THE BROKEN

2257 Words
June 21, 2000 Diary, Was I really bad for not writing to you for two years? I became busy with life, diary. Tita Eliza enrolled me in an international school where my brothers, Kuya Alex and Kuya Adolf also studied before. Napakabait ni Tita Eliza. Minsan sinasamahan niya ako sa puntod ni Criselda tapos 'pag naiiyak na ako ay yayakapin niya ako. Pinapatugtog niya ang kaniyang cellphone at sasayaw kami sa ilalim ng buwan. Inaamin ko, mahal ko na si Tita gaya ni Criselda. Naging bagong ina siya sa akin pero si Dad ay alam kong napipilitan lang na pansinin ako. Napakagaling nina kuya sa school, sa katunayan nga ay may fans club sila. Minsan tinatanong nila ako kung bakit Montisenes din ang apilyedo ko, hindi na lang ako kumikibo dahil hindi ko naman alam ang isasagot. Akala ko magiging okay na ang lahat, pero nagkaroon ako ng mga kalaban sa school. Lagi nila akong pinag-iinitan sa hindi malamang dahilan. Minsan dinadala nila ako sa basketball court, may ipapahawak na mga basura tapos bigla nila akong iniwan. Hinintay ko sila pero hindi na sila bumalik at naabutan ako ng guard na hawak ang mga basura. Pinagbintangan nila akong dinumihan ang court kaya dinala ako sa guidance office. Pinagalitan ako, sabi ng guidance counsellor hindi daw naging maganda ang pagpapalaki sa akin ng mama ko. Wala daw akong modo, ugaling bastardo, ugaling mahirap. Hindi na naman ako makaiyak kahit ang sakit na. Hindi ko kasi alam kung bakit sila ganoon sa akin. Doon sa may pinto, nakita ko yung mga kaklase ko na nantrip sa akin, tawa sila nang tawa na napagalitan ako. Kinabukasan, pinabalik ako sa guidance at nagulat ako dahil nandoon si Dad. Galit na galit siya sa "ginawa" ko at siya pa mismo ang nagsabi na dapat daw ay suspendihin ako kahit tatlong araw. Sumakit na naman ang dibdib ko dahil noong tingnan niya ako, hindi ko makita yung tinging ibinibigay niya kina Kuya Alex at Kuya Adolf. Narinig ko pa si Dad, ibinulong niya sa counsellor na adopted daw ako. Na naawa lang sila sa akin kaya ako inampon. Ehh anak niya naman ako eh! Kinagabihan, sinampal niya ako. Doon ako naiyak. Iyong sakit kasi kaya ko namang tiisin, pero yung alam kong wala na si Criselda na maaaring magtanggol sa akin ay hindi ko matanggap. Kung sana kasi ay nawala nalang din ako. Yung galit ni Papa ay sobra-sobra. Kinaladkad niya ako papunta sa bodega at doon ikinulong. Takot na takot ako dahil napakadilim. Hindi pa ako kumakain. Hiniling ko na sana ay nandoon si Tita Eliza, sana tulungan niya ako pero hindi siya dumating. Narinig ko pa si Papa na sinabihan ang mga kasambahay na wag akong pagbubuksan. Ilang araw din akong nandoon. Gutom at takot nang marinig ko ang boses ni Tita Eliza, doon ako nabuhayan ng loob. Agad akong tumakbo palapit sa pinto at tinawag siya. Narinig niya ako! Pero, narinig ko rin ang pagtatalo nila ni Dad. Pinag-aawayan nila ang kalagayan ko. Kaya tumahimik na lang ako at yumukyok sa isang gilid. Mayamaya pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto, pumasok si Tita na umiiyak. Tinawag ko siyang Criselda dahil sa nanlalabo ko nang paningin. Niyakap niya ako, mahigpit na mahigpit. Doon ko nalaman na mahal niya ako. Mahal na mahal ko na din siya. Sabi niya, gusto niya akong maging anak. Ako daw ang magiging bunso niya at tatawagin ko siyang mama. Ang saya-saya ko, kasi kahit iniwan na ako ni Criselda ay may dumating na kahalili niya. Nang araw ding iyon ay inilabas niya ako sa bodega. Kinausap niya si Dad. Nangako siya kay Mama Eliza na pipiliting maging maayos ang trato sa akin pero base sa mga tinging ipinupukol niya sa akin ay hirap ko iyong paniwalaan. Natatakot ako sa tingin niya. Pebrero, habang papunta ako sa school ay nakita ko si Kuya Alex sa isang coffee shop. May kasama siyang babae. Alam kong nakita niya ako pero hindi niya ako pinansin. Sa school, sinabi ng teacher na magkakaroon ng family day. Excited akong ibinalita yun kay Dad pero sabi niya may meeting daw siya. Si Kuya Adolf naman ay busy sa thesis niya dahil graduating na siya sa kolehiyo. Si Mama Eliza ang naging kasama ko sa family day. Akala ko honor student ako kaya lang minsan narinig ko ang mga teachers habang nag-uusap, ampon nga lang daw ako, at puwede namang hindi honor. Si Shun Kim Byun nalang daw ang ipalit sa akin, total wala din naman mag-aattend sa akin. Pinagwalang-bahala ko na lang kasi ang mahalaga sa akin ay si Mama Eliza. Sapat na siya sa akin. Grade 8 na ako. Si mama Eliza ang lagi kong kasama. Pero bago mag Marso ay may nangyari na namang kakaiba. Habang naglalakad ako ay may nakita akong isang kaedaran ko lang din. Pinagtutulungan siya ng mga lalaking nakaitim. Tinulungan ko siya. Nalaman ko din na siya ay si Red Montenegro. 17 years old na siya. Naging magkasundo kami sa maraming bagay. Ipinakilala niya ako sa mga kasamahan niya. Ipinasok sa kakaibang mundo niya. 14 lang ako pero alam ko nang underground business ang pinamaahalaan ng Daddy ni Red. Si Tito Karlos. Tinuruan niya ako ng maraming bagay, ilan doon ay masama pero hindi naman niya ako pinilit gawin ang mga iyon. Nais lang niya na malaman ko para hindi ako mabiktima. Sa loob ng isang buwan ay naging kasundo ko ang lihim na mundo nina Red at Tito Karlos. Nakaramdam ako ng may kakampi. Nagagalit na naman si Dad sa akin dahil ginagabi ako ng uwi. Pero, balewala ang galit niya, si Tita Eliza ang inaala ko. Alam kong nababahala siya sa akin. Kaya nang sumunod na araw ay pinuntahan ko ang kuta nina Red pero nang dumating ako doon ay nagimbal ako sa aking nakita. Napakaraming dugo at sugatan. Tinakbo ko ang silid ni Red at doon ko siya nakita na yakap-yakap ni Tito Karlos. Pareho silang duguan. Patay na si Red na kaisa-isang kaibigan ko. Bago malagutan ng hininga si Tito Karlos ay hiniling niya na huwag kong pababayaan ang grupo niya. Sinabi niya din sa akin kung sino ang may pakana ng paglusob sa kuta nila. Nakapangako ako. Napasubo. Nawala na din sila sa akin. Paglabas ko ng silid ay dumating ang iba pang mga kasamahan nina Tito. Pinagtulungan naming linisin ang buong kuta. Kahit naduduwal ako sa dami ng dugo ay tiniis ko. Tatlong araw akong hindi umuwi sa amin dahil pakiramdam ko ay dumikit sa akin ang amoy ng dugo nina Tito at Red. Naririnig ko pa rin sa hangin ang hiling nilang magkaroon ng hustisya. Ang hindi ko alam ay hinanap pala ako ni Mama Eliza. Nagkasakit siya sa pag-aalala sa akin kaya isinugod siya sa hospital. Galit na galit sa akin si Dad ganoon din ang mga kuya ko. Kaya pag-uwi ko ng mansion ay agad kong inimpaki ang aking mga gamit at nagtungo sa kuta. Kinailangan kong umalis dahil ako na ang naging dahilan ng madalas na pag-aaway nina Dad at Mama Eliza. Doon sa kuta ay kinausap ako ni Mang Julio, ang kanang kamay ni Tito Karlos. Hindi ko inakalang sa akin ipinamana ni Tito ang karamihan sa kaniyang mga ari-arian. Ang sabi ni Mang Julio ay ibinilin din sa akin ang grupo. Wala akong magawa, kailangan kong tanggapin lalo na nang malaman kong ang grupong sumalakay kina Tito ay may planong dukutin ang Dad ko. Isa iyong grupo na kumikidnap ng mayayamang negosyante at ipinapatubos sa napakalaking halaga. Balita ko ay hawak daw iyon ng isang malaking pulitiko subalit hindi nga lang mahanapan ng ebidensya. Kalagitnaan ng Abril nang mapag-alaman naming kikidnapin na nga si Dad. Doon sa may NLEX ay tinambangan si Dad. Kasama niya si Mama Eliza. Nang ilabas sila ay saka kami lumusob. Napatay nina Mang Julio ang lider ng sindikatong iyon. Gulat na gulat si Dad nang makita niya akong kasama ng mga armadong tumulong sa kaniya. Ngunit, sa halip na magpasalamat ay minura pa niya ako nang husto dahil ako daw ang dahilan ng kaguluhang iyon. Nagkasagutan na naman sila ni Mama. Nakiusap si Mama sa akin na sumama na sa kaniya pauwi subalit hindi ko rin naman magawang iwan ang grupong kumopkop sa akin. Hindi namin namalayan na may isang tauhan pa palang hindi napuruhan at akmang babarilin si dad. Mabilis ko iyong tinakbo at nang umalingawngaw nang muli ang putok ng baril ay saka ko naman naramdaman ang pagsigid ng kirot sa aking likod. Sa akin tumama ang bala. Hindi ko na alam kung ano pa ang mga nangyari kasunod niyon. Hinintay kong tulungan ako ni Dad pero nanatili lang siyang nakatayo doon at nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang isip niya, pero higit sa sakit ng bala ay mas ramdam ko ang sakit ng aking puso. Muli na naman akong nabigo sa Dad ko. Ganoon ba talaga ako kahirap mahalin? Nahimatay si Mama. Ako naman ay mabilis na kinuha ni Mang Julio at isinakay sa sasakyan. Mulat ako pero hindi ko maigalaw ang aking katawan. Kung sa bala o sakit sa puso ay hindi ko na alam ang dahilan ng pamamanhid ng aking katawan. Kasi ang alam ko lang, ang sakit sakit na. ------Aztec ----------------- Tiniklop ko ang libro at pinunasan ang luhang kanina pa pala dumadaloy sa aking mga pisngi. Hindi ko lubos maisip na nangyari ang mga iyon sampung taon na ang nakakaraan. Nangyari iyon sa tulog na si Aztec at hindi ko na alam kong kaya ko pa bang ipagpatuloy ang pagbabasa. Maingat kong inilapag ang libro sa gilid ng natutulog pa ring si Aztec at tinungo ang maliit na kusina upang maghanap ng makakain. Walang laman ang aking mga lalagyan. I decided to go back to my sleeping man and grabbed my coat and headed out of the house.  Apat na araw na at tulog pa rin si Aztec kaya siguradong gutom na iyon. Kailangan ko siyang pakainin. May nakapa akong ilang barya sa bulsa. Kasya sa dalawang tinapay at isang karton ng gatas. Nang magbayad ako ay may tatlong kahina-hinalang lalaki na pumasok sa convenience store. Nang magdeklara sila ng hold-up ay nasa may cashier pa rin ako. Nangatog ang aking mga tuhod nang itutok sa akin ng isa sa kanila ang baril. Sinabi niya sa akin na limasin ang laman ng kaha. Wala akong magawa. I gave them the bag but the man grabbed me by my neck and made me his hostage. Nang makalabas sa tindahan ay sinipa ako sa sikmura ng isa saka tinulak. Tumama ang ulo ko sa gutter ng kalsada. Naglabasan ang mga customer ng tindahan, ang ilan sa kanila ay nagbulungan na baka kasama daw ako sa mga nanloob dahil sa madungis daw ako. Lumabas ang manager at kinaladkad ako papuntang storage room at doon sinampal. Pinipilit niya akong aminin kung saan ang hide-out ng mga tulisan. Ramdam ko ang pagkasugat ng aking labi dahil sa singsing ng manager na iyon pero hindi ko ininda. Limang oras na akong nakakulong doon at ang iniisip ko lang ay si Aztec, siguradong gutom na iyon pag nagising. Nagmakaawa akong buksan nila ang pinto subalit hindi nila ako pinakinggan. Akala ko hindi na ako makakalabas pero napansin ko ang isang maliit na bintana sa isang gilid. Sumusungaw doon ang ilaw mula sa poste. Gabi na pala. Binaklas ko ang bintanang iyon pero bumabit sa maliit na pako ang aking palad at nagsugat iyon. Napaiyak ako sa sakit pero pinilit ko pa ring iangat ang sarili ko dala ang tinapay at gatas na binili ko nitong umaga. Nang nakapangalahati na ang katawan ko ang nakalabas ay narinig ko ang mga yabag na papalapit sa saradong storage na iyon. Lakad-takbo kong binagtas ang daan pauwi kay Aztec. Nakakatakot ang gabi ngunit wala akong pakialam. Kailangan kong makarating agad kay Aztec dahil baka gising na iyon at nagugutom. Madilim ang tinutuluyan ko nang akoy magising.Tulog pa rin si Aztec. Nanginginig ang aking katawan. Nagsisimula na akong magkalagnat dahil sa sugat ko sa kamay. Agad kong nilapitan si Aztec. Napakapayapa ng tulog niya. Masakit ang buo kong katawan pero ang tingnan ko lang si Aztec ay sapat na para gustuhin kong lumaban. Hinaplos ko ang mukha niya. Nagulat pa ako nang magkaroon ng kulay pula ang kanyang pisngi. May sugat nga pala ako kaya mabilis kong nilinis ang mukha ni Aztec kahit pa nanginginig na ang aking katawan saka ko lamang nilinis ang aking sugat. Naisip ko, kung sanay hindi ako iniwan nang basta-basta lang ng mga magulang ko ay hindi magiging ganito ka hirap ang aking buhay. Nangako kasi silang sandali lang at babalik sila agad pero lumipas ang mga araw, linggo at umabot pa ng ilang taon ay hindi na sila bumalik. Ang patak ng luha ay napalitan ng hikbi, hanggang sa magkaroon iyon ng tunog hanggang sa maging iyak na di kalaunan ay naging hagulhol. Ilang taon na ba akong mag-isa? Nami-miss ko na sina Mama. Pero, iniwan nila ako. Hinaplos kong muli ang pisngi ni Aztec at bago pa man ako makapag-isip ay nailapit ko na ang aking labi sa mga labi niya. Baka sakaling makakuha ako ng lakas. Dampi lang, pero naramdaman ko ang paggalaw ng kaniyang mga labi. Hindi ako maaaring magkamali! Tinugon niya ang halik ko! Lalo akong napaiyak at nangako sa tulog na namang si Aztec, hindi ko siya iiwan kahit na anong mangyari. Hindi ko siya bibitawan. Aalagaan ko siya, ibibigay ko sa kaniya ang pagmamahal at pag-aaruga na parehong ipinagkait sa amin. Sa labas ng bahay sa tahimik na lansangan ay pumailanlang ang serena ng mga pulis. Ikinuyom ko ang aking kamao. Hinding-hindi nila makukuha sa akin si Aztec!!! End of Chapter 1
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD