CHAPTER 1 : CONFUSING SHITS

2303 Words
xxxx AX4 CONFUSING SHITS "SUNOD-SUNOD ang mga natagpuang patay sa bayan ng Casta Villa sa magkakaibang araw. Hinihinala ng pulisya na sindikato ang may kagagawan nito dahil sa pare-pareho ang sanhi ng kanilang pagkamatay. Sa ngayon, naghahanap pa ng matibay na ebidensiya ang pulisya tungkol sa krimen na 'to....." "Nakakatakot naman 'yan, anak. Masyado nang madaming masamang tao ang nabubuhay sa mundo. Ang mas nakakatakot pa, rito sa bayan natin namalagi ang mga 'yan," sambit ni Minerva matapos ilapag ang isang pitsel ng orange juice sa ibabaw ng lamesita. Naka-upo naman sa black leather na sofa ang kanyang anak na babae. Nakakunot ang noo nito habang napokus ang paningin sa binalita ng newscater sa kanilang flat screen tv. "Ang dali para sa kanila ang pumatay, 'no, Ma? I don't really get it why they can kill that easily. Kung kumitil sila ng buhay akala mo lamok lang pinapatay nila. Kung may kakayahan lang ako, ako na mismo ang tutugis sa mga 'yan! Ang babagal pa naman kumilos ng mga pulis. Nako lang, a!" singhal ni Michigan pagkatapos isinubo sa kan'yang bibig ang hiniwa niyang hotdog. "Michigan! 'Wag kang magsalita ng ganyan, marinig ka ng Papa mo!" sermon ni Minerva sa kanyang anak. Ang asawa kasi nito ay hepe ng pulisya sa lugar nila. Napanguso ang dalaga. "Joke lang po, alam ko naman magaling na hepe si Papa, ang kaso 'yang mga kriminal lang talaga ang problema at parang walang magawa 'yong mga tauhan ni Papa." "Hindi naman kasi gano'n kadali ang trabaho namin." Nanlaki ang kanyang mga mata at halos napatalon nang may malaking boses na nagsalita sa may likuran ng sofang inuupuan nila. Paglingon niya nakapagat siya ng ibabang labi kasabay ng mga mata niyang humihingi ng paumanhin. Tumayo siya at nilapitan ang kan'yang ama, humalik siya sa pisngi nito. Naka-uniporme ito ng pangpulis at makikita karespe-respetado talaga ito. At ang aura ay medyo nakaka-intimidate ang dating. Pahabol pa siyang nagpeace sign. "Alam ko naman 'yon pa, sorry. Pero, kasi sunod-sunod na ang mga 'yan na nababalita sa tv oh, baka sa susunod ako na ang nandyan," pagbibiro niya pero mukhang sineryoso ng kanyang magulang dahil parehong sinigaw ng mga ito ang pangalan niya. "Michigan!" "I'm just kidding, kayo naman po." Umiling at humalik naman ang ginoo sa kan'yang asawa pagkatapos ay kinuha ang remote sa tabi ng inuupuan ni Michigan kanina at pinatay ang telebisyon. "Baka nga anak," biglang sabi nito kaya't napatingin siya rito. "What?" nanlalaking matang tanong niya. "Binibiro lang pa e, hindi naman siguro! Atsaka, joke-joke lang talaga 'yon! Alam mo naman na takot ako sa mga gano'n, feeling cool lang ako," nakalukot na ang kan'yang mukha habang nagpapaliwanag kaya't natawa ang kan'yang ama. Laging ganyan ang kanyang ama. Madalas siyang pagtripan, minsan hindi na niya masabayan. Pero, kahit na ganyan e, close sila! Kahit na ito pa ang Hepe ng pulisya sa lugar nila, hindi ito istrikto, at cool na cool lang. Ginulo nito buhok niya. "Ang ibig kong sabihin baka isa ka na sa mga magreresolba ng mga krimen na 'yan balang araw kaya makikita ka sa loob ng telebisyon." "Ang ibig mo bang sabihin gusto mong maging pulis ang anak natin?" sabat ni Minerva. Nagkibit-balikat ang ginoo. "Malay mo," anito at ngumiti sa anak. "Nako pa! Wala akong pag-asa d'yan. Isa pa, second year college na ko at nursing ang course ko 'no!" pagmamalaki ni Michigan. "Aalis na po ako, malalate pa ako sa first subject ko. 'Wag mo na ako hatid, bye." Tumayo na siya at mabilis na humalik sa pisngi ng kanyang Mama't Papa bago lumabas ng kanilang bahay. Ilang bahay pa ang nadaanan niya bago siya nakarating sa sakayan. She's Michigan Forteza, a second year nursing student in Sacred Soul Academy. Typical girl. Gaya lang ng iba. Pero 'yon ang akala niya.... "Ouch!" singhal niya nang may bumunggo sa kanya mula sa likuran. Hindi niya maiwasan ang pagtaas ng kilay nang makita ang babaeng naka-itim ang kasuotan. Itim na coat, itim na t-shirt at hapit na pantalon. 'Anong mero'n sa itim? National black day ba ngayon?' Tanong niya sa kanyang isip at napangisi. "Sorry Miss!" mahinahon na sambit ng babae sa kanya na hindi man lang siya nilingon at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Ipinagkibit-balikat na lamang niya 'yon at hindi na sana papansinin ngunit muling nabaling sa babae ang atensyon niya dahil sa biglaan itong nagtatakbo sa may highway, hindi rin nakataas sa paningin niya ang paparating na truck. "Ate, may sasakyan!" sigaw ni Michigan. Ngunit huli na ang lahat. Ang mga librong hawak niya ay nabitawan sa lupa. Nanlambot siya sa nakita. Tila nagulantang ang buo niyang pagkatao sa nasaksihan. Napatingin na rin ang ibang tao kung nasaan sila naroroon. Halos lahat nasaksihan kung paano sumalpok ang truck sa katawan ng babae. Napunta pa ito sa ibaba ng sasakyan at naipit sa mga gulong. Dugo. Nagkalat sa semento. Nahinto rin ang mga sasakyan na dumadaan. Umingay. Hindi niya maintindihan kung bakit siya pa ang dapat makasaksi ng gano'n. Pakiramdam niya nalagutan din siya ng hininga dahil sa nasaksihan. Nakakapanhindik balahibo at mabilis na tumambol ang puso niya sa kaba. "Naamoy ko siya!" may narinig siyang nagsabi no'n pero hindi na lang niya pinansin. "Okay Rhanna, susundan namin siya. Dito ka lang icheck mo yong babae, tignan mo kung may kakaiba!" "Copy." Masyadong maingay pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang usapang 'yon na tila nanggagaling lang sa likuran niya. Ngunit hindi niya magawang lingunin dahil hindi pa rin mawala-wala ang paningin niya sa kawawang babae. Nakarinig siya ng mobile ng mga pulis, parami nang parami ang mga taong nakiki-usyoso. Sa isang iglap lang nawala sa babae ang buhay nito. Nabalik si Michigan sa realidad nang may biglang tumapik sa kaliwang balikat niya. Nabigla siya kaya't nalingon niya 'yon nang hindi sinasadya. Kumunot ang noo niya. Babae. Naka-itim din. Ano ba talagang mayro'n sa itim? Sinuri niya ang kabuuan nito. Mukhang kaedad niya lamang, pero mas matangkad sa kanya nang kaunti. Nakasuot ng hapit na longsleeve at hapit na pantalon na kulay itim. Pati na rin ang boots na pansapin sa paa ay itim. Mahaba ang kulay itim na buhok na medyo kulot-kulot sa dulo. Dahil sa itim nitong suot nangingibabaw ang maputi kulay ng mukha nito. Nakita ni Michigan na ngumisi ito kaya't kumunot ang kanyang noo. "Done checking me?" medyo matinis ang boses ng babae ngunit maganda ang pagkakabigkas nito ng salitang ingles. "Anyway, nurse ka 'di ba?" Wala sa sarili siyang sumagot. "Estudyante." Tumango ito. "P'wede na," sabay hawak nito sa kamay niya na ikinabigla niya. "Halika, tignan natin 'yong babae ro'n. Tsk. Kung 'di pa ako pupunta rito 'di mo pa gagawin ang trabaho mo." Hinila ni Michigan ang kanyang kamay. "Excuse me?!" Ngumisi na naman ang babae. "Sige, daan na." Napanganga siya na mabilis ding niyang binawi. "What do you need from me?!" Wala na siyang nagawa nang bigla siyang higitan sa kamay ng babae. Nagtataka siya dahil parang ang lakas-lakas nito, samantalang magkakatawan lang naman sila. "Sandali!" pagpigil niya at marahas niyang tinanggal ang pagkakahawak sa kan'ya. "What?"  "Nurse ako pero hindi ako imbestigador! Hello? Mukha ako ba si Mike Enriquez?!" aniya habang nanlalaki ang mga mata. "Nandyan na ang mga pulis oh," sabay turo niya sa mga pulis na hula niya, tauhan ng kan'yang ama. "Sila ng bahala d'yan. At isa pa trabaho 'yan ng Papa ko kaya hindi ko na kailangan pang pakialaman 'yan." Ngumisi ang babae sa kaniya. "Pulis ang papa mo?" naguluhan siya bigla, kasasabi niya lang 'di ba? Bakit pa nito tinatanong? Huminga siya nang malalim at kinakalma ang sarili. "Kakasabi ko lang 'di ba? Bingi-bingihan ang peg? Oo para manahimik ka na! Hepe siya rito. Kaya kung ayaw mong makulong, lubayan mo ako babaeng itim!" Magmamartsa na sana siya paalis ngunit hinawakan na naman siya sa kamay, this time ro'n sa kaliwa kung saan nakalagay ang relo niya. Psh. Late na siya sa klase! "Ano ba?! Let me go!" sigaw niyang muli. "Excuse me mga iha, pero hindi kayo nakakatulong dito. Maaring lumayo na muna kayo nang kaunti para mas makapag-imbestiga kami nang maayos at isa pa maglalagay na kami ng barricade," sabat ng isang pulis na lumapit sa kanila. Hinarap naman ng babaeng kasama niya ang pulis. "Excuse me too, Sir. But I think you need the two of us here," sabay may kinuha sa kanyang bulsa at ipinakita sa pulis. Sinilip ni Michigan ang ipinapakita ng kasama niyang babae sa tauhan ng Papa. Napangiwi siya nang makitang I.D lamang 'yon. Nanlaki naman ang mata ng pulis matapos makita ang bagay na ipinakita ng babae sa kanya pagkatapos ay bigla na lang sumama ang tingin nito na siyang ipinagtakha ni Michigan. "Sandali, bakit pati ako nadadamay dyan sa tiger look niyo?!" inis niyang tanong pero hindi siya pinansin no'ng Pulis. "Ako ba'y pinagloloko niyo? Hoy, kayong dalawa 'wag niyo akong utuin, a! Matagal ng buwag ang agency na 'yan! Imposibleng mabuo, dahil sumabog na rin ang base nila no'n!" singhal sa kanila ng Pulis. Napakunot si Michigan ng noo. Ano bang ginagawa niya rito? Hindi naman niya maintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa. Umiling siya at akmang aalis na ngunit mabilis ang repleksyon ng babae dahil nahigit na naman nito ang kanyang niya. Sinamaan niya ito ng tingin pero hindi naman ito nakatingin sa kanya kun'di do'n sa Pulis. "I bet hindi kayo updated! For you information Sir, no'ng isang araw lang ulit kami nabuo, 'cause you know, this world badly needs us. And mind you, we are different from other agents. New generation na po ito!" Pagkatapos ay hinarap nitong muli si Michigan na hindi alam ang pinag-uusapan nang dalawa. Para siyang tangang nakikinig pero wala naman siyang naiintindihan. "Nagtagalog at nag-english ka naman pero hindi ko pa rin maintindihan. Pati mundo dinadamay mo. Psh. Tapos, agent-agent? Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo o may toyo ka lang sa utak?" Hindi pinansin ng babae ang pang-iinsulto niya at ngumisi lang ito kaya't napapikit si Michigan sa inis. "What?! Ngi-ngisian mo lang ba ako?" inis niyang tanong. Ngumisi muli ang babae at tinuro siya. "You..." anito, "Better..." Huminto ito. "Go...." Ngumisi. "With me." "What the hell?" sigaw niya nang hawakan na naman siya sa kamay no'ng babae. Pero hindi siya pinakinggan bagkus humarap muli siya sa pulis. "Babalik kami..." Nagsimula na siyang maglakad kasama si Michigan. Nagpupumiglas siya pero wala siyang magawa - mahigpit ang hawak sa kan'ya. Dumaan sila sa maraming tao pero nahagip ng mata niya ang Papa niya sa ‘di kalayuan, nakatingin ito sa kanila.  Nagkaroon siya ng pag-asa. "Papa! Papa, help me! Kinidnap po ako ng babaeng itim!" sigaw niya pero gano'n na lang ang panlulumo niya nang ngumiti sa kanya ang kan'yang ama na parang sinasabi na okay lang. "Hala naman, bakit hindi niya ako pinansin! Ngumiti pa!" sabi niya sa kan'yang sarili at nagpatangay na lang sa pagkaladkad sa kan'ya. Huminto sila sa itim na van, pero parang mas malaki ito sa ordinaryong van lang. Kinuha ng babaeng 'yon ang I.D sa bulsa niya at itinapat sa salamin ng sasakyan pagkatapos ay bumukas na ito ng kusa. Nanlalaki ang mata niya sa nasaksihan. "'Wag kang magulat, baka mamaya wala ka ng mai-reaksyon." Tinulak na si Michigan papasok kaya't wala na siyang nagawa. Pagkapasok niya gulat na gulat na naman siya. Hindi nga ordinaryong sasakyan lang. Kakaiba pero itim din ang kulay ng loob. Nasa gilid ang apat na upuan. Maluwag sa loob dahil walang masyadong gamit. Parang nasa isang kwarto siya na walang furniture o kahit ano. Pagkatapos ay natatakpan nito ang nagmamaneho o kung mayroon nga bang driver dahil hindi niya makita. "Sabi sa'yo e, 'wag kang magulat," sabi sa kan'ya ng babae. Bumuntong hininga siya atsaka hinarap ang kasama. "Ano ba kasing kailangan mo sa'kin?" matigas na tanong niya, para masindak ang babae pero tila wala itong epekto. "Tinanong mo na kanina 'yan, wala bang bago dyan?" Natatawang tanong nito. Napapikit si Michigan sa inis. "Hindi ako nakikipagbiruan. What do you need from me?" "Ang katotoohan," simpleng sagot nito na tila wala ng ganang makipag-usap. "Ano?" "Ang katotoohan," pag-uulit nito. Huminga nang malalim si Michigan. Pinipilit na pigilan ang sarili, dahil baka masapak na niya ang babae. "Narinig ko!" medyo may kalakasang boses na sambit niya. "Hindi na kailangan paulit-ulit. Okay?! Spill it." "May birthmark ka ba sa kanang dibdib?" tanong sa kanya. Halata sa mukha ni Michigan ang pagkagulat. Hindi na ata mauubos ang gulat factor ngayong araw para sa kaniya. "At kung titignang mabuti, AX4 ang nalagay do'n." "H-How did you know that?" nagtatakhang tanong niya. Naguguluhan pa rin siya sa nangyayari. Hindi niya maintindihan. Bakit alam ng babae ang birthmark niya sa kabila ng katotohanang ngayon lamang nagtagpo ang kanilang landas. At isa pa, walang ibang nakaka-alam no'n kundi ang magulang lang niya. Kahit ang mga kaibigan niya, hindi ito alam dahil laging natatakpan. Hindi siya sinagot no'ng babae pero ngumisi ito sa kan'ya. "Confirmed," anito sabay lahad ng kamay nito sa harapan niya. "Rhannalyn, pero mas okay kung Rhanna na lang. At oo nga pala, 'wag mong kalimutan na ako ang nakahanap sa'yo." Naguguluhan itong tinignan ni Michigan. "Ano'ng nahanap ang pinagsasabi mo? You're creepy! At isa pa, para sabihin ko sa iyo, hindi ako nawawala kaya wala kang nahanap! Hindi ka rin naman mukhang myembro ng lost and found team kaya't manahimik ka! This is bullshit dude. Stop wasting my time. Aalis na ako!" Pilit niyang binubuksan 'yong pintuan ng sasakyan pero hindi mabukas-bukas. "Fine, I'll let you go for now. Pero tandaan mo hindi pa ito ang huli nating pagkikita." Pagkatapos ay bumukas na lang ng kusa ang pintuan at mabilis siyang bumaba. Nakalukot ang mukha ni Michigan nang makababa. Nakasalubong ang dalawang manipis na kilay at mabibigat ang paghakbang ng kanyang mga paa. Hindi pa man siya nakakalayo mula sa sasakyan nang mapahinto siya dahil sa dalawang lalaking makakasalubong. Parehong naka-itim ang mga ito. Ang isa, chinito ang mga mata na mukhang malakas ang trip dahil nakangiti ito na parang tanga. Ang isa naman, g**o-g**o ang buhok na may kaunting highlights pa, seryoso ang hilatsa ng mukha nito na nakatingin sa kanya. Sinamaan ni Michigan ng tingin ang mga ito. "Miss—" Hindi na naituloy ng binata ang kanyang sinasabi dahil sa mabilis na nagsalita si Michigan. "Oo! Nakaputi ako! Hindi ako nabibilang sa kulto niyong favorite color ang black." Singhal niya sa mga ito. "Anghel ako. Bwisit!" Sabay binirahan ng alis. End of chapter 1.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD