Kabanata 6
Malandi
Damn that girl!
Ang kapal din talaga ng pagmumukha ng babaeng iyon! May gana pa siyang sumama kay daddy rito? At dito titira? For goodness sake! Aba't hindi yata tama ito. How come? Kailangan ko makausap si daddy. Eh, paano kung magnanakaw ang batang iyan? Killer? O mandurugas? Paano kung tiktik pala 'yan? Shoot!
Napasabunot na naman ako sa buhok ko, habang iniisip pa rin ang mga ganoong bagay patungkol sa batang babaeng dinala ko sa hospital.
"Sana hindi ko na lang talaga niligtas ang babaeng iyon! Baka may mangyari pa sa aming masama. Paano na lang si mommy? Kapag umuwi iyon dito? Baka sabihing nagpapasok lang kami basta-basta ng mga katulong na walang hinihinging background. Pihikan pa naman si mommy. Kung strikto si daddy, mas naman si mommy!"
Nagpagulong-gulong na lang ako sa king size bed ko. Sheesh! Malaking problema ito. Kailangan makausap ko talaga si daddy. Pero sa ngayon, matutulog na muna ako. Baka ma-stress pa ako.
Shocks! Stress na ako!
Kinabukasan.
Malakas na katok ang nagpapukaw sa aking mahimbing na pagtulog.
"Sir Luis, nakahanda na po ang agahan, pinautos po nang daddy niyo na bumaba ka na raw rito, para mag-agahan.”
Hindi na lang ako sumagot dahil ganyan naman talaga tuwing umaga kung wala akong pasok.
Naghilamos na muna ako at nagsuklay, pagkatapos ay nagpasya ng lumabas nang aking silid.
Nasa kalagitnaan pa ako ng hagdan ay umiinit na ang aking ulo. Nakita ko na naman ang batang babae. Huminto muna ako saglit saka kinalma ang sarili. Napansin yata ako ni daddy na huminto kaya tinawag niya ako.
Nang nasa hapag na ako'y tinadtad na naman niya ako ng salita.
“Saan ka ba nagsusuot kagabi at bigla kang nawala. Paano ba kita dadalhin Luisito, hindi mo pa rin ba ma figure out sa sarili mo kung ano kang klaseng anak? Please naman h'wag kang pasakit ng ulo dahil matanda na ako!”
Nagtataingang-kawali na naman ako. Wala ng bago sa umaga ko. Lagi na lang bulyaw ni daddy ang nagiging agahan ko.
“Excuse me, nawalan na ako ng ganang kumain." Sabay tayo ko sa hapag.
"Tss!" Tanging reaksyon ni daddy.
Naglakad lang ako hanggang hindi ko napansing dinala na pala ako ng mga paa ko sa may dalampasigan. Ang bahay kasi namin ay malapit lang sa dagat. Kaya rito ako nagpupunta kapag umiinit ang ulo ko sa bahay. Lagi na lang kasi akong pinapagalitan. Hindi ko magawang isipin kung bakit ganoon na lang parati. Maliit na galaw ko lang, isyu na agad kay Daddy. Kung nandito lang sana si Mommy baka may magtatanggol pa sa akin.
Umihip naman ang malamig at maalat na tubig dagat. Ipinikit ko ang aking mga mata, saka tinaas ang ulo at nilalanghap ang preskong hangin na nanggagaling sa dalampasigan.
"Hmmm," Halinghing ko sa bawat paglanghap ko ng hangin.
Nakatatanggal talaga ng stress ang tambayan kong 'to, sana pala dinala ko ang duyan ko. Para higaan ko rito.
Nahiga naman ako sa may buhanginan, saka pinikit ang mata, nakikinig sa bawat paghampas ng alon sa dagat. Sa bawat huni ng ibon na nagliliparan. Hindi pa gaanong masakit ang sinag ng araw kaya prenti akong nakahiga. Dagdagan mo pang may mga puno ng niyog at talisay na nagsisilbing lilim.
Sa ilang minutong nakalipas ay biglang kumalam ang aking tiyan dahil may naamoy akong masarap na pagkain.
"Hmmm," Naisambit ko. Sabay hawak ko pa sa tiyan ko.
Napabalikwas naman ako nang may nagsalita sa gilid ko.
"Sir Luis, kain na po kayo," malambing at inosenteng boses. Boses na siyang dahilan na nagpapainit ng aking ulo. Boses na kung sinuman ang nagmamay-ari ay ang dahilan ng hindi ko pagkain kanina, sa kadahilanang nakita ko siya.
"Busog ako." Kahit na gutom naman talaga ako. Pero sinabi ko lang iyon para hindi ko siya mapagsalitaan ng masama.
"Pero, Sir, hindi po kasi kayo nag-agahan. Baka po kasi malipasan kayo ng gutom." Nagsimula na namang mag-init ang aking ulo.
"Ewan mo na lang d'yan," iyan na lang ang sinabi ko at baka mahingaan ko siya ng inis ko sa kanya na kanina ko pa pinipigilan.
Nilapag naman niya ang kanyang dalang pagkain. Nang akala kong babalik na siya sa bahay, kinunot ko ang aking noo at saka seryoso siyang tinignan.
"Oh? Bakit ka pa nandito? Choo!" Pinaalis ko siya na para bang nagbubugaw lang ng langaw.
"Kasi po, Sir, pinapasabi ng daddy niyo kanina bago siya umalis ay hintayin ko raw na matapos kang kumain, at saka uminom ka ng gamot mo, baka raw po kasi may mangya--"
"Can you please shut your mouth? Hindi ka ba nakaiintindi ng 'Choo?' meaning no’n…Umalis ka!" Pagsigaw ko sa kanya. Hindi ko na talaga magawang magtimpi pa.
Nagulat naman siya sa inasta ko. "P-Pero, S-Sir, sumusunod lang po kasi ako sa utos ng daddy mo." Nauutal pa nitong pasaring.
"Huh! Bakit? At teka nga pala muna, bakit ka nga ba ulit nandito?"
"Naghatid po ng pagkain ninyo, S--"
"No! Not that. What I mean is paano ka nakapasok sa pamamahay namin?"
Aligaga na ang kanyang mata. At ang kanyang mga kamay ay walang tigil sa pagkiskis sa bawat kuko sa kanyang mga daliri.
"Ano? Sagot!"
"Ah…k-kasi, Sir, ano...pinapasok kasi ako ni Mr. Esguerra as your maid. Kasi po nalaman niya na isa lang akong palaboy at walang matirhan, ka--"
"So you mean. Nagpaawa ka sa daddy ko, para ipasok ka niya rito sa pamamahay namin? Huh! Alam mo ba, alam mo bang walang ni sino man ang tinatanggap na kung sino-sino lang na kasambahay si daddy? Ikaw lang! Bakit? Nilandi mo ba ang daddy ko? Ha? Malandi ka kasi tignan. Paawa! Eh, kung tutuosin nga, mas mayaman ka pa ng kutis sa amin. Manloloko ka."
Malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Hindi lang isa kung ‘di dalawa.
"Hindi ako m-malandi! At kung sana inalam mo muna ang pagkatao ko, bago ka manghusga! Alam mo? Ang mukha mo hindi bumagay sa ugali mo. Dahil ang pangit ng ugali mo!"
Singhal niya sa akin habang nagsimula nang maglakad pabalik sa bahay. Pero bigla ulit itong humarap.
"Magpapasalamat na sana ako sa pagligtas mo sa akin. Pero hindi ka nga pala dapat pasalamatan. Dahil ang itim ng budhi mo! Isa pa! Hindi ko sasayangin ang kabataan ko para pumatol man sa daddy mo! Ang dumi mo mag-isip, gago!"
"Aba't!" Susundan ko sana siya nang maapakan ko ang pagkain na nilatag niya sa buhanginan.
"Damn!" Malutong akong napamura.