Chapter 3

1415
Rain's POV, Para akung zombie habang naglalakad pa punta sa Slyde's para kumain ng almusal nagugutom na kasi ako. Noong nakaraang buwan nanganak na si Saya pero nandoon sila ngayon nina Grey sa spain sa palasyo ni Grey don. Hindi ko naman alam kung kailan ang uwi nila basta kasama nila ang anak nila malamang Rain anak nila e, kami kaya ni Nix kung hindi kami nagkahiwalay may anak na din kaya kami? Pinilig ko ang ulo ko dahil sa naiisip ko. Tama na ang ilusiyon Rain mas sinasaktan mo lang ang sarili mo. Alam mo sa sarili mo na hindi na babalik si Nix sa buhay mo nag-iisa ka nalang. Ng makapasok ako naabutan ko si Saki at Rade na nag-aaway na naman. Palagi naman silang nag-aaway eh, matapos nga ang binyag ng anak nina Saya nagsuntukan sila sa gitna ng pool. Lumapit sa akin si Pink at Flower na may mga hawak na white folder. Nakasuot pa sila ng pang agent galing siguro sa mission. "Death, bagong mission mo." Saad ni Pink at inabot sa akin ang envelope. "Ikaw muna ang humawak busy si Cyan sa pamilya niya sa Spain sila ngayon papunta sa parents ni Grey siguro doon muna sila. Matatagalan pa bago sila makabalik." Dugtong pa ni Flower sa sinabi ni Pink. "Sino ang kasama ko?" Habang binubuklat ko ang page ng laman ng files. "Ikaw lang." Sagot nila kaya napabuntong hininga nalang ako. "Okay." Sagot ko nalang sa kanila bago sila lumabas ng Slyde's, napaharap naman ako kay Kate na nakabusangot ang mukha. "Problema mo?" Tanong ko sa kanya at kinuha ang menu na hawak niya. "Wala sige na bilisan mo." Sagot nito pero halata naman na may problema siya. "The same order. Paki sabi na din kay Helix na dagdagan niya pa ng sili." Saad ko at pina-alis na si Kate. Napa-isip namana ako. Simula ng nag-away kami ni Thunder sa office ni Kuya Slyde at si Grey pa ang umawat sa amin hindi ko na siya nakita dito. Paano ba naman wala siyang ibang ginawa kundi ang guluhin ako pag ako talaga nagsawa na sa pagmumukha niya bibitayin ko na siya, nananahimik ako tapos guguluhin niya ang buhay ko bwesit! "Thinking of me?" Napabalikwas ako at tiningan ang nagsalita hindi talaga nagpapalibak ang lalaking to, ang kapal ng mukha! "Asa! Mangarap ka ng gising." Singhal ko sa kanya bakita ba nandito ang lalakIng to may trabaho siya pero dito nakatambay sa TDR. "Ako naman talaga ang iniisip mo eh." Hirit pa niya at umupo sa harapan ko. Napataas naman ang kilay ko. "Sino ang may sabi sayo na pwede kang umupo!" Singhal ko sa kanya pero ang gago ngumisi lang. "Hindi naman sayo to kay Slyde to kaya pwede akung umupo dito." Sagot pa niya sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagtuunan ko nalang ng pansin ang mission ko at binasa ang bawat detalye. "Ito na ang pagkain mo Rain enjoy!" Tiningnan ko ang pagkain na nilapag ni Kate bago ito umalis, baliw talaga. Binaba ko ang folder na hawak ko at sinimulan ng kainin. Hindi ko pinansin si Thunder na kanina pa sa akin nakatingin. Problema niya simula ng magka-partner ang TDR at ang Mafia's hindi naman kami nagpapansinan ni Thunder palaging away ang nagaganap kapag nagkikita kami kahit ngayon. Si Ice lang at ang kambal ang medyo close ko si Grey naman wala yon napaka cold ng taong yon. Pero mas masahol pa si Thunder don isa pa to eh, ano ba ang problema niya pag ako nagalit na ng tuluyan sa kanya lintik lang ang walang ganti. "Hindi ba ma-anghang yan Rain?" Napatingin sa mukha ni Thunder ng magsalita ito. Nakangiwi pa habang nakatingin sa hawak ko. "Kakainin ko ba ito kung naaang-hangan ako? Mag-isip ka nga!" Sagot ko sa kanya pero may kaunting sigaw. "Nagtatanong lang naman." Sagot nito sa akin at humarap sa cellphone niya. Pagkatapos ko dito kailangan kung pumunta sa office ni Kuya Slyde. Bukas na ako aalis para sa single mission ko. Magpapanggap akung waiter sa isang bar at pag-nagkataon papatayin ko si Mr.Chao. Napatingin ako sa lalaking pumasok. Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng magtapat ang aming mga mata. Pero kaagad din naman akung umiwas at uminom nalang ng tubig. Kasi nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko. Masakit. Aaminin ko gabi-gabi parin ako umiiyak dahil sa paghihiwalay namin ni Nix. Pinipilit ko lang ang sarili ko na maging masaya sa harap ng mga kaibigan ko pero kapag ako lang ang mag-isa lumuluha ako. Masyado ko ngang mahal si Nix. Hindi ko alam kung kaya ko pang magmahal ulit. Love sucks! Masakit kapag nagmamahal ka. Mabilis akung tumayo sa upuan. Wala na akung pakealam kung ano man ang iisipin nila na affected pa din ako kay Nix. Talaga namang affected pa ako. Hindi ko padin siya makakalimutan. Naging parte siya ng buhay ko. Lumapit ako sa counter kung saan naka upo si Saki. Busy pa ito sa kakalikot sa cellphone niya. "Saki!" Tawag ko sa kanya kaya tumingin ito sa akin at ngumiti. "Yes Rain?" Tanong nito at tumayo. "Ohh!" Saad ko sa kanya sabay abot ng credit card ko. "Alright." Bigla niya nalang hinablot ang credit card ko at ini swipe sa machine. "Ahh, 178,0000 lahat." Sagot nito at kimindat pa sa akin. "Sisihin mo sina White at Velbet sa loob ng isang buwan lahat ng kinakain nila dito sayo nakapangalan kaya ikaw ang magbabayad." Dagdag pa ni Saki. Kita muna mga baliw talaga pareho naman kami na may pera pero sa akin pa sila nangutong naman oh. Will wala naman yan sa akin. Sa araw-araw na dumaan milyon-milyon ang pumapasok na pera sa account ko. Will I have a company also. Secretary ko lang ang bahala doon bumibisita lang ako doon. May tiwala naman ako sa secretary ko matagal na siya doon kaya medyo sanay na palaging wala ako. Pinipirmahan ko lang ang dapat pirmahan. "Bayaran ko na lahat." Sagot ko kay Saki kaya mabilis itong nagtipa sa machine at binalik ang credit card ko. "See you when I see you Rain. One month din tayong hindi magkikita! Good luck sa mission mo. Balita ko may single mission din sina White at Velbet!" Saad sa akin ni Saki. "Yeah!" Sagot ko nalang at lumabas na ng Slyde's at pupunta pa ako sa office ni Kuya Slyde. Mabilis kung pinaharurot ang kotse ko para makarating ko sa office ni Kuya ng mabilis kasi matutulog pa ako. Pinark ko ang kotse ko sa labas at pumasok sa loob. Malaki ang office ni Kuya pero mas malaki ang HQ dito. Sa pagpasok mo sa Camp ng TDR ang naglalakihang villa kaagad ang bubungad sayo. Pero hindi sa amin na villa para sa mga bumibisita dito na toresta o nagbabakasyon. Sa dulo kasi nito may dagat kaya makikita mo ang resort sa north ang unang bakasyonan. Sa east naman pwede kayong maghiking, scuva diving, lahat ng adventure sa land at tubig maski sa air pero sa mataas na parte pa ito ng TDR. Sa west at north naman dito na naka base ang aming villa bali hati at doon din naman puro restaurant ang naka base doon. Kabilang na ang Slyde's pero hindi alam ng mga nagbabakasyon dito na panlabas lang na anyo ng TDR ang nakikita nila. Kasi ang taga TDR agent lahat ang nagtatatrabaho dito kaya nga pugad ng magaganda at gwapo ang lugar na to. Pero may bagong TDR na pinapatayo si Saya. Sabi niya kasi masyado ng maliit dito kasi dumadami na ang agent kaya kailangan na ng second camp. Kaya iyon nagpatayo siya sa Spain lang kaso nakabase. Pero sa totoo lang mas malaki pa dito ang bagong pinapatayo ni Saya. Kasi sa loob ng pinapatayo niya na second camp ng TDR pati ang HQ nila Grey nasama. "Rain natanggap mo ba ang mission mo?" Pambungad sa akin ni Kuya Slyde. "Yeah." Sagot ko nalang. "Magsisimula kana bukas. Kay Saya sana ang mission na yan kaso dahil kakapanganak niya palang at hindi siya papayagan ni Grey. Kilala mo naman si Grey. So ikaw muna ang humawak niyan." Saad sa akin ni Kuya kaya tumango nalang ako. "Isang buwan din to Kuya." Sagot ko at kinuha ang isang envelope. "Yeah, madali lang yan sige na may gagawin pa ako." Kaya umalis nalang ako at uuwi. Kinuha ko lang ang ibang gagamitin ko bukas sa HQ namin at dumeritso sa bahay ko talaga na hindi dito sa TDR. Pero pupunta muna ako sa kompanya ko bago matulog. Isang buwan din akung magpupuyat. Dahil sa mission na to. My god! Ako ba naman gawing waiter.Kung hindi dahil kay Saya ayaw kung gawin to eh. Waiter sa loob ng bar nako hindi matatapos ang buwan at may malalapatan tung kamao ko na pisngi.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작