Kabanata 7
Nagsimula na ang pagsusulit. Ito ang pinakamahalagang pagsusulit na kailangan naming maipasa. Dahil malaki ang maaaring maitulong nito sa paksa naming ito, dahil ito ang isa sa pre-test namin. Kaya kung malaki ang marking makukuha sa pasulit. May chance na hindi na pwedeng umulit ng exam sa final sa parehong subject.
Panay na ang pangungulit ng mga ito sa likod ko, binabato na nila ako ng mga lukot-lukot na papel, kaya minadali ko na ang pagsasagot. Para ibigay ko sa kanila. Tapos na naman talaga ako, dalawang papel ang ginawa ko, ang isang papel na may maling mga s**o tang ibinigay ko sa kanila, habang ang tama naman ay ipinasa ko na.
“Pakidalian ang pagsagot, para ma-review ko’t maipasa.” Simangot ko pang bigay sa kanila ng papel ko, tinanggap naman nila ito, muntikan na ngang mapunit dahil sa paghila ng isa sa kaklase namin na kasama palagi ni Mikel. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang mga pangalan nila. Saka wala akong panahon para kilalanin sila, dahil sila nga, alam lang naman nila ang pangalan ko, dahil ako ang paborito nilang paglaruan, at utos-utosan.
By letters lang naman ang sagot kaya ang mga bobo, panay sulat lang ng mga letrang isinulat ko sa bawat numero. Bahala sila kung makakuha sila ng maraming mali. Iyan ang ganti ko sa inyo.
Naghihintay na lang akong matapos sila na magsagot, kahit na kanina ko pa naipasa ang aking papel na sinagutan. Sinadya kong ihuli ang aking testpaper para hindi sila maghinala. Kung sana ganito palagi kalakas ang loob kong kalabanin si Mikel at ang mga kaibigan niya, baka palagi akong hindi naaasar-talo sa kanila.
“Good bye, and thank you. Ma’am.” Sabay naming lahat. Nang makalabas na an gaming guro, sakto namang nag-bell para sa lunch time. Naiispan kong lumabas para roon na lang sa canteen kumain, nang may kumalabit sa akin.
“Deeve,”
Lingon ako nang lingon sa paligid, wala na naman ang mga bully kaya kinausap ko ang kumalabit sa akin. Sa totoo lang, hindi ko siya kilala, pero kilala ko ang mukha niya, isa siya sa kaklase kong matalino.
“Bakit?” diretsong tanong ko sa kanya, nakayuko lang ako, at baka isipin ng iba na magkakilala kami.
“Bakit ka nakayuko?”
“Huwag kang lumapit sa akin, baka kasi mapagtripan ka rin ni Mikel.”
“Si Mikel? Iyong bully ba? Hayaan mo na iyon, wala naman akong pakialam sa kanya, saka hindi iyon makalalapit sa akin.”
“Ha?” salubong ang kilay ko.
“Basta, by the way, may kasama ka bang mag-lunch?” muli akong napayuko. Ayaw kong sabihin niyang sasamahan niya ako, dahil ayaw kong may kasama ako.
“Oo, pero ayaw kong may kasama. Pasensiya na.” nakayuko lang akong tinalikuran siya. Baka kasi madamay pa siya sa kung anong mayroon kami ni Mikel, baka mapahamak pa siya nang dahil sa akin.
Mukhang hindi naman siya sumunod sa akin, dahil wala naman akong naririnig na yapak ng paa sa likod ko. Kaya mahigpit lang ang kamao kong nakakuyom sa ilalim ng dalawang bulsa.
Gusto kong makipagkaibigan sa kung sino, pero hindi ko talaga kayang isipin na baka masala sila sa gulo.
“Ako na lang ang mag-order ng makakain natin.” Muntikan na akong malaglag sa aking upuan nang nakita ko ang kaninang kaklase ko na nasa harapan ko ngayon, nakasunod pala siya sa akin, akala ko talaga hindi siya sumunod sa akin.
“Bakit ka nandito? ‘Di ba sabi ko sa iyo, huwag ka na lang sumunod?” nagtataingang-kawali lang siya, saka luminya na sa counter at umorder ng pagkain, ilang saglit lang ay dumating na siya, ang bilis naman yata niyang nakabili, gayong ang taas pa ng linya. Baka mahilig din itong sumuot sa mga linya kaya ganoon.
“Tara lunch na tayo.” Pandalawahan lang naman ang upuan namin, kaya sakto lang kaming dalawa, susubo na sana ako ng pagkain nang tumunog ang bell ng pintuan ng canteen. Natanaw ko na ang mga kasamahan ni Mikel. Agad na napako ang mga mata nila sa banda namin, parang may pinagbubulungan.
“Huwag mo na lang silang pansinin, Deeve, mga kulang lang sa pansin ang mga iyan. Saka ganiyan lang namana ng alam nilang gawin, pero ang totoo mga duwag din naman sila.” Mahinang bulong niya sa akin.
Madaldal siya, kaya wala akong lakas ng loob na dumaldal din sa kanya, umuorong ang dila ko sa bawat pagkausap niya sa akin.
“Oo nga pala, nakalimutan kong magpakilala sa iyo, I am Faye, saka ako ang top student sa klase natin, I’m sorry kung I sounds like nagmamalaki, pero baka kasi sa paraang iyon ay ma-recognize mo kaagad ako, saka nasa kabilang row lang din naman ako nakaupo, imposible namang hindi mo ako napapansin.” Iniisip ko at inaalala kung napapansin ko ba siya, pero ang tanging napasok lang sa isipan ko ay ang pagkakataong nilapitan siya ni Mikel. Sa araw ng mga puso ba iyon.
“Tama, ikaw nga iyon.” I snap my two fingers.
“Finally na-recognize mo rin ako.” Palakpak pa niya habang ngiting-ngiti.
“Napansin kita no’ng nilapitan ka ni Mikel, at binigyan ng tsokolate saka rosas sa araw ng mga puso. Correct me if I’m wrong.” Bumuntonghininga naman siya.
“Sa lahat ng maaari mong maalalang scenario kung saan nakikilala mo ako, sa pangyayari pa talagang iyon, Deeve?” naisip ko lang, kung bakit kaya parang kilalang-kilala na niya ako.
“Kasi nga---.”
“Faye, inaano ka nitong si Deeve? Sabihin mo lang sa akin kung hindi ka pinapakisamahan ng maayos nito.” Naubo ako dahil sa higpit ng pagkasakal niya sa aking leeg gamit ang kanyang braso.
“Pwede ba, Mikel. Huwag ka ngang gumawa ng eksena rito, saka bitiwan mo nga si Deeve! Wala namang ginagawa sa akin ang tao, saka nakikiupo lang naman ako ng mesa sa kanya. At why would I explaining myself? Duh!” habol-habol ko ang aking hininga, nang matatalim na tingin ang pinamalas nila sa akin, para nilang sinasabi na humanda ako sa kanila pagkatapos.
“Alam mo, Deeve, kaya ka na-bu-bully dahil iniisip mong mahina ka, subukan mo ring lumaban, hindi naman masamang lumaban, Deeve. Maging matapang ka.” Unang beses kong makatanggap ng ganitong mga salita.
…
Mabuti na lang at walang nangyaring gulo pagkauwi ko sa hapon, akala ko talaga at may mangyayari sa aking hindi maganda. Naalala ko ulit ang mga payo sa akin ni Faye kaninang tanghali. Tama naman siya, may punto siya, kung iisipin kong mahina ako, magiging mahina talaga ako. Kaya simula ngayon, kung may gagawin mang masama sina Mikel sa akin, pipilitin kong lumaban, pero sa maayos na paraan.