Meet Brayden Medina

1198 Words
Year: 2011 Meet Brayden Medina Handsome, oppa, heartthrob, papabol, smart and intelligent.. Mga descriptions na laging nakadikit sa kanya. He got the look that every girls dreamed of... Siya si Brayden, or mas kilala sa Brei. Ang nakakabatang kapatid ni Allysa. Sabi nga ng mga kakilala nila ay nasa genes na nila ang pagiging good-looking. Kahit na sa palagay naman ng iba ay hindi patas ang mundo para sa tulad nilang ipinanganak na gwapo at maganda ng walang kahirap-hirap. "Hello Brei, baka pwede mo naman ako turuan Physics." lambing pa sa kanya ni Catherine. Isa sa classmate ni Brei na super popular sa school nila. Like Brei, maganda si Cath at sexy, pantasya ng ibang boys na maging gf nila. At aware siya doon. Kaya ginamit niya itong weapon to please all boys. Nakukuha niya lahat ng magustuhan niya by using her charm. But not Brayden… "Did you see I'm busy? " walang emosyong sagot nito habang patuloy lang sa pagbabasa sa book niya. "Iihh… mabilis lang naman to sa katulad mong henyo dabah. " sabi pa nito. "Iwan mo diyan tapos umalis ka muna! Para walang istorbo." "Huh? E paano mo ako tuturuan kung ganon?" takang tanong pa ni Cath. "Teka wala naman akong sinabi na pumapayag ako diba. Kung ayaw mo.. kunin mo nalang yang notes mo, nakakasikip lang yan sa desk ko." sabi pa nito habang nagbabasa pa din at nanatiling hindi tumitingin sa kanya. "Hay nako ok Brei, sabi ko nga iwan ko lang pala, thank you talaga haa. " malambing pang sabi ni Cath. "Huwag kang babalik hanggat hindi ko sinasabi... " "What?? E paano yon? malapit na kaya magsimula ang klase, hays.. nako naman.. " napapailing pang sabi nito tsaka tumalikod kay Brei. Ngunit huminto pa ito at muling humarap sa kanya. "Thanks anyway Brei.. hmp! kung di ka lang---------hay ewan ko sayo! " tsaka muling nalakad pabalik sa desk niya. Napailing na lang si Brei at kinuha ang notes ni Cath at ginawa ang assignment nito ng walang kahirap-hirap. Bata pa lang si Brayden ay naging campus crush na ito, dahil na din sa Boy Next Door look nito. Dagdag pa ang pagiging consistent top ranking niya sa klase. Dahil din dito ay isa siya sa mga naging fashion icon ng mga boys sa school nila, na bawat isuot niya ay nagiging uso talaga sa campus nila, habang pantasya naman siya ng mga girls. A truly head turner. Biniyayaan siya ng napaka gwapong mukha, medyo makapal na kilay, mapupungay at singkit na mga mata na binagayan ng matangos niyang ilong at manipis pero mapupulang kissable lips. Long hair din siya na bumagay sa square shaped face niya with a chiselled jawline, na lalong nagpatingkad ng kagwapuhan niya. Kaya naman sinumang babaeng matingnan niya ay talagang super kinikilig sa kanya. He's a certified panty dropper. Ayon sa mga girl classmates niya. Ngunit may isang poblema sa kanya. Very cold at insensitive ang personality niya. Loner at outcast siya. Ngunit dahil nadin sa pagiging gwapo niya ay hindi naman ito naging kapintasan para sa kanya at tila dahil pa dito ay mas lalo pa nga siyang nagustuhan ng mga girls dahil sa pagiging mysterious type niya. Pagkatapos niyang gawin ito ay tumingin lang siya kay Cath at iniangat ng kamay niya ang notes nito. Kaya mabilis naman itong lumapit ito sa kanya at.. "Whoa! As in ganon kadali lang sayo to ha. Ang asteeg mo naman, Oaaaahh…. I love you na talaga Brei! " maarteng sabi pa nito. "May kailangan kappa!? Ok na diba? " Sandaling napahinto si Cath sa pag-eenarte niya at napasimangot nalang sa cold response ni Brei. "Thank you dito Mr. Sungit.. mahipan ka sana ng hangin diyan hmp." nagmamaktol na sabi pa nito. "May mangyayari bang masama sa akin kung sakaling mahipan nga ako ng hangin?? Wala naman diba?? Mas ok siguro kung bumalik ka nalang sa desk mo, nag-thank you kana diba? ok na yon.. " taboy pa nito. "Tss oo nga naman... ang sungit lang.. " bulong pa nito at tsaka tumalikod at pamaktol na naupo sa desk niya. Habang nagbubulungan naman ang mga iba pa nila classmates. “Pwede ba magsitahimik kayo?? Para kayong mga bubuyog na hindi maihe ahh.” pagtataray pa nito. Sa ganong istilo nakikilala ng mga classmates niya si Brei, kaya nasanay na din silang hindi ito kinakausap. Na tila mas comportable para sa kanya. Anti-social siya, at gusto niya yon. Masaya siya bilang ganon. Sa bahay.. "Brei, may gagawin kaba? Baka pwede patulong naman dito sa laptop ko. Nag-freezed kasi siya bigla, ano gagawin ko? Paano na yung ginagawa ko? Nako patay ako hindi pa naka save yon. " lintanya pa ni Allysa sa kapatid habang nakakatitig sa screen ng laptop niya. Hindi ito kumibo at lumapit sa kanya at tumayo sa harap niya. "Ano kaya mo ba gawin ha? " worried pang tanong ng ate niya. "Umalis ka kasi Ate, paano ko malalaman kung ayaw mong bitawan yang laptop mo. " walang emosyong sabi nito. Kaya naman mabilis itong napatayo. "Sorry naman! Hindi ka kaya nagsasalita noh. " mataray pang sabi ng ate niya. Hindi naman ito kumibo at naupo lang sinimulang magpindot sa keyboard ng laptop. "Ano Brei ok naba ba? " sabi pa nito habang pinapanood lang si Brei na mabibilis na nagta type sa keyboard niya. Hindi naman ito kumibo at patuloy lang sa ginagawa. Pagkatapos ay huminto ito sandali at tumitig kay Allysa. "Matuto ka ngang mag-closed ng iba mo applications ate. Sobrang daming programs kaya isufficient RAM" sabi pa nito tsaka tumayo na at tumalikod. "Pwede ko naba gamitin Brei?" wala sa loob naitanong ni Allysa sa kapatid. "Sa tingin mo iiwan ko sayo yan kung hindi pa ok? Ang engot mo kaya sa computer. " napapailing pang sabi nito. Kaya naupo na ito tsaka tiningnan ang laptop niya. At nakahinga nalang siya ng maluwag ng makita niya ang ginagawa niya na nandon pa din at naka save na. "Salamat Brei ha... " sabi pa nito. "Matuto ka kasing mag save Ate, swerte mo hindi nawala yang ginagawa mo. " sabi pa ni Brei habang nagsusulat na. "Oo na next time.. tsaka nandiyan ka naman kaya. " masayang sabi ni Allysa. "Hindi ko na yan aayusin next time kapag ganon ulit naging problem. User na may problema kasi kapag ganon. " sabi pa nito. "Ang sama mo talaga Brei, user ka diyan. " sita pa ni Allysa dito. Hindi naman ito kumibo si Brei at nanatili lang nagsusulat. "Sabi ko nga Allysa, manahimik kana ok. " sabi pa niya sa sarili dahil hindi na siya pinansin ng kapatid niya. “Hmp ang sungit lang, suplado pa kamo. Itsura mo!” bulong pa ni Allysa habang abala na ulit sa laptop niya. Hanggang sa inayos nito ang sarili at umalis. “Sige ok lang iwan mo ako dito noh, tulad wala namang pinagkaiba kaya.. nandito o wala parehas lang noh.” "Hindi naman ako pinansin o kahit lumingon lang.." “Ano bingi lang?? Hindi ako nadinig ewan ko sayo..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD