Chapter 1

1257 Words
Chapter 1 Present…             Busy sa pagtipa ng laptop si Cynna para sa bagong chapter ng kanyang ginagawang kwento sa w*****d, ito lang naman ang pinagkaka-busihan niya simula ng maka-graduate siya sa kolehiyo bilang guro sa sekondarya, isa na rin siyang licensed professional teacher at naghihintay na lamang siya ng ilang buwan para magbukas ang ranking sa papasok ng trabaho sa DepEd, pero sa ngayon siya’y  isang aspiring writer.             Tahimik siya sa kanyang magulong silid habang nakikinig ng mga lumang kanta sa kanyang MP3 playlist sa phone nang pumasok ang nakakabata niyang kapatid na si Cyrel, hininto niya ang kanyang ginagawa at sumulyap sa kakapasok na tao sa silid niya, “anong ginagawa mo dito?” Tanong niya sa kanyang mataray na kapatid.             “May bisita ka, na andoon sa baba,” anya ng kanyang kapatid saka ito lumabas muli.             Wala siyang naalala na may bibisita sa kanya ngayong araw ng sabado, huminga siya ng malalim saka niya sinara ang laptop niya at pinatay ang tugtug sa kanyang cellphone. Pagbaba niya sa sala na andoon ang kaibigan si Hime, isa sa mga matalik niyang kaibigan noong high school siya, ngunit magkaiba sila ng pinagtapusan, isa na ngayong interior designer ang kaibigan at may trabaho kesa sa kanya dahil maagang naalok ng isang kompanya.             Nag-kamustahan naman sila saka niya ito niyaya sa labas ng bahay mag-meryienda, lumabas sila ng kusina at bubungad sa kanila ang hardin ng kanyang ina. May animoy mini sala sa labas kaya doon sila nag-usap habang kumakain, “biglaan ata ang pagdating mo, hindi ka man nagpasabi, di sana nagpa-fiesta ako,” biro nito sa kaibigan.             Maririnig ang ingay sa labas kong na saan sila dahil sa pinapanood ng kanyang kapatid sa telebisyong sa loob ng bahay.             Ngumiti naman si Hime pero tipid, malaki rin pala ang pinagbago ng kaibigan, sa isip-isip ni Cynna ng mga oras na ‘yon, pero ang mas pinagtaka niya ay ang malalalim nitong mata at maitim sa palibot ng mga mata. Animoy walang maayos na tulog, tahimik lang si Hime na siyang napansin niya at naalala niyang hindi naman ganito ang kaibigan katulad ng dati, “ayos ka lang ba?” Tanong niya sa kaibigan.             Palinga-linga kong saan-saan ang kaibigan at hindi niya maintindihan kong anong nangyayari sa kaibigan, tuliro at hindi mapakali sa kinauupuan. Saka lang siya na pansin ng kaibigan ng mapasulyap ito sa kanya.             “Anong sabi mo?” Pag-uulit nito sa tanong niya.             “Ang sabi ko kong anong nangyari sa ‘yo?” Ngumiti siyang muli, “naka-drugs ka ba? Ang lalim kasi ng mata mo at mas maitim pa sa ‘kin sa pagpupuyat ko sa w*****d. Baka pinag-hahanap ka na ngayon ng mga pulis at wag mo akong idamay dito,” biro na naman niya, ‘yon lang ang paraan niya para mapakalma ang kaibigan pero hindi na ito ngumingiti sa mga biro niya. “Kumusta na ang pagsusulat mo?” Nagtaka naman si Cynna sa pagbabago ng usapin nila ng kaibigan.             “Ayos naman, may iilan akong followers at may mga nagbabasa naman ng mga bago kong gawa, nakakatuwa nga ‘yong mga comment nila sa gawa ko, wala na akong natatanggap na negative comments siguro sa tingin ko nag-improve naman ako sa pagsusulat ko sa w*****d,” magmamayabang ni Cynna, hindi nga niya mabilang ang mga salitang binabahagi niya sa mga mambabasa na ng gawa niya, pero ‘yon ang gusto niya at doon siya masaya.             Animoy sasabog ang utak niya kong hindi niya ibabahagi kong ano ba ‘yong nasa isipan niya, gano’n siya, dapat mailabas niya ang mga salitang ‘yon, nakakapagod man ang ginagawa niya kahit na wala naman siyang napapala o nakukuha man lang na pera sa pagsusulat, pero ginagawa niya ‘yon dahil ‘yon ang hobby niya at passion na nagpapasaya sa kanya.             “Mabuti naman, may gusto sana ako sa ‘yong ibigay,” saad ni Hime.             “Ano naman ‘yon?” Tanong ni Cynna sa kaibigan, hindi ito sumagot at naghalungkat sa loob ng bag, hanggang sa ilapag sa ibabaw ng lamesa ang black leather cover notebook, madalas siyang makakita ng gano’ng notebook sa mga business man, doon kasi nilalagay ang mga kailangan nilang gawin o kaya contacts ng ka kilala, bahagyang luma na rin ang notebook at may mga bahid na kulay puting hindi niya mawari kong ano. “Para saan naman ito?” tanong muli ni Cynna.             “Ingatan mo ang notebook na ‘yan na para bang importanteng bagay sa buhay mo, wag mong iwawala at sana naman kong sakaling magkita tayo at hanapin ko yan sa ‘yo, makita ko pa na hawak mo at maibalik sa ‘kin ng maayos,” giit ni Hime.             Pero may pagtataka pa rin kay Cynna, kong importanteng bagay ang ibinigay sa kanya, bakit hindi na lang ang kaibigan niya ang magtabi? Naiwang nakatitig si Cynna sa notebook na luma hanggang sa marinig niyang magsalita muli si Hime kaya napasulyap siya sa kaibigan.             “Kailangan ko nang umalis,” pagpapaalam ng kaibigan sa kanya.             “Teka lang, ang bilis naman ata,” nakakunot noong wika ni Cynna.             “Yan lang naman ang pakay ko sa ‘yo kaya ako na andito, gusto kong ipatabi sa ‘yo ang notebook na yan. Nagmamadali rin ako kaya kailangan ko nang umalis,” sabi ni Hime sabay ngiti nito kay Cynna.             Hindi na namilit pa ang dalaga at ngumiti na rin kay Hime para sabihing naiintindihan na niya, kahit na marami pa ring katanungan ang nasa isipan ni Cynna, “sige hatid na kita sa labas.”             Kinuha ni Cynna ang notebook at sinamahan ang kaibigan palabas ng bahay, nang makarating sila sa labas ng gate muling nagpaalam sa kanya si Hime.             “Mag-ingat ka,” pagpapaalala ni Hime sa kay Cynna.             “Ikaw ang mag-ingat,” pag-uulit naman ni Cynna, marami pa siyang gustong itanong sa kaibigan pero mukhang nagmamadali nga ito, pero may sinabi pa ito sa kanya bago ito tuluyang umalis.             “Alam mo Cynna, wag kang magpapatalo sa curiosity mo, tama nga sila na ang curiosity ay nakakamatay, kasi hahanapin mo ang mga sagot sa mga katanungan mo sa isipan, yan ang wag na wag mong gagawin at sinasabi ko sa ‘yo mag-iingat ka,” saka ito tumalikod sa kanya.             Nakatulala si Cynna na nakatingin sa likuran ng kaibigan habang naglalakad papalayo sa kanya. Saka lang niya na isipang pumasok sa loob ng bahay at bumalik sa silid niya. Dahil sa biglaang pagpapakita ng kaibigan at ang misteryosong notebook na pinatago sa kanya, hindi na siya nakabalik sa kanyang ginagawa.             Naisipan niyang buklatin ang notebook, hindi niya inaasahan na may mga nakasulat nga doon, lumang-luma na ang tintang nakadikit sa bawat pahina at magagaspang na ang papel. May mga nakatalang buwan, araw at taon sa bawat entry. Doon niya napagtantong journal pala ito at hindi simpleng notebook.             “Hindi kaya pinapatago niya sa akin ang journal niya,” bulong niya sa kanyang sarili habang nakaupo sa kama niya. Binuklat pa niya ang ilang pahina, sa bawat pagtatapos ng entry makikita niya ang mga salitang ‘hanggang sa muli, silent reaper…’ na siyang pinagkunot noo niya, Binuklat niya ng binuklat hanggang sa makarating siya sa pinakadulo ng pahina, ang pang huling pahina ay may tuyong kulay pula at ang pinakahuling mga salitang nakasulat doon ay, ‘sa gagawing kong ito, dito na magtatapos ang paghihirap naming lahat, sa wakas…’             Buong pangalan na ang nakasulat sa pinakahuling entry’ng nakasulat, “hindi ‘to kay Hime, pero saan naman niya ito nakuha?” Pagtataka muli ni Cynna.             Binalik niya sa unang pahina at nakita niya ang sarili na binabasa ang unang mga salitang nakatala sa unang pahina, nalulunod siya sa mga nalalaman niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya, hindi niya inaasahan sa mga sunod pa niyang nabasa, “Juskopo,” bulalas niya sabay sarado ng notebook, pakiramdam niya wala siyang karapatan basahin ang isang sikretong hindi niya dapat malaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD