Meet Allysa & Kristine

1133 Words
#DMAB 01 Year: 2011 Meet Allyssa & Kristine Dahil lunchbreak pa naman ay naglakad lakad muna si Alyssa sa School Mini-Park. Malamig kasi dito at nakaka relaxed ang simoy ng hangin. Sapat na upang tangayin nito ang natural straight hair niya na may kaunting shade ng brown na lalong nagpatingkad sa maganda at makinis niyang mukha. "Ate good afternoon, pwede pala ako magtanong. " nakangiti ang babae sa kanya na halos hindi naman nalalayo ang edad sa kanya. Tulad niya ay maputi ito at very attractive ito. "Nagtatanong kana kaya." biro pang tugon ni Alyssa sa kanya. Habang nakangiti ito ang nakatingin lang sa kanya. "Ayy oo nga naman tss. " natawa nalang ito. Habang nakahawak pa sa bibig niya. "Ano pala ang itatanong mo A--te?? " medyo asiwa pa siya term na ginamit niya si Allysa. "Ah yun ba? diba… taga Section-A ka din sa Marketing?" muling tanong niya. "Yes bakit pala? " "A wala naman classmates kasi tayo, kanina pa kaya kita tinitingnan nong nasa room pa tayo, para kasing ikaw ang pinakamaganda sa Class natin eh. Tapos pinag-uusapan ka ng mga boys sa likuran ko, ang yummy mo daw." nakangiting sabi pa nito. Napangiti si Alyssa. Na lalong nagpatingkad sa ganda nito. Maliit lang mukha nito ngunit biniyayaan ng magagandang mata na binagayan pa ng maliit ngunit matulis na ilong nito at makipot ngunit natural na mapupulang labi. "Ay ganon? Hindi naman noh, maganda ka din kaya." habang nakatingin ito sa kausap niya, habang nag-iinit ang mukha ni Allysa sa sinabi ng babae. "Oo naman no, sa barangay namin ako kaya ang panlaban no." sabi pa nito. Natawa nalang si Alyssa. "Pero mas maganda ka kaya ate, kaya sa section natin, malamang ikaw ang top 1 sa pagandahan at syempre sa top 2, presenting... Ms. Ma. Kristine Castillo." habang nagwe wave pa ito at nakangiti kay Alyssa. "So, you are Kristine... " nakatawang sabi ni Alyssa. "Mismo friend, call me Tin nalang para maiksi lang ok." kumindat pa ito sa kanya. "Pleased to meet you Tin... Ako pala si Alyssa Medina. You can call me Lysa." "Naks pangalan mo pa lang friend maiiulam na sa kanin kaya. " sabay tawa nito. Nagkatawanan nalang sila. Ngunit dahil din don ay nagsimula na ang friendship nila. Tama naman si Kristine, maganda naman talaga si Lysa ngunit hindi naman sila nagkakalayo nito. Habang si Lysa ay slim and sexy ay kabaligtaran naman si Tin. Medyo chubby ito ngunit sexy din at curvy ang katawan. Dagdag pa ang medyo wavy nitong buhok sa dulo na lalong nagpaganda sa kanya. May mahahaba ito eyelashes habang medyo malalaki ang mata kumpara naman kay Lysa na medyo tsinita. Parehas din silang flawless. "At dahil friendship na tayo, tara sa canteen beshy libre ko." sabi pa ni Kristine. "Agad-agad, manlilibre ka? Wow ha galante yata ang bago kong friend ah. " nakatawa pang sabi ni Lysa. "Pasakay lang yan noh, sa susunod ikaw na manlilibre kaya, mukha pa namang anak-mayaman ka. " biro pa ni Kristine. "Hoy hindi ah." tanggi nalang ni Lysa. "Mukhang mayaman lang ganon, anyways tara na friend, malapit ng maubos small intestines ko kaya. " biro pa nito. Agad-agad ay naging click silang dalawa. Sabi nga Match Made in Heaven daw sila. Pagdating nila sa Canteen… "Ayan ang haba ng pila huhu. " sabi pa ni Lysa. Habang nakapila silang dalawa sa pinakadulo. "Tsk tsk, sayang naman ang ganda nating dalawa kung hindi natin gagamitin diba. " tsaka na nag wink pa Kristine sa kanya. "At ano naman kaya ang magagawa ng ganda mo sa pila na yan aber. " sabi pa ni Lysa. "Just watch and learn ok." ngumiti pa si Kristine tsaka ito pumunta sa harapan ng pila. Lalake ang nasa unahan ng pila kaya naman... "Kuya hello.. " matamis ang ngiti ni Kristine sa lalake. "Hi, Miss Ganda." magiliw na tugon nito habang namimili ng order. "Baka naman pwede padamay na kami, nakikita mo ba yung magandang babae sa likuran natin ha? " patuloy pa nito. Lumingon naman ito upang tingnan si Alyssa habang nakatayo lang sa likuran. At nakangiti ito sa kaibigan at kumakaway. "O diba kuya ang ganda niya no. " si Kristine. "Yes quality, hot chick talaga.. ano pala name niya?" interesadong tanong nito. Habang patuloy lang nakatingin kay Allysa. "Malalaman mo din pero pwede ba damay mo na kami ng order kuya. Nagugutom na kasi talaga ang friend kong si Allysa eh." nakangiti pang sabi nito. "So, Allysa pala ang name niya, hay napakaganda.. Bagay sa kanya.. Sige ba. Ano pala gusto niyo Miss Ganda, sagot ko na. " sabi pa nitong patuloy lang ang pagsulyap nito sa kaibigan niya. “Nako nakakahiya naman yon kaya..” pakipot pa ni Kristine. “No worries Miss Ganda.” After a few moment. Todo pa ang ngiti ni Kristine habang papalapit kay Allysa habang may dalang tray. "Ang galing mo naman friend. " nakangiting puri pa nito kay Kristine. Tsaka sila naupo sa table na pang dalawahan. "O diba diskarte lang kaya." pagmamalaki pa nito. "Ang galing huh, paano mo na convinced si kuya? " "Edi ano paba? Ginamit ko ang ganda ko noh. And would you believed na libre to kaya. " habang tawa ito ng tawa. "Sus baka naman naibenta mo na ako ng hindi ko alam ha." sita pa ni Allysa. "Hindi noh, sa ganda ko pa lang solve na siya kaya. Kaya hindi ko na nagamit ang ganda mo muna friend." pagmamalaki pa nito. Natawa nalang si Allysa habang iniaayos nila ang mga food mula sa tray. "Nag-order pala ako ng Adobo Pusit, Kaldereta at Pinakbet. Hay sana lang gusto mo mga iyan, hindi na kasi kita natanong kanina. " patuloy pa ni Kristine. "Ano kaba favorite ko kaya lahat to. " masayang tugon ni Allysa sa kanya. "Wow, totoo ba? Iiih favorite ko kaya yan lahat. Kala ko puro something fried ang gusto mo friend." di makapaniwalang sabi nito. "Yes siryoso favorite ko yana lahat kaya." nakangiting sabi ni Allysa. "Wow ang saya-saya naman kung ganon. " Kaya masaya silang kumain, at unti-unti ay mas nagkakakilala pa sila. "E ano naman pala favorite color mo. " muli pang tanong ni Kristine sa kanya. "Ako? I love black and baby blue hindi ako fan ng pink noh. " sabi pa ni Allysa. "Whoa!! Hindi nga friend? Langya, soulmate ba tayo ha. " natatawa pang sabi ni Kristine. "Baka naman sa past life natin, prince ka pala at ako naman ang princess mo. " natatawa pa si Allysa. "Iihh at talagang ako ang lalake? Ang daya mo din noh. " Nagkatawanan na lang sila. "Bilisan na natin malapit nakaya mag time noh"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD