Kabanata 3

1668 Words
ENRICO Kakagaling ko lang sa palengke dahil inutusan ako ni Mama na bumili ng mga sangkap sa lulutuin niya. Magtatanghali na rin at tutulong ako sa pagluluto. Hindi naman kami mayaman at ang hardware sa palengke ang siyang tumutustos sa pangangailangan namin. Naipundar ‘yun ni Papa at katulong niya ako minsan sa tuwing wala siya ay ako ang nagbabantay. Ngayon nga ay wala siya rito dahil naroroon siya sa hardware. Kaya may pagkakataon ako para tumulong kay mama sa pagluluto. Dumiretso ako sa kusina pagdating ko sa bahay at naabutan ko si Mama na inaayos na ang paglulutuan naming dalawa. Naisipan niyang magluto kami ng tinolang manok dahil ‘yon daw ang paborito ni Papa. Magandang idea rin ‘yun upang kunin ang loob ni Papa na payagan na ako nitong kumuha ng culinary arts sa college. “Ilagay mo na diyan ang mga sangkap, Anak at magsisimula na tayo,” anito. Sinunod ko naman ‘yun at inilabas ang manok at iba pang sangkap. Sinimulan na namin ang pagluluto. Masaya kaming nag-uusap ni Mama dahil magmula noon ay ito na ang naging bonding naming dalawa. “Ma…” tawag ko sa kanya. Pareho kaming nakaupo sa harap ng mesa habang hinihintay na kumulo ang tinola. Tumingin naman siya sa akin. “Matatanggap kaya ako ni Papa kapag sinabi ko sa kanya?” “Anak, kung hindi ka pa handa. Huwag na muna. Saka kung hindi man niya tanggap ang pagiging bakla mo ay nandito naman ako para tanggapin ka,” “SINONG BAKLA?!” nagulat kami roon nang biglang pumasok si Papa sa kusina. Palipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Mama. Walang nagsalita sa amin ni Mama. Mabilis na rin ang t***k ng puso ko sa oras ‘to. Natatakot ako sa maaaring gawin sa akin ni Papa. Hindi pa ako nito napagbubuhatan ng kamay. Tanging pagpapaalala lang na ayaw niya sa mga bakla. At, kung may bakla man sa pamilya ay masasaktan niya ‘to. “ANO? SINONG BAKLA?! MAGSABI KAYONG DALAWA!” sumigaw siya. Yumuko ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. “Eric, hinaan mo nga ‘yang boses mo. Baka marinig ka ng kapitbahay natin,” si mama. Tumingin ako rito at nasa tabi na siya ni Papa. Pinapahinahon niya ‘to. “WALA AKONG PAKE, RUBY. E ANO NGAYON NA MARINIG NILA NA MAY BAKLA SA PAMILYA KO?! ANO?! SABIHIN MO ANG TOTOO. SINONG BAKLA?!” Tinulak nito si Mama kaya mabilis naman akong tumayo at lumapit sa kanya na nakaupo na sa sahig. “ANO BA, ‘PA?!” Ang sigaw ko rito. Masama naman niya akong tingnan. “Sinigawan mo na rin ako ngayon, Rico?!” ang matigas nitong sabi. “Sinasaktan niyo na po si Mama.” “Masasaktan talaga kayo kapag hindi niyo sinabi ang totoo.” “Ang alin pa?! Na bakla ako?! Ayos na ba ‘yun sayo?!” matapang kong sabi. Wala na rin naman akong pagpipilian pa. Tinulungan kong makatayo si Mama. Nagulat ako ng may hinila ako ni Papa sa kuwelyo papalabas sa kusina. Dinala ako nito sa labas at sinuntok ang aking mukha. Naging dahilan ‘yun ng pagkakatumba ko at pagdaing ko ng sakit. Panandalian ding umikot ang paningin ko sa lakas ng pagkakasuntok niya. Pinunasan ko naman ang dugo sa aking labi. “ERIC!” ang sigaw ni Mama na sumunod pala sa amin. Nilapitan ako nito at tinignan ng masama si Papa. Tinulungan ako ni Mama na makatayo. “ANO IPAGTATANGGOL MO IYANG ANAK MONG MAY SAKIT?” “ANAK MO ‘TO, ERIC. BAKIT BA HINDI MO NALANG TANGGAPIN?” ang sigaw ni Mama sakanya. “WALA AKONG ANAK NA BAKLA!” “Ano bang problema mo sa mga bakla, ‘Pa? Sinaktan ka ba nila? Hinusgahan ka ba at tinapak-tapakan pa nila ang pagkatao mo?” mahinahon kong tanong. Natigilan ito ngunti hindi parin nawawala ang matigas niyang expresiyon. “Ayoko sa kanila dahil hindi sila nakakabuti sa mundo. Tanging babae at lalaki lang ang ginaw-“ “E ano kami pa? Sinong gumawa sa amin? 'Di ba ay diyos din? Tao pa rin kami. Bakit ba ang hirap sa inyo na tanggapin na lang kami?” ang pagputol ko sa sasabihin niya. Nakakasawa na rin pakinggang ang paulit-ulit nilang sinasabi na babae at lalaki lang ang nilakha. Ano kami sa tingin nila? Tao rin kami katulad nila na nilikha rin ng diyos. Hindi sakit ang pagiging bakla at tomboy. Hindi nakakahawa ito. Sadyang sarado lang ang isipan ng iba na intindihin ang kung anong mayroon kami. Hindi namin pinili maging ganito dahil kung pinapili kami ay mas gugustuhin naming maging normal nang sa gano’n ay hindi kami makatanggap ng panghuhusga. “Huhusgahan ka lang tao dahil sa pagiging bakla mo.” “Anak mo ako, ‘Pa. Dapat ay ikaw ang unang nakakaintindi sa akin. Ikaw ang unang tatanggapin sa akin,” sabi ko. Tumingin ako sa likod ni Papa. Naroroon narin ang dalawa kong kapatid na babae at nakikita ko ang awa nila sa akin sa kanilang mga mata at takot na lumapit dahil baka saktan din sila sa aming ama. Tumingin ulit ako kay Papa. “B-Buong buhay ko, ‘Pa. S-sinunod ko ang gusto mo para baling araw ay maging proud ka sa akin. Sumali ako sa tryouts ng baskeball team sa school noong high school para matuwa ka sa akin. D-dahil akala ko kapag dumating ang araw na sasabihin kong bakla ako ay matatanggap mo ako. Ngunit masayadong sarado ang isipan mo para intindihin ako. Tanging ang mga iniisip lang ng ibang tao tungkol sa amin ang pinapairal mo.” Nauutal na rin ako habang nagsasalita dahil sa hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng aking damdamin na matagal na panahon kong pinipigilan. Inaakala ko noon na kapag ginawa ko ang gusto ng aking ama ay matatanggap ako nito kapag sinabi kong bakla ako. Pero mali pala lahat ng aking iniisip, ang mga akala ko na hanggang akala lang pala. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Hinayaan ko silang bumuhos dahil gustong ipakita sa aking ama na matagal kong pinipigilan ang lahat ng luhang ito magmula noon. “Hindi kita anak. Lumayas ka sa pamamahay ko dahil baka mahawaan mo pa ang iba sa sakit mo. Magmula ngayon, wala akong anak na katulad mo. Mag-impake ka na dahil ayaw ko ng makita iyang pagmumukha mo rito.” ‘yun lang ang huli niyang sinabi at nilagpasan kami ni Mama. Umalis ito at lumabas (sa) aming gate. Mabuti nalang dahil may bakod ang aming bakuran. Kaya hindi nakita ng aming kapitbahay ang nangyayari ngayon. Lumapit naman sa akin ang dalawa kong kapatid nang makalabas na si Papa sa gate. Niyakap ako ng dalawa maging si Mama. Umiiyak narin ito katulad ko. “Kuya, h-huwag ka pong umalis dito,” Si Emerald. Ang bunso kong kapatid. Mahigpit itong nakayakap sa akin. “H-hindi ‘yun puwede, Bunso. Babalik naman si Kuya at kukunin ko kayo dito,” ang sabi ko kahit na hindi ko alam kung may kasiguruhan ba ang mga binibitawan kong salita. “S-saan ka ngayon pupunta, kuya?” tanong naman ni Emily. Ang pangalawa kong kapatid. Kumalas na sila sa yakap. “H-hindi ko pa alam. Basta malayo dito para makalayo ako kay Papa. ‘yun din ang gusto niya kaya kailangan kong sundin.” Ang naisagot ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero alam kong may isang taong makakatulong sa akin na lumayo. “Anak, sasama na lang kami sa iyo.” Si Mama. Tumingin naman ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang mukha niya. Pinunasan ko ang luha sakanyang mga mata. “Oo nga, Kuya. Sasama kami. Natatakot kami kay Papa na baka saktan niya kami.” Sang-ayon ni Emily sa desisyon ni Mama. “Hindi ‘yun puwede, Ma. Dito ay may matutulugan kayo. Saka hindi kayo sasaktan ni Papa. Sa akin lang siya may galit at hindi sa inyo kaya dito lang.” Wala silang nagawa kundi ang sumang-ayon sa gusto ko. Ipinangako ko rin sa kanila na kapag maganda ang magiging kapalaran ko na mag-isa ay babalikan ko sila at kukunin. Kahit na alam kong imposible ang mga bagay na ‘yun. Sa simula pa lang ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kinuha ko ang mga gamit ko sa aking kuwarto at nilagay iyon sa isang malaking bag. Napatingin pa ako sa family picture namin na nakalagay sa aking study table. Lumabas naman ako sa kuwarto at naabutan ko ang tatlo sa sala. Ang dalawa kong kapatid ay umiiyak na naman at si Mama ay alam kong pinipigilan lang nitong mapaluha. Lumapit ako sakanilang tatlo. Niyakap silang tatlo. “O BAKIT NANDITO PA ‘YANG BAKLANG IYAN?! UMALIS KA NA DITO HABANG NAKAKAPAGTIMPI PA AKO SAYO.” Kumalas ako sa pagkakayakap at tumayo na ako ng dumating si Papa. “ANO BA, ERIC. M-MASYADO NA BANG SARADO IYANG ISIPAN AT MATIGAS ANG ‘YUNG PUSO PARA HINDI TANGGAPINANG ANAK MO?” Sigaw rito ni Mama. Bumuhos narin ang kanyang luha. “WALA AKONG ANAK NA BAKLA. KAYA IKAW.” Tinuro ako nito. “UMALIS KA NA SA BAHAY KO.” “B-bigyan niyo lang po ako ng ilang sandal para magpaalam sa mga kapatid ko at kay mama. Aalis po ako rito dahil ‘yun ang gusto niyo.” Sabi ko rito. Umalis rin naman ito at pumasok sa kusina. “Mag-iingat ka palagi, Rico. Huwag mong pababayaan ang sarili mo,” sabi ni Mama nang mapatingin ako sakanya. “Pangako po, ‘Ma. Hindi ko po pababayaan ang sarili ko,” ang sagot ko sakanya. Sa huling pagkakataon ay niyakap ko silang tatlo. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanila dahil hindi ko alam kung kailan ko uli sila makikita. Hindi ko alam kung kailan ko ulit sila mayayakap ng ganito kahigpit. Bumuhos ang mga luha namin habang kayakap ang isa’t isa. Kumalas ako at kinuha ang bag na nilagay ko sa tabi. Naglakad na ako sa pinto ng aming bahay. Lumingon ako sa kanila at nanatili sila sakanilang puwesto na nakatingin sa akin. Sa huling pagkakataon, kumaway ako bilang pamamaalam bago humarap sa pinto at lumabas doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD