CHAPTER 2 : PROOFS

1923 Words
xxxx  AX4  PROOFS "SINO 'yong anghel na 'yon?" Tanong ni Vinch kay Rhanna pagkapasok nila ni Waxx sa loob ng malaking van. Umupo siya sa gitnang upuan. "Naninigaw siya. Tsk. Nakakasakit ng puso sigaw niya, parang nagulantang buo kong pagkatao."  Bahagyang natawa si Rhanna sa sinabi nito, napangisi naman si Waxx habang nakatingin sa kakabukas na laptop.  Sasagot na sana si Rhanna nang nabaling ang atensyon niya kay Waxx. "The one?" tanong ng binata habang seryoso itong nakatingin sa kanya. Napangiti si Rhanna sa bilis pumick-up ng binata. Ibubuka na niya sana ang kanyang bibig nang sumingit si Vinch. "The one? Sino 'yon?" kunot-noong tanong nito.  Inismiran lamang ni Rhanna si Vinch at hindi ito pinansin. Nilingon niya si Waxx na naghihintay ng sagot. "Waxxy boy, you got it right!"  Napatango si Waxx at makikita sa mga mata nito ang pagkamangha. "Paano mo siya nahanap?" Isinandal ni Rhanna ang kanyang ulo sa headrest ng upuan at ipinag-ekis nito ang dalawang kamay sa tapat ng dibdib.  "Let's just say, fate is really into us." Nagulat si Rhanna nang biglang siyang siniko ni Vinch. "Hey! Nandito pa kaya ako? Hello? Baka p'wedeng magshare ng pinag-uusapan niyo? Tsk." Umiiling-iling pa ito na tila dismayado. "Hindi naman siguro, mababawasan 'yang powers niyo 'di ba?!" Napangiwi si Rhanna. "Powers amputek," aniya at itinuro si Waxx. "’Ayan si Leader, sa kanya ka magtanong. Pagong!" Natawa na lang si Rhanna nang makitang naghihintay ng sagot si Vinch mula kay Waxx na busy sa pagkalikot ng laptop. Nang maramdaman ni Waxx na nakatingin si Vinch sa kanya, nag-angat ito ng ulo at tinignan ang kasamahan. "Ano?"  "Baka kailangan ko ng sagot?" Ngumiwi si Waxx. "Google mo Vinch. Nakakatalino 'yon." Humagalpak ng tawa si Rhanna na kasunod ang pagtawa nang bahagya ni Waxx. Inis na nagkamot ng ulo si Vinch. "Nakng fuu. 'Wag niyo akong ganituhin! Masakit sa puso ang fuungina." Umiiling si Rhanna. "Ewan ko sa'yo, pangit." Inismiran siya ni Vinch at tila bumulong-bulong pa ito kaya't hinila ni Rhanna ang kamay nito at pinaharap sa kanya.  "Ano binubulong-bulong mo dyan Chuachuwawa?" Mabilis na ngumiti si Vinch. "Sabi ko ang ganda mo." Naningkit ang mga mata ni Rhanna at walang anu-ano'y nabatukan si Vinch. Nanlaki naman ang mga nitong tinignan siya dahil sa ginawa niya. "Masakit!" singhal nito. "Alam ko!" sagot niya. "Gusto mo isa pa?!" "E, ba't namamatok ka kasi Rhanna?!" "E, kasi sinungaling ka!" Napangisi si Vinch sa sagot ni Rhanna. "Damn your ability." "Yeah, right. So, don't you dare lie to me Vinch." Hindi na ito nakasagot nang biglang nagsalita si Waxx sa gitna nang pagbibiruan nila Rhanna at Vinch. Minsan may pagkakill joy talaga ang binata. Nakinig na lang sila sa sinasabi nito at pinilit na nagseryoso ni Rhanna kahit panay bulong pa ni Vinch.  Napangiwi siya nang bahagya. "Tss. Abnormal," mahina niyang bulong sa sarili. "Agents stop," panimula ni Waxx. "Hindi ito ang oras para magbangayan kayo, tandaan niyo na may kaso tayong pilit na nireresolba rito at ito ang unang kasong hinahawakan natin." Binalingan nito si Rhanna. "What's your findings, Agent X94?” Natigilan si Rhanna at napakagat ng ibabang labi. Hindi na siya nakabalik pa ro'n sa insidente kanina dahil do'n sa anak ng hepe! Masyado nitong nasakop ang isip niya na dahilan para kalimutan nang sandali ang trabaho nila. Hindi pa siya gano'n kasigurado kung si Michigan nga ba 'yon, pero mayro'ng mga ebidensya na nagsasabing ang babaeng 'yon at ang hinahanap nila ay i-isa. First, her birthmark. Ang unang nabiyayaan ng kakaibang abilidad ay nagtataglay ng palatandaan sa may dibdib, ang bawat letra sa salitang AX4. It's the host's birthmark and that girl, have it! Second, she's the daughter of Michael Forteza!  Ang kwento sa kanila ni Alex—Ang founder ng AX4 ngayon. No'ng kinausap nito si Michael Forteza, hindi ito nagsasalita tungkol sa kanyang anak. Marahil hindi pa rin ito handa kung kaya't nirespeto 'yon ng agency. Hindi na nila inimbestigahan pa ang tungkol sa kanila dahil na rin sa pagiging parte nito ng Agency noon. Napabuntong hininga na lamang si Rhanna. "Sorry, nakalimutan ko." Nakita niya ang bahagyang pagngiti ni Waxx na tila sinasabi sa kanyang ayos lang, pero napasimangot si Rhanna nang sumingit si Vinch. "Ano ba 'yan Rhanna, nakipagmarathon kami ro'n sa kriminal samantalang ikaw nagrerelax lang dito? Unfair dude!" sabay baling ng tingin nito kay Waxx. "You should punish her."  "Hoy! Manahimik ka! May nagawa naman ako, a! Nakita ko na siya at handa na rin si Michael para rito dahil sa inasta niya kanina," pagpapaliwanag niya. "Humingi ng tulong 'yong babaeng 'yon sa kanya pero hindi siya tinutulangan ni Michael, pumayag pa nga base sa mukha niya kanina." "Tell me guys, I'm serious, who's that girl?" tanong ni Vinch. "Hindi ako manghuhula kaya pwede ba? I demand an explanations!" “Explanations mo mukha mo, slow!" pang-aasar ni Rhanna pero sinimangutan lamang siya ni Vinch. "Fine, think Vinch! Hindi ba't kulang tayo ng isa? Siya 'yon!" Natigilan ito sandali. Pagkatapos ay unti-unting nanlaki ang mga mata nito. Hinarap sila ni Vinch na may ngisi na sa labi. "Got it! Siya ang kukumpleto sa atin!" "Mismo!" sagot ni Rhanna.  Tumango ito. "Mas mapapadali ang trabaho natin! Mas mapapabilis-" Natigilan si Vinch nang magsalita si Waxx, "Speaking of work, let's get back to our own biz," sabay baling ng tingin nito kay Rhanna. "Rhanna, I want you to go back there. Mangalap ka pa ng mga ebidensya at kung anu-ano pa. Interviewhin mo ang mga nakasaksi sa pangyayari." Napatango si Rhanna. "'Yong babae kanina, nasaksihan niya 'yong nangyari, base sa istura niya kasi no'ng nilapitan ko siya medyo shock pa siya, siya na lang siguro ang tatanungin ko." Tumango naman si Waxx, "Got her details?" Umiling siya, "Nope, but I knew her father. We knew her father. Michael Forteza. The police chief officer and the former leader of AX4." "Great then, that will be a piece of cake."  Napangiti si Rhanna at napatango. "That's for sure. Kayo? Kumusta ang paghahabol niyo sa kriminal na hinuhuli natin kanina? Nahabol niyo ba?" tanong niya sa kanila. Narinig niya ang buntong hininga ni Vinch kaya't napatingin siya rito, "Oo, ang kaso pinatay niya ang sarili niya no'ng malapit na kami. I bet, he didn't really want us to know about their little dirty biz." "So, magkakakonekta ba 'yong pangyayari sa babae kanina at sa kaso na hinahawakan natin ngayon?" Si Waxx na ang sumagot sa tanong niya. "I don't think so," anito at bahagyang huminto. "Baka coincidence lang na nasa loob no'ng truck na 'yon ang hinahabol natin. Siguro, sa kakamadali niyang hindi natin siya maabutan kaya siya nakabangga. Ang totoong nagmamay-ari no'ng sasakyan na 'yon, patay na sa tabi ng driver's seat. At isa pa, may tattoo siya na isang chinese character sa gilid ng kan'yang kamay. Pero, 'yong totoong driver? Wala. Kaya parang hindi magkakakonekta, pero hindi pa rin natin alam hangga't wala tayong na-i-ipon na mga ebidensya. Tungkol sa chinese characters maliit lang yon at hindi namin naintindihan dahil hindi kami marunong magmandarin." Napakunot ang noo ni Rhanna at otomatikong napalingon kay Vinch. Tinuro niya pa ito na ikinabigla ng binata. "Ano'ng silbi ng pagiging Chua ng apelido nito kung hindi marunong magbasa ng chinese? Seryoso, Vinch, pangdisplay lang ba apelido mo?" Tinapik nito ang kamay niya sabay tingin sa kanya nang masama. "Hindi naman po kasi ako lumaki sa China! 'Wag kang mag-alala, itatanong ko na lang sa pinsan kong si Jhay! Marunong yata 'yon!" Kukunin na sana nito ang cellphone sa kan'yang bulsa upang tawagan ang kan'yang pinsan pero pinigilan siya ni Waxx. "Magkaiba ang mundong ginagalawan mo at ng pinsan mo. 'Wag mo siyang idamay rito sa kaso natin Vinch. Hindi p'wedeng may maka-alam baka lalong mabulyaso ang trabaho natin."  "Pero-"  "Enough!" seryosong giit ni Waxx, "Maghanap na lang tayo ng ibang paraan, nakuhanan ko naman ng picture 'yong katawan no'ng lalaki bago siya kinuha ng mga paramedics pati na rin 'yong driver. Doon na lang muna tayo bumase." Tumango naman si Vinch na tila naiintindihan na ang sinasabi ni Waxx. "Pero, mukhang mahihirapan tayo rito sa kasong 'to, mukhang matatagalan tayo ng ilang araw. Pareho na silang patay, ang mga ebidensya na nakakalap natin hindi gano'n kalinaw. Napakakomplikado." "We badly need her right away then," usal ni Rhanna kaya't napatingin ang mga kasamahan niya sa kanya. "'Wag niya sana tayong pahirapan," kumento naman ni Vinch at nagsimula na silang tignan sa hologram ang mga pictures na kinuhanan ni Waxx kanina.  Nagpa-alam na rin siya sa dalawa bago lumabas ng sasakyang 'yon. "Aryt then, mauna na ako. Do you work. Bye Agents!" **** ILANG hakbang lang ang layo ni Rhanna kina Chief Forteza at ng anak nito kaya't naririnig niya ang usapan ng mag-ama. Hindi niya mapigilang mapangisi habang nakikinig sa kanila mula sa kinatatayuan niya. "Pa, uwi na po ako! Nakakainis ka naman, e!" giit ng anak ni Chief Forteza habang nakasimangot pa. Nasa gilid lamang si Rhanna kung kaya't nakikita niya nang bahagya ang mga ekspresyon ng mga mukha nila. Umiling si Chief Forteza, "No, Michigan. Kailangan ka pang interview-hin dahil sa nangyari. Kailangan namin ng details." Natigilan si Rhanna sandali, 'so, Michigan pala ang pangalan niya. Nice name, huh.' aniya sa kanyang isip. Halos matawa siya nang lalong kumunot ang noo ni Michigan at nagpapadyak pa sa lupa dahil sa inis. 'Childish. Bagay sila ni Vinch.' Muli niyang sambit sa kanyang isip. "Kanina ko pa sinasabi, hindi ka naman nakikinig sa akin! Pa naman, e!" "Dahil hindi mo sa 'kin dapat sinasabi, hintayin mo na lang ang tauhan ko." "Fine! Isusumbong kita kay Mama pagka-uwi. Labas kulambo ka pagnagkataon, akala mo Pa, huh!"  Hindi na alam ni Rhanna kung matatawa siya sa huli nitong sinabi o hindi. Basta't ang alam niya, nakakatuwa sila panuorin at pakinggan. Kung titignan mabuti para lang silang magkapatid kung mag-usap. "Don't you dare kid," sagot ni Chief Forteza kaya't napangisi si Rhanna. 'He's cool!' "At isa pa, wala tayong kulambo sa bahay, 'wag kang assuming." Hindi na niya napigilan ang pagkawala nang bahagya pagtawa nang makita niya ang itsura ni Michigan. Kinagat niya ang ibabang labi niya upang pigilan ang paghalakhak nang mapatingin ang mag-ama sa kanya. May bahid ng pagkagulat ang mukha ng babae, at dali-daling nagtago sa likuran ng kanyang Ama. Lumapit siya Rhanna sa kanila pero natigilan siya nang itinuro siya ni Michigan. "Pa, 'ayan 'yong babae naka-itim na bigla na lang akong hinila. Kulong mo na 'yan at baka makatakas pa!" Bahagya lamang natawa si Chief Forteza at tinignan ang kabuuan niya. Napangisi si Rhanna at bahagya niyang iniyuko ang ulo niya bilang pag-galang. "Ano'ng kailangan mo, iha?" tanong nito sa kanya at hindi pinansin ang sinabi ng kanyang anak. "I need to talk to your Sir, and I guessed, you already knew what I meant." Bahagya itong tumango. 'Now, this is good.' "But, I need to talk to her first," sabay turo niya kay Michigan na halatang nagulat pa. "Trabaho muna." Tumangong muli si Chief Forteza kaya't napangiti si Rhanna. "Sandali! Ano? Bakit ikaw ang kakausap sa akin? Ako ka ba pulis? O feeling pulis?" may bahid ng pagkasarkastiko ang pananalita nito pero hindi na lang niya 'yon pinansin nang magsalita itong muli. "Atsaka, hindi ka tauhan ni Papa, kaya no way! You're weird!" Napangisi siya. 'Weird? I know.'  "Yes, and definitely you too by the way." Mabilis itong umiling habang nakataas ang kilay sa kanya. "Hindi! Ayoko! Sino ka ba kasi talaga? Ba't ba ang kulit mo at bakit ako ang ginugulo mo?" Humakbang si Rhanna at nakita niyang sinulyapan ni Michigan ang pag-galaw ng paa niya palapit sa kanila. Isang hakbang. Dalawang hakbang. Tatlong hakbang atsaka siya huminto. Ngumiti. "Nagpakilala na ako kanina, hindi ba? Makakalimutin ka pala?" pagbibiro niya pero sinamaan lamang siya ng tingin, hindi na niya 'yon pinansin at inilahad niya ang kamay niya sa kanya, "Just call me, Agent X94. You get me? Agent X94 of AX4." Natulala pa ito saglit sa sinabi niya kaya't napangisi siya sabay lapit at mabilis niyang isinabit ang kamay niya sa braso ni Michigan na ikinagulat nitong muli. "Can I do my work now?" End of chapter 2.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD