Chapter 2

1391
Rain's POV, Padabog kung sinara ang pinto ng villa ko. Naman oh gusto ko pang matulog eh. Kay aga-aga nambubulabog sila. Sino pa ba ang may pakana malamang si Kuya Sylde na naman. Sabayan pa ni Saya magkapatid nga naman. Dahil tamad akung magdala ng sasakyan sumakay nalang ako ng bike ko. Sayang sa gasolina eh. Ng makarating ako sa HQ iniwan ko ang bike ko sa labas. Ng makapasok palang ako naabutan ko si Saya na nakasabit sa balikat ni Grey. Ano na naman kaya ang ginawa niya. "Sige na Babe please. Mayaman ka naman eh. Bilhan mo na ako ng human size na teddy bear. Yung kulay grey talaga ang gusto ko." Si Saya yan. Napabuntong hininga nalang ako. Ganya ba talaga kapag buntis. Napatingin naman ako kay Grey na busy parin sa cellphone niya. Hindi pinansin ang asawa niya. "Babe? Nakikinig ka ba?" Si Saya parin. Sa mukha palang alam mo na naiirita na yan. BOGGSSHHH! Napatingin naman ako sa wasak na wasak na cellphone ni Grey. Wow just wow that's was expensive. "f**k! Babe that cost a lot." Nabaling naman ang tingin ko kay Grey na hindi maipinta ang mukha na nakatingin kay Saya. "Cost a lot mo yang mukha mo! Mas mahal mo pa ba ang cellphone mo kaysa sa amin ng anak mo! Bwesit!" Napatakip naman ako ng tenga ko dahil sa lakas ng pagkasara ng pinto ni Saya. . "Ayan hindi mo kasi pinansin ang asawa mo!" Ako at umupo sa tabi ni White na busy sa kakakain. Pero ang layo ng agwat kay Sky. Tapos makatingin pa kay Sky parang papatayin niya. Naman pag-ibig nga naman. "Umorder ako ng teddy bear true phone. That girl. Hindi ko na bubuntisin ang babaeng yon napaka moody." Napatingin naman ako kay Grey na paalis. Napangiti naman ako. Hindi daw bubuntisin. Sino inuto niya. Hindi pa ako nakapagsalita ng pumasok si Kuya Slyde kasama si Thunder. Ito pa ang isang bwesit. "Girls. My assignment ako sa inyo. Since buntis ang kapatid ko kayong apat nalang muna ang hahawak nito. Katuwang niyo naman ang Mafia's eh. Punta kayo sa office ko mamaya ibibigay ko ang dapat niyong gagawin." Pagkatapos sabihin iyon ni Kuya Slyde umalis lang ito. Iyon lang. Akala ko kung gaano ka importante ang sasabihin niya para gisingin ako. Naman Kuya oh. "Na lintikan na. Akala ko kung ano na ang sasabihin nila. Bwesit makauwi na nga." Padabog akung tumayo at lumabas ng HQ. Kaagad akung sumakay ng bike papunta sa Slyde's Restaurant para kumain ng agahan. Nagutom kasi ako sa sinabi ni Kuya. Insert the sarcasm please. Tssk. Ng makababa ako at na park ko na ang bike ko pumasok ako at umorder. "Kate, yung dating order ko. Dagdagan mo nalang ng maraming sili." Sabi ko kay Kate. "My god! Rain hindi ka ba na aanghangan sa sili. Sili nalang ang kainin mo." Sarkasamo na sabi ni Kate. Hindi ko nalang siya pinansin tama naman siya mahilig ako sa sili. Ang sili na kulay pula talaga ang gusto ko. Oo ma anghang pero hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko iyon. Habang hinihintay ko ang order ko pumasok sa isip ko si Thunder the pervert. Ano kaya ang ginagawa ng lalaking yon ngayon. Malamang naghahanap ng mabibinyagan niya. Asshole! Bakit ko ba iniisip ang lalaking yon. Kaya ko namang mabuhay na wala siya. Wala naman sa kanya ang kaldero at kanin ko. f**k this mind bakit niya na iniisp si Thunder. Naihampas ko naman sa lamesa ang ulo ko ng wala sa oras. Kung sino man ang makakakita sa akin ngayon malamang isa akung baliw sa tingin niya. "Binaliw na ba kita kaya inihampas mo ang ulo mo sa mesa." Napaigtad naman sa narinig kung nagsalita. That voice. Hindi ako nagkakamali si Thunder to. "Umalis ka! Nabubuwesit ako sayo." Saad ko. "Wala naman akung ginagawa sayo kaya bakit mo ako paaalisin?" Sakto naman na hinarap ko siya at dumating si Kate dala ang order ko. Linapag niya ito sa table ko at ngumiti ng nakakaloko. Hindi ko nalang siya pinansin at tumayo ako dala ang order ko umupo sa ibang upuan. At ang malas nga naman oh. Occupied lahat maliban nalang sa inuupuan ni Phoneix. No choice mas gusto ko pang makatabi si Phoneix kaysa sa kulog na to. Mabilis akung umupo sa harapan ni Nix at walang sabi sabing kumain. Mukhang nagulat pa nga siya pero kumalma din naman. "Your still eating that food Rain?" Napatingin naman ako kay Nix. Ganon parin walang pinagbago. Gwapo parin siya sa malapitan. Tumango nalang ako bilang sagot. Ayaw kung magsalita baka umiyak na naman ako. Yeah, Phoneix is my ex fiance. My first love. Pero nakipag hiwalay siya sa akin dahil ayaw ng magulang niya sa akin. And aaminin ko mahal ko pa siya. Isang taon na kaming hiwalay pero sobrang sakit parin. Isang taon lang ang tinagal ng relasyon namin. Tatlong buwan na kaming engage noon pero nalaman ng magulang nila. Noon okay pa sa kanila na girlfriend palang ako ni Nix pero ng maging fiance ko na siya pinaghiwalay kaming dalawa. Hindi nila kasi alam na agent ako at si Nix may malaking kompanya si Nix kaya sabi ng magulang niya hindi ako bagay sa anak nila. Isa lang daw akung basura. At dumating sa punto na pinapili si Nix at mas pinili nito ang magulang niya. Masakit sobrang sakit pero anong laban ko wala. Ng araw na naging si Saya at Grey iyon din ang araw na nawala sa akin si Nix. Masakit sobrang sakit. "You should eat healthy foods Rain." Saad pa niya pero tumango nalang ako. Kaya mahal na mahal ko siya kasi palagi niya akung inaalagaan. Nandiyan siya sa tabi ko palagi. Narinig ko na napabuntong hinga siya. At lumapit sa gilid ko at inagaw ang pagkain ko at pinalitan ito ng sa kanya. Napatingin naman ako sa mukha niya. I really miss you Nix. Pero nahagip ng mata ko si Thunder na ang sakit makatingin sa amin. Problema non. "Eat up Rain. You should eat healthy foods not spicy foods. You stubborn. Ako na ang kakain nito. Ubusin mo yan. At ako nalang ang magababayad para kainin mo talaga." Napangiti naman ako sa sinabi ni Nix. Kaya ko minahal si Nix dahil napaka sweet at caring nito. Ng makaalis si Nix kinain ko ang pagkain niya. The same spoon indirect kiss din to mga brad. Pero hindi ko pa na ubos ang pagkain may umagaw nito at kinain lahat. What the f**k. "Hindi ka dapat kumakain ng tira. Baka may aids pa yon." What the! Lintik na Thunder to ang sarap niya talagang ipalapa sa leon. Panira ng araw eh. "Bakit mo inubos bigay sa akin yon ni Nix!" Sigaw ko sa kanya. "Iyon na nga binigay kaya hindi mo dapat kinain." Ano daw? Bwesit talaga. "Bwesit ka talaga eh no! Sa akin binigay yon ni Nix!" Sigaw ko sa kanya. "Umaasa kapa ba kay Nix Rain?" Saad niya. Kahit na marami na ang nakamasid sa amin hinayaan ito ni Thunder. "Wala kang pakealam Thunder! Buhay ko to! At hindi naman kita kaano-ano para pagsabihan mo ako!" Balik sigaw ko sa kanya. Ano ba ang problema niya. "Move on Rain. Matagal na iyon. Hindi kapa ba nakalimot. Halata masyado na mahal mo pa siya.". Singhal niya sa akin. Para akung binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Oo inaamin ko hindi pa ako naka move on pero masakit pala sabihin sayo ng harap harapan. "I didn't mean that." Pangbawi niya sa sinabi niya. Umiinit ang sulok ng mata ko dahil sa sinabi niya. Alam ko naman eh. Pero wala siyang pakealam sa akin buhay ko to. Desisyon ko kung ano man ang gagawin ko. "No! You mean that! Oo hindi pa ako naka move on pero patas lang naman tayo! Hanggang ngayon may pagtingin ka parin kay Saya kahit na alam mo na kasal na siya at magkakaanak na! Kaya mag move on kana Thunder dahil wala ka ng pag-asa!" Balik sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Again and again. Ito na naman ako umiiyak. What the f**k! Nakita ko naman ang pagguhit ng sakit sa kanyang mukha. Nakonsenya naman ako kahit kaunti pero sa akin nga pinamukha niya sa akin kaya binalik ko lang sa kanya. Mabilis akung lumabas ng Slyde's hindi ko na kinuha ang bike ko tinakbo ko nalang ang villa ko. Worst day of my life. Again. I'm crying because I know wala na kaming pag-asa ni Nix. Your insane Rain. Walang forever!
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작