The Governor's DesireUpdated at May 31, 2024, 14:33
Warning SPG: 18+ CONTENT
Sebastian Axel Calvajar, lumaki na may poot at paghihiganti sa kanyang puso dahil sa trahedyang sinapit ng kanyang mga magulang. Iisa lang ang direksyon ng kanyang buhay at iyon ang tuklasin ang totoong salarin sa nangyari sa kanyang mga magulang. Ngunit nagbago ang lahat ng makilala niya si Maria Isabel De La Torre. Unti-unting tinitibag ng dalaga ang pader na nakaharang sa kanyang puso. Subalit, ang pagtuklas niya ng kanyang nararamdaman ay ang pagkakataon rin na natuklasan niyang galing si Isabel sa pamilyang nagdulot ng pagkamatay ng kanyang mga magulang.
"Anong bahagi ba ng aking pagkatao ka nababaliw, Axel? Ang puso ko, ang katawan ko o ako na miyembro ng kinamumuhian mong pamilya?"
Lumabas ang poot sa kanyang mga mata ng marinig niya ito, "Hindi ka kabilang sa pamilyang iyon! Asawa kita!"
"Bahagi sila ng pagkatao ko, Axel! Ang mga taong tinutuligsa mo ngayon ay angkan ko! Kung may kasalanan ang angkan ko sa iyo, bahagi ako dun! Kasama ako sa kanila kung naghihiganti ka!"
Naikuyom niya ang kanyang kamay nang makita niya ang sakit sa mga mata ng asawa niya. Kaya nga ba talaga niyang ibigay ang buong puso niya kay Isabel kung sa bawat tingin niya dito, naaalala niya ang mga magulang niya?