CHAPTER 02

1046 Words
Nanghihina na si Alessandra dahil kanina pa sya nagpupumiglas sa loob ng sasakyan. Dagdag pa na nakainom sya kaya sumasakit na din ang ulo nya. Hindi nya kilala kung sino ang walang hiyang lalaking ito na nagbitbit sa kanya sa loob ng sasakyan. Mas lalong hindi rin nya alam kung saan sila pupunta. "Ano bang kailangan mo sakin? Anong kasalanan ko sayo? Pakawalan mo ko hindi kita kilala!" galit na wika nya sa lalaki. Madilim sa loob ng sasakyan kaya hindi nya pa rin ito makita ng malinaw. Sa loob ng maraming taon na nandito sya sa Maynila ay ngayon lang niya naranasan ang ganitong pangyayari sa buhay niya. "Pasensya na Miss, wala kang atraso sakin pero sa boss ko mayroon!" sagot nito. Atraso? Ano namang atraso ang sinasabi nito? Wala syang natatandaan na mayroon syang nakaaway para magkaroon sya ng atraso! Baka naman nagkakamali lang ito? Hindi sya pala-away na tao! "Anong pinagsasasabi mo? Wala akong atraso sa kahit na sino baka nagkakamali ka lang! Pakawalan mo na ko! Magsusumbong ako sa pulis!" galit na wika niya sa lalaki. "Alam mo Miss kung ako sayo manahimik ka na lang. Ikaw yung pinapahanap sakin ni boss, ikaw si Alessandra Rivaz hindi ba?" Kumunot ang noo nya dahil sa sinabi ng lalaki. Kilala sya nito? Paano sya nitong nakilala? Hindi sya kumibo. "See? Ikaw nga iyon," saad nito. "A-anong atraso ko sayo? Saka sinong boss ang sinasabi mo? Walang hiya ka pakawalan mo ko!" singhal nya sa lalaki at pinaghahampas ang braso nito habang titig na titig ito sa daan at nagmamaneho. "Miss tumigil ka mababangga tayo ano ba– aahhhhh!" Napapikit sya ng maramdaman ang malakas na impact. Tila nawala ang malay nya at nagdilim ang paningin nya. Nagising na lang sya na nasa loob na sya ng isang madilim na kwarto, sobrang tahimik. Masakit pa rin ang bandang noo nya at sinalat nya iyon. May nakatapal sa noo nya. Ano bang nangyayari? Inilibot nya ang mga mata sa palibot ng malaking kwarto na iyon. Nasaan ba siya? Tumayo sya at tinangka nyang isindi ang ilaw sa loob niyon. Tumambad sa kanya ang halos puro kulay itim na mga gamit. Ang inaapakan nya ay marmol, lahat ng nasa loob niyon ay kulay itim maging ang bedsheet. Pati ang cabinet na alam nyang mamahalin dahil sa ganda ng itsura niyon ay kulay itim rin. Madilim ang kulay ngunit alam nyang maganda ang kwarto at mayaman ang may-ari nito. Nasaan nga ba sya? Humakbang sya palabas ng silid. Mahina nyang isinara ang pintuan. Sa paglabas nya ng silid ay naglakad sya at tumambad naman sa kanya ang kabuuan ng bahay. Mali, mas tamang tawagin iyon na mansyon. Napakurap sya at pinalibot ang mga mata. Napakaganda at napakalawak nito. Ang disenyo ay halatang pinasadya pa at mukhang sa ibang bansa hinango ang pagkakagawa. "So how's your sleep young lady?" Muntik na syang mapatalon dahil sa tinig na narinig mula sa likuran nya. Muntik na rin syang madulas sa hagdanan at magtuloy-tuloy na gumulong sa ibaba dahil sa sobrang gulat. Buti na lang at naalalayan sya ng lalaki. "Tss." sabi nito habang sapo-sapo ang likod nya at kasalukuyang nakatitig sa mukha nya ngayon. "S-sino ka?" tanong nya sa lalaki. Matangkad ito at sa sandaling natitigan nya ang mukha nito ay isa lang ang napansin nya, tila galit ito sa mundo dahil sa lalim ng guhit nito sa noo na akala mo ba'y pasan nito ang buong daigdig. Umangat ang isang sulok ng labi nito. Napansin nyang may hawak itong bote ng alak at nag-iinom. "Hindi na mahalaga kung sino ako," sambit nito at muling tumingin sa kanya. This time hindi nya malabanan ang tingin na ibinibigay nito sa kanya. Lalo na ng hagurin nito ng tingin ang buong katawan nya. Para syang naestatwa. Nagtanggal sya ng bara sa lalamunan bilang pag-alis ng kabang nararamdaman. "Ahm, a-anong kailangan mo sakin?" halos habulin nya ang hininga ng sabihin nya iyon. Muli ay humakbang ito palapit sa kanya at nagulat sya ng ilapit nito ang mukha sa kanya. Malapit na malapit at naaamoy na nya ang alak na iniinom nito. "You." tipid na sagot nito sa baritonong boses. "B-bakit? S-sino ka ba?" tanong niya sa lalaki at bahagyang umatras. "Malaki ang atraso sakin ng ama mo," bigla ay sabi nito na ikinagulat nya. Paanong nadamay ang Daddy nya? Hindi nya nga kilala ang lalaking ito eh. "Ano?" nagtatakhang tanong nya. Nakita nya kung paano nito ikinuyom ang kamao. Mas lalo syang natakot dahil mas dumilim ang mukha nito ngayon kumpara kanina. Parang bigla na lamang itong sinaniban at nagmistulang bulkan na anumang oras ay sasabog. "Umalis ka na sa harap ko ngayon din," sabi nito na tila nagtitimpi. Nagbago ang anyo nito at kitang-kita nya ang galit sa mga mata nito. Ano bang nagawa nya? Sino ba ang lalaking ito? "Get out!!!" malakas na sigaw nito dahilan para matigagal sya at pumasok sa itinuturo nitong kwarto kung saan sya galing kanina. Halos mayanig ang mundo nya dahil sa sigaw nito kanina na naghari sa loob ng bahay. Kasunod niyon ay ang pagkabasag ng ilang mga gamit. Rinig na rinig nya iyon habang nanginginig sa loob ng kwarto. Dali nyang inilock ang pintuan niyon. Diyos ko! Ano bang nangyayari sa kanya? Sino ba ang lalaking ito? Napatingala sya at mariin na pumikit. Puno ng takot ang katawan nya ngayon. Nasa kamay sya ng isang taong hindi naman nya kilala at wala syang kaide-ideya man lang kung bakit sya nito kinuha. Natatakot sya sa kung anong pwedeng gawin nito sa kanya. Napatakip sya ng tainga nang marinig na mas lumakas pa ang kalabog mula sa ibaba. Mariin syang napapikit at nagdasal na sana ay matapos na ito, na sana ay panaginip lamang kung ano ang nangyayari ngayon sa kanya. Halos dalawangpung minuto din ang lumipas bago natapos ang ingay. Nakahinga sya ng maluwag dahil natahimik na at wala na syang naririnig na mga gamit na tila nababasag. Tumingin sya sa relong nasa dingding, mag aalas-dose na ng madaling araw. Tila napakabilis ng oras at hindi man lang niya iyon namalayan. Hanggang ngayon ay nasa isipan pa rin nya ang imahe ng lalaki kanina. Ang mga mata nitong matiim kung tumingin at ang baritonong boses nito na nagbibigay ng kakaibang kilabot sa pakiramdam nya. Paano kung hindi na sya magising kinabukasan dahil pinatay na siya nito? Ayaw nya pang mamatay. Marami pa syang pangarap sa buhay. Nanginginig man ay muli syang tumapak patungo sa kama. Doon ay nahiga sya at pumikit. Kailangan nyang makatulog. Pipilitin niyang makatulog at sana paggising nya kinabukasan ay normal na ang lahat at hindi totoo ang lahat ng nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD