kabanata 2

1253 Words
TRISTAN Paggising ko ay naligo ako at nagpalit. Lumabas ako sa aking kuwarto at dumiretso na sa kusina. Naabutan ko roon sina Mama at Papa. May hawak pa na diyaryo si Papa na binabasa niya kaya natatakpan ang mukha niya. Hindi rin niya ako napansin na dumating at umupo sa harap ni Mama. “Good morning, Tristan. How’s your sleep?” ang tanong ni Mama. “Good morning, ‘Ma. Mabuti lang naman po,” I answered then smiled at her. “Good morning, ‘Pa.” I greeted at ibinaba naman nito ang diyaryo. Makikita mo sa kanyang itsura ang pagiging strikto. Ang pagiging bossy. He’s a businessman and perfectionist. Maging ang lahat ng ipag-uutos niya ay sinusunod lahat ng tauhan niya. Minana ko sa kanya ang kanyang itsura dahil sabi ng iba ay magkamukha daw kami. Pero hindi ang ugali ni Papa. “Good morning. Have you ever thought your course in college?” He asked at uminom sa kape niya. “Hindi pa po,” ang sagot. Tinusok ko ang hotdog na nasa plato at kinagatan iyon. “Then kumuha ka ng kursong related sa business,” tumango na lang ako. Gano’n naman palagi. Ang lahat ng sinasabi niya sa akin ay sinusunod ko. I don’t want to disappoint him. Ako rin naman ang magmamana sa mga ari-ariang naipundar nila ni Mama. Kahit na hindi ko naman gusto ay wala rin akong magagawa kundi ang sumunod. Para akong robot at siya ang may hawak ng remote control. Ngunit, kung ang puso ko na ang uutusan niya kung sino ang dapat kong mahalin ay hindi maaari. Sinabi ni Mama sa akin na ang dapat na pakasalan kong babae ay ang sinisigaw ng puso ko. Hindi ang sinasabi ng ibang tao. Hindi ko dapat turuan ang puso ko sa kung sino man ang mahalin nito. Uminom ako nang matapos ako sa pagkain. Tumayo ako at magpapaalam na sana. Ngunit tumingin sa akin si Papa kaya napabalik ako sa pag-upo. “We’ll talk later sa opisina ko,” aniya. Tumango lang ako bilang sagot. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. Kung tungkol ‘yun sa kursong kukunin ko sa college ay susundin ko naman ang utos nito. Wala pa naman akong sinuway na inutos nito sa akin. Lumabas na ako sa kusina at umakyat sa aking kuwarto. Pumasok ako at humarap sa aking computer. Kung mayroon man nagpapasaya sa akin. Ito ang paglalaro ng online games. Nakakalimutan ko panandalian ang problema ko. Nagring naman ang cellphone ko na nakapatong sa table. Kinuha ko naman ‘yun at sinagot. “What?” I said. “Same place, same time, Dude.”Anito. “I’ll try kung makakalusot ako,” sagot ko na lang sa kanya. Strikto si Papa. Ayaw na ayaw niyang naglalakwatsa ako. Mas gugustuhin nitong magbasa ako ng sandamakmak na libro patungkol sa business, kaysa ang magbulakbol at magsayang ng pera. Kaya sa tuwing lalabas ako sa aming bahay ay kailangan ko munang magpaalam sa kanya o ‘di kaya ay ang tumakas. “Bakit hindi ka na lang umalis sa puder ng Papa mo? May sapat ka naman ng pera.” “Kung aalis ako rito ng wala pang trabaho. My money will end soon. Besides, hindi pa naman ako nasasakal ng lubos ni Papa.” ‘yun ang nararamdaman ko. Nakakaya ko pa namang sundin ang kanyang utos. And, I don’t want to leave my mom. I love her at siya lang kakampi ko. Hindi ko kayang iwan na lang siya rito. “Then ano ang plano mo ngayon?” he ask na nasa kabilang linya. “Nothing. Ginagawa lang naman ni Papa ang lahat ng ito para sa ikakabuti ko,” sagot ko sa kanya at iyon naman ang totoo. I’m only his son and he will do everything to make my life better. “I don’t think so?” he said. “Anyways, gotta go. Bye, see ya later.” Ibinaba na nito ang tawag at napaisip naman ako sa sinabi nito. Ginagawa lang naman ni Papa ang makakabuti sa pamilya. Pero kahit minsan ay hindi man lang niya nagawang iparamdam amin ni Mama na mahal niya kami. Palagi siyang wala, dahil sa mga business trip. Ni minsan ay hindi niya kami kasama sa mga gatherings, like my birthdays and even anniversary nila ni Mama ay wala siya. Ang tanging pinagtutuunan niya ng pansin ay ang family business namin na minana niya sa kanyang mga magulang. Napabalik naman ako sa realidad when someone knocked on my door. Lumapit naman ako doon at binuksan only to find out that it was our one of the maids sa bahay. “Sir, pinapatawag na po kayo ni Sir Andi,” she said. I just nodded as an answer at umalis na rin naman siya sa aking harap. Lumabas na rin ako at naglakad sa hallway papunta sa opisina ni Papa dito sa aming mansiyon. Binuksan ko ang pinto pagdating ko. Nakaupo ito sa swivel chair niya habang may kausap sa telepono niya. “Yes, Yes. I’ll talk to him,” he said. Umupo naman ako sa harapan niya at sumenyas lang ito na huwag muna akong magsasalita. “Papayag siya. Huwag kang mag-aalala. Matutuloy ang kasal.” Ani pa nito sa kausap. “Yes, We’ll see you after I talk to him. Good bye,” at ibinaba na niya ang tawag pagkatapos ay tumingin sa akin. “Pinapatawag niyo raw po ako?” ang tanong ko. Pinagsiklop naman nito ang dalawang kamay at itinukod ang siko sa kanyang mesa. “Yes, We’ll talk about the merging of Panganiban’s group of companies and our company. What do you think?” “That’s a good idea,” ang sagot ko. “It is. But Mr. Panganiban and I has an agreement before we will merge our companies,” aniya. Ibinaba na nito ang mga kamay at kinuha ang isang brown envelop na nasa sa kanyang mesa. Ibinigay niya ito sa akin at kinuha ko naman. “Take a look,” binuksan ko iyo. Kinuha ko ang nasa loob and I found a picture of a girl. She’s beautiful with her curly hair and white skin. Tumingin ako kay Papa. “Iyan ang anak na babae ni Mr. Panganiban. Siya ang magiging asawa mo,” anito. Natigilan naman ako dahil doon. This is the reason why they’re merging their companies? But I don’t know this girl and I will never marry someone na hindi ko naman mahal. Ano bang pumapasok sa isip ni Papa? “But ‘Pa. I don’t even know this girl and this is not my type,” aniko. “It doesn’t matter, Tristan. Matututunan mo rin siyang mahalin.” “No! Hindi po ako makakapayag,” matigas kong sabi at tumayo sa pagkakaupo. Tiningnan ako nito ng masama. “At sinusuway mo na ngayon ang utos ko, Tristan?!” ang matigas din niyang tanong. “Bakit, ‘Pa? Sa tingin niyo ay makakabuti itong ginagawa niyo sa akin?” “Yes! Dahil para lumago pa ang company.” “E ‘yung kompanya lang naman pala ang iniisip mo, ‘Pa! Hindi ang sarili mong anak,” tinalikuran ko ‘to at naglakad na ako papalabas sa kanyang pinto. “Hindi pa tayo tapos mag-usap, Tristan.” “Pa, tapos na at hindi po ako papayag sa desisyon ninyo,” sagot ko sa kanya. Binuksan ko ang pinto at malakas kong isinarado ‘yon. Hindi ako makapaniwala. After all the years na sunud-sunuran sa kanya. Ang company lang pala ang inaalala niya. Not the feelings of his own son. Ang company lang ang mahalaga sa kanya, hindi ang kung alin ang magpapasaya sa sarili niyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD