"I love you" tatlong salita na ang sarap pakinggan mula sa taong mahal mo.
"I Hate you" tatlong salita na ayaw mong marinig sa taong mahalaga sa buhay mo.
"I miss you" tatlong salita na ang sarap pakinggan galing sa isang taong labis mong gustong makita.
Pero paano kung ang lahat ng yan ay narinig mo na sa nakaraan mo? Gugustuhin mo pa bang marinig ulit yan mula sa isang taong kinamumuhian ka na ngayon, dahil sa isang pangyayari na hindi mo rin alam kung nagawa mo ba talaga sa kanya.
Ito ang kuwento nila Jamil De Lana at Gemmalyn Nicolas Ramirez ang dalawang taong napaglaruan ng sarili nilang tadhana.
Miguel De Asis, isang sikat at kilalang business tycon sa bansa,maging sa ibang bansa. Kilala din itong babaero at wala itong pinapalampas basta kayang ibigay ang sarili sa kanya.Siya ang tipo ng taong walang pakialam sa buhay ng iba o, maging sa mga babaeng nakakaanig nito gabi-gabi.Firstcy Isabela Patterson, kilala din sa larangan ng business at hindi rin ito nagpapatalo sa kahit na sino ang makatapat nito sa negosyo. NBSB rin siya kaya madalas din s'yang sabihan ng kanyang mga kapatid at pinsan na baka isa s'yang tibo. Dahil sobrang hate niya ang mga lalaki, lalo na ang mga babaero.Pero paano kung magising silang dalawa sa iisang kuwarto at magiging maasawa ng wala sa kanilang plano.Ang istoryang malaking pagkakaiba.The Miguel De Asis and Fristcy Isabela Patterson
Zen Levy De Lana, malupit at kinatatakutan ng lahat, lalo na mga bansang nasasakupan nito. Ito ang mafia lord na hindi mo gugustuhin na makita o makausap man lang. Wala itong hindi nakukuha, lahat ng nais nito ay napapasakanya bagay man ito o tao pa.Analou Vizer, isang nurse, maganda at mababait sa kanyang mga pasyente. Mabuting anak rin ito kahit na hindi lumaki sa piling ng totoong mga magulang ay naalagaan naman ito ng mabuti ng kanyang kinagisnang ina na si Yaya Melanie. Dito s'ya hinabilin ng kanyang nasirang ina, ang ang kanyang ama ay hindi na rin naman niya kilala.Paano kung pagdating ng araw ay ang hindi mo kilalang ama ay siya pa pala ang magdadala sayo sa kapahamakan.Pano kung mapunta ka sa may ng isang mafia lord at sabihin nitong ikaw ang pangbayad utang para sa nagawa ng iyong ama. Makakaya mo bang ilaan ang sarili para sa taong hindi mo nakilala o hayaan mong maging alipin ka ng isang sentrangherong lalaki.Tunghayan ang kuwento ni Zen Levy na lord ng mafia, at si Analou Vizer ang babaeng hahawakan nito sa kanyang mga kamay.
Paano mo matatanggap na ang first kiss mo ay isang pulubi. Siya si Khen De Lena, isang kilalang Mafia Boss malupit din ito magparusa pero mabait sa mga babaeng bihag. Pero ang pagiging matinik nito sa babae ay hindi umobra sa isang babaeng, inakala niyang pulubi lang.Paano kung muling magkita ang dalawa at malaman ni Khen ang totoo dito matatanggap kaya niya ito. Oh, hayaan na lang niya na nakuha nito ang kanyang first kiss.Tara at mabaliw sa kalokoha ni Camille, alamin din natin kung paano niya makukuha ang isang Khen De Lana at Mafia boss.
Paano matatakasan ang isang pagkakamali ng nakaraan kung hanggang sa kasalukuyan ay kusa itong nagpapakita.Handa ka na bang harapin ang lahat na nagawa mo sa kanya? O ipapakita mong handa ka kung ano na siya ngayon.Haharapin mo ba ang pagkakamali mo noon? Para lang maging tama na ngayon, o patuloy ka lang lalaban hanggang sa matapos na lang ang lahat.Kakayain mo bang makitang nasasaktan dahil sa nakaraan mo? O mananatili ka pa ring bulag at pipi para iwasan na lang siya.Tunghayan ang kuwentong kakaiba at nakakasabik na pagkikita ng dalawang tao na pinagtagpo noon, pero mortal na magkaaway na ngayon.
-Karen-
“Karen , ano pa ang inaantay mo bilisan mo yan bka maabutan pa tayo ng tiyuhin nating sugarol, siguradong hindi na tayo makakatas kung sakali na abutan niya tayo paki bilian mo naman yan oh”. Sambit sakin ni Camille habang nagaayos ako ng mga pwde kong dalhin sa pag-alis naming dito sa bahay na aming Tiyuhin na hindi man lang kami tinuring na kamag-anak.
Pinsan ko si Camille at katulad ko ay wala na rin kaming mga magulang maagang kinuha sila samin ng may kapal halos Anim na taon palang kami ni Camille ng walan ng mga magulang.At hindi naging madali ang buhay namin sa puder ng aming tiyuhin kahit sabihin pang kamag-anak namin. Ang totoo ay may naiwan na mga lupain ang aming mga magulang ngunit lahat yun ay binenta lang nito ng ganoon kabilis at dinala kami sa isang probinsya sa Bulacan. Habang lumalaki kami ay namumulat kami sa isang kahirapan ni hindi na kami nakapagtapos ng pag-aaral pareho kaming Elmentary ang natapos dahil wala daw kami mararating at makakpag-asawa ng maaga yun ang madals sabihin ng aming Tiyuhin na kahit insan ay hindi na namin pinamsin pa. Nang tumungtong kami ng Disi-otso ay pinaghanap buhay na kami nito kahit anong trabaho ay pinasok na namin hanggang sa nalaman namin sa isang kapit-bahay na may balak pala ang aming Tiyuhin na ipagbili kami sa isang club na maalas nitong pinupuntahan, kaya naman kahit hating gabi na ay umalis kami sa lugar na yon para hini kami maibenta ng Tiyuhin naming walang puso.
Wala kaming kasiguraduhan kung san kami puppunta dahil sa wala naman kaming ibang lugar maliban dito sa bayan na kinalakihan na naming dalawa. Mabilis kaming nakalabas ng bahay at nagmamadali din kaming naglalakad sa isang madilim na lugar na kung san ay magkayakap kaming dalawa at ayaw maghiwalay. Pareho kaming takot at walang paggustong bumitaw saming pagkakahawak. Hanggang sa marating naming ang isang terminal ng mga jeep bigla na lang kami sumakay ng matanaw naming ang mga lalaking kasama ng aming Tiyo Tony na alam naming papunta sa aming tirahan. Nangangatog ang aming mga tuhod dala ng takot at pagkabalisa sa pwdeng makita kami o mahuli ng mga ito. Nakayuko kaming dalawa ni Camille hangang sa nagsimula ng umandar ang jeep na sinasakyan naming.
Isang mahabang hininga ang aming sabay na napakawalan, samantalang saka lang naming na pansin na nasa amin pala ang mata ng mga taong nasa loob ng jeep na sinakyan namin. Isang pekeng ngiti ang aming ginawa para mawala ang kanilang atensyon samin.
“San tayo ngayon pupunta?” mahinang bulong sakin ni Camille halatang ayaw ipaalam sa iba. Nag-isip ako at nagtanong sa driver ng jeep na kung pwde kami ibaba sa isang termial ng bus na papuntang maynila. Sumagot naman ito at nakahinga ulit kami ng mahuwag.
Napadpad kami ni Camille sa isang palengke dito sa maynila, walang kilala at hindi rin naming alam kung san kami titira, pero sabi ng iba basta may buhay ay may pag-asa. Un nalang ang pinanghahawakan ko para magpatuloy sa buhay.
Hanggang isang Ale ang narinig kong nangangailangan ng katulong sa kanilang mansion na pinapasukan nito dahil sa walang gustong pumasok ng katulong dahil sa sobrang lupit ng kanilang among lalaki na malimit lumabas ng kanyang silid.
"Hay naku Tasya wala naman kong kasama sa mansion ng mga De Lana, ewan ko ba dun sa batang yun minsan na nga lang lumabas ehm magpapalayas pa ng mga katulong ok sana kung mabilis lang kumuha ng katulong eh hindi naman, grabe talaga ang isang yun Tasya hindi ko na rin alam ang gagawin sa batang yun." Paliwanag nito sa kausap habang bumibili ng mga gulay na paninda nito, mukha rin sila matagal ng magkakilala dahil sa klae ng pakikiusap nito sa matanda.
"Naku ikaw naman Mila hindi kana nasanay yan sa alaga mo eh mula ng mamatay ang buong pamilya eh nawalan na ng tiwala sa ibang tao yang batang yan, mabuti na ngalang ay hindi siya nawala kunghindi naku syang ang yaman ng mga Del Lana noh." Sagot naman dito ng ginang habang sinasalansa ang mga napabiling gulay ni Aling Mila.
Hindi na ako nakatiis at lakas loob na nagsalita sa pagitan ng kanilang pag-uusap. Ngumiti muna ako bago nagsalita sa mga ito, "Ahmm,, magandang araw po narinig ko pong nagahhanap kayo ng magigng katulong maari po ba kaming magaaply ng pinsan ko." Magalang kong salita dito.
Nakita ko sa mata ng matandang babae na nagaalinlangan siya pero nagsalita ang kasama rin nitong isa pang Ale at sabing “kunin mo na sila Mila mukhang maasahan mo naman ang dalawang yan."Tahimik na pinagmasdan kami ni Camille ng matanda at ilang sandali pa ay sumagot ito na “sige subukan ko kung makakatagal kayong dalawa, tutal naman eh kaylangan ko talaga ng makakasama sa loob ng mansion na yon.
”Isang malaking ngiti ang aming nagawa ni Camille at nagtatalon na sa wakas ay hindi kami titira sa lansangan, nagpasalamat kami sa parehong matanda at ilang sandal pa umalis na kami para magpunta sa mansion na sinasabi nitong aming pagtatrabahuhan. Lulan kami ng isang tricyle papasok sa iang malawak na subdivision walang gaanong mga bahay at
Naranasan mo na ba ang mabaliwalain ng buong pamilya mo, at ang tanging nag-uugnay nalang sa inyo ay ang asawa mong kahit na ito ay hindi ka pa rin mabigyan ng pagpapahalaga kahit bilang tao.
Siya si Marta isang simpleng babae na ang hangad ay magkaroon din ng simpleng pamumuhay sa probinsya at hindi sa magulong mundo ng lunsod.
Pero hindi maaari dahil ang angkan na kanyang pinagmulan ay kilala sa mundo ng business world. Ang kanyang mga kapatid ay puro lalaki at wala din ito pakialam sa kanya, naiisip niya na baka isa lamang siya ampon dahil sa pinapakita ng mga ito sa kanya.
Ganon pa man ay naging masunurin siyang anak at kapatid sa mga ito. Hanggang sa ihayag ng kanyang ama ang pag-aasawa niya sa isang lalaking ni minsan ay hindi man lang niya nakikila o nakita. Pero dahil ama niya ang mas nasusunod sa lahat ay wala siyang nagawa ng itagda ang kasal nilang dalawa ni Jacinto De Lana.
Paano ang gagawin mo kung ang inaakala mong kakambi ay isa din pala sa magpapahirap sayo. At ang masakit ay sarili mo pang asawa ito.
Isa akong kilala at kinatatakutan na tao dito sa bansang Asia. Halos kilala ng lahat ang buong pamilya ko, marinig palang ang last name ko nanginginig na sila sa takot.
Pero nakilala ko ang babaeng parang walang pakialam kung sino at ano ako. Kaya naman mas lalo ko itong pinahirapan lalo ng aminin nito ang tunay na nararamdaman para sakin.
Halos wala din itong takot nakikipagusap sakin na parang matagal na kaming magkakilala. Kahit na papahiya ito sa harap ng maraming tao ay tuloy lang ito sa pagpunta sakin at kung minsan ay nabibigla pa akong nasa tabi ko na pala ito.
May time na sobra na akong naiinis dito at gusto ko ng tapusin kaso alam kong mabuti itong tao at naiisip kong napapangiti na rin ako nito sa paminsan minsan pagsulpot na walang pasabi.
Pero isang malaking pagkakamali pala ang lahat lalo na ng malaman ko kung kanino ito kabilang na angkan. Kung sang pamilya ito na bibilang.
Halina at alamin ang kuwento ng isang mafia boss at mafia queen na pinagtagpo para magpatayan o magmahalan.
Sino ang mananalo ang pusong nagmamahal o ang galit sa puso?
Itong ang kuwento nila Mr. Jax De Lana at ang babaeng nagpagulo ng kanyang isip ang Mafia queene at tagapagmana ng mga Del Carme si Ma. Marie Del Carmen. Ang babaeng nangarap sa pag-ibig ng isang kaaway.