CHAPTER 6

1097
Chapter 6 Nagsimula na ang hell week for students. Bakit ko nasabi? Dahil road to examination na for first grading period. At ang ikinababahala ko ay si...Khalia. Yes, siya naman talaga palagi ang inaalala ko. Paano kung babagsak na naman siya? Ako ang mapapagalitan nang mga magulang niya? Eh sa tantya ko, ang Dela Merced napaka-terror. Kagaya na lang nang nakita ko si Khalia noon na pinapagalitan. Naku!  "Mr. Deliman, what are the pointers po pala for the upcoming test? Para naman mapag-aralan namin." pagtaas ng kamay ni Kuangco na isa sa ka-compete ko sa top lists. Matalino rin kasi tsaka nerd. Ang pinagkaiba lang namin. Scholar ako, pero siya hindi, at h'wag kayong maingay ha? Bakla rin siya. Hindi nga lang kita dahil kapag daw nalaman ng Mommy at Daddy niya baka raw chuchugiin siya...Woot! Di ako bakla ah!  "Good thing you asked about the pointers Mr. Kuangco. Kindly scan your notes at ang lahat ng topic natin for first grading ay iyon ang inyong pag-aralan. Dahil lalabas 'yan lahat sa exam ko. Understood?"  "Yes Sir!!" sigaw naming lahat.  "Very good, for now...I will leave you early because all the faculty staffs have an urgent meeting. Mr. Humillo will not be here in your class because of the meeting, ipinapasabi lang niya sa akin na pag-aralan niyo rin ang kung anuman ang naidiscuss niya for the test. Goodluck students." Nang lumabas na si Sir ay napuno na ng bulungan ang klase.  "Naalala niyo bang may naidiscuss si Sir Humillo sa atin?"  "Wala nga akong naalala e," "Ano kaya ang sinasabi niyang pag-aaralan. Eh kung nasa klase siya wala naman siyang tinuturo. Nag e-ML lang naman ang gurong iyon!"  "Oo nga tama! Dapat na nga natin siguro ereport iyon sa nakakataas dahil sa buong buwan na natin dito. Wala talaga akong natutunan sa kanya. At ang notebook niya ang pinakabago at pinakawala pang nakasulat." "Kaya nga! Asosko! Nagteacher pa siya sa lagay na iyan!" "Pero sino naman ang magrereport kay Sir Humillo sa Dean?"  Binaliwala ko na lang ang kanilang mga bulungan at mas inuna nang gisingin ang tulog na namang si Khalia.   "Hoy Khalia! Magdadalawang buwan na tayong magkasama, wala akong nakitang improvement sa'yo! Antukin ka pa rin!" Nag-unat naman siya tsaka dahan dahan nang nagpapahid sa kanyang mga mata at labi. Ginugulo ang buhok at... "Bakit ka ba nanggigising Drex!! Maganda na panaginip ko e!!! Nakakabadtrip ka naman!"  Nagulat ako sa pagsigaw niya sa'kin. 'Wow!!' "Ha! At kasalanan ko pa?" "Oo! Kasalanan mo!" "Oh edi! Matulog ka ulit!" at iningudngod ko ang mukha niya sa armchair gamit ang kamay ko at sa may likurang bahagi ko siya sa ulo hinawakan.  "Hmmmp! Bitawan mo nga ako!!"  "D'yan ka na nga!!" padabog akong tumayo at dala ang aking bag.  "Hoy! Hintayin mo ako Drex!"  "H'wag mo kong sundan!" "At sino ka naman para utusan ako!?" "Ako si Andrex Herrera! Kaya lumayo ka!" Nandito na kami sa field pero ang lahat ng mga mata ay nakatungin sa amin. "Hala, LQ na naman ang DrexLia!" "Oo nga ano? Grabe naman si Drex, pinapahabol talaga si Khalia."  Sa isang oras naming habulan ay biglang may nabangga akong malambot na matigas na bagay sa aking harapan. Sa hinuha ko ay tao ang nabangga ko at nakasuot ng school uniform.  "Bakit mo pinapahabol si Khalia, Drex?!" Sa unang buka pa lang nang kanyang bibig ay alam ko nang si Jigs na damuhog na naman ang nangingialam. Buong lakas ko namang itinukod ang kamay ko sa tiya niya at lumayo ako. Sa paglayo ko'y tinignan ko muna saglit si Khalia sa likod ko na patuloy pa ring tumatakbo.  Pero nang humarap ako kay Jigs. Malakas na suntok ang sumalubong sa akin. Dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Jigs sa mukha ko ay napatumba ako't napatihaya sa lupa.  "Iyan ang nababagay sa iyo Herrera! Ang feeling mo kasi! 'Di ibig sabihin syota mo na si Khalia ay gaganyan ganyanin mo lang siya? Eh kung ako nga na palaging nanliligaw sa kany hindi ko magawang ganyanin si Khalia. Pero ikaw! Ha! Ginagamit mo kasi kayabangan mo para maangkin mo si Khalia. At hindi ka man lang nahirapang makuha ang matamis niyang Oo, samantalang ako, palaging rejected. Tapos ito! Malalaman kong ginaganito mo lang si Khalia? Para ano? Para masabing gwapo ka? Sos!"  Hindi ko na naman nailagan ang suntok ni Jigs. Ano bang problema nang lalaking ito? Marami nang nakikiusyoso sa aming dalawa.  "Hala, tulungan niyo naman si Bebe Drex namin!!" "Kawawa naman si Drex!"  "Anong problema ni Jigs!" "Selos na naman 'yan!" Mga ganoong bulungan ang aking naririnig. Nararamdaman ko na ang hapdi sa mga galos dahil sa mga suntok ni Jigs.  At dahil may dugong mayabang ako, ay tumayo ako't dahandahang pinagpag ang lupa sa aking school pants.  Tsaka inayos ang aking eyeglasses. Iniiling ko bahagya ang aking ulo para maayos ang buhok na papatabon sa aking mata.  "Hindi naman kasi ako nanligaw kay Khalia, naging girlfriend ko lang siya dahil kami talaga ang itinadhana. Pero kayo? Pinagtago lang kayo. At isa pa hindi kasi-" Biglang may sumingit sa nais kong sabihin. "Kasi pangit ka Jigs, at walang laman ang utak mo kung hindi mga bola ng basketball at tsaka hangin! Mukha mo! s**t! Anong ginawa mo sa mukha ni Drex! Jigs!? Sumagot ka! Kundi isusumbong kita sa Daddy mo sa ginawa mo ngayon!" Hindi ko namalayang nakalapit na pala si Khalia, dahil siguro pinipigilan ko lang ang sakit na dulot nitong suntok ni Jigs. I'm sure mamamaga ito! Patay ako kay Mama at Papa nito pag-uwi.  Nataranta naman si Jigs sa sinabi ni Khalia. Kaano ano ba sila at bakit matataranta na lang si Jigs kapag si Khalia ang magsasabi sa kanya.  "No! No! Please Khalia, alam mo naman si Dad! Kilala mo siya kung paano magalit!" bigla naman itong lumuhod sa harap ni Khalia. "Please!! Sige na Khalia!!"  "Tsk! Magsorry ka lang kay Drex! Hindi kita isusumbong." may diin sa kanyang pagkakasabi.  "What! No way! Binigyan ko lang ito ng leksyon dahil sa ginawa niya sa'yo kanina!" tumayo na siya at nagpagpag na rin. "O sige madali naman akong kausap Jigs. Kaya...oh! Tara na Drex, gamutin natin 'yan sa clinic."  "Hephephep! Khalia, please," "Sorry muna!" "Hmmp!" "I'll call Tito Pinz later! Bye-" "O-Okay! Fine! Sorry Drex!"  "Galit?" ani Khalia.  "Hindi!" "Oh? Bakit malakas boses mo?" "Para maranig niya!!" "Kailngan sincere!" "Ayst!" "Tsk! Sumbong mo na lang Khalia, ang Oa nang Jigs na 'to parang bakla!"  Bigla naman tumawa si Khalia. "May point."  "San kayo!?" "Clinic." "Sumbong mo'ko?" "Oo!" "Ahhhh!!! Sorry na Drex, hindi ko sinasadya! Please patawarin mo na ako!" malakas na sigaw niya at ngawa hindi niya naisip na marami pa lang mga estudyanteng nakatingin sa kanya.  Kaya nagsitawanan naman ang buong estudyante sa field. Dahil sa kanyang kahihiyan ay tumakbo siya palayo sa amin. "Tara na!" inakbayan ako ni Khalia kaya bahagyang natamaan niya ang sugat sa mukha ko.  "Aray!!"  "Ay Sorry!" At inaakay naman niya ako papuntang clinic.  Tsk! nasira na tuloy ang face ko. Grr!! May oras ka rin sa akin Jigs!
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작