CHAPTER 3 - JEEPNEY RUMBLE

1434 Words
MONIQUE Nasa pila na ako ng jeep pa-Cubao. Wala pang jeep na galing mula sa terminal. Kaya no choice akong pumila. Gano'n palagi ang senaryo dito mapa-umaga man o hapon. Hirap talaga ang sasakyan mula dito sa amin at medyo malayo pa. Kaya kung gusto mong umabot sa pupuntahan mo ay dapat na may baon kang extrang oras at mahabang pasensya. Aside sa jeep ay may iba pang mode ng transpo 'yon nga lang medyo mahal 'di tulad ng jeep na abot-kaya. Halos nasa taas na ng bundok ang lugar namin at overlooking na ang buong Metro Manila na nasa baba. At mula sa kinatatayuan ko ay matatanaw ang isang highland resort na matatagpuan sa tuktok ng bundok sa taas pa. Kaya normal na sa amin ang palaging makakita ng mga helicopter na lumilipad ng mababa sa ibabaw ng bubong namin. Sabi nila ay mga VIP daw ang sakay niyon na mga guest ng resort. Medyo naiinip na ako. Mga ten minutes na yata ako sa pila pero hindi pa rin nausad. Nasa likod lang ako ng lalaki na sumira ng araw ko. Hindi ko na siya pinansin pa at wala na akong balak pa. Matapos niya akong ipahiya kanina. Neknek niya! Kinuha ko na lang uli ang phone ko at saka nag-scroll nang nag-scroll sa f******k. Nagsimula nang umusad ang pila. Tuloy pa din ako sa pagkulikot sa phone ko. Hindi ko alam kung aabot ako do'n sa jeep na dumating. Pero walang laman pala iyon kaya halos nakasakay ang lahat ng mga nakapila. Sumunod lang ako sa pila. "Monique!" Narinig ko ang tawag na 'yon kaya napatigil ako sa pagpindot sa phone ko. Hindi ko alam kung saan galing at kung sino ang tumatawag sa akin. Hinanap ko agad ang may-ari ng boses na 'yon. "Monique!" Tawag pa ulit ng boses na iyon sa akin. Napatingin ako sa pinang-galingan niyon at nakilala ko na kung sino. Si Drake na nasa driver seat ng jeep. Ito pala ang nagmamaneho ng jeep na dumating. Anak ito ng isa sa mga operator ng jeep sa lugar namin. Dati na itong nagpapalipad-hangin sa akin pero hindi ko lang pinapansin. Focus pa kasi ako sa trabaho no'n kaya hindi ko masyado ine-entertain hanggang sa tuluyan na itong tumigil. Gwapo din ito at kaklase ko siya no'ng high school. Pagka-graduate namin ay akala ko ay magiging engineer ito pero mas pinili nitong mag-drive ng jeep kesa mag-aral sa college. Ito na ang katuwang ng tatay nito sa kanilang mga jeep na ino-operate at isa na nga ito sa mga driver niyon. Nakangiti ito sa akin kaya nginitian ko din siya. Kahit papaano ay naalala at kilala pa pala niya ako. Ngayon lang din ako nakasakay ulit sa jeep na minamaneho nito. "Dito ka sa harap," sigaw nito. Nagmadali akong lumapit sa kinaroroonan niya. Sumakay ako sa harap sa tabi nito. "Kamusta ka na?" tanong ko sa kanya. Ngumiti ito pero ando'n ang mata sa salamin kung saan nakikita niya ang mga pasahero sa loob. "Isa pa sa kaliwa. Konting usog na lang po at nang makaalis na tayo," anito nang mabilang ang mga pasahero na magkabilaan. 'Yan ang isa sa kinabibiliban ko sa mga driver ambilis nilang magbilang at magsukli. Ang talas din ng mga mata nila kahit sa salamin lang nakatingin ay kuha agad nila at alam na nila ang mga nagbayad sa hindi. Binalingan niya ako habang inaantay na umayos ang mga pasahero sa loob. "Eto, okay lang. Single pa din. Kung sana noon mo pa ako pinapansin, eh, 'di sana happily married na sana tayo ngayon," sagot nito sa akin na may himig ng 'di ko alam kung pagtatampo o pagbibiro. Nakadama tuloy ako ng konting konsensya sa sinabi nito. Paano nga kaya kung naging kami? Baka nga tama siguro ito na happily married na sana kami ngayon. Mabait naman ito at responsable kaya sigurado akong magiging mabuting asawa ito sa mapapangasawa nito. At isa pa ay baka wala rin ako sa posisyon ko ngayon if nangyare nga ang mga iyon. Baka nasa bahay lang ako at nag-aalaga ng mga anak pagnagkataon. "Ikaw talaga. Alam mo namang busy ako lagi, eh," pabiro kong sagot. "Biro lang. 'Kala ko kasi lulusot, eh. Alam ko naman 'yon," sagot nito. Nakadama ako ng relief ng sabihin nitong nagbibiro lang ito. Akala ko, eh may tampo ito sa akin kaya gano'n ang hirit nito. "Saan ka na pala nagtatrabaho ngayon?" tanong nito ulit sa akin. "Sa isang restaurant sa Ortigas. Sa awa ng Diyos 'visor na din." "Wow!" reaksyon nito na parang gulat na gulat sa sinabi ko." Galing mo naman. Congrats!" bati pa nito sa akin. "Salamat," sagot ko naman at ngumiti ako sa kanya. Nagulat pa ako ng biglang may umupo sa tabi ko. Kasya pa kasi ang isa do'n. Napilitan akong umisod dahil siniksik ako ng lalaking umupo, ni hindi man lang ito nag-excuse. Napaka-bastos. "Ba 'yan! Dahan-dahan naman. Puwede namang mag-excuse, eh," reklamo ko sa lalaking umupo. "Eh, 'di, sorry!" saad ng lalaki at mukhang galit pa yata sa pagso-sorry nito. "Usog ka na lang dito sa akin," alok ni Drake sa akin at tinanggal ang bag nasa pagitan namin. Sumunod na lamang ako. Kahit paano ay naging komportable na ang pag-upo ko kahit buwiset 'tong katabi ko. Wala naman akong pagpipilian pa. Hindi ko pa rin pinagkaabalahang tignan ito. Baka masapak ko lang ito. Baka lang naman. Hindi ako bayolenteng tao sadyang nasagad lang talaga kanina ang pasensya ko. Umaandar na ang jeep na sinasakyan namin. Swabe lang ang patakbo ni Drake. Kahit papaano ay narelax ako. Kwentuhan kami habang nasa byahe at halos hindi matapos-tapos ang usapan namin. Masarap itong kausap just like the old days. Tawanan pa kaming dalawa. Kwento-kwento ng mga ganap sa buhay. "Bayad!" saad ng lalaking katabi ko. Inaabot nito ang pera nito kay Drake. Pero nairita ako ng sinasadya talaga nitong dinidikit ang braso nito sa braso ko. Agad kong inilayo ang braso ko nang maabot ni Drake ang pera nito. "Umiisod ka nga konti," sabi ko dito. Hindi na kasi ako komportable na katabi ito. Pero parang wala itong narinig. Ni hindi ko man lang naramdaman na gumalaw ito para umusog ng konti. Siniko ko siya. "Aray!" daing nito. Napalakas yata ang pagsiko ko sa kanya. "Eh, 'di sorry!" sarcastic na hinging paumanhin ko. "Gumaganti ka ba, miss?" seryoso nitong tanong. "Kanina pa ako nagsasabi sa'yo na kung pwede umisod pero parang wala ka yatang narinig," sabi ko dito. "Hindi ko nga narinig. Sabi mo nga pwede namang mag-excuse 'di, ba?" pang-gagaya pa nito sa sinabi ko kanina. "At isa pa ano pang i-uusog ko, eh, sagad na nga. Malapit na ako malaglag," malakas na ang boses nito. Nangigil na talaga ako dito parang ang sarap itulak para tuluyan na ngang mahulog. "So, galit ka na niyan?" tanong ko. "Hindi. Nagpapaliwanag lang ako at sana na-gets mo." "Na-gets ko pero 'wag mo kong pagtaasan ng boses. Pareho lang tayo na pasahero dito at nagbabayad ng tama," saad ko. Naiinis na din kasi ako sa inaasta nito. "Tama na 'yan!" awat ni Drake sa amin. "Ito kasi akala mo kung sino makapag-salita," saad ko pa na parang nagsusumbong. "Eh, bakit ikaw nga kung maka-asta parang binili mo na 'yong upuan porke't ka-close mo ang driver. Feeling nito!" sagot pa din nito na ayaw ding magpatalo sa akin. "Hoy! Gagong 'to. Tulak kita diyan, eh," banta ko sa kanya. Akala siguro ay masisindak niya ako at madadaan sa lakas ng boses niya. "Sige, subukan mo," hamon pa niya. At talagang gusto nitong ma-experience ang pulutin sa baba. "'Wag mo kong susubukan," sabi ko pa ulit. "Tama na nga 'yan," awat muli ni Drake sa aming dalawa. "Boss, baka pwede pausog na lang ng konti para matapos na," paki-usap nito sa lalaking katabi ko. Wala na akong narinig pang sagot mula sa lalaki. Tumahimik na ito at naramdaman kong umusog nga ito pero konting-konti lang. Magkadikit pa din ang mga katawan namin. Pero kapwa na kaming iwas na magdikit pa. Malapit na rin naman kami sa Cubao kaya titiisin ko na lang. Kahit medyo masama ang loob ko. Napatingin ako sa salamin. Ngayon ko lang nakita ang mukha ng kabangayan ko. Saka ko lang din napansin na ang lalaking katabi ko ay siya ring lalaki na kasagutan ko kanina sa shuttle. Akala ko doon na nagtatapos iyon. Akala ko nandoon ito sa loob ng jeep naka-upo. Hindi pala! Tumabi pa ulit talaga sa akin. At round two na pala itong sagutan namin. Pagmina-malas ka nga naman. This jerk is getting into my nerves na talaga. Buwesit talaga 'tong lalaking 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD