan niya ako ng mata kaya napangiwi ako.
"Duh for your information, Her husband is my ex boyfriend or should i say my fiance!"
"What? Seriously? Nice twist." nakangisi niyang sambit.
"Ano ok kana. Bwiset ka. Tara na." nagmadali na akong naglakad hanggang sa makarating kami sa parking lot.
Pumasok ako sa kotse ko at pumasok na din siya sa front seat habang nakangisi lang 'to simula kanina kaya sinita ko ito. "Hoy tigil tigilan mo kakangisi ha. Naiirita ako!"
"Still bitter with your Ex boyfriend huh." pangaasar nito kaya napataas ang kaliwang kilay ko.
"Wow comming from you 'beb' ha. Sino ka 'yung Inlove pa din sa ate ko ha." natahimik naman siya saka umiwas ng tingin kaya napahalakhak ako.
"Hahaha ano speechless ka no? Boom!"
"How can you sure that I'm still inlove with her huh?" seryoso itong nakatingin saakin habang nilalapit nito ang mukha niya hindi ako nagpatinag at nginisian ko lang ito.
Amoy na amoy ko ang hininga niya na amoy mint.
"Secret." mahinang bulong ko with matching paamoy din sakanya ng hininga ko na sure akong amoy mint din. Nag chew ako kanina ng bubble gum na mint flavor, e. Naiibggit ako sa amoy ng breath niya.
"I'm not inlove with her anymore." lumayo siya saka sumandal sa upuan at nilagay ang seatbelt niya.
"Liar jerk!" nginisian ko lang siya saka inistart ang kotse.
Buong biyahe ay tahimik lang at tanging Music lang nagpapaingay. Napapasulyap ako sa katabi ko nakapikit lang ito na parang tulog na. Halatang pagod siya pero how can he manage na maging pogi pa rin kahit pagod.
Hindi ko na siya inabala sa pagtulog niya at ginising ko nalang siya nang makadating kami sa mansyon.
"Hey we're here."sambit ko dinilat niya naman ang mata niya. At napalunok ako nang mapansin mapungay pungay ang mga mata niya. The f-ck sa mga novel ko lang nababasa ang mga lalaking gan'tong kagwapo ih.
Gwapo din si Charl, Sobra! Pero iba dating ni Rare parang laging nangaakit.
"Labas na, goodluck sayo . H'wag kang gagawa ng eksena d'yan. Nandyan anak ng Ate ko!" paala ko rito. Aba syempre wala akong pake sa feelings nila pero kapag pamangkin na ang pinauusapan magkakamatayan kami ng Rare na 'to.
"Uhh..Ofcourse I'm not immature. Lets go." inaayos niya ang kaniyang sarili bago akmang bubuksan ang pintuan ng kotse.
"Anong let's go ka d'yan 'diba sabi ko sayo hindi ako sasama." madiin kong wika.
"Join me. I have a plan.. "nakangiting sambit nito kaya natigilan pa ako saglit dahil nacurious ako pero agad napailing din.
"Pake ko sa plan mo. Labas!"
"Please just cooperate with me.." natahimik lang ako habang nakatingin sakanya. The way he says 'please.' Kala mo hirap na hirap siya. Kala mo nakakaawa gano'n.
Pumayag na kaya ako? Nakakawa naman isang 'to. Tyak torture sakanya makita na masaya na ang mahal niya kasama ang pamilya niya pero syempre torture rin saakin no.
Hays, tadhana ang bad mo naman saamin pareho.
"Suguraduhin mo lang na makikinabang ako sa plano mo ha." nginitian niya ako saka dali daling binigyan ng smack kiss sa lips na ikinatigas ng katawan ko.