III

1249 Words
Mabini High School... Dito ko unang nakilala si Akiro. Pareho kaming Fourth Year student ng mga panahong iyon. Transferee ako. Wala akong kilala bukod sa pinsan ko..  Akala ko noong una, hindi ako welcome sa grupo nila. Siyempre, puro lalaki sila.. nakaka-O.P kung makikisali ako. tsaka helloooo? babae ako tapos sa mga lalaki ako sasama? eh di magmumukha akong TIBO? Pero ... magandang option din ang mapasama sa tropa nila... Kinausap  ko si pinsan, habang papauwi na kami. "Rye, pwede ba akong maging part ng grupo niyo?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa daanan namin. Nakasanayan ko na ang nakayuko habang naglalakd. "Kung makapagsalita ka parang sasali ka sa fraternity ah.. anong tingin mo samin? basagulero? Ayusin mo naman yang choice of words mo... ang pangit pakinggan !! " angil nito. Nilingon ko siya at inirapan. " Choosy mo!!  O sige sige.. wait lang mag-iisip ako.. " "Choosy talaga, yummy tsaka gwapo naman ako kaya may karapatan!" umikot ang mga mata ko sa sinabi niya. Kulang nalang ay itirik ko ito sa sobrang inis. " Ewan.. so? pwede nga ba akong sumama sa inyo?You know be like on of the boyssssssssss?" sinadya ko habaan ang huling sinabi ko. Nilingon ko sya dahil di ito agad sumagot. Napahinto ito sa paglalakad. " Are you insane my cousin dear of mine ?? " bulalas niya. Napatanga ako sa sinabing iyon ni Ryan.. At ang kutong lups.. ini-english english nalang ako ngayon. Hindi ko napigilang matawa! Ngayon ko lang siya naringgan ng ganoon kaya sobrang bago sa akin kaya natawa na lang ako... "Oh my Gosh! Insan... kelan mo pa natutunan yan? Ilang years?? " sabi ko habang hawak ko ang tiyan ko sa kakatawa. Nakapamaywang itong sumagot. " Hahaha. Funny! Maghanap ka ng sarili mong grupo.. Hindi ka bagay makigulo sa mga barako.. Ayokong magkaroon ng pinsan na tibo. "  May point din naman siya sa sinabi niya sa akin. I tried looking for my own company pero laging bokya. Ayoko kasi sa mga babaing sobrang arte. Ayoko naman sa sobrang mahiyain. Kaya ang nangyari, naging everybody's friend ako. Kahit kanino sumasama pero palaging mag-isa. Sumuko ako sa pag-asang makakahanap din ako ng mga kaibigan na makakasama ko kaya ang ginawa ko.. Araw-araw kong binuntutan si Rye.. " Hello there! " bati ko sa grupo ng mga kaibigan ng pinsan ko. " Ikaw na naman? " baling sa akin ng isa sa kambal. " Sino ka ba? " balik tanong ko sa kanya. " Ako si Yoichi.. " sagot nito na hindi na ako tinapunan ng tingin. " Boyfriend ka ng pinsan ko?" pang-iinis ko rito pero umupo na ako sa bakanteng upuan sa tabi nito. " Rye, may saltik din pala sa utak tong pinsan mo eh no? " sambit ni Yoichi. " Matagal na. Ikaw naman Jinry, sinabi ko na sayong tigilan mo na ang pagsunod-sunod sa amin." wika ni Ryan na seryosong nangongopya sa notebook ni Van. " Hindi ka ba naaawa sa akin? I have no friends!! " ngumuso ako. " Eh di kami nalang ang friends mo. " sabat ng lalaking kakarating lang. " Sino ka naman? Kambal kayo ni Yoichi? " tanong ko sa lalaking kamukha ni Yoichi. " Hindi, hindi. Salamin lang to. Salamin. Obvious ba? Identical twins kami niyan ni Yoichi kahit ayoko. Nga pala, ako si Sachi. "  inilahad nito ang kamay sa akin. " Ang sakit mo naman magsalita Sachi.. " himutok ni Yoichi. " Ayaw mo ba non? may kambal kang ubod ng gwapo.. at habulin ng chicks.. " " aaaahhh... " tanging naisagot ko sa kulitan ng kambal. Natuwa ako sa kakulitan ng kambal na to kahit madalas nila akong pagtripan.. Minsan kasi hindi ko alam kung sino sa kanila si Yoichi o si Sachi.. Magkamukhang-magkamukha sila kaya it takes time para masanay sa ugali nila. " Ang saya ng barkada niyo no? so, tanggap na ba ako nito? " nakatunghay na saad ko sa grupo. " Who you? " si Yoichi. " hehe. patawa! " irap ko. " hindi pa. sinabi kong ayoko di ba? " pagsusungit ni Rye. Kinulit ko siya ng kinulit, napatigil lang ako ng dumating ang pinaka-gwapo na atang nilalang sa balat ng lupa...  " Rye, sino siya? " turo ko sa taong papalapit.  " huh? " tinignan din niya yung tinitignan ko.. " Si Akiro yan. " sabi ni Van, na busy sa paggawa ng isa pang assignment nila na ipapakopya niya sa mga kutong lupang kasama ko. Akiro.... Ang ganda ng name... Ang sarap pakinggan.. Pangalan palang kinilig na ako... Lalo na nung lumapit ito sa amin. Syemay ang gwapo! " HI! " bati niya sakin, tapos ngumiti.. lumitaw yung mga dimples niya sa magkabilang pisngi.. PANALOOOO! Ang ganda ng ngiti! Weakness ko pa naman yun! Kinurot ko si pinsan para pigilan yung kilig na nararamdaman ko.. " Aaaraaayyyyyyyyyyyyyyyyyyy! " nakangiwing sigaw nito. " Ayy! Sorry! Nakurot ba kita?? " patay-malisya ako kunwari tapos sabay baling kay Akiro. " Hi! I'm Jinry! cousin ako ni Ryan.. Ikaw? " inilahad ko ang kamay ko para makipag-shake hands. Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya at hindi kumukurap. " Jinry? Cute.. I'm Akiro. Nice meeting you! " sambit nito at ngumiti pa lalo. Lumabas tuloy lalo ang lalim ng dimples nito. Napangiti na rin ako. Cute daw ang name ko haha! Tinanggap ko ang pakikipagshake hands niya sa akin. Ang lambot ng kamay niya, parang baby. Parang ayoko ng bitawan. That  moment alam ko nang in-love ako kay Akiro. Kaya ginawa ko ang lahat para mapapayag sila na maging part ako ng tropa. " Ryan.... sige na, please!! payag na kasi.. sige na!! " nagmamakaawa na talaga ako sa kanya. Sinundan ko siya sa bahay nila pagkatapos ng klase namin. Magkalapit lang ang bahay namin kaya anytime pwede kaming lumipat sa bahay ng isa't isa. " Umamin ka nga sa akin, bakit ba gusto mong makasama sa tropa namin? May hidden agenda ka ba? " seryosong tanong nito sakin. PATAY!! ALAM NA .... " wala ah, grabe ka naman pinsan! " overreact na tanggi ko. Humalukipkip ako para itago ang kaba ko. " sigurado ka?? " taas kilay na tanong nito sabay ngisi. Sabihin ko na kaya? Baka ibuking niya ako. Paano na? " alam ko naman kung bakit gusto mong makasama sa'min.. " basag nito sa pananahimik ko. Iniisip ko pa rin kasi kung sasabihin ko sa kanya ang dahilan o hindi. May tiwala naman ako sa pinsan ko pero sadyang nahihirapan lang ako sa sitwasyon lalo at kaibigan niya ang dahilan ng pagsama ko sa grupo. " B-bakit? " maang na tanong ko. " Kasi may crush ka kay Akiro!!! " sabi nito sabay halakhak. I am stunned and SPEECHLESSS. " o ano? di ka nakakibo diyan.. tama ako no? " wika nito na may ngiting nakakaloko. Hindi talaga ako kumibo. Nagdabog ako. Hindi pa to ang time para magka-alaman ng sikreto. " Okay!! Fine!! Di na ko sasama sa barkada niyo!! Ganyan ka naman palagi eh, pag ikaw humihingi ng pabor, go lang ako.. ngayon ako naman ang nagre-request.. todo tanggi ka!! " tumalikod ako para di niya makita ang emosyon ko. Ayoko ipahalata na nahihiya ako na nalaman niya ang sikreto ko. " Nagtatampo ka na ng lagay na yan?? " tudyo nito. Hinarap ko sya. " Ako? Nagtatampo? Neknek MO!! TSE !! Makauwi na nga lang... Wag na wag kang tatapak sa lupain namin ah!! Hindi ka makakalabas ng buhay !! " Naglakad na ako palabas ng pinto nila. Tumawa nalang siya. Siyempre alam niyang biro yon. Sa iisang compound lang naman kami nakatira eh, ang masaklap pa, isang hakbang lang ang pagitan ng mga bahay namin. Pa-sway sway pa yung kamay ko habang patawid ako sa bahay namin. Iniisip ko ngayong lie-low muna ako sa pagsama-sama sa kanila, ano na ngayon ang gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD