CHAPTER 2 - NICE TO SEE YOU AGAIN

1453 Words
JERICHO Gising ang buong diwa ko buong byahe. At alam ko ang ginagawa ng katabi ko pero hinahayaan ko lang. Nagtulog-tulogan lang ako. Ramdam na ramdam ko simula ng pagsandal ng katabi kong babae sa akin mula balikat hanggang sa leeg ko. Ang init ng pisngi nitong lumapat sa leeg ko. Maging ang paghinga nito. Hindi pa nakuntento ay gusto pa yata akong singhutin. Hanggang sa tuluyan na nga itong dumako sa may kili-kili ko at doon na nagtagal. Mukhang sarap na sarap at komportable siya sa pagkakasandal sa akin. Confident naman ako na mabango ang kili-kili ko kaya deads na kahit kanina pa siyang nagsusumiksik roon. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya. Pagod na ito at antok na antok pa. Ayoko naman siyang istorbohin pa. Kahit na hirap na hirap na ako sa bigat niya ay sige lang. Kahit masakit na ang mga tuhod ko at malapit na akong mahulog sa upuan. Kahit hindi ako komportable. Tiniis ko lahat iyon 'wag lang siya magising. Napaka-ungentleman ko naman siguro pag ginawa ko iyon. Pero anyway ay gusto ko naman ang sitwasyon naming dalawa. Pabor nga sa akin iyon. Ang ganda ng babaeng katabi ko and she sleep like an angel. Kahit madilim, kahit nakapatay ang ilaw sa loob ng jeep. At tanging mga liwanag ng mga ilaw sa labas lang tumatama sa mukha nito. Napansin ko na siya kanina doon sa pila. At aaminin kong nakuha niya agad ang atensyon ko. Kahit na hindi ako magkasya sa upuan pinilit ko pa ding makasakay para makatabi ko siya. Magsawa siya sa kili-kili ko hangga't gusto niya. Kung ito lang ang paraan para mapalapit ako sa kanya. Mag-iinarte pa ba ako? Ilang minuto pa ay biglang gumalaw ang babaeng katabi ko. Nagising na yata ito mula sa pagkaka-idlip. Dahan-dahan itong umalis mula sa pagkaka-siksik. Lihim akong natawa sa reaksyon niya ng mapag-alaman nitong kanina pa siyang nakasiksik sa akin. Nagkunwari pa rin akong tulog. Narinig ko pang may nausal ito pero hindi ko maintindihan. Hindi ko na pinagkaabalahang intindihin iyon. Umayos na ito ng upo at umisod ng konti palayo sa akin. Nahiya yata ito sa naging posisyon niya. Akala niya rin siguro ay hindi ko alam ang mga pinag-gagawa niya at ayoko nang komprontahin pa siya. Binalewala ko na lamang siya at umayos na rin ako ng upo. Nagsimula ng magbabaan ang mga ibang pasahero na kasabay ko. Unti-unti na ring lumuwag ang jeep. Tuluyan na ding binuksan ng driver ang ilaw. Maliwanag ko nang nakita ang mukha ng babaeng katabi ko. Naka-pikit pa din ito at yakap-yakap ang bag nito. Nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan ito. At tama nga talaga ako maganda nga ito lalo na sa malapitan. Mga ilang segundo ko din yata siyang tinitigan. Dumilat ito ng mata na agad kong ikinagulat. Nagmadali akong umiwas ng tingin. Umisod ako ng konti palayo sa babae. Mabuti na lang at naging maagap ako. Hindi nito nahalatang may nakatingin sa kanya. Malapit na ako sa bababaan ko kaya inayos ko na ang aking sarili. Hindi ko alam kung saan ang baba niya pero umaasa akong doon din siya baba sa bababaan ko. Sa tagal ko nang nagco-commute ay ngayon ko lang siya nakasabay. Bakit ngayon lang? Huminto na ang jeep sa tapat ng gate ng Sta. Barbara Villas 1. Isang subdivision sa San Mateo, Rizal. Nagsimula nang nagbabaan ang karamihan sa mga natirang pasahero kasama na ako roon. Panay lingon ako sa likod kung bumaba rin ang babaeng kasabay ko. Natuwa ako ng makita ko siyang nasa likod ko. Ibig sabihin ay iisa lang ang tinitirhan naming subdivision. Pero hindi ko alam kung sa anong phase ito. Malawak ang ang Barbara at maraming nakatira. Lulugo-lugo itong naglalakad. Halatang antok na antok pa din. Tumuloy ako sa nakapilang shuttle at malapit nang mapuno iyon. Nagmadali akong maka-abot. Inaasahan kong sasakay din siya. Naglaan pa ako ng space para magkatabi kami ulit pero laking dismaya ko nang makita ko siya sa labas na nakatayo. Hindi ito dumiritso sa nakapilang sasakyan. Nakita ko siyang may kausap ito sa cellphone nito. Maya-maya pa ay may dumating na motor at tumigil iyon sa tapat nito. Bigla akong nanghina ng makita ko siyang umangkas doon. May sundo pala ito. Akala ko pa naman ay makakatabi ko uli siya pero hindi pala. Sayang! Pero kahit papaano ay masaya akong malamang iisa lang ang tinitirhan namin. Iisang daan lang ang dinadaanan namin, iisang hangin lang ang nilalanghap at may tendency pa rin na araw-araw ko siyang makikita. Malaki din ang chance na makilala ko din siya. Not now pero soon. MONIQUE "Monique, mag-commute ka muna. Hindi kita maihahatid sa gate," saad ng kuya Marco ko. Nagsusuklay ako ng buhok at nakaharap sa salamin nang mapalingon ako dahil sa sinabi niya. "Huh? Bakit?" tanong ko. Nasanay na kasi akong hatid sundo ako nito. "Sira ang motor ko. Aayusin ko muna," sagot nito na tuluyang lumabas bitbit ang toolbox. "Ano ba 'yan!" reklamo ko. Ngayon pa talagang nagmamadali ako. Wala akong choice kundi mag-commute palabas ng gate. "Aalis na ako," paalam ko at tuluyan na akong lumabas ng bahay. Ilang hakbang lang naman sa amin ang hintayan ng shuttle na dumadaan kaya nilakad ko na. Ilang saglit pa ay naroon na ako. May ilan ding pasahero ang naghihintay. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko na ang paparating na shuttle. Naghanda na ako para makasakay agad. Saktong huminto sa tapat ko ang sasakyan kaya nauna na akong nakasakay. Napuno agad iyon kaya umalis na rin agad. "Hay, salamat!" nasaad ko sa isip. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag. Chineck ko lang ang oras. Kung tuloy-tuloy ang magiging biyahe ko ay sigurado akong hindi ako male-late. Sana lang ay walang maging aberya. Nagtext na din ako sa kapalitan ko na if ever na ma-late ako ay mag-break na siya. Nagmai-send ko iyon ay napatingin ako sa katabi kong lalaki. Napansin kong panay silip niya sa pagte-text ko. Bigla kong inilayo ang cellphone ko at sinimangutan ko siya. Parang binabasa nito ang mga text ko. Nagkatinginan pa kami. Nag-iwas ito ng tingin ng tinignan ko siya masama. Ang kapal ng mukha nito! Invading my privacy 'yon. Agad kong pinatay ang phone ko at nilagay sa bag. Medyo paahon ang dinadaanan ng sinasakyan ko. Hindi agad ako nakahawak sa hawakan kaya nawalan ako ng panimbang at napadikit ako sa lalaki. Agad kong iniwas ang sarili dito. Hangga't maaari ay ayokong dumikit dito. Naiinis pa rin ako sa kanya dahil sa pagkakahuli ko dito na binabasa nito ang mga text ko. Nakita ko pang ngingiti-ngiti pa ito. At halatang nambubuwiset. Hindi ako nakatiis na hindi komprontahin ito. "May problema ba tayo, kuya?" naiirita kong tanong. "Aba, ewan ko sa'yo, miss!" sagot nito at nandoon pa din ang ngiti sa mga labi. "Bakit ngingiti-ngiti ka diyan?" tanong ko ulit. "Bakit masama bang ngumiti?" sagot nito na gusto pa yata akong pilosopohin. "Oo, lalo pag wala namang dahilan. Siraulo ka yata, eh." "Aba! Miss, magdahan-dahan ka sa pinagsasabi mo," anito at naging seryoso na ang mukha nito. Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko. "May naalala lang ako kaya ako napangiti. Bawal na bang maging masaya? Kung may problema ka 'wag ka nang mandamay." Mas lalo pang nag-init ang tenga ko sa mga sinabi nito. Ang lakas ng loob nitong pagsabihan ako. Sino ba siya sa tingin niya? "Wala akong problema. Ikaw nga 'tong binabasa ang mga text ko." Hindi ito sumagot sa sinabi ko. "Akala mo siguro hindi ko nakita, no? Palusot ka pa, eh," sabi ko ulit sa kanya. "Hindi ako interesado sa mga text mo. Bakit sino ka ba para pag-interesan ko? Mabuti sana kung si Ivana Alawi ka kaso hindi," sabi nito at pinagdidiinan pa talaga. Tinaasan ko siya ng kilay. Gusto ko siyang sampalin pero nagpipigil lang ako. How dare him para sabihin iyon? Ikumpara pa ako kay Ivana? Lakas din ng apog ng lalaking ito. Napahiya ako sa sinabi nito. Napatingin din ang ibang pasahero sa akin na andun na may mga mapanuring mga mata na tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Para akong matutunaw sa mga tinging iyon. Hindi na ako umimik. Gumagawa na kami ng komosyon at ayoko ng pahabain pa ang usapang iyon. Ayoko nang makipagtalo. Lumalabas pa tuloy na ako ang masama. Tuluyan na akong naiinis dito. Ang kapal ng mukha nito. "Hindi mo ako kilala," nasabi ko na lang. "'Yon nga hindi mo rin ako kilala. Kaya you have no right to judge me. Unless..." "Unless what?" "Unless judge ka," sagot pa nito at nagmadali nang bumaba. Nasa gate na pala kami at nakahinto na ang sasakyan. Hindi ko na namalayan dahil sa buwiset na lalaking iyon. Sinira na nito ang simula ng araw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD