PROLOGUE

683 Words
PROLOGUE   “Happy birthday, anak!” masayang bati sa kanya ng Mommy niya, aninag ang saya sa mukha nito habang nakangiti at pinagmamasdan siya. Gumanti siya ng matamis na ngiti dito. “Thank you mommy!”  “Baby,” naulingan niyang saad naman ng Daddy niya na ngiting-ngiti rin. “This is our gift for you. Happy birthday!” Isinuot nito sa kanya ang isang kwintas na may pendant na singsing. Sinipat niya ito ng tingin. May dalawang letrang kapansin-pansing naka-engrave dito—HK. “Did you like it baby?” tanong ng mommy niya. “Take care of that, okay? That is specially made for you, our princess." She smiled at her mom and dad. Nilundag niya ang mga ito para bigyan ng isang mahigpit na yakap. “Thank you, mommy and daddy! I love you both.” “We also love you, our princess,” the couple said in unison as they both kissed her forehead. She looked at her surroundings. Everything screamed joy. Masayang masaya siya ngayong araw. It was her 10th birthday and her parents threw a big celebration for her. Mahal na mahal talaga siya ng mga ito. Lahat ng mga kaibigan niya, mga kamag-anak, at family friends nila ay naroroon upang tunghayan ang engrandeng selebrasyon. Sigurado siyang ‘di niya makakalimutan ang araw na ito. Napalitan ng takot ang galak ng mga bisita na naroroon nang isang grupo ng mga armadong lalaki ang gumulo sa pagsasaya nila. They were armed with guns, maks hiding their faces. Everyone was screaming, running, saving themselves from this catastrophe. Fear summoned her whole body as she trembled, lalo na ng s*******n siyang hatakin ng masasamang lalaki mula sa pagkaka-yakap ng mga magulang niya. s*******n siyang isinakay ng mga ito sa isang van. Pero bago nila siya tuluyang mailayo, nakita niyang nahabol sila ng daddy niya at nakipagbuno muna ito sa mga salbaheng goons. “Daddy!!!” Ganoon nalang ang palahaw niya ng bumulagta ang duguang katawan nito sa lupa. And all the people there were filled with horror. Lalo na siya. Takot na takot siya. At litong- lito ang bata niyang isip sa nagaganap. “Daddy!!” she cried aloud and tried to escape from those bad guys pero anong magagawa niya? Bata lang siya. Ang mommy naman niya ay nakita niyang umiiyak habang inaalog ang nakahandusay na katawan ng daddy niya. Iyon ang huli niyang nasaksihan hanggang sa tuluyan ng paandarin ng mga walang pusong lalaking ito ang van na sinasakyan nila. “Mga salbahe kayo!! Pinatay niyo ang daddy ko!” pinagsusuntok ng maliliit niyang kamao ang mga lalaki ngunit tila wala itong talab. “Tumahimik ka diyan kung ayaw mong malintikan!” mariing saad ng lalaki bago siya ibinalibag sa isang parte ng van. “Hindi ako titigil! Hindi ako natatakot!” nagpumiglas siya sa mga ito, sumisigaw, nagwawala. Hindi pa siya nakuntento at pumunta siya sa driver seat upang guluhin ang driver. “Hoy! Bata, ano bang ginagawa mo? Itigil mo na yan!” saway nito. “Mababangga tayo!” “Ayoko! Mga salbahe kayo!!!” Nagpagewang- gewang ang kanilang sinasakyan hanggang sa tuluyan itong bumangga sa isang poste nang hindi na nakontrol pa ng driver ang pagpapatakbo niyon. Duguan ang lahat, sugatan. May ibang wala ng malay. Kinapa niya ang ulo niya at nakitang nag-iwan ito ng bakas ng dugo sa kamay niya. Hilo man at lito ay agad siyang bumaba ng sasakyan, taking her chances for an escape. Nagtatakbo siya at nagpakalayo kahit na nanginginig ang lahat ng kalamnan niya sa sobrang takot at pagod. Hindi siya pwedeng maabutan ng mga salbaheng lalaking iyon. Kailangan niyang makauwi sa kanila. Kailangan niyang puntahan ang daddy niya. Kailangan niyang humingi ng tulong. Pero bago pa man niya magawa iyon, nanlaki ang mga mata niya ng sumabog ang sasakyan at nilamon ito ng malaking apoy. Naramdaman niyang tumulo ang mga luha niya. Pakiramdam niya unti-unting nahuhulas ang lakas na natitira sa kanya hanggang sa naramdaman niya ang bigat ng katawan niya. Nanlabo ang mga mata niya hanggang sa tukuyan na siyang walang maaninag at nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD