II

1498 Words
Naglalakad na kami papuntang AliMall. Masakit na ang paa ko, ikaw ba naman magsuot ng killer heels tapos paglalakarin lang pala ng kuripot mong pinsan? Hay... tiis-ganda nalang talaga. Minsan gusto ko ng sakalin tong kumag na to pero di pa pede, kasi may misyon pa siyang dapat tapusin. Habang naglalakad ay nagbibiruan kami ni Ryan, di maiiwasan na minsan ay halong bangayan at asara. Nangawit na ang binti ko kaya hihinto sana ako ng biglang nabangga ako sa kasalubong ko, agad namang may mga braso na umalalay sa akin. "Jin, okay ka lang?" nag-aalalang tanong sakin ng nabangga ko. Tumingala ako para makita kung sino ang nagsalita at nagulat. Tama ba tong nakita ko? Si AKIRO-MY-LOVE! Nagliwanag agad ang paligid ng makita ko ang maamo niyang mukha. " Oy Pare, ano ka ba naman? Ba't pinaglakad mo tong si Jinry? Sana sinabi mong kasama mo siya para sinundo ko nalang kayo. " sita niya sa pinsan ko na ng mga oras na iyon ay may nakakalokong ngiti sa mukha. " Hindi ko sinama yan, nagpumilit lang sumama para makita ka." baling nito kay Akiro. " ANOOO?" hindi ko napigilan ang medyo pagtaas ng boses ko. Siyempre na-shock ako! Kahit pa naman alam na niya na may feelings ako sa kanya, hindi pa rin niya dapat na malaman na head-over-heels akong in-love sa kanya. Hinampas ko ng bag si Rye, magwo-walk out na sana ako ng hawakan ako sa kamay ni Akiro. "Halika na, mag-taxi nalang tayo. Alam ko nahihirapan ka na diyan sa sapatos mo." sabi nito sabay alalay sa braso ko. Major POGI POINTS na naman ang nakuha niya. Kaya naman hindi maiwasan na hindi mahulog ang loob ko rito, bukod sa sobrang gwapo naman nito ay maginoo pa. Hindi katulad ng bwisit ko na pinsan na walang ginawa kundi sirain ang araw ko tuwing kasama ko ito. Pumara na siya ng taxi. Siyempre ako ang unang pinasakay, ladies first daw eh... buti nalang bumawi si pinsan at siya ang sumakay sa harap at nagkatabi tuloy kami ni Aki-my-love... "Manong, Eastwood po tayo." Nagtaka ako kung bakit doon kami pupunta. Ang sabi lang kasi ni pinsan, magkikita-kita lang daw. So, bakit sa Eastwood? May mahalaga bang pag-uusapan ang mga kolokoy na to? Nanahimik na lang ako habang sa biyahe kaso di ako makatiis... "Seems like you're in a good mood huh?" puna ni Akiro. " hmmm...." napabaling ako sa direksyon niya. Hindi ko maiwasan ang pag-ngiti pagkakita sa mukha niya. "Para kasing ang saya-saya mo eh.. anong meron?" ulit nito sa tanong habang nakatitig sakin na bahagyang nakangiti. " wala lang .." sagot ko habang nakatulala sa gwapong mukha niya. Para akong nahipnotismo. " ang weird mo... " bulong ko... pero cute parin sa paningin ko sa isip-isip ko. Biglang tawa si Rye sa front seat.  " hala nabaliw na nga oh. anong nakakatawa? " sibat ko sa kanya. " wala!! bagay kasi kayo .... pareho kayong baliw!!" sabay tawa ulit na di mo maintindihan kung naiihi o kinikilig. Ready to fight na sana ang drama ko kaso tumawa bigla si Akiro. Masarap pakinggan ang tawa niya, lalo siyang guma-gwapo sa paningin ko.. "Ang kulit niyo talagang magpinsan! " "Ganito lang talaga kami magmahalan." sabi ko sabay tingin ng matalim sa pinsan ko. Sinabayan ko nalang ang tawa niya kesa ipahalata sa kanya na kanina ko pa gustong sakalin ang magaling kong pinsan. Kalahating oras din bago kami nakarating sa Eastwood, medyo traffic kasi papunta roon. Umakyat kami sa 4F at natuwa talaga ako ng makita ko ang " HAPPY LEMON! " masayang sabi ko pagkakita sa paboritong milk tea shop ko. Regular customer ako dito, lalo kapag wala akong magawa sa bahay, dito ako tuma-tambay. "Ma'm Jinry! buti napadaan kayo ngayon! Sino yong mga gwapings na kasama mo?" bati ni Glen na siyang naka-duty ngayon. " Alin?  Ah yung lalaking matangkad na may kasamang chinitong pangit? " sagot ko.  "Grabe makapanglait Ma'm, may past ba kayo nun?" natatawang bigkas nito habang nagpupunas ng couunter. "Wala po. Pinsan ko lang naman yong kumag na yon. " sagot ko at nangalumbaba sa gilid ng counter. " Eh sino yung gwapong kasama niya Ma'm? Pinsan niyo rin? " sinulyapan nito si Akiro. Bigla akong napadiretso ng tayo."Hands off kayo dun sa kasama niyang gwapo. Kahit pa-cute di niyo pwedeng gawin! Okay?? " " Hands off? Meaning ..." kunot-noo nitong tanong. Namaywang ako sa harap niya. " Meaning siya yung one and only Akiro ko.. Gets?? "  Nagtilian ang mga crew na kasama ni Glen sabay lingon kay Akiro. Palibhasa regular customer na ako rito kaya pati love life ko na-ishare ko na sa  mga ito. Napabuntong-hininga nalang ako. "Hala!! Hala!! Pa-order na nga lang." Lumapit sakin si Ryan. "Aaahh. Bilib na talaga ako sa pinsan ko, pwede ng awardan ng Ms. Friendship! " Iningusan ko nalang si pinsan, mahirap talaga pahabain ang pasensiya lalo kapag eto ang kasama. Napansin ko si Akiro na parang balisa.. " Excuse me, iwan ko muna kayo saglit. Parating na rin sina Van at iba pa kaya hintayin niyo nalang sila dito. I have a surprise guys " tapos umalis na siya... Surprise??? Nangunot ang noo ko. Ano kaya yun? Nilingon ko si Ryan. Bigla itong nanahimik. Kinutuban ako. Di na to maganda. Dumating na ang iba.. Kumpleto na ang barkada pero wala pa rin si Akiro. I'm starting to get worried... "Nasan na si Aki? " tanong ko kay Ryan.. " Nagpakamatay!!" " Na-ernings!! " " Nagbooking!! " " Kung isa-isa ko kaya kayong sakalin diyan??" naiinis kong sagot sa mga lalaking dumating. Nagtawanan lang ang mga kumag na parang walang narining. " Wooo!! " " Cheers!! " Minasahe ko ang sentido ko. Grabe! Minsan naiisip ko nalang kaibigan ba talaga ni Akiro ang mga ito? Kung si Rye lang naman ang pagbabasehan, walang duda na kampon niya ang mga ito. Pero si Akiro? Naaaa.... " KOKOTONGAN KO NA TALAGA KAYO !! " naiinis na sambit ko. " Uyyyy! Si Akiro ng buhay mo andyan na!" Siniko ako ni Van, isa sa masasabi kong matinong kaibigan ni Akiro. "Pano yan? May kasamang chicks?" bulong niya. " Sino ba yan? Chicks lang pala eh.." kunwari wala ako care. Kunwari lang pero sa totoo lang...nanlalamig na ang pakiramdam ko.. " SINO BA SIYA?" tanong ko sa kanila habang hindi inaalis ang tingin sa dalawang papalapit.  " Si Elisa!! OUCH! Joke lang! " sabi ni Yoichi. " This is not the time for joke, dude! Kita mo nga't naiiyak na yung isa diyan. " sabi ng kambal niyang si Sachi. Kahit papano, grateful ako na nakilala ko tong mga kumag na 'to.  " Sinong naiiyak?" maang na tanong ko. " Ikaw!!" sabay na sabi nila. Sasagot sana ako ng lumapit na sa amin si Akiro, kasama si Suzanne! " Looks like you're having fun guys! Well, I'd  like you to meet Suzanne.. you know her right? Uhm, gusto kong malaman niyo na girlfriend ko na siya... " wika nito habang hawak si Suzanne sa siko at pinapakilala sa grupo. Parang huminto sa pag-ikot ang mundo ko. Huminto din sa pagtibok ang puso ko. " girlfriend ko na siya .... " parang sirang plaka na  paulit-ulit sa utak ko.. Girlfriend!!!! Girl.... friend!!! Si Van ang unang nagtangkang mag-react pero wala rin siyang nasabi, tumango nalang siya kay Akiro. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat ang feelings ko para kay Akiro. Parang open book ang buhay ko sa kanila. Kaya kahit sukdulan ang pagiging sutil nila minsan, mabubuti parin silang nilalang ng Diyos. " I'm happy for you, " sabi ko kay Akiro na may pekeng ngiti sa labi. " Thank you! " saad nito na nakangiti rin. Binalingan ko si Suzanne.. kahit malakas ang urge na sakalin at sabunutan ko siya, i still tried to be a good person.  " I'm Jinry nga pala, " inilahad ko sa kanya ang kamay ko, ayoko din namang magmukhang kawawa, kwento ko to kaya dapat ako ang bida, hindi ang kontrabida!  " I'm Suzanne, so ikaw ang nag-iisang rose among the thorns.. Sana maging kasing welcome din ako sa barkada gaya mo. " tinanggap niya ang kamay ko at nakipag-shake hands. Sana hindi siya nakahalata na pilit ang ngiting binigay ko. " Si Jinry... Pwede pa! Pero ikaw? Magiging part ng tropa? Naa... I don't think so! " Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Yoichi. Kahit pilyo siya, kahit kailan ay hindi siya naging ganoon lalo sa harap ng isang babae. " Yoichi.. " sita ng kambal nito. " Come on, Sachi. You just can't let her take Jinry's place just because she's Akiro's girl. Sorry to tell this pare, but I'm leaving. I'm happy for you, that's all. Jinry, halika na." biglang tayo ni Yoichi at hila sa akin. Hinila ako ni Yoichi paalis sa mall na yun. Sumunod si Sachi.  Nilingon ko si pinsan at si Van, tumango nalang sila. Habang akay-akay ako ng kambal, hindi ko mapigilang maluha. Eto pala ang kahihinatnan ng pag-ibig ko. How sad... " Wag ka munang umiyak... di pa tapos ang lahat! " Napatingin ako kay Sachi. " Tama siya, we're still here to back you up! " sabat ni Yoichi. Nakakaiyak naman! Of all people, hindi ko inaasahang sa kanila pa manggagaling ang mga words of encouragement na iyon. Tama!! Hindi pa tapos ang lahat!! Sa tagal kong ipinaglaban ang pag-ibig ko kay Akiro, ngayon pa ako aatras??? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD