Atarah Klyte
"HMMM...Rare." tawag ko rito.
"Yes?" napalingon naman ito saakin. Kasalukuyan kasi siyang nagluluto. Yes oo nagluluto siya ng snack namin such as fries, popcorn and many more 'coz we've decided to watch a movie.
Mag m-movie marathon daw kami para raw hindi boring and besides maaga pa naman. "I have only here a pink big t-shirt, If you want to change your clothes you can use this, uhmm. Ang init kasi ng suot mo ih." bakayuko kong sambit. D-mn, I felt so embarrassed. He just chuckled then inilahad ang kamay niya.
Imbes na ibigay ko ang damit ay natulala lang ako sa kamay nitong nakalahad. Ang puti, kinis at medyo maugat ang kaniyang kamay.
"Is this yours?" tanong nito kaya napatingin muli ako sakanya perpektong mukha at saka marahan na tumango.
"Cool. Akin na." kinuha niya saakin ang T-shirt na may bahid na ngisi sakaniyang labi.
"Susuotin mo?" 'di makapaniwalang sambit ko. Feel ko kasi ang cute niya pagsinuot niya 'yung t-shirt, I mean may touch pagka hot pa rin.
"Uhm." tumango siya saka humarap sa niluluto niya. Inihanda ko nalang ang nga plates na paglalagyan niya ng foods naminpara naman may silbe ako kahit pa-paano.
Ilang minuto kong tinititigan ang niluluto niya at minsan naman ay sumisimpleng tingin ako sakanya pero mabilis na tingin lang 'yon. Taksil talaga mga matang 'to 'di ko mapigilan amp, may sariling utak eh!
"Done." sambit nito nang matapos ito.Inilagay niya na sa plate 'yung mga niluto niyang tacos, fries, popcorn, and hotdogs.
Rawr yameh!
Sabay naming dinala ang mga foods sa sala and inilapag ito sa table. Nag decide kami na panoorin ang isang sci-fic na Movie.
Umupo at humilig na ako sa sofa at ganoon din ang ginawa niya ang kaso lang ay medyo malayo ako sakanya. Nasa right side siya tapos ako sa kabilang left side.
"Hey, come near. Mahihirapan kang kumuha ng foods." bigla nitong sambit habang mapungay pungay na mata akong tinignan. Dahil tama nga naman siya ay sumunod ako.
"Oo nga." umusog ako ng konti saka tinignan siya. Gumalaw amg panga niya at siya ang lumapit saakin. Inadjust niya ng konti ang glass table ko para mapalapit saamin ang table.
"Better?" tumango nalang ako saka kumuha ng fries.
"Do you want some beer?" I asked him pero umiling siya at tinaasan lang ako ng kilay.
"Malamig ngayon and hindi dapat umiinom ng alak kapag gantong malamig, lalo na at ikaw pa ang kasama ko." seryosong saad nito habang pinapagalaw muli ang kaniyang panga.
Ramdam kong nagiinit ang pisnge ko. Sheez! Hiyang hiya ako dahil alam kong may ipinararating siyang mensahe ih. Ahhhh! Dapat 'di ko na siya inalok ih. Wrong move self! Ikaw rin naman nagpapahiya sa sarili mo.
"A-h sige." nauutal kong sambit saka ko Pinagpatuloy ang panonood. Halos,1- 1/2 Oras ang tinagal namin sa panonood. Tahimik lang kaming nanonood, minsan naguusap kami about sa work namin o sa kahit ano pa.
Wews 'di kami close ha!
"I'll sleep here." turo nito sa sofa. Napatingin ako sa mga mata niyang mapungay pungay. Halatang inaantok na siya.
Potek! Ang sexy niya nan tinignan! Sungaban ko talaga 'to!--opps self, ang cringe mo na para kang hayok.
" Baka 'di ka komportable?" imported at sikat na doctor 'to tapos papatulugin kolang sa sofa baka pagising ko nasa TV na ako lol.
"Nah, its ok." humikab hikab na sambit nito.
"Gusto mo sa kwarto? Do'n sa lapag mag latag nalang?" kahit alanganin ako ay Inoffer ko na sakanya ang kwarto ko.
Sana tumangi! Charot.
"Nah, Its ok. I know, you'll not be comfortable if i sleep there. Baka mapuyat ka pa, may trabaho pa bukas." mariing pahayag nito.
Tama siya, hiindi ako magiging komportable pero paano naman siya? siya naman 'tong hindi magiging komportable, Sa itsura nyang 'yan wala sa mukha nito na natutulog ito sa sofa.
"Ahmmmm." 'di ko alam sasabihin ko. Natutop na ang dila ko dahila para maging akeard na naman ang atmosphere.
"Don't worry I'm used to it. I can sleep everywhere. Lalo na kapag umaakyat pa kami ng bundok for medical mission." Sabagay, oo nga no! Sige na self, hayaan mo na. Atleast inalok mo 'diba. You're such a kind woman.
"Sige. Katukin mo nalang ako sa kwarto if may kailangan ka ha?" nagaalanganim ko pa ring sambit.
"Uhm, Yeah. Thanks."
"Sige kuha lang akong comforter pati pillows." Sambit ko saka siya iniwan na nagaayos ng mga pinagkainan namin.
Dumaretso ako sa kwarto ko, kumuha ako ng extra pillows at comforter. Medyo malaki 'yung comforter tapos idagdag mo pa ang mga pillows na dala ko. Lumabas ako ng Kwarto ko habang hirap na hirap na dala ng mga 'yun.
"F-ck. Give me that." sambit niya. Kaya ibinigay ko naman ang mga hawak ko.
Dali dali niya ito nilagay sa sofa at hinarap ako. "Next time, don't carry a heavy things linke this." maotoridad na sambit nito.
Napataas ang kilay ko. "At bakit? 'di pa naman ako buntis ah?" kunot noong sambit ko pero hindi siya nagsalita.
Pinagalaw niya ang kaniyang panga at kinagat ang kaniyang labi. Hoy! Nang aakit ba 'to? Jusko tukso layuan.mo'ko.
"Tss. Sige na. Pasok na ako. Katok ka nalang kapag may kailangan ka ha?" sambit ko bago pa ako makagawa ng sala.
°°°
NAPABANGON ako sa kama ko at dahil ramdam ko na umiikot 'yung sikmura ko. Dali dali akong dumaretso sa CR at doon nagsuka.
Katapos ko magsuka ay feeling ko parang tamad na tamad ako
Hinimas ko ang tyan ko at nagbuntong hininga. Buntis na kaya ako? Nag morning sickness ako! Omg.
Naghilamos ako at inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng CR. Nakangiti ako dahil mukhang may mabubuo na kailangan ko nalang kumpirmahin. I'll buy pregnancy later to confirm if I'm a pregmant woman na! At pagkatapos ko makuha result nun papacheck up din ako agad sa OB-Gyne.
Kagabi, nakatulog din ako agad dahil naramdaman ko na ang matinding pagod and wala rin akong narinig na katok mula sa labas ng kwarto kaya nagtuloy tuloy ang tulog ko.
Nagtungo ako sa sala upang tignan ang kalagayan ni Rare pero pagpunta ko doon ay wala na akong naabutang Rare.
Nakaayos na ang mga unan at Comforter na gamit niya. Wala rin siya rito kaya napagdesisyunan ko na magtungo sa kusina ngunit walang kahit bahid ng anino ni Rare ang nandun at sa halip ay veggy salad and brown bread na nakalagay sa mesa at may nakadikit na sticky notes ang bumungad agad saakin.
Kinuha ko ang sticky notes at binabasa 'yun.
'I didn't try to wake you up because I know that you're tired, anyway I prepared breakfast For you I hope you enjoy it. Eatwell :>
"Wow." react ko. Sweet naman pala nito. Note the sarcasm tho.
Tinignan ko ang orasan at alasyete na ng umaga at Duty ko 7:30. Ayokong pumasok muna ngayon, sakit ng ulo ko, medyo nahihilo ganon. Nakakatamad ang pakiradam ko gusto ko lang humiga ng humiga.
Bumalik ako ng kwarto para kunin 'yung phone ko, magpapaalam ako na hindi muna papasok. Hindi ko talaga kaya, naiirita ako sa paligid at gusto ko Lang talaga dito feeling ko kapag lumabas ako mahihimatay ako. Ang OA 'diba, pero ganon talaga naf-feel ko. Legit!
Kring! Kring!
Tinatawagan ko si Nurse Mae. Kasamahan ko sa hospital.
[Oh napatawag ka, Ath ?]
"Ate Mae, I can't go there. I'm sick. Papalam nalang kay Ma'am Eazel.."
[ Sige, Uminom ka na ba ng gamot? Ano ba masakit sayo, Puntahan kita katapos ng duty ko? I'll check u. ]
"Thank you ate pero I c-check na kasi ako ng family doctor namin ih." pagsisinungaling ko.
[Ah ganoon ba, Oh sige getwell! Ako na bahala kay Ma'am.]
"Sige Ate thank you, Bye." binaba ko ang tawag at bumaba ulit para kainin ang hinanda ni Rare.
Nagsimula na akong kumain at mabilis ko din naubos. Ang sarap! Sobra. Gusto ko pa kaso wala na. Oh my, I'm so magana kumaim ngayon. Sign na talaga 'to nabuntis ako, gad I'm so excited.
Dahil ubos na, naghugas ako ng pinagkainan ko at kumuha ng fresh milk sa refrigerator at isinalin sa baso, pagkatapos ay dumaretso naman ako sa sala at humilata sa sofa.
Tinignan ko ang phone ko at doon ko napansin na may missed call si mommy at 3 text.
/ Anak, Are u ok? Masakit daw ulo mo sabi ng ate mo, Nasan ka? /
/ Are u in ur Condo? I'll sent there our family doctor. /
/ Do u want me to go there and take care of you? /
Napangisi nalang ako at napairap. Nagtype ako ng sasabihin ko.
/ No thanks Mom. I'm fine na./
Sagot ko saka binaba ang phone. Hayz. Nakakatamad ang araw gusto ko lang matulog ng matulog.
Tinignan ko ang orasan, at sinindi ang TV. Nanood lang ako at 'di ko namalayan na nakatulog muli ako sa sofa.
Dingdong!
Napabangon ako sa pagkahiga mula sa sofa. Ramdam ko ang papanakit ng katawan ko kaaya nagunat unat ako. Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mata ko nang mapansing kong 7:30 na ng gabi.
What the heck? Buong araw akong natulog? Hindi man lang ako naglunch. Sheez, what's happening to me? Gan'to ba talaga kapag buntis.
Napatingin ako sa tyan ko at hinimas ito.
"Aw baby, sorry ginutom ka ni Mommy." nakanguso kong saad. Ang bad kong Mommy, hayz.
Napabuntong hininga ako at nagunat unat bago naglakad papunta ng pintuan at binuksan ko ito. Tumambad saakin ang mukhang pagod na si Rare.
Watdahel? Ano ginagawa nya dito?
"What are you doing here?" mataray kong tanong. Ewan ko kung bakit ako naiinis siguro dahil ayokong malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis ko.
"Visiting you, I guess." mahinahon niyang sambit at tinignan ako mata sa mata. Oh sh-t, nangaakit mata niya.
"Why?" Duh bakit niya naman ako bibisitahin? Sino ba siya, nanay ko? Boyfriend ko?
"Because I heard the news and based on your face, skin and lips.." kinagat niya ang labi niya dahilan bakit pumula lalo ang ito. "You're sick." lumapit siya saakin kaya napaatras ako hanggang sa nakapasok na siya sa unit ko.
Gad! My heart.
"Anong gagawin mo.." kinakabahan kong sambit at patuloy sa pag atras hanggang sa mapasandal ako sa pader. Nginisian niya lang ako saka mas lalong nilapitan.
"Hoy ano ba.." naiilang kong sambit. naging seryoso ang mukha niya kasabay ng paghawak nito sa leeg ko.
"You don't have fever..Anong masakit sayo?" mahinang bulong niya saka niya ako nilayuan.
"I h-have headache and bodyache."nauutal ko pa ring sagot.
"Hmm.Here, I bought some fruits and meds." sambit niya saka nilahad ang hawak nitong paper bag.
"Thanks. But no thanks. Bakit mo ba ginagawa 'yan?" tanong ko. nakakapagtaka lang ha. Alam niya bang buntis ako? Gusto niya bang panagutan? Oh--no way!
"What?" nagtatakang usal nito kaya pinanliitan ko siya ng mata.
"Bakit moko pinuntahan?"
" 'Coz you're sick. Paulit ulit?" bigla na siya naiirita kaya nanlaki ang mga mata ko. Ang attiude? Wow.
"Wow ha? Bat ikaw pa mukhang galit? Excuse me hindi mo obligado na bisitahin ako kasi may sakit ako." kunot noo kong sambit habang dinuduro siya.
"I do. I owe you because you allow me to stay and sleep here and yes I'm worried about you. I'm with you last night, I just dont want to feel guilty." his eyes dropped from my face downwards. My heart poilunded with a force that almost made me faint.
"Ah ganon. Pwes ok na. Aalis na sige na.'Di ka masisi promise kapag may nangyari saakin." iritado ko ring sabi. Grabe kala ko naman nagaalala siya na bukal sa puso niya, 'yun pala guilty lang.
"No. You need to take a pregnancy test." Maotoridad na sambit nito.
"Oo alam ko and hindi mo kailangan malaman ang result!" Totoo naman na hindi niya na kailangan malaman kasi napagusapan na namin na wala na siyang habol sa bata if ever.
"I have a rights to know if you're pregnant or not because that baby is mine also. Ako ang ama niyan." pinagalaw niya ang panga niya habanh nakakunot ang noo saakin.
"Damn you! Walang Tatay ang anak ko. Akin lang siya and malinaw naman na napagusapan natin na hinding hindi ka maghahabol sa Bata 'diba?" sigaw ko sakanya. Kainis!
"Did I say yes to that?" mayabang na saad nito.
"Gad! You're so unbelievable! Akin lang ang anak ko."
"No, We created that baby. Sperm ko at egg cell mo ang puhunan dito." seryosong saad nito.
Kaazar! Ito na ang kinatatakutan ko, ang maghabol siya sa magiging anak namin. Bish, my child is only mine. I'll not share it to him.
"Ok fine. Magkano kailangan mo?" baka pera lang katapat nito tapos lalayuan na ako.
"Do you think I need that f-cking money? Ha? Do you think I will sell my baby? " humalakhak siya na 'di nakakatuwa 'yung tipong naasar siya.
Hays! Ang hirap naman kausap ng Rare na 'to. Ang linaw linaw naman kasi ng kasunduan. Ang bobo niya.
"Yes! Get out. I don't need you here! "
"Yes, you don't need me but my baby does. Now take the pregnancy test to confirm that you're pregnant."maotoridad na sambit nito.
Ang bossy!
Napabuntong hininga ako at sinamaan siya ng tingin. "Ok fine. Sasabihin ko na ang totoo. I'm not pregnant. Pinaniniwala kolang ang sarili ko na oo. Mayroon ako ngayon no." mahinang bulong ko na halatang hindi ako sigurado sa sinasambit ko.
Kailangan kong magsinungaling, hindi pwedeng makialam siya buhay namin ng baby.
Gumalaw ang perpekto niyang panga.Napahawak ito sa kanyang sentido at napapikit ng mariin nang marinig ang aking sinabi.
"Then prove me." dinilat niya ang kaniyang mga mata at tinignan ako ng diretso.
"Aba.. sampal ko talaga sayo dugo ko. Bwiset ka! Maghintay ka d'yan" inis na saad ko at tinalikuran siya.
Paano ko mapapatunayan na 'di nga ako buntis ha? Kainis. Saan ako hahanap ng dugo. Alangan namang pilitin ko sarili ko maglabas ng dugo. Duh!
Maglalakad sana ako papunta ng kwarto ko pero pinigilan ako ni Rare.
"Stop.."
"What?!" I hissed.
"You're not pregnant.." mahinang bulong nito kaya kinunotan ko siya ng noo.
How? To the rescue na naman ba si God saakin? Aw Thank you papa G!
"Oh ngayon naniniwala ka na? Ok ka na get out." mataray kong sambit habang taas noo akong nakatingin rito.
Bakit biglaan naman na hindi siya naniwala? Pero anyways hayaan ko na ang mahalaga naniniwala na siya.
"Change your pad and short first." seryosong sambit nito.
"Why would?! Bat mo ba ako inuutusan. Alis na sho shooo!" pagtataboy ko rito naiirita na ako ngayon sakaniya, ang kulit.
"Why not? Hanggang mamaya mo nalang ba ibabalandra 'yung dugo mo? So gross. " nanlaki ang mata ko at sinundan ang tingin niya. Nakatingin siya sa likod ko.
"What the f-ck! No..." naiiling kong sambit sabay napalunok ako at nagmadaling pumasok sa kwarto ko at chineck ang likod ko.
"No.." naiiyak kong sambit.
Confirm may tagos ako. I have my menstruation. This is not good.
Napaupo ako sa sahig at napatulala.
"No! Hindi pwede 'to!" Naiiyak kong sambit. Napasigaw ako at napahawak sa t'yan ko.
"A-ang baby ko!" ramdam ko ang panginginig ko. Hindi ba talaga ako buntis o sadyang possible na hindi talaga mabubuo si baby?
Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto at ilang saglit pa ay naramdaman ko ang presenya ni Rare sa tabi ko.
Hindi ko siya pinansin at sa halip ay nilakasan ko pa ang iyak. "Hey shh. Stop crying.." sambit nito at pinantayan ang pagkaupo ko.
"Ano masaya kana! Hindi na ako Buntis! Wala ka ng hahabulin pa! Lumayas kana." tinulak ko siya pero hinawakan niya lang ang dalawang kamay ko at binigyan ng mahigpit na yakap.
"F-ck. Of course I'm not happy. stop crying baby.." pagpapatahan nito. Wala na akong lakas para itulak siya at sa halip ay mas lalo lang akong naiyak sa ginawa niya.
Nanghihinayang ako.
"Bakit.. bakit ganto..."
"We can still make a baby if you want..."
Umiling iling lang ako at todo sa pagiyak
"Gusto ko ng baby...Hindi ba talaga ako buntis ha?" napasinok sinok pa ako.
"Look I'm sorry.. I have something to tell you but before that fix your self first, ok?" natigilan ako at biglang kinabahan ako sinabi niya.
Bakit siya nagsosorry? Possible kayang..
"Don't tell me pinalaglag mo 'yung baby ko?! 'Yung pinakain mo ba saakin kanina, May lason 'yun?! How dare you! Hindi naman kita inobliga maging ama 'di ba! " kahit nanghihina ako ay nagawa ko pa rin siyang itulak sa pagkakataon ito.
"No ofcourse not! Para saan pang doctor ako? I don't kill, I save life Atarah.. so don't blame me. And besides hinding hindi ko gagawin 'yun dahil anak ko 'yun." frustrated na sambit nito.
"Then ano?! Sabihin mo bakit ka nags-sorry! Sabihin mo na ngayon!"
"No. Fix yourself or do you want me to change your pads? Choose now."
"Damn you Rare! Get out kung ayaw mo sabihin umalis kana!" Napapikit siya ng mariin at tumayo nalang kala ko ay lalabas na siya ngunit nagkamali ako. Binuhat niya ako at dinala sa Cr.
"Ibaba mo ako Jerk!" nagpupumiglas kong sambit.
"Then choose. I'll take care of that or nah?"
"Ibaba mo na ako. Magpapalit na ako! Umalis ka na bastos!"
"Good." ngumiti siya saka binaba ako.
"I'll wait you outside then I'll prepare foods too, Ok?" lumabas na siya at ako naman ay napatanga nalang.
Napabuntong hininga ako at nagsimula ng ayusin ang sarili ko. Makalipas ng 15 minuto ay natapos na ako mag ayos ng sarili ko. Lumabas ako ng Cr at umupo pa ako sa sala.
I'm wearing a black pajama and white sando. Napahiga ako sa kama at tumitig pa sa kisame. Nagsimula nanaman tumulo ang mga luha ko.
"I badly want to have a baby. I want to be a mother.." naiiyak kong sambit.
God? Bakit? Bakit Hindi mo 'ko pinagbigyan ngayon? Kaya ko naman po na ih. May trabaho ako, May ipon, may condo at maramin pang iba pero bakit?!
Gusto ko lang naman magkaroon ng totoong magmamahal saakin dahil wala na talagang totoong nagmamahal saakin.
Sina mommy and daddy, Si Ate lang naman mahal nila ih. Si Ate naman sarili lang naman minahal niya. Ay oh pati pala ang Ex ko haha. Si Charl 'yung ex kong Gago! 'Di naman ako minahal nun ginamit niya lang ako.
Si Mikee na best friend ko lang talaga ang nagpaparamdam saakin na mahal niya ako.
Knock! Knock!
"Hey are you not yet done?"
"Bakit nandito ka pa? Alis na!" so seryoso siyang hihintayin niya ako? Ang kapal talaga ng mukha niya.
"Atarah, You'll open this goddamn door or I will break it?" madiin na sambit nito. T'yak ako na umiigting na naman ang panga niya.
"Then Break it! Wala akonh pake sayo lumayas kana! Magpapatawag ako ng guard!"
"Don't f-cking test me Atarah!"
"Paking paking mo mukha mo!"
"Damn.." narinig ko ang pagkalabog ng pintuan kaya napaupo ako sa higaan.
"F-ck you Rare! Tatawag ako ng guard!" Galit na sigaw ko. Tumayo ako at hinanap ko ang phone ko pero hindi ako makita. Patuloy lang ang pagkalabog ng pintuan. Napahawak naman ako sa sentido ko nang maalala ko na nasa labas pala 'yung phone ko.
Napabuntong hininga nalang ako." Ok stop! Bubuksan ko na." tumigil ang kalabog at binuksan ko na ang pituan.
"Ano bang pinagagawa mo ha!? Hindi ka ba nahihiya saakin?! Pe-perwisyuhin mo pa ako!" Galit na sambit ko sakanya pero wala naman itong ekspresyon.
"I can pay you times of the price of that freakin' door. Now. Let's go." hinawakan niya ng kamay ko at dinala ako sa dining area.
Tumambad saakin ang mga pagkain. katulad ng seafoods such as shrimp, crab and mussles. Meron ding vegatable salad ulit and many more.
"Did you cook these?" I asked to him since alam ko sa fridge may stock pa ako ng ganyan.
"No. Nagpadeliver ako." umupo siya sa upuan at pinagsandok ako mg pagkain kaya napatulala lang ako sakanya.
"Bakit mo pa ba ginagawa 'to? 'di maman nga ako buntis diba?" pinagtaasan ko siya ng kilay pero binigyan niya lang ako ng malamig na tingin.
"Eat." 'di niya ako sinagot at sa halip inutusan lang ako nito. Pinaikot ko ang mga mata ko dahil ayoko makipagtalo sa harap n pagkain at isa pa gutom ako. Kanina pang umaga ang huling kain ko.
Tahimik lang kami kumakain. "I guess, you didn't eat lunch?" biglang basag nito sa katahimikan.
"No, nakatulog ako lasi masama pakiramdam ko kala ko dahil sa pagbubuntis ko 'yun kaso hindi." napatigil ako sa pagkain saka napabuntong hininga.
"Why are you so desperate to be impregnant with stranger, aren't you have a boyfriend?" tanong nito habang nakatingin ng diretso saakin kaya inirapan ko 'to.
"None of your business."
"You're my business. So answer me.." what? Ano ba trip niya? Paanong ako ang business niya?
"Ok, I Just want to be love. And I don't have a boyfriend. You now, ok? Fishing, Tss." binigyan niya ako ng 'di makapaniwalang tingin kaya napangisi ako.
"What the heck fishing. I'm not.I'm just curious. So what about your family, alam ba nila pinag gagawa mo?" mga galawan wew, ang bilis niyang ibahin ang topic napahiya kasi.
"Wait... 'di tayo close ok bakit dami mong tanong."naiirita kong sambit.
"I'm sorry." mukhang natauhan siya laya napangisi ako. Ang epal kasi FC.
"Speaking of sorry. Bakit ka nagsosorry kanina? Ano 'yung sasabihin mo?" Tanong ko rito pero umiling lang siya.
"After this, I'll tell you. Finish your food first." duh nakakainis naman 'to pabossy! Kagigil. Pasalamat siya, I'm hungry and tired wala akong sa mood makipag away pa.
Lumipas ang minuto hiindi ko na tinapos ang pagkain ko dahil busog na din ako. Inayos ko ang pinggan ko at nilagay sa sink.
Tumayo na din siya at nilagay ang pinggan at inaayos ang lamesang pinagkainan namin. I washed the dishes then after nun ay dumiretso na ako sa sala.
Naabutan ko siyang naksandal sa sofa at nakapikit. Napatitig naman ako sa mukha niya. Gad, bakit ba ang attractive itsura niya kahit nakapikit lang siya.
Agaw pansin pa ang nakaunbutton niyang mga butones at medyo magulong buhok. Gad he looked so even though he's tired. How to be him?
Umupo ako sa tabi niya kaya binuksan niya ang mga mata niya. Mapangungay pungay niya akong tinignan.
"Pagkatapos nitong sasabihin mo. Umuwi ka na. You look so exhausted, duh."
Huminga siya malalim. "I'm sorry.."panimula nito tinignan niya ako. Ang oungay pungay ng mga mata niya.
"Ok spill it."
"I used condom." diretsong sambit nito kaya natigilan ako at pakiramdam ko lahat ng dugo umakyat sa ulo ko.
D-mn.
"Why? I thought bubuntisin mo 'ko. Malinaw na 'yun diba? Saka Isa pa 'di naman kita hahabulin. Walang makakaalam na ikaw ang ama ng dinadala ko. Ang linaw linaw, Rare. Sperm mo lang naman ibibigay mo!" naiinis kong sambit. Nagsisimula na naman mag init ang sulok ng mga mata ko.
Ang labo naman niya, bullshit!
"I can't."naiiling na sambit nito sabay hilot sa sintido niya
Anong I can't Ang g-go Naman! Nakaka g-go!
"F-ck naman. Dapat winabi mo na Gumamit ka nun agad! Para 'di na ako umasa na buntis ako. Da-mn, ang sakit kaya umasa no!" galit na sambit ko at ramdam ko na nangingilid na ang mga luha ko.
"Kung alam mo naman na hindi ako mabubuntis, para saan pa 'tong mga ginagawa mo?! Binigyan mo 'ko ng hope Rare! Kala ko may magmamahal na saakin ng totoo na kadugo ko. Kala ko magkaaanak na nga ako. Kala ko magiging ina na ako. F-ck you! "
Tinignan niya lang ako ng malambing.
"Shh. This is not the right time baby..." niyakap niya ako ng mahigpit kaya mas lalo lang akong napaiyak.