3

991 Words
Aira's pov "Pinuno. Ito po ang napili kong iaalay saiyo. Tiyak na matutuwa ka dahil siya ang fire princess na nagmula sa flame clan" rinig kong boses ng lalaki. Medyo masakit pa ang ulo ko ehh pero unti unti akong dumilat hanggang sa nakita ko ba puro kulay itim. Mas masahol pa pala sa itim ng dark kingdom. "Gising na pala ang mahal na prinsesa" sabi ng malqlim na boses at nakahiga pala ako sa isang mesang simento at nasa harapan ang nakaharang na kurtina. "Hoy!! Pakawalan mo kong mukong ka!!" Sigaw ko. "Wala kang karapatang pagsalitaan ang mahal na pinuno! Mahal na prinsesa. KUNIN ANG LATIGO!! kailangang turuan ng leksyon itong ating iaalay" sigaw niya kaya naman nanlaki ang mata ko. Ginamit ko ang apoy para masunog ang nakatali saakin pero mas lalo lang akong nanghina dahil pakiramdam ko ay hinihigop ng tali ang aking kapangyarihan noong ginamit ko ito. Ilang sandali ay inalis nila ang tali saakin at itinayo. Hindi naman ako makalaban dahil nanghihina ako. Sana pala di ko ginamit ang kapangyarihan ko. Itinali nila ang dalawang kamay ko. Parang akong hayop na nakabitin lang. "AAAHHH" sigaw ko dahil nakaramdam ako ng hapdi sa aking likod. *Pak* Palo saakin. Kaya naman kinagat ko na lang ang aking labi habang tinitiis ang hapdi sa aking likod. "Sa susunod huwag mo nang uulitin iyon ay nakalimutan ko pala magiging buto ka na lang mamaya dahil hihigupin ng pinuno ang iyong kapangyarihan. Kaya magdasal ka na lang na sana magdalawang isip ang pinuno na huwag kunin ang lakas mo" sabi niya na ikinalaki ng mata ko. Nakakadena na ako ngayon. Hindi alam kong ano ang nakakaya nitong kadena kaya naman nagpalabas ako ng unting kapangyarihan at nagulat ako dahil tuloy tuloy na ang paghigop nito. Pilit kong pinipigilab pero ayaw. "T-tulungan n-niyo a-ako. J-jaiko" sabi ko kaya naman nawalan na ako ng malay. Jaiko's pov Paglitaw ko ay napaupo na lang ako dahil nanghihina ako. Kaya agad kong kinuha ang dagger na nakakaputol ng kahit ano. Nang maputol na ay agad kong sinalo si aira. "ISA KANG LAPASTANGAN!! HULIIN SYA" sigaw ng nasa loob ng kurtina kaya naman agad akong nagteleport sa kagubatan. Nagulat naman ako ng lumitaw yung lalaking nanlatigo kay aira. Naalala ko pala na isa siyang diedor. Kaya niyang sundan ang mga nagteteleport. "WALA KAYONG TAKAS!!! IAALAY SIYA MAMAYA" sigaw niya na ikinalaki ng aking mata. "Lexi kailangan ko ng tulong mo. Kalaban ko ang mga diedor" sabi ko gamit ang telepathy. "Sorry si baby bianca aries kasi ayaw niya akong paalisin alam mo naman yung nangyari sa kastilyo nung nagalit siya. Nagpalabas lang ng unting dust ball ehh wasak na yung kalahating kastilyo" sabi niya kaya naman napaface palm ako. Tumakbo ako habang buhat buhat ko siya. Hanggang sa makarating kami sa cursed village. At nagtago sa temper forest. Inihiga ko siya sa madamong lugar at itinapat ang kamay ko at binibigyan siya ng aking lakas. Terrence's pov "ANG MGA DIEDOR!!!" Rinig kong sigaw sa labas kaya naman agad na tumakbo si lola sa pinto at sinara ang pinto at bintana. "HANAPIN SILA!!" Sigaw sa labas. Akmang lalabas na sana ako ng pinigilan ako ni lola. "Huwag. Hindi pa sapat ang iyong lakas sakanila" sabi ni lola at nilibot ang kanyang mata. At huminto kay samuel pero umiling siya. Nilibot niya ulit at napahinto siya kay aya. "Ikaw" turo niya kay aya. "Ang kapangyarihan mo ang maaaring makatalo sa kanila" sabi ni lola. "Ehh?? Paano niya matatalo ehh healer po siya. " sabi ko. "Aya baka mapahamak ka" sabi naman ni bryle. Hinila naman ni lola si samuel sa sulok at nagusap. Lumapit ako sakanila. "Pero hindi ko maaaring gamitin ang kapangyarihan ko" sabi ni samuel. "Bakit?" Tanong ko kaya naman napalingon sila. "Diba ang sabi mo hindi mo alam ang kapangyarihan mo?" Tanong ko sakanya. "O-oo hindi pa" sabi niya pero pinanlakihan ko na lang siya ng mata dahil nakikita kong nagsisinungaling siya. "Walang secretong mabubunyag. Tandaan mo yan" sabi ko. Samuel's pov "Aya. Maaari mo bang kalabanin ang mga diedor?" Tanong ko sakanya kaya naman tumango siya. "Sasama ako" sabi ni bryle pero nagsalita si lola. "Hindi maaari. Ikaw na lang samuel samahan mo na lang siya." Sabi ni lola at lumapit saakin at may ibinigay na dagger, pana at palaso. Kaya naman lumabas na kami ni aya. "Aya lagyan mo ito ng poison" bulong ko sakanya kaya naman nanlaki ang mata niya. "P-paano mo nala-" "Lagyan mo na dali" sabi ko dahil papalapit na saamin ang diedor kaya naman wala ng nagawa si aya at nilagyan ng lason ang mga palaso at dagger. Lumapit saamin ang diedor. "Huwag kayong sumugod saamin dahil hindi niyo kami kaya." Sabi ng isang diedor. "May nakita ba kayong lalaki na may buhat buhat na babae?" Tanong naman ng isa. "Teka hindi kayo mga humals. Maaring kilala niyo ang fire princess? *smirk*" nanlaki ang mga mata ko sa sinabo niya. "F-fire p-princess??" Nauutal kong tanong. "Kilala niyo ba siya? Kung ayaw niyong masaktan sabihin mo na oang saamin" sabi ng diedor. Sa galit ko ay pinatamaan ko na ng palaso ang isa kaya naman sumugod na saamin ang mga diedor. "Nasaan siya!!" Sigaw ko. "Kapag nalaman ko lang na may ginawa kayo sakanya mas malala ang makukuhang parusa ng inyong lahi!!" Sigaw ko. "At sino ka ba?" Tanong saakin ng isang diedor kaya naman pinatamaan ko siya may lumapit naman saakin na isang diedor. "Paano kung sabihin kong? Pinarusahan ko siya?? Haiyyst ang ganda ng boses niya nung nasaktan siya sa paglalatigo ko sakanya sayang nga eh pero minsan lang siya sumigaw" sabi niya sa inis ko bigla na lang akong nasa harap niya at sinakal. At inilipad sa ere. "Magsisisi ka kapag nalaman mo kong sino ako" sani ko at nagpalabas ng kapangyarihan ko na ikinalaki ng kanyang mata. "Ikaw a--" bago niya matuloy ay pinatama ko na sakanya kaya naman nawala siya ng parang bola. Nakita naman ako ng mga diedor ang ginawa ko sa kasama nila kaya naman nagkaroon ng mga takot ang mga mata nila. Bigla naman silang bawala. Kaya naman bumaba na ako. "Yan ba ang kapangyarihan mo? Floating ability?" Tanong ni aya saakin kaya naman napakamot na lang ako sa batok at tumango. "P-pero s-si aira." Sabi niya kaya naman napatigil ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD