CHAPTER 03

1070 Words
Hindi kayang pigilan ni Zac ang galit na nararamdaman nang makita ang anak ng taong kinamumuhian nya. It's been 2 years already ngunit sariwang-sariwa pa rin ang sugat sa dibdib nya. Pina-kidnap nya ang babaeng nasa bahay nya ngayon dahil ang ama nito ang dahilan kung bakit namatay ang Papa nya. Pinatay ni Alexander Rivaz ang ama nya dahil lang tinangka nitong magnakaw. Mortal na magkaaway ang mga ito noon pa man dahil magkalaban ang mga ito sa negosyo. Ngayon ay nagtayo sya ng sarili nyang kompanya at sya ang namamahala at nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaki at kilalang Toy Industry ngayon sa buong mundo. Tumunog ang cellphone nya at mabilis nyang inihagis iyon ng mabasa ang pangalang "Hanna". "f**k! Not now!" gigil na bulong nya sa sarili. Si Hanna ang makulit nyang stalker na ipinakilala lang sa kanya ng kaibigan nyang si Odus noon. Simula noon ay lagi na itong nakasunod sa kanya at ayaw syang pakawalan. Kung saan-saan nito nakukuha ang number nya kahit pilit na nyang itinatago iyon. Wala syang interes sa babaeng ito. Halos anim na taon na nga syang walang s*x life. For Gods sake! hindi naman sa pagmamayabang sa edad na dalawampu't-walo hindi na mabilang ang babaeng umaaligid sa kanya at nagbibigay ng motibo. Why not? He's a popular man, a billionare, at walang mataas na tao yata ang hindi nakakakilala sa kanya. Pero wala talaga syang interes sa kahit sinong babae. Tila namatay na nga ang isang bahaging iyon ng buhay nya. Hindi na sya nakakaramdam ng tawag ng laman kahit landiin pa sya ng mga ito ng harapan o kahit maghubad pa ito sa kanya. Masyado syang nag-focus sa pagpapayaman dahil para sa kanya kapangyarihan ang pera. Lahat pwede mong mapasunod at kahit sino ay kaya mong bilhin. Nakalimutan na nya ang sarili. Lagi tuloy syang tinutukso ng mga kaibigan at sinasabing bakla sya. Masyado daw syang pihikan. Hindi na lang nya pinapansin ang mga ito dahil alam nyang pang-aasar lang ang lahat ng iyon at walang katotohanan. Lumakad sya patungo sa refrigerator at muling kumuha ng alak. Pabagsak na naupo sya sa couch at nilaro-laro ang bote niyon sa kamay nya. Ngayong nasa kamay na nya ang anak ni Alexander makakapaghiganti na sya. Sisiguraduhin nya na mararamdaman nito ang lahat ng sakit na pinaramdam nito sa kanya ng mamatay ang ama nya. Lahat ng pasakit at pighati na naranasan niya ay ipalalasap nya rin sa taong mahal nito. Wala syang ibang nararamdaman ngayon kundi poot at galit. Matagal ng puno ng hinanakit ang puso niya kaya maging ang sarili niya minsan ay hindi na niya kilala. - Tumatama ang sinag ng araw mula sa nakaawang na kurtina ng kwartong kinalalagyan ni Alessandra. Bumangon sya at tumingin sa kawalan. Ilang saglit syang nag-isip at kapagkuwan ay napahilamos sa sariling mukha. Hindi isang panaginip lang ang lahat. Totoong nakidnap sya at nasa poder sya ngayon ng taong hindi nya kilala. Parang gusto nyang kainin na lang sya ng lupa. Anong gagawin nya ngayon? Wala syang alam na dahilan kung bakit sya nasa kamay ng lalaking ito. Ano bang kasalanan niya? Nakaramdam sya ng takot ng maalala nya yung nangyari kagabi. Ang lalaking iyon… Ang masamang lalaking iyon na nakakatakot kung tumingin. Niyakap nya ang sarili dahil naramdaman niya ang pagtaas ng mga balahibo niya. Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng kwarto at tumambad sa kanya ang lalaking kinatatakutan nya kagabi. Katulad kagabi ay madilim pa rin ang ekspresyon ng mukha nito. Napaiwas sya ng tingin nang makita nya kung paano sya nito tingnan. Pakiramdam nya'y hinuhubaran sya nito ng tingin. Umatras sya nang lumapit ito sa kanya at hablutin ang kamay nya. "Nervous?" mapanganib na tingin nito sa kanya at kapagkuwan ay bumaba ang tingin sa dibdib nya. Hindi pa sya nakakapagpalit ng damit. Nakasuot pa naman sya ng dress na nagbibigay ng magandang hubog sa katawan nya, lalong-lalo na ng magandang view sa gawing dibdib nya. Kinilabutan sya nang maramdaman ang paghagod nito sa likuran nya. Naramdaman niya ang gaspang ng kamay nito. Lalaking-lalaki ang dating niyon. Buong pwersang itinulak nya ito at sinampal sa mukha. "Bastos!" sigaw nya. Napahawak lang ito sa sariling pisngi at nakangiting tumingin sa kanya. Mas lalo syang kinabahan nang muli itong lumapit. This time magkadikit na ang katawan nila dahil sa mabilis nitong paghapit sa kanya. Ramdam na ramdam nya ang mabilis na pagtibok ng puso nya dahil sa kaba. "B-bitawan mo ako!" sambit nya ngunit tila wala naman itong narinig. Pinaglandas nito ang daliri sa noo nya at bumaba iyon sa ilong nya hanggang sa labi. Ano bang ginagawa nito sa kanya? "Sabi ng bitawan mo ako!" muli ay sigaw nya sa lalaki at buong pwersang itinulak ito ngunit hindi sya makawala. "Paano kung ayoko? You smell so good," titig na titig ito sa kanya at ramdam nya ang mainit na paghinga nito sa bandang leeg nya. Napapikit sya dahil doon. Nakaramdam sya ng tila kuryenteng dumaloy sa katawan nya. Damn! What's happening to her?! "A-ano bang kasalanan ko sayo? Si Daddy anong kasalanan nya sayo?" buong tapang nyang tanong sa lalaki. Kita nya ang masamang tingin nito sa kawalan ng banggitin nya ang salitang DADDY. "Wala kang alam," sambit nito. "Kaya nga gusto kong malaman! Sabihin mo sakin kung anong kasalanan namin sayo?!" Marahas itong tumalikod na tila na frustrate ito sa sigaw nya. "Shut the f**k up!" balik na sigaw nito sa kanya. "No! Hindi ako matatahimik dito hangga’t hindi mo sinasabi kung anong ginawa sayo ng Da-" "Pinatay ng ama mo ang ama ko!" putol nito sa sigaw nya. Halos magunaw ang mundo nya dahil sa sinagot ng lalaki. A-ano? Hindi. Hindi magagawa iyon ng Daddy nya. "Hindi totoo yan!" pagtatanggol nya sa ama dahilan para hablutin sya nito at isalya sa kama. Sinakal sya nito sa leeg at halos mawalan na sya ng hininga. "B-bitawan mo--ko---hindi--ako makahinga," hirap na hirap nyang sabi. "Wala kang alam ha? Wala kang alam kung gaano kawalanghiya ang ama mo?!" nanlilisik ang mga mata nito habang pigil-pigil nya ang kamay nito na nananatiling nasa leeg nya. "Hindi yan magagawa ng Daddy ko!" pilit pa rin nyang pinagtatanggol ang ama. Binitawan sya nito at hawak-hawak nya ang leeg nya habang habol ang hininga. Akala nya ay tapos na ang paghihirap nya. Ngunit mas lalo syang nagimbal ng makita kung ano ang kinuha nito sa loob ng cabinet… Tali. Bitbit nito ang tali na lumapit sa kanya. Wala syang nagawa ng sapilitan nitong itinali ang mga kamay nya. Wala syang pwersa. Mas malakas ito sa kanya. Kusang kumawala ang mga luha sa mga mata nya dahil sa samut-saring emosyon na nararamdaman nya sa mga oras na ito. "Your father, he's a piece of s**t! Ikaw ang magiging kabayaran sa kasalanang ginawa nya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD