CHAPTER 5

960
Chapter 5 Ako ang kinakabahan sa pagiging unattentive ni Khalia sa klase ni Mrs. Ochanco, kahit na mabait si Mrs. Ochanco pero kapag nagalit, naku! Baka buong klase madamay. Kinabahan naman ako nang biglang may papasagotan si Mrs. Ochanco, tapos isinuyod niya ang kanyang mata sa buong klase, nang bigla siyang natigilan sa mismong upuan ni Khalia, tss! Ito na nga ba ang sinasabi ko e! Tinabig ko kaagad si Khalia, "Hoy!! Bumangon ka!!" Mahina pero may diin ang bawat salitang aking nilalabas. "Hmmmp," Halinghing niya sabay pahid pa ng laway na papatulo na sana. Yucks! Hindi lang 'to makupad, balahura pa!  "Anong hmmp!! Umayos ka!! Baka ikaw pasasagotin ni Ma'am tapos makita ka niyang tulog diyan!" Saway ko sa kanya.  Aba't nag-uunat pa. "Haaay! Then? Bakit naman ako matatakot na pasasagotin? Nandiyan ka naman! Bakit hindi ka ba nakikinig? Baka titig na titig ka lang sa akin buong discussion ha!" Ngisi niya. "Mukha mo!! Umayos ka nga!!"  Hindi ko namalayang bahagya ko pa lang napalakas ang boses ko. Kaya narinig ako ni Mrs. Ochanco.  "Yes Mr. Herrera? Stand up!"  "P-po," Kaagad akong tumayo para hindi madagdagan ang kahihiyan.  "What is Matter?" Ani Mrs. Ochanco.  Bigla naman nagmental block ang utak ko, as in walang  nikunting salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Ayst! Alam ko ang sagot pero hindi ko masabi. Kaya hindi ako mapakali, ayaw kong mapahiya. Top students at scholar tsaka piniling maging tutor nitong babaeng katabi ko. Damn! Matter! Matter! Matt- "Matter occupies space and has a mass." Mahina pero may diin ang bawat salita na sinasabi ni Khalia. Alam kong ako lang ang nakarinig noon.  "Mr. Herrera?" Tawag ulit ni Mrs. Ochanco sa atensiyon ko.  Napatingin ako saglit kay Khalia na ngayon ay sumandal na naman sa kanyang arm chair.  Bigla naman nagrecall ang kaninang sagot ni Khalia.  "M-Matter, matter occupies space and has a mass." Bahagya pa akong nautal sa pagsagot. Mabuti na lang at na overcome ko ang mental block ko.  Bakit kaya ako na mental block. Alam ko naman ang sagot non ah! At akala ko ba hindi 'to nakikinig e bakit nakasagot pa 'tong engot na 'to. "You can sit down Mr. Herrera,"  Napabuntong hininga naman kaagad ako. Nang biglang nagring ang bell hudyat na tapos na ang klase ni Mrs. Ochanco. At breaktime na rin.  "Khalia, break na tayo," Tinabig ko naman siya para magising.  "Khalia! Break na tayo!!!" Nilakasan ko kunti ang boses. Pero wala pa rin. Kaya mas lalo ko pang nilakasan. Ang bingi naman nang babaeng ito. "Khalia!!! Magbreak na tayo!!! Kaya gumising ka na!!"  Ang kaninang maingay na classroom, ngayon ay sobrang tahimik. Kaya napatingin ako sa kanilang lahat. Gulat lahat ang kanilang mukha. Tinignan ko naman ang mesa ni Mrs. Ochanco at laking pasasalamat ko dahil nakaalis na pala siya.  "Bakit kayo tahimik?" Hindi ko mapigilang hindi magtanong sa mga kaklase ko. Dahil nakakagulat.  Tumayo naman ako tsaka nagliligpit na ako nang gamit ko. Nang naihulog ko ang ballpen ko. s**t!! Ang ballpen ko! Pinulot ko ang ballpen ko tsaka nainis na ipinasok ito sa bag. Tsaka padabog na sinarado ito.  "Anong problema mo Herrera?"  Naninibago naman ako sa tawag niya sa akin. Baka ito na naman mood niya ngayon. Hays! "Wala! Sabi ko magbreak na tayo!" Sinadya kong ilakas ang mga katagang iyon para tuluyan na siyang magising.  Nauna naman akong naglakad. Grr. Nainis talaga ako sa pagkamental block ko kanina. Tsaka ang babaeng iyon pa ang tumulong sa akin na maalala ang sagot! s**t lang. Ako dapat 'yong may alam dahil ako ang personal tutor niya! May biglang umakbay sa akin. "Akala ko ba magbreak na tayo!" "Oo nga!" "Eh bakit ka napahinto?" Nalito naman ako sa sinabi niya.  "Hinihintay ka!"  "Galit ka?" "H-Hindi!" "Eh bakit ang lakas ng boses mo? Ikaw nga 'tong nagsabing break na tayo tapos ikaw pa ang galit. 'Di ba ako dapat ang magalit?" "At bakit ka naman magagalit?"  May mga bulungan na nga kaming naririnig.  "Hala, bakit naman sila nag-aaway?"  "Engot ka talaga Llena, narinig mo naman 'di ba?"  "Na ano?"  "Aray!!" "Gaga ka kasi! Paanong hindi sila mag-aaway! Eh nakipagbreak si Drex kay Khalia! Ang lalakas na nga boses nila hindi niyo pa naririnig!" "Bakit kaya ganon-ganon lang nakipagbreak si Drex!" "Kawawa naman si Khalia,"  Dahil sa mga narinig na bulungan ay bigla kong hinablot sa braso si Khalia tsaka kinaladkad palabas ng classroom.  "Ano ba Herrera! Saan mo ba ako dadalhin!" "Shut up!" "Aba't-" "Pwede ba Khalia tumahimik ka na lang?" "Paano ako tatahimik! Ang higpit nang pagkakahawak mo sa braso ko!" Nang bigla niya akong binitawan at inayos na rin niya ang sariling postura.  Napatingin siya sa pinagdalhan ko sa kanya. "Bakit mo'ko dinala rito?"  "Magbreak na nga tayo 'di ba?"  "Break? Ibig sabihin, break- oh heck! Ang engot ng isipan ko!" Napangisi naman si Khalia sa sariling naiisip. Pero ang mukha ko ay hindi alam kung ano ang nais na ipakitang ekpresyon dahil hindi ko naman siya ma gets! "Ano ba kasi nasa isip mo?"  "Wala, tara na nga sa loob nang Canteen, magbreak na tayo!" At tsaka malakas siyang tumawa.  Napailing na lang ako. Unpredictable talaga ng babaeng ito. Hindi ko mabasa nasa utak. Pinulupot na naman nito ang kamay sa braso ko nang sa pagkapasok pa lang namin ay may mga bulungan na naman.  "Nandito na ang DrexLia!"  "Oh my god! Bakit parang fake news naman yata ang kumalat na issue kanina?" "Oo nga ano? Ang sweet naman nila ah!" "Baka nagpapaspread lang ang mga haters ng mga fake news para masira ang DrexLia!" "Tama!" Naagaw naman ni Khalia ang atensyon ko ng bigla niyang binanggit ang order naming dalawa. Sinabihan ko na kasi siya kanina na parehas na lang kami ng meal. Siya rin naman magbabayad. Teka nga muna. Nang nasa mesa na kami ay kaagad ko siyang kinausap tungkol sa kung kailan ako magsisimulang magturo sa kanya.  Pero sabi lang niya. "Tsaka na muna 'yan, magbreak na muna tayo!" Tsaka tumawa ulit siya.  "Bakit ka tumatawa?" Nalilito kong tanong.  "Wala, kumain ka na!" Mataman ko lang siyang tinignan nang sinimulan na niyang buksan ang burger at softdrinks niya.  "Kain na,"  "A-ah o-oo!"  Damn! Drex! Umayos ka! Baka mamental block ka na naman ulit.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작