4

1245 Words
Aya's pov Hindi pa rin maalis alis sa isip ko kung bakit natakot ang mga diedor kay samuel. Nung umalis ang mga diedor ay nakita ko naman siyang nakalutang lamang. Pero iyon lang ang ikinatakot nila? Ehh kaya naman naming magkakasama lahat na lumutang ah. Sigurado akong may iba pang ginawa itong si samuel na hindi ko nakita. Magkakasama kami na naglalakad papuntang kagubatan nang may sumulpot saaking harapan. Yung sa harap ko mismo. Nakita ko si aira na buhat buhat niya. "Please gamutin mo siya"sabi nung lalaking may buhat buhat kay aira agad namang lumapit si samuel sakanila at inalalayan yung lalaki dahil natutumba siya. Kapansin pansin na nanghihina ito. Agad naman akong lumapit kay aira at itinapat ang kamay ko nagulat ako dahil nakita ko ang mga sugat niya sa likod. Habang ginagamot ko siya ay nagtanong na ako. "A-anong nangyari sakanya?" Tanong ko habang nagaalala. "Kinuha siya ng mga diedor para ialay sa kanilang pinuno. Mabuti na lang at natawag niya ako" sabi naman nung lalaki kaya naman unti unti nitong inihiga si aira sa baba. Hinila naman siya ni samuel sa isang sulok at nakita kong hinawakan niya ang balikat ng lalaki. Pilit kong inaaninag kong anong ginagawa niya pero isang kislap lamang sa kanyang palad ang nakikita ko. Ano bang meron sakanya? Ang akala ko ba'y hindi pa niya nalalaman ang kanyang kapangyarihan. "Terrence buhatin mo yung kakambal mo" sabi ko sakanya hindi niya naman alam ang nangyari sa kapatid niya ang alam niya lang ay nawalan siya ng malay. Siguro ay inayos ng lalaki ang kanyang damit na nasira. Kaya hindi halata kay aira na napuruhan talaga siya. "Ano bang nangyari sakanya" tanong ni terrence sasagot na sana ako ng may nagsalita. "Ako ng magbubuhat. Sigurado akong paggising nyan ayaw niyang nasa iyo siya. Tandaan mo pinagalitan mo yan nung nasa temper forest." Sabi ni samuel kaya wala ng nagawa si terrence at nilagay si aira sa likod ni samuel. Lumapit yung lalaki kay samuel at hindi na ito natutumba o paika ika ang lakad. "Salamat" sabi nung lalaki kaya naman tumango si samuel at nawala na lang yung lalaki. "Kilala mo ba yun samuel?" Tanong ko kaya naman lumingon siya saakin. "Siya ang guardian ni aira at ni terrence. Yun nga lang si aira pa lang ang napili niyang bigyan ng kanyang kwintas." Sabi ni samuel. "Jaiko ang pangalan" pagpapatuloy naman ni terrence. Kaya naman nagsimula na kaming maglakad papuntang diedor. Samuel's pov Buhat buhat ko si aira ngayon habang naglalakad ng mapahinto ako sa bulong niya. "Ang lakas mo pala samuel" bulong niya tiningnan ko siya at tulog. Napangiti na lamang ako dahil ako ang nasa panaginip niya. Nagsimula na lang akong maglakad dahil naiwan na kami. "Anong lugar ito??" Rinig kong tanong ni josh kaya naman lumapit ako. Nakakita naman ako ng malalaking mga bulaklak at marami ring maliliit sa baba. "Yourous flower forest ito" sabi ko kaya naman napalingon sila saakin. "Paano mo naman nalaman ang tungkol dito??" Seryosong tanong saakin ni terrence base sa mata niya may gusto siyang malaman sa pagkatao ko. "A-ahh kasi sabi saakin ni lola kanina" sabi ko sakanila. Buti na lang nakaisip ako ng dahilan. "Maglabas kayo ng mga panyo niyo dahil magiging bata kayo kapag naamoy niyo ang bulaklak. Iharang niyo sa ilong niyo" sabi ko. "Pero wala kaming dalang panyo" sabi ni aya. "Kung ganun kumaliwa na lang tayo sa ibang daan na lang tayo dadaan. At doon natin madadaanan ang mga Freus. Iyon ang mga nilalang na nakakalipad gamit ang pakpak sa madaling salita isa silang mga users na may flying ability. Marami ring mga hayop na may pakpak doon. Ang bayan nila ay kilala sa pangalang flasius" sabi ko lumapit naman saakin si terrence na may seryosong mata. "Bakit madami kang nalalaman tungkol dito sa immortal world? Ilang beses ka pa ba magsisinungaling saamin? Nakita ko sa mga mata mo kanina na hindi si lola ang nagsabi saiyo nun. Nakakapagtaka rin na alam mo pala ang kapangyarihan mo, pero ang sinagot mo saamin dati ay hindi mo alam. Sege sabihin na lang nating hindi mo nga alam. Pero bakit parang sanay ka nang gamitin ang ability mo?" Seryosong tanong niya. Kaya naman inalis ko ang emosyon sa aking mga mata. "Oo alam ko na ang kapangyarihan ko. Natatakot lamang akon sabihin ang aking kapangyarian dahil alam kong hindi ito makakatulong laban sa kalaban. Hindi ko ito sinabi dahil baka hindi kayo pumayag na isama ako. Pero totoo ang sinabi kong si lola ang nagsabi saakin nun" Pagsisinungaling ko. Patawad pero hindi niyo pa maaaring malaman kung sino talaga ako, dahil sa pagkatao ko maaaring madamay kayo dahil maraming gustong kumuha saakin. Nakita ko namang tinitigan niya ako ng mabuti at pumikit na lang sya at nagsimulang maglakad. Nakahinga naman ako ng mabuti dahil tumigil na siya. "G-guys? m-may n-nakita akong b-bata ohh" sabi ni veronica kaya naman nilapitan namin. Nagulat ako sa nakita ko dahil hindi lamang ito pangkaraniwang bata. Kundi isa itong fairy. Nararamdaman ko rin kung gaano siya kalakas. Nakita ko naman ang reaksyon ni aya siguro at nakita niya ang dugo ng batang ito. Oo siya ang anak ni alia o mas kilalang zeny. "Anong pangalan mo?" Tanong sakanya ni abby pero parang may hinahanap siyang tao at tumigil ang mga mata niya sa tapat ni Terrence. "Daddy!!" sigaw niya at tumakbo papunta sakanya at niyakap. "M-may a-anak ka?" gulat na tanong ni caspian. "A-ahh bata baka nagkakamali ka lang ng hinala" sabi ni terrence sakanya. Nagtaka ako dahil kadugo rin ito ni terrence.  "Terrence may araw pa na sinugatan ka at kinuha ang iyong dugo?" tanong ko sakanya kaya naman napaisip siya. "Merong oras na pagkagising ko ay may sugat na ang daliri ko. Hindi pero ito namamalayan na nasugatan" Sagot ni terrence. "Terrence" seryosong tawag ni aya at lumapit sakanya kaya naman medyo napaatras si terrence. "May nangyari ba sa inyong dalawa?" tanong ni aya kaya naman nanlaki ang mga mata nito sa kanyang sagot. "Wala ahh. Bakit mo naman naitanong?" tanong ni terrence. "Ka-" "Aya" tawag ko kay aya kaya naman napalingon siya saakin. "Hindi ka pa nakakasigurdo sa nakita mo. Kaya wag ka kaagad bibitaw ng salita" sabi ko sakanya kaya naman napatingin siya sa bata. "Hi ako nga pala si tita aya. Anong pangalan mo?" tanong nii aya. "Bianca Aries Flame po" sagot niya na ikinalaki ng mata ng lahat. Naramdaman ko namang gumalaw itong nasa likod ko. Baka gising na siya. Naramdaman kong bumaba na siya sa pagkakabuhat ko at nagunat. Nakita niya naman si bianca at nagningning ang mga mata niya. "Kyaaaaahhh!!! ang cute mo talaga bianca" sabi ni aira at lumapit pero parang natakot si bianca sakanya at pumunta sa likod ni terrence. "Huhuhu daddy masakit pisil ni tita aira" sabi ni bianca. "KILALA NIYO ANG ISA'T ISA??!!!" tanong nilang lahat. Someone's pov "Nay pupunta na po ako sa yourous flower forest para kumuha ng ocus(okyus) flower para dyan sa sakit niyong lagnat, ubo at sipon" Sabi ko at itinali ko na ang panyo ko sa kalahating mukha ko para hindi ako makaamoy ng yourous flower. Sa tabi kasi ng yourous flower nabubuhay ang ocus flower ehh.  Nang makarating ako ay may nakita kaagad akong ocus sa medyo kalayuan kaya naman masaya akong tumakbo doon at kinuha ang dalawang perasong ocus flower. Pagreserba na lang yung isa baka sakaling hindi tumalab ang isa. Pagkatalikod ko ay may nakita akong cute na bata na kulay brown ang buhok. Binuhat ko siya palabas ng yourous flower forest. Napansin ko namang malaki ang damit nito. "Hala baka nakaamoy ka ng yourous flower kaya ka bumata." "Anong pangalan mo?" tanong ko sakanya. "ch-cheny" bulol at cold niyang sabi ang cute naman nitong batang ito. ^_^ Siguro maganda ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD