Story By Marcial Cabusas
author-avatar

Marcial Cabusas

yayaya
yayaya
Updated at Dec 9, 2021, 01:17
Chapter 5 Chrono's POV "Even you're the healthiest and wealthiest person in the world, you could die with your own hands." I don't get it. Bakit nag-su-suicide ang mga tao? They're idiots. They let themselves conquer by their emotion. Alas-quatro ng hapon, uwian. Bago bumalik ng dorm ay pumunta muna ako sa Symphony club upang tignan ang listahan ng mga miyembro. Pero wala pa rin si Laeron. Ni sa listahan ng mga nag-audition ay wala siya. Did he forgot his promise? Pagkatapos ay pumunta ako sa kakahuyan. Ang lugar na ito ay pangangalaga ng Agri-Sci department. Pero tanging mga 4th year lamang ang may responsibilidad dito. For starter pack, kamote planting ang project namin sa special subject at next week na iyon sisimulan. Kamote? Yuck. Pang-grade 1. Habang nakatayo ay isinandal ko ang katawan ko sa punong kahoy. Tumingala ako upang ipatong ang batok ko at pumikit. Nilanghap ko ang sariwa't malamig na hangin habang pinapakinggan ang bungisngis ng mga sanga at huni ng mga ibon. Napamulat naman ako nang nakarinig ng yabag. Nahagip ng mata ko si Lae through my pheripherall vision. Tumingin siya sa akin at nagtangkang tumalikod kaya naman naitama ko ang paningin ko. At nang napansin niyang nakatingin na rin ako ay bigla siyang ngumiti at inangat ang mga kamay. "Kororo!" sigaw niya at tumakbo papunta sa akin. Napapilantik ako ng dila. Kororo? Bago pa man niya gawin ang binabalak niya ay hinarang ko ang kanang palad ko sa mukha niya upang pigilan siyang makalapit. "Iyan na ang huling beses na babanggitin mo ang salitang Kororo." "Sige na, Kororo, hug lang!" Napabuntong ako ng hininga. Masyado pa rin siyang maingay at clingy. Hindi na akma sa edad niya. Inayos ko na ang sarili ko at humarap sa aking dadaanan, "Long time no see," ani ko at iniwan na siya upang umuwi ng school form. I shouldn't entertain him. He needs time for himself to practice for the autdition. ... Kinabukasan ay gumising ako ng alas-quatro. Dumeretso kaagad ako sa kusina upang magtimpla ng tubig na may apple cider. Ito ang iniinom ko pagkagising na pagkagising. Habang iniinom ang maasim at walang tamis na juice ay napatingin ako sa bote ng apple cider. Kailangan ko nang pumunta sa school m
like