Kabanata 9

1197
Kabanata 9 Enroll Anessa's POV Walang tigil pa rin akong nagpipigil sa aking tawa hanggang dito sa kusina. Eh, kasi naman, ang payatot pala nang lalaking iyon. Makapagmatigas, eh, akala mong siga, astigin o macho. Eh, ang tiyan. Halos wala ng laman, dahil sa kapayatan. Naibuhakhak ko na ang tawa kaya nagdulot ito ng ingay sa buong kusina.  "Oh? Anong nangyari sa 'yo, Essa? Para ka namang kiniliti r'yan ng demonyo." pabirong usal sa akin nang mas matanda sa akin ng ilang taon, na kasambahay rin dito. Sa pagpapahayag niya sa akin noong nag-uusap kami, nag-aaral pa rin pala siya. At dito na siya nag-wo-working student, para na rin may maiambag sa bayarin sa eskwelahan. Kagaya ko, may pangarap rin sa buhay si Ate Leah. Kung hindi siya magtatrabaho, baka hindi siya makapag-aral dahil sa kahirapan. "Wala, Ate, natatawa lang ako sa aso," "Aso? May aso ba rito?" "Ahh, hindi, may asong dumaan tapos nakipag-away sa pusa, dahil may nakita silang malaking skeleton doon sa kwarto ni Sir Luis. Ayon!" Tumawa na naman ako, dahil sa nai-imagine kong estoryang gawa-gawa ko lang din. "Hala," inosenteng reaksyon ni Ate. "Okay lang 'yon, Ate. Ah, teka nga pala, Ate, anong Grade ka na nga ulit ngayon?" "Hmm, Grade ten na, bakit?" tanong niya sa akin. "Tinatanong ko lang." Sabay ngisi. "Saan ka rin po nag-aaral?" patuloy kong tanong. Habang naghuhugas ng mga pinaglutoan. "Sa Calisto Academy." Nagulat ako, "Woah? ‘Di ba private 'yon?" "Mmm." Tango niya. "Paano 'yan, mahal 'yon 'di ba basta private?" "Hindi ako ang nagbabayad sa tuition ko, sina Mr.Esguerra at ang asawa niya, working kasi nila ako. At isa pa, classmate ko rin si Luis, simula Grade seven." Imporma niya. "Hala, hindi ba mahirap?" "Anong ibig mong sabihin na mahirap? Ang mag-aral ba?" "Hindi po," "Eh, ano?" "Hmm, ang makasama ang isang engot na si Luis, simula Grade seven sa isang klase, baka kasi naka-de-depress, sa pagkakakilala ko kasi sa lalaking iyon, eh, parang kulang sa buwan na ipinanganak." Ngisi ko. "A-Ahh--" "At isa pa, paiba-iba ang mood. Parang ewan. Akala mo kung sinong makaasta, eh, anak lang nama--" nabigla ako nang may malakas na ingay na nahulog sa sahig. "Anak ng butete!" Sigaw ko. "Anong butete? Baka ikaw ang ipakain ko sa butete, Essa!" nanggagalaiti sa galit si Luis sa aking nasabi. "Kanina ka p-pa ba r'yan?" Kinalma ko ang sarili, kahit na hindi na mapakali ang mga daliri sa aking kamay. "Oo! At narinig ko lahat ang pinagsasabi mo!" Natatawa talaga ako sa mukha niya. Idagdag pa ang katawan niya kanina. "May nakatatawa ba sa mukha ko, Essa? Alam mo, nakagigigil ka na talaga! Gusto mo sapak? Libre 'to. Sabihin mo lang, willing to land my fist in your thick face!" Pakita pa niya sa kamao niyang kalansay naman! "Ano 'yan, Luisito? Nababakla ka na ba? Pati babae pinapatulan mo na? At baka makasuhan ka rin ng child abuse, alam mo namang bata pa si Essa." kalmado pero seryoso ang naging bungad na saway ni Mr. Esguerra sa anak niyang suwail. "D-Dad," nababakas ang kaba sa kanyang boses at kilos. "Kasi Dad, si Essa kasi. Tinatawanan kasi ako, sinasabihan akong payat! At payatot! Saka engot! Dad, dapat talagang hindi mo 'yan tinaggap dito, dahil napakawalang galang niya. Amo pa rin niya ako, kaya dapat respetuin pa rin niya ako." "Bakit, Luisito, bakit mo nasabing amo ka rin ni Essa?" Pabalang na tanong ni Mr. Esguerra habang naglalagay siya ng tablecloth sa kanyang dibdib. At naghahanda na sa kubyertos para sa pagkain. "K-Kasi po anak ninyo ako, oo iyon nga ang dahilan!" kompyansa nitong sagot. At papakuha na rin siya ng ham and bread para sa agahan. Ang kaninang nahulog na kutsara ay kinuha na rin kanina ni Ate Leah. Tumawang bahagya si Mr. Esguerra, "You're so funny my son, anak nga kita...pero, ikaw ba ang nagbibigay ng pasweldo sa mga kasambahay natin para masabi mong amo ka rin nila?" makahulogan nitong salita. "H-Hindi po," "Oh, iyon naman pala, eh, anong ipinuputok ng butse mo r'yan?" "Eh, kasi naman po--" "Kumain ka na lang, sabi ng daddy nang kaibigan mong si Pith, na puntahan mo raw siya. H'wag mo na ngang pag-initan si Essa." Tumingin naman sa akin nang masama si Luis. Binelatan ko lang siya, saka nagpatuloy na sa pagtayo sa gilid nila, at naghihintay na silang matapos kumain. "May oras ka rin sa akin." iyon ang pagkabasa ko sa kanyang bibig. Mas pinili ko na lang na ignorahin iyon para hindi na kami makita nang daddy niya. Nang matapos na silang kumain ay lalapitan na sana ako ni Luis nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kaya may pagkakataon akong lumayo sa kanya. Tinignan ko lang siya at nginisihan. Nagmuwestra naman siya gamit ang kanyang daliri na para bang sinasabi niya na patay ako mamaya sa kanya. As if naman matitinag ako. "Hello? Pith? Ah, Oo-Oo! Papunta na! Sige, sige!" Iyon lang ang mga huli kong naririnig sa tawag ni Luis at umalis na rin siya. Hays, finally! Wala na rin ang pasakit sa ulo. Nililigpit na namin ni Ate Leah ang mga pinagkainan, at si Nanay Minda naman ang naghuhugas. Si Ate Lorna rin ay naghahanda na sa likod ng aming agahan. Magsasabay kaming mga kasambahay na kumain. Iba rin ang mga sekyu, dahil may kanilang parte rin sila sa pagkain. Naging mapayapa naman ang umaga ko hanggang tanghali dahil walang asungot. Nang matapos ako sa paglilinis ay napagpasyahan kong manatili na muna rito sa sala, dahil naaakit ako sa mga librong nasa ilalim ng maliit na mesa. "Wow! Ang ganda nito, ah! Makapagbasa nga muna." Binasa ko naman ang nakapaloob sa libro. Nang biglang lumapit sa akin si Nanay Minda. "Oh, anong ginagawa mo, Essa?" "Nagbabasa po," "Nagbabasa? Akala ko ba hindi ka nakapag-aral?" "Ahh, nakapag-aral po ako pero hanggang grade six lang, hindi na ako nakapag-high school, Nay, dahil may bayad na, okay lang 'yon sa Elementarya, dahil wala namang bayad. At nakikihingi lang ako ng papel at ballpen sa mga kaklase ko." Paliwanag ko. "Eh, paano ka nakapag-aral? ‘Di ba nga iniwanan ka lang sa kalye?" "Ahh, iniwanan kasi ang mga dokumento sa basket na pinaglalagyan ko, tapos si Aling Tanya na ang nagpapasok sa akin sa eskwelahan. Pero nang nakapagtapos ako sa Elementarya, wala na. Hindi ko na naituloy, nakahihiya rin kasi kay Aling Tanya. Dahil may anak din naman siya." "Ganoon ba? Kung tatanungin kita, gusto mo bang magpatuloy sa pag-aaral?" Hindi ako nakasagot agad. "O-Opo naman po! Gustong gusto ko po!" sabik kong usal. "So, mabuti at natanong kita agad, dahil hindi pa naman tapos ang enrollment, tumatanggap pa ang eskwelahan ng mga late enrollee. Sasamahan kita bukas magpa-enroll." "Talaga po?" "Oo naman, anak," "Salamat po, Nay! Sobrang salamat po!" hindi ko na napigilan ang luha ko. At mahigpit na yakap ang aking nailahad sa kanya. Sobrang saya ko. Dahil may pag-asa pa pa lang matupad ang pangarap ko. "Sasamahan kita bukas sa Calisto Academy, magpa-enroll doon--" Pinutol ko kaagad ang sasabihin ni Nanay, saka napabitiw ako sa pagyakap sa kanya. "Sa Calisto po? Naku! Mahal po roon, Nay." "Anak, ako ang bahala." "Nay," "Shhh," Hindi na lang ako komontra kahit na nag-aalala ako.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작