Chapter Three
SANYA
"NAKU, ma'am…" kinamot pa niya ang kanyang batok.
"Kukunin mo ba o irereport ko kayo sa station? Sayang ang kita," banta ko at napilitan siyang kunin iyon.
Psh, mga chick boy. Modus niyo. Talaga namang basta driver, isama na rin ang kundoktor ay sweet lover. But not for me.
Tinalikuran ko na ito saka hinarap si Mon na nakaharang sa pinto.
"Late na ako!" nanlilisik na siguro ang mata ko.
Nang makitang wala siyang balak palabasin ako ay siniksik ko na lang ang sarili sa katawan niyang nakaharang.
"Punyemas!"
Pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwag nang makababa ako. I felt suffocated lalo nang magdikit ang katawan namin. Tumayo pa ang balahibo ko sa leeg kanina ngunit mas concern ako sa oras.
"Ingat ka maghapon lab," nang aasar na wika niya.
"Lab mo mukha mo," umirap ako at narinig ko pa ang halakhak niya.
"Balang araw ay magiging akin ka," rinig ko pang sabi niya.
Hindi ko iyon pinansin dahil nasa tabi ko na ngayon ang walang hiyang manliligaw ko kunno na si Joey.
"Magandang umaga, binibining maganda," chickboy.
"Ah, magandang umaga rin," hinanap ng mata ko si Sally para sana sabay kaming pumasok sa gate ngunit hindi ko siya mahagilap.
Narinig kong nagsasalita si Joey na sumabay sa akin sa paglalakad ngunit hindi ko siya pinansin.
Kung ipagtatabuyan ko kasi siya ay lalo siyang nagiging pursigido para lapitan ako kaya hinayaan ko na lang.
Maingay rin ang ibang estudyanteng naglalakad papasok sa kani-kanilang klase.
"Payag ka ba, Sanya?" narinig kong tanong niya.
"Hah?"
"Yung sinabi ko, okay lang ba?" aniya.
"Ahh, oo, oo," saad ko na lang.
"Sige na, Joey,mauuna na ako dahil baka mahuli ako sa first class ko," kako at ngumiti ito nang maluwag.
Whatever, Joey.
Gwapo naman siya. May hikaw ito sa kanang tenga niya habang may tattoo rin ito sa kanyang leeg. Maliit lang iyon.
He has the looks pero hindi ko talaga siya magustuhan. Bukod sa bawal pa akong magka boyfriend, I just don't find him attractive.
NANG makarating ako sa corridor ng department namin ay kakaunti na lang ang naglalakad na mga estudyante.
Labis akong kinabahan nang masilayan na nasa loob na si Prof. Perez at kasalukuyan na ang discussion.
Hinawakan ko ang bag ko saka naglakas loob na bumungad sa pinto.
"Go-good morning, sir. I'm sorry for being late," kinakabahan ako.
Sa tingin ko ay nasa 40s pa lang siya kaya medyo naiilang ako sa mga tingin niya sa akin.
"It's okay miss Tacalan," aniya kaya nagtungo na ako sa tabi ni Cindy.
"Swerte mo, bet ka ni sir," bulong sa akin ni Cindy.
"Gaga, di ko siya bet," saway ko.
MAKALIPAS ang ilang oras ay pareho kaming bakante ni Cindy.
Alas onse pa lang ng umaga kaya gaya ng dati ay sinamahan niya ako palabas sa school, papunta sa karinderya ni Aling Lucing.
Sa tabi mismo iyon ng bus station. Mabuti na lang at malapit lang ang MU sa station. Walking distance lang.
"Beshy, wala ka bang payong diyan?" reklamo ni Cindy.
"Wala beshy. Ikaw, ang yaman niyo pero di ka makabili ng payong," ako.
"Sorry naman daw hah? Oo na, nagpapabili ako kay mama sa susunod,"
Close kami nitong bestfriend kong ito. Mayaman pero hindi maarte katulad ng mga napapanood sa pelikula.
Mabait din ang mga magulang niya.
"Ahh beshy, may gagawin ka ba sa Saturday?"
Malapit na kami sa karinderya.
"Kung walang requirements ay baka sa karinderya ako beshy. Alam mo na, kailangan ko pang kumayod para may allowance ako soon kapag nag OJT na tayo. Bakit ba?"
"Eh kasi naman eh, si kuya Reese, uuwi na sa Sabado. Ang problema ko, baka mag away na naman kami. Alam mo namang mainit dugo ko sa chickboy kong kuya na yon," inis na aniya.
Natawa naman ako.
"At bakit mo tinatanong kung may lakad ako?"
"Eh, gusto kong may kasama sa bahay bukod kay kuya at sa mga kasambahay. The last time I checked, basag ang tv sa bahay dahil pinag agawan namin ang remote,"
Humagalpak ako nang maalala iyon.
"Oo nga eh, kaya nga umalis ang kuya mo eh. Imagine sis, umabot kayo sa ganu'ng point ang away niyo. 'yong tipong may lalayas talaga,"
"Huwag ka ngang magsalita Sanya Angel Tacalan. Alam ko kung paano muntik matanggal yang ilong mo dahil sa away niyo ni Sally," natatawa namang bato niya sa akin.
"Oo na. Kahit gano'n ay love na love namin natin ang mga kapatid natin,"
"So, ibig sabihin, pupunta ka sa bahay sa Sabado?"
"Oo na. Takte, mas mahal pa yata kita kaysa kay Sally,"
Pumasok na kami sa karinderya.
"Huuhh, ang inet," muling reklamo ni Cindy.
"Malamang, summer,"
Nilapitan ko si Aling Lucing at nagmano. Siya ang may-ari ng karinderya at siya rin nag alok ng trabahong ito sa akin.
Noong una ay nag alangan pa akong tanggapin ang alok niya dahil sa schedule ko at limitado lang ang oras ko ngunit ang sabi naman niya ay basta't tumulong na lang ako sa tuwing vacant hours ko.
Wala kasi siyang anak kaya naman malapit siya sa akin. Ang sabi niya ay gusto niya akong tulungan sa pag aaral ngunit nahihiya naman ako. Kaya heto at tumutulong sa karinderya niya.
"Kumusta hija?" nagmano na rin si Cindy sa kanya.
"Okay lang naman po," sagot ko.
"Hay nako Aling Lucing, iyang si Sanya ay maraming umaaligid na bubuyog sa kanya. Ngunit ni isa'y wala yata siyang bet," sabad ni Cindy.
Natawa naman si Aling Lucing, "Bawal pa raw kasing magka nobyo itong si Sanya hija. Pero kung ako ang tatanungin ay ayos lang naman sa akin na maghanap ka na ng nobyo hija. Nasa tamang edad ka na at ilang buwan na lang ay ga-graduate ka na."
Pinatong ko sa mesa ang bag ko habang si Cindy naman ay umupo sa paborito niyang spot dito sa karinderya.
Hindi na ako gumamit ng apron dahil naiinitan ako.
"Hija, isuot mo sana yang apron mo," si Aling Lucing. Nasa harap na ito habang inaayos ang mga naka tray na pagkain.
"Ayos lang po. Mainit kasi,"
"Osiya, bago ka tumulong ay kumain na muna kayo ni Cindy,"
"Mamaya na po, maaga pa naman yata,"
"Nako bata ka, alas onse y medya na. Hala, sige, umupo ka na sa tabi ng kaibigan mo at kukuhanan ko kayo ng pagkain," pamimilit niya kaya wala na rin akong nagawa.
"Ang swerte mo talaga kay Aling Lucing beshy. Parang anak na turing sa'yo eh," si Cindy.
"Oo nga eh. Nahihiya na nga ako kung minsan beshy eh,"
"Okay lang yan beshy. Balang araw ay ibalik mo naman lahat ang kabutihan niya sa'yo,"
Maya-maya pa ay kumain na kami. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko ang labas.
May mga nakahilerang bus at may kainan din sa tabi nito.
Kadalasan ay napupuno ng customer itong karinderya ni Aling Lucing dahil masarap naman kasi talaga ang luto niya.
Ilang sandali pa ay narinig ko na ang ugong ng paparating na bus.
Bumaba doon si Mon-mon. Halos natigilan ako sa pag nguya ng pagkaing nasa bibig ko dahil hinubad nito ang suot niyang puting t-shirt kaya kitang-kita ko ang hubog ng kanyang katawan.
Kahit medyo malayo ako ay kitang-kita ko kung gaano kaputi ang kanyang katawan at pink na pink din ang kanyang nips.
Pinagmasdan ko ang paglunok niya ng tubig mula sa hawak nitong mineral water.
Napalunok din ako dahil hindi ko maitago ang pagkamangha sa kanya.
Nagtaka ako nang makita si Andy na ngayon ay nasa harap na ni Mon-mon.
Nakangiti pa ang punyeta habang si Mon naman ay tila ba nag eenjoy sa kamamasid sa putok sa unipormeng pang itaas ni Andy.
She's flirting with him. Kilala si Andy na papalit palit ng jowa kaya there's no doubt, she's into Mon now.
Inis kong binaba ang hawak kong kubyertos.
"Punyemas. Mga malalantod."
"SIS, okay ka lang?" nagtatakang tanong ni Cindy habang patuloy ito sa pagnguya.
"Ahhh, oo naman beshy," kako saka pinagpatuloy ang pagkain.
Tiningnan niya ako na animo'y hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Wehh?"
"Oo nga kasi," saad ko ngunit hindi ko talaga maiwasang lingunin si Mon at si Andy na flirty.
Sinundan niya ng tingin ang mga mata ko at natawa siya nang mapagtantong nasa dalawang malalantod ang atensiyon ko.
"Yiee, selos siya," pang aasar.
"Duhh, bakit naman ako magseselos? Aminado naman akong mas maganda ako sa Andy na yan eh. Malaki lang talaga boobs niya. At ano ka ba Cindy, walang kami. Kaya walang rason para magselos ako," dere deretsong wika ko.
Pakiramdam ko ay nauhaw pa ako kaka-explain kaya mabilis kong inubos ang isang baso ng tubig.
"Wooah, chill ka lang sis, binibiro lang kita," hagalpak niya.
"Kung hindi lang talaga kita kaibigan, kanina pa kita tiniris," natatawang saad ko.
Hindi pa kami tapos kumain ngunit nagsidatingan na ang mga estudyanteng customer.
Binilisan kong kumain ngunit sinaway ako ni Aling Lucing pero nahihiya naman ako dahil nasa dalawampu ang customer at sabay sabay pa.
"Sis! Pst," si Cindy. Maingay na kasi sa loob kaya hindi ko narinig ang karugtong ng sinabi niya.
"Ano?"
"Ang sabi ko…" tinuro niya ang pinto at nanlaki ang mata ko nang makitang pumasok na sa karinderya ang dalawa.
Tila ba uminit ang tenga ko nang makitang nakahawak pa si Andy sa braso ni Mon na akala mo ay itatangay ng alon.
Tinapos ko na ang pagkain habang nasilayan ko namang umorder na ng pagkain ang dalawa maging ang kasama nilang driver.
Medyo siksikan na sa loob ngunit nilapitan ko pa rin ang water dispenser para kumuha ng tubig.
Ilang sandali pa ay nagulat ako nang nasa harapan ko na ang nakangiting mukha ni Mon-mon.
Ang saya niya dahil hinarot siya ni Andy. Nakakairita siya- sila.
Nang makitang hindi siya gumalaw ay tinaasan ko siya ng isang kilay.
Hawak na nito ang ulam na inorder niya. Adobong manok iyon.
"Anong ginagawa mo sa harapan ko?" masungit na wika ko.
Lalong lumawak ang ngiti niya.
"Mukha bang may nakakatawa, Ramon Malaya?"
"Wala naman lab. Ikaw kasi eh, huwag ka ng magselos kay Andy,"
"Ang kapal ng face mo. Layas. Masyado kang ilusyonado para isiping nagseselos ako. As if naman may gusto ako sa'yo. Stop day dreaming," ewan ko kung bakit nagkakaganito ako.
All I know is that, I hate him and that Andy. Arghhh.
"Tsk, deny pa," nang aasar ang kanyang boses.
"Kupal. Lumayas ka nga sa harapan ko,"
"Oo na po lab, kaso, ikaw itong nakaharang sa dadaanan ko,"
At ngayon ko lang muling na-realize na siksikan na pala. Ang daming customer.
Masyado yata akong napukaw ng emosyon ko sa kanya.
Akmang tatalikuran ko na siya nang biglang tumalsik sa uniporme ko ang hawak ni Mon-mon na adobo at kasabay nito ay ang pagbagsak ng katawan niya sa akin.
Nagtulakan kasi ang mga estudyanteng pasaway kaya ang ending ay pareho kaming natumba ni Mon.
Noong una ay gusto kong pagsasampalin ang mga batang ito ngunit nang maamoy ko ang natural na amoy ng katawan ni Mon ay tila ba hindi ko na mahagilap ang salitang dapat ilabas ng bibig ko.
Paano ba naman kasi, ang mukha ko ay nasa tapat ng dibdib niyang matigas. Sa oras na iyon ay alam kong napukaw na naman ako sa kanyang amoy.
Ang lakas ng dating nito sa akin. Nakakapukaw at tila ba… nakakabaliw.
End of chapter 3.