Chapter 2

1463 Words
Chapter 2             One year ago…             Madilim sa buong paligid ni Thalia, tanging flashlight ang gamit niyang ilaw sa dilim, hingal na hingal siya at pinagpapawisan ng malamig. Kalalabas lamang niya sa isang silid, hindi niya alam kong sa kanya ba ‘yon, kumikirot din ang sugat niya sa braso na hindi niya alam kong saan din niya nakuha, basta nagising na lang siyang masakit ang katawan at may sugat sa kanang braso na hindi niya alam kong sino ang may gawa.             Dumagundong ang kalangitan at naglabas ito ng kidlat. Nagkaroon ng panandalian na ilaw sa kabahayan, maulan sa labas, ang lakas ng kabog ng dibdib niya sa mga oras na ‘yon dahil sa kaba, isang kaluskus ang narinig niya malapit lang sa kanya. “Sino na andyan?” Saka niya inilawan sa paligid niya, pero wala naman siyang makita.             “Yaya Vin!” Tawag niya sa katulong na alam niyang nagtrabaho sa bahay kong na saan siya ngayon, ilang beses niyang inulit ‘yon pero walang sumasagot sa mga tawag niya, nakakabingi ang katahimikan, animoy isang haunted house ang bahay at walang tao kong di siya lang ngunit hindi siya sigurado sa bagay na ‘yon.             Nakaramdam siya ng pagtaas ng balahibo sa kanyang batok, natigilan siya sa kanyang kinatatayuan, pakiramdam niya may taong nakatayo sa likod niya at nagmamasid. Haharap sana siya sa likuran nang may dalawang kamay ang tumulak sa kanya.             Nagulat siya at naghahanap siya ng makakapitan nang huli na ang lahat. Ang pinakamasaklap pa doon, malapit pala siya sa hagdan, nabitawan niya ang flashlight na hawak hanggang sa magpagulong-gulong siya sa hagdan pababa kasabay nito, hindi niya makontrol ang katawan, naririnig lang niya ang pagtunog ng mga buto niya hanggang sa tumunog ang buto niya sa leeg at nawalan ng malay.             Huminto ang katawan ni Thalia sa pinakadulo ng hagdan, bali-bali ang katawan at hindi na humihingi. Patay na ito dahil sa pagkakahulog sa hagdan, mula sa taas, may isang aninong ngumingiti sa dilim at tanging ngisi lamang ang makikita sa kanyang mukha. ~*~             Nakasalpak ang dalawang headset ni Charlotte sa kanyang magkabilang tenga at pinapakinggan niya ang isa sa mga paborito niyang kanta, ang Special Death ni Mirah. Habang nakikinig sa kanta, ang kanang kamay naman niya ay busy sa pag-doodle sa huling pahina ng history notebook niya. Ang isa sa mga past time niya pagnaghihintay siya sa susunod na klase niya.             Mahaba-haba pa ang hihintayin niya para sa susunod na klase kaya minabuti niyang tumambay muna para magpaubos oras.             Isa siyang senior high student sa Williams Academy, grade 12 English Literature ang kinukuha niya, maliban sa gusto niyang mahasa ang talento niya sa pagsusulat, gusto rin niyang ituloy ang pangarap ng ama niya na maging manunulat at magkapag-publish ng libro. Mahilig siyang magsulat sa journal niya ng mahahalagang bagay o importanteng pangyayari sa kanyang buhay.             Isa ring student tutor si Charlotte sa paaralan nila, kapalit ng pagiging ST, nagkakaroon siya ng scholarship na half tuition fee, hindi niya gustong maging pabigat sa mga magulang niya lalo na sa kanyang ina na siyang nagpapalaki sa kanya habang nasa ibang bansa ang kanyang ama. Kahit sabihin pang guro ang ina niya sa pinag-aaralan campus at nasa London ang ama niya bilang cook sa isang five star hotel. Gusto niyang makatulong kahit papaano na mabawasan ang gastusin ng kanyang mga magulang lalo na’t magiging college students na siya sa susunod na tao at kailangan niyang mag-isip ng maitutulong niya sa mga magulang.             Napasulyap siya sa cellphone niya nang may mahinto ang tugtug at may tumatawag, agad niyang sinagot ang tawag, “hello?”             “Hey Charlotte pinapatawag ka pala ni Ms. Ryza sa ospisina niya, ngayon na,” naputol ang tawag nang babaan siya ng kausap niya sa kabilang linya ng isa sa mga kasama niya sa ST. Tinitigan niya sandali ang screen ng phone bago siya nagkipit-balikat.             Agad niyang kinuha ang mga gamit na nagkalat sa lamesa at basta lang tinapon sa loob ng bag niya. Pagpinapatawag sila ng kanilang coordinator sa ST kailangan ‘pag sinabing kailangan ka, magpunta ka agad, ayaw nila ng huhuli-huli ka at baka matanggal ka sa grupo. Ayaw din naman matanggalan siya ng scholarship at mangyari ‘yon sa kanya dahil sa huli lang siyang sumipot sa pagtawag nito sa kanila.             Papasok siya sa isang building, pasikot-sikot siya sa mga pasilyo at inilagan ang pwede niyang mabanggang makakasalubong sa pasilyo at hindi man siya mabilis tumakbo, pero pagdating kay Ms. Ryza, binilisan niya ang pagtakbo dahil ‘pag dating kay Ms. Ryza kailangan mabilis ang oras dahil istrekto ito sa kanila.             Kumaliwa siya sa isang pasilyo kong saan may pinakamalapit na daan sa kabilang gusali kong saan doon mismo ang ST office, pero hindi niya inaasahan na may paparating, huli na nang umiwas siya, nabunggo niya ang paparating na estudyante at hindi man siya na tumba dahil sa pagbalanse niya, pero sumakit ang sikmura niya nang matamaan siya ng kamao nito kaya siya napaatras.             Saka lang niya napansin kong sino ang nabunggo niya, si Gray.             May maputla siyang balat, na lalong kinaputla ng mukha niya at nanglalaki ang mga bilugan niyang mata.             May kakaibang titig naman ang binata na madalas nilang iwasan, animoy gusto kang lamunin ng buhay, hindi man ito nagsasalita tungkol sa pagkakabunggo niya at alam niyang na iinis ito sa nagawa niya.             “So-sorry hindi ko sinasadya, nagmamadali kasi ako,” uutal-utal niyang paliwanag sa binata.             Nilagay naman ng binata ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng itim nitong puno ng badges na jacket, tinignan lang siya nito na animoy isang bagay na pinag-aaralan, may kulot at makapal na buhok na kulay gray ang binata kaya lahat ng mag-aaral ng WA at Gray ang tawag sa kanya.             Isang linggo pa lamang ito nakakalipat sa kanila sa pagbukas ng bagong semester. Wala silang ideya kong saan ito nang galing, hindi ito nakikipag-usap sa kahit kanino o marinig man lang nilang magsalita. Kaya ang iwas sa kanya lahat, lalo na si Charlotte dahil sa mga mata niya, na may kakaibang titig.             Bigla naman nagbago ang ekspresyon ng binata, mula sa inis naging kalmado ito, saka nilagpasan ang dalaga, nakahinga ng maluwag si Charlotte akala niya may gagawing masama sa kanya si Gray. Nang maalala na naman niya ang tungkol sa ST, muli siyang tumakbo, huminto siya sa kulay puti na pintuan sa ABM building sa first floor, huminga na muna siya ng malalim saka siya pumasok sa loob.             Pagpasok niya sumalubong sa kanya si Clare, “buti naman at dumating ka agad.” Maliit ito ng bahagya sa kanya at may katabaan ang pangangatawan.             Ngumiti siya kay Clare, “oo nga, kailangan.”             Napangisi naman si Clare sa sinabi niya, lahat naman sila nakakaramdam ng takot at kaba pagdating kay Ms. Ryza, “sige na pumasok kana sa loob.”             May ritual sila bago pumasok sa loob, kakatok ng tatlong beses at saka sasabihin ang pangalan kong sino ang papasok na siyang ginawa ni Charlotte, narinig niya ang boses ng isang babae sa loob, hudyat na pinapapasok na siya.             Pagpasok niya sa loob, hindi na siya naghintay na pa upuin siya, lumapit siya sa lamesa kong saan na andoon si Ms. Ryza, sinulyapan siya nito sandali at saka muling binalik ang tingin sa papel na tinitignan sa lamesa.             Si Ms. Ryza ay may katandaan, nakikita ito sa kulubot niyang balat sa mukha at mga kamay, may mga naglilitawan ding mga puting buhok na minsan ay hindi makita dahil pinapakulayan ni Ms. Ryza ang buhok niya, pero hindi maikakailang matandang dalaga ito kaya masyadong masungit sa lahat, kaya para hindi siya mainis sa ‘yo, kailangan mulang tumahimik at magsalita kong kinakailangan niya.             Inabot ni Ms. Ryza ang isang form, “may bago ko kang i-tutor Ms. Samonte kaya kita pinapunta dito, isa siyang transferee galing sa Westside Academy at isa siyang art students,” habang nagpapaliwanag si Ms. Ryza, nang tignan niya ang picture ng form si Gray ang nakita niyang nasa one by one na nakadikit, “si Mr. Hansen Cervantes.”             Napalingon siya agad kay Ms. Ryza na gulat na gulat pa rin ang mukha, kaya ba niya nakasalubong si Gray kanina bago siya makarating sa ST office dahil gusto itong magpa-tutor. Gusto niyang tanungin kong bakit siya pero hindi magawa dahil sa takot niya kay Ms. Ryza.             “Makipagkita ka sa kanila sa mismong bahay, sabado ng umaga, alam na nila ang lahat pagdumating ka doon kasi sila mismo ang humihingi ng tulong, kaya ikaw ang kinuha ko kasi may problema sa English Com si Mr. Cervantes, magpakilala ka, para malaman nila na galing ka sa WA.” Paliwanag ni Ms. Ryza, “pwede ka nang makaalis.”             Nagpasalamat na muna siya bago umalis ng opisina ng ST, titig na titig siya sa litrato ni Gray sa form, parang pinagsisihan niya na kasali siya sa ST kong si Gray lang ang magiging bagong estudyante niya ngayon. “Ano nang gagawin ko?” Tanong ni Charlotte sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD