A Devil Was Born

6118 Words
March, 2013   Diary,   Mang Julio promised me an eye donor for Anathalia. Ang kapalit no’n ay ang kasiguruhang mag-aaral ako ulit. I am just fifteen and what do I know about love? Kung dati kasi ay ‘yon yung ipinagdarasal kong ibigay ni Dad, ngayon hindi na. Hindi ko nga lang talaga alam kung talagang tanggap ko o masyado na nga lang ba akong nasanay sa sakit.   Anathalia’s operation is scheduled on a Friday morning. It was also our final exam at kahit anong paliwanag ko sa teacher namin ay ayaw niyang pumayag na umalis ako. She even called dad and that forced me to finish the exams. Dumeretso  agad ako sa hospital only to find  people panicking, running through room 401—Anathalia’s room. As I get closer, unti-unti kong narinig ang mga palahaw ng mga magulang niya. How can this be happening? Malakas naman siya nang dalhin doon pero bakit siya naka-coma?   Hindi ko maintindihan. When her father saw me, galit na galit siya at ako ang sinisi niya sa nangyari kay Anathalia. Sabi ng doctor, she had complications in her brain and her heart stopped beating from time to time. Naulit na naman lahat. Ang sakit makitang unti-unting nawawala ang mga taong mahal mo na, at wala kang magawa.   Kinagabihan, pumuslit ako at tahimik na pumasok sa ICU kung saan inilipat si Anathalia. She was pale at natatakpan ng benda ang mga mata niyang inoperahan. Saan ako nagkulang?   I was just there staring at her pained face and when her fingers moved, I tried to call  the doctor but I heard her call my name. Yes, she called my name--AZTEC. Doon na ako naiyak. Her hoarse voice was so painful and I know she’s leaving. Kahit hirap ay nagawa pa niyang ipagtapat sa akin na alam na niyang hindi ako si Red. She told me that I smelled differently, talked differently and her heart beats the other way. Sabi niya, sa aming dalawa, ako ang bulag dahil hindi ko magawang hanapin ang sarili ko.   Mahal niya si Red. Mahal niya si Red at bago siya malagutan ng hininga ay sinabi niya sa aking sinusundo na siya nito. Ayaw ko siyang sumama. Iniwan na ako ni Criselda. Iniwan na ako ni Mama Amelia. Ayokong iiwan niya ako. Ayaw ko siyang umalis. Sana dito lang siya kahit hindi niya ako mahal. Ayos lang kahit hindi niya ako mahal pero umalis pa rin siya. Nagkagulo na naman sa silid na iyon at bago matapos ang gabi ay nasa shelter na naman ako sa may Muntinlupa. I was charged of juvenile delinquency—nang di man lang nakapagpaliwanag.  Nandoon si Papa at nakatanggap na naman ako ng mag-asawang sampal. Nalaman ko rin na ibinagsak ako ng administration ng school dahil sa masamang imahe ko. Wala si Kuya Alex at kung paano ako tingnan ni Kuya Adolf ay alam kong ikinahihiya niya rin ako. Wala akong silbi!    Hinintay ko lang naman na maintindihan ako ni Dad pero hindi niya ‘yon maibigay. He slapped me and hit me with his crane. Isa, dalawa, hangga’t umabot ng ilan… hindi ko na maalala. Hindi ko na maramdaman kasi namanhid nang lahat. Gusto ko nang mawala na lang din at baka sakaling mahanap ko ‘yong katahimikan.   Mula noong gabing ‘yon ay hindi na sila nagpakita sa akin. Katapusan ng Marso nang marinig ko ang usapan ng mga kasamahan ko sa boys’ town. Tatakas sila. I contemplated on the thought of it. Two days after, I joined the delinquents on their attempts to escape and we did. Nagkanya-kanya kami ng takbo sa labas and I cried again na parang baliw. Malaya na ako. Malaya na ako!   Soon as I reached Anathalia’s house, I saw her parents moving into a car with a lot of baggage. Galit na galit na naman ang daddy niya dahil nandoon ako. Mayamaya pa ay narinig ko na ang sirena ng mga pulis. Isinumbong nila ako.  Ayaw ko pa sanang umalis but I had to run. Umabot ako ng Jone’s Bridge and somebody appeared to me with a gun in his hand pointing at me. He shot me, I could feel the stinging pain and then there’s another… and another kaya’t nahulog ako sa ilog. I thought it was my end. Masamang damo nga talaga siguro ako dahil hindi ako mamatay-matay.   Nagising ako kinaumagahan sa isang tagpi-tagping kubo sa ilalim ng tulay. Ayon sa mga nakakita sa akin ay sumabit ang katawan ko sa isang poste ng bahay na nakatayo sa ilalim ng tulay. They thought I was dead but when they took my pulse, they found out I am alive with six gunshots. May milagro pa rin pala at nabuhay ako.   I was taken cared of by an old woman named Nanay Nita. Nagtitinda siya ng basahan sa gilid ng kalsada bilang pantustos sa pang-araw-araw naming tatlo ng apo niyang si Bonoy. Nanay Nita loved me like her own kaya noong gumaling ako ay naghanap ako ng paraan para makakuha ng pera sa kuta. Naabutan ko roon si Mang Julio at alalang-alala siya sa akin. I told him everything and he wanted me to just live with him in Davao. Mas tahimik na buhay… bagong buhay. Pumayag ako with a plan in my mind to take Nanay Nita and Bonoy with me pero naguho na naman ang mundo ko. Nasunog ang mga barong-barong sa ilalim ng tulay at kasama ang tinitirhan nina Nanay Nita. Pumanaw sila ni Bonoy dahil hinanap nila ako at hindi na sila muling nakalabas.   Malas nga talaga ako. Hindi ako pweding mahalin kasi lahat ng nagmamahal sa akin ay nawala. Ang sakit. Paulit-ulit na lang ngunit hindi pa ako nasanay sa sakit. Ni hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak dahil hindi na kayang dalhin ng dibdib ko ang sakit. Wala ba talaga akong karapatang sumaya? Bata lang naman ako ah.   I was busy mourning for my heartbreak when a group of uniformed men came. Kasunod niyon ay ang pagbaba ng bintana ng itim na kotse. Nag-usap ang lalaki sa loob ng sasakyan at ang pinakalider ng mga nakauniporme. Nagimbal ako sa aking narinig pagkatapos ay ang pag-usbong ng galit na tila apoy na tumutupok sa natititra ko pang katinuan.   Rosacea… may araw rin siya sa akin!     ------Aztec   ------------------------------- I had goosebumps reading this part. I just realized how messed up Aztec was and now it seems like I am messing up my life too. Aztec is not an ordinary man and the names he mentioned are not new to me. The late senator, Rosacea, was killed in a military operation in Germany few years ago. It was all over the news and became a world-wide topic for several weeks. It was found out that the senator was conniving with international syndicates and different mobs who’s into cloning , and drugs.  It was even considered to be the scandal of the century na nagpahiya sa Pilipinas sa buong mundo, With the help of the Montiseneses---yes! I’ve figured it now!!! That family who brought the late  senator down is Aztec’s family!      I cringed when I heard footsteps outside my door. Hindi lang ‘yon iisa. Marami sila. I don’t know but I felt nervous. Lumapit ako sa may pinto at inilapit ang tenga roon. I heard voices outside and they’re looking for Aztec. Kinabahan ako buti na lang at itinanggi ng kapitbahay ko. Sabagay, wala naman silang alam.   “How about that door, is someone inside?”   I paled! Sigurado ako, the man was referring to my door!   “Oh, I’m pretty sure the poor girl is living alone, she has no one.”   Yeah, I have no one, because they shouldn’t know things about Aztec.   Mukha namang naniwala ‘yong mga lalaki at sinabihan ang mga kasamahan niyang umalis na. Doon ako nakahinga nang maluwag. I double-locked the door and headed to Aztec pero nagtaka ako dahil nasa baba ng kama niya ang jacket niyang isinabit ko sa may aparador. Ipinagkibit-balikat ko na lang dahil baka may dumaang daga lang at ginalaw ang jacket.   Bakit kaya hindi pa siya magising? Muli ko na lang nilinis si Aztec at pagkatapos ay iniwan na sa bahay. Dala ko ang diary niya dahil babasahin ko ‘yon mamaya. May nakuha kasi akong part-time job sa isang costumer ng coffee shop. Maglilinis lang naman ako ng bahay niya dahil magsasama na sila ng girlfriend niya. Pagkatapos niyon ay hihintayin ko na lang silang makabalik nang seven PM.   The house is not that big pero napakaganda ng view. Malawak ang solar nito at may garden pa. Ito ‘yong pangarap kong bahay eh, kaya lang hindi na bumalik sina Mama.   Pagkapasok ay mabilis akong naglinis. Sinabay ko na rin ang paglalaba ng mga bedsheets at comforters.  Nakatutuwa dahil ang galing ng washing machine nila kaya hindi ako nahirapan sa paglalaba. Madali ko lang din nalinis ang bahay na hindi naman marumi at mukhang kalilinis nga lang din. Siguro, gusto lang talagang pabantayan ng may-ari.   Natulala ako saglit sa portrait na nasa wall. Napakaganda kasi ng babae. Para siyang dyosa pero malungot ang mga mata niya. Sa baba niyon ay may nakita akong ID ng may-ari ng bahay. Henge Orpheus Senerad, guwapo rin yung lalaking yun eh at mabait pa. Sinabi niya sa akin na tutulungan niya ako sa problema ko. Hindi ko rin alam kung papaano ko nasabi sa kaniya ang tungol sa pamilya ko. Kinuha ko na lang ang ID at ipinasok sa drawer na nasa study table na nakita ko.   Alas kuwatro ng hapon nang matapos ako sa paglilinis. Naupo ako sa sofa na malapit sa French window. Kita sa labas ang magandang tanawin sa likod bahay. Para kasing golf course ‘yon na may maliit na sapa sa gitna. Naalala ko ang diary kaya kinuha ko ‘yon at muling binuksan.       June, 2014     I had to find my brothers. That day, unti-unti nang kumaunti ang security personnel sa mansion. I overheard the guards talking about me and the memorandum about banning me from the house. I’m not surprised at all but it still hurts. Itinaon kong umalis sa puwesto niya ang isang guard, then I sneaked in. Mabilis akong nagtungo sa room ko at halos matigil ako sa paghinga nang masalubong ko si Kuya Adolf. Ngumiti lang siya sa akin at sinabing “You’re back” tapos ay nilagpasan na lang ako nang basta. Sa kanilang dalawa ni Kuya Alex, sa kaniya ako mas takot. Kinikilabutan ako sa mga titig niya dahil alam ko sa loob ko na ako pa rin ang dahilan ng pagkawala ni Mama Amelia. I asked where dad is pero umiling lang siya at sinabing mas mabuti kung hindi muna ako uuwi.   Hindi ko na lang siya pinansin at dumeretso na ako sa kuwarto. Masyadong tahimik. I packed my valuables—picture ni Criselda, ang bote ng pabango ni Mama Amelia, at ilang mga papeles na mula pa sa kasa. Pababa na ako nang mapansin kong bukas ang kuwarto ni Kuya Alex. I don’t know but I had a heavy feeling on his side table. Pumasok ako roon at ayun nga, I heaved a sigh and clenched my fist as I started reading the headlines, “Rosacea wins Malabanan Bidding.”   Kung pagbabasehan ang constitutional law, bawal 'yon. Vice President nga siya 'di ba at bawal makiapid ang nasa posisyon dahil sa conflict of interest. Madali lang itong malulusutan ni Kuya Alex sa legal na paraan. Ang hindi ko lang talaga matanggap ay ang ngiti niya sa litrato na parang napagtagumpayan niya na ang lahat. Muli kong naalala si Mama Amelia. She was raped. She was killed in a brutal way at ang taong ito ang dahilan. I am mad and I want to kill him savagely but I can’t get near him yet.   I lost three important women in my life and what could be my reasons to live more? Galit ako, nasasaktan ako, and I needed a hand, I need a shoulder, I need my father but he loathed me big time. Umalis ako ng mansion na paika-ika na dahil sa bintana ako dumaan. Naririnig ko na kasi ang boses ni Dad sa labas and once he caught me inside ay siguradong masesesante ang mga guard na nasa labas. Naghahanap-buhay lang naman sila, dahil sa akin, baka mawalan pa sila ng hanapbuhay.   I went back to Red’s house and it felt so lonely. I can still hear their voices and footsteps until Mang Julio appeared to me. Hindi muna siya nagsalita. Niyakap lang niya ako nang mahigpit at sinabing matatapos din ang lahat. I cried in his arms because of too much pain, frustrations, and fear na baka lamunin na ako ng galit. All I ever wanted is for Dad to accept me pero parang ang hirap.                                        Mang Julio offered me a home in Davao. Muntikan na akong pumayag but a call came telling me that Kian, whom I ran away with in the boys’ town was killed in a shoot-out. Nagtangka raw kasi itong kunin ang bagahe mula Mexico na may lamang cocaine at high-grade shabu. Natunugan ito ng InterPol kaya nagkahabulan hanggang sa Outcast, Ireland at nadamay sa barilan ang mag-asawang kakababa pa lang ng taxi. Maraming na-recover sa kaniya kasama na roon ang pangalan ko. Unfortunately, dinamay niya ako sa mga may kinalaman sa droga.   Tell me diary, does “fairness” meant to ever come to my life even for once?   I knew I am in too much trouble again. Sinabi ko kay Mang Julio na sasama ako sa kaniya sa Davao kinabukasan but I know too well na hindi kami puweding bumyahe via plane dahil sa airport pa lang ay mahuhuli na ako. We decided to travel by land, sa ordinary fare ng PhilTranco. Maaliwalas naman ang dagat sa Matnog port kaya marahil ay takang-taka ang ibang pasahero kung bakit balot na balot ako. Bakit nga naman hindi eh andami kong wanted posters sa paligid. Awa ng Diyos ay nalagpasan ko naman ang byaheng Leyte. I can’t help myself but feel hurt with the view of Leyte na malubhang tinamaan noon ng bagyong Yolanda. Ang alam ko kasi, nag-donate si Dad ng fifty million sa charity para sa pabahay ng mga nasalanta, ang bait niya ano--- sa akin lang naman kasi hindi.   Gabi na nang makarating kami ng Lipata Port sa Surigao City. Iba yung ihip ng hangin dahil wala masyadong usok. Ang sarap huminga. Marami na namang pulis sa ibaba kaya binilisan pa namin ang kilos upang muling makasakay sa bus. Matagal ulit ang biyahe. Huminto ang bus sa Patin-ay, Prosperidad, dahil mahigpit ulit ang security. Mayroon kasing kasiyahan doon dahil Naliyagan Festival ng probinsiya.  Kinabahan ako nang tumitig sa akin ang isang sundalo pero hindi naman ako nilapitan. Hindi iyon napansin ni Mang Julio dahil hindi naman kami magkatabi ng upuan. Nang bumyahe ulit ang bus ay hindi na bumaba ang sundalo. Nakaupo siya malapit sa akin at todo ang kaba ko. Huminto muli ang bus sa isang bus stop para maghapunan. Sasabihan sana ako ni Mang Julio na kakain muna kami pero senenyasan ko siya na wag magpahalata dahil may nakamasid sa akin. I can see his worried face at akmang huhugutin ang baril na ewan kung saan niya nakuha subalit pinigilan ko siya.   Nang lapitan ako ng sundalo, patayuin, at pababain ng bus ay nakatingin lang ako kay Mang Julio. Natatakot ako para sa kaniya. He has a wonderful life in Davao and I cannot take it away from him. I smiled at him— pilit ngunit di nakaligtas doon ang lungkot. Hanggang sa makababa ng bus at paglipat sa puting van ay nakahawak lang sa braso ko ang sundalo. I can’t read his mind and when he tied a black cloth around my eyes ay nakita ko ulit ang dilim ng kinasadlakan kong buhay.   ----AZTEC    -------------------------------------- Natigil ako sa pagbabasa nang tumunog ang doorbell. Pasado alas-syete na nang dumating ang may-ari ng bahay but I was taken aback by his appearance dahil may karga-karga siyang isang walang malay na babae. The woman, based on her looks and smell is drunk. This may be the reason why she passed out. Nakiusap naman sa akin si Sir Henge na linisan ko muna ang babae, dahil syempre lalaki siya. Bilib na talaga ako sa taong ito, guwapo na, mayaman pa at tingnan mo nga naman, gentleman pa talaga! Akala ko kasi sa mga pelikula na lang meron no’n.   I was dry-bathing Eurydice—the drunken woman, when teardrops fell from her closed eyes. It was soundless but it managed to break my heart because I was also crying soundlessly for nights when I was still not with Aztec. Ano kaya ang kuwento niya?     Hindi naman manyak yung boss ko. Nandoon lang kasi siya sa labas ng room kung saan nililinisan ko ang babae. Painom-inom lang siya ng alak sa may bar counter niya.   A little scar, about an inch-long sa may puson niya ang pumukaw sa akin. I couldn’t be wrong, dahil yun sa isang Caessarian session na malamang ay mga limang taon na ang nakakaraan. May ganoon din kasi ang Mama dahil CS din siya nang ipinanganak ako.   Pupunasan ko na sana siya ulit nang may pumigil sa kamay ko. Yung babae yun, gising na pala siya. Sinabi kong ipapaalam ko kay sir Henge na gising na siya pero pinigilan niya ako.  Nalaman ko na raw kasi ang sekreto niya kaya dapat mangako ako na wala akong pagsasabihan sa nakita ko. Wala kahit sino--- kahit kay Sir Henge pa.   May binigay siya sa aking calling card at sinabing kapag kailanganin ko ng tulong ay tawagan ko lang siya kapalit ng hindi ko pagsasabi kung nasaan na siya.   Lakad-takbo ako noong pauwi na. Pakiramdam ko kasi ay may nakamasid at nakasunod sa akin. Alas otso na nang gabi at nasa kalye pa rin ako. Nasalubong ko pa ang lasing na namang si Rupert at kinabahan ako nang sobra nang sabihin niya sa aking may lumalagabog sa kuwarto ko. Pinagalitan niya ako dahil bawal daw ang alagang hayop sa amin. Tumango na lang ako at umalis na. Buti nga rin hindi niya pa ako sinisingil. Malaki-laking pera rin kasi ang dala ko dahil nakakalulang five hundred US dollars ang binigay sa akin ni Sir Henge. Hindi raw kasi siya nagkaoras para magpapalit ng pera. Hindi ko na nagawa pang magtanong patungkol sa babae dahil lumalalim na rin ang gabi. May sekreto rin naman ako diba, kaya ayos lang yun. Bibigyan ko sila ng privacy at labas ako sa gulo nilang dalawa.     Si Aztec agad ang tinignan ko nang makapasok ako ng kuwarto. Namumutla siya at medyo mainit. Nagtataka ako kung paano siya nabubuhay gayong hindi naman siya kumakain. Magdadalawang-linggo na siya sa akin ngunit hindi pa rin siya magising,   Nilagyan ko na lang ng bimpo ang noo niya para humupa ang lagnat. Matapos maglinis ng katawan ay tumabi ako sa kaniya. Papalapit na ang winter, malamig kaya kinumutan ko siya at bumangon ako saglit para magsulat ng entry sa diary. Kinabukasn, gagawan ko ng paraan para mapakain naman siya. Dapat kumakain siya ng masusustansiya para magising na siya, para naman malaman niyang nandito ako at handang mahalin siya nang buo.   -----------------------  End of June 2014,   Nagising ako dahil sa buhos ng malamig na tubig sa akin. Hirap na hirap akong huminga. Nagtatawanan ang mga lalaking namulatan ko habang nag-iinuman sila. Wala rin sa paligid ang sundalong kumuha sa akin doon sa bus. Minsan nagigising ako sa mga suntok at sipa, minsan naman kinukuryente nila ako. Hindi ko na alam kung ilang araw na akong nandoon sa sementong kuwarto pero pagod na pagod na talaga ako. Masakit ang buo kong katawan at madalas kong nakikita si Criselda at si Mama Amelia. Tinatawag ko sila, pero nandoon lang sila sa malayo. Nakatingin sila sa akin na parang sinasabing lumaban ako, magpakatatag ako--- pero hirap na hirap na ako. Gusto ko nang sumama sa kanila. Gusto ko nang takasan ang lahat ng sakit at hirap na nararanasan ko pero hindi nila ako pinakikinggan.     Marahil ay gabi na no’n dahil madilim sa labas ng isang bintana sa gilid ng silid na iyon. Nangangatog na ang aking mga tuhod at sobrang hapdi na rin ng sugat sa may pulso ko dahil sa mahigpit na pagkakatali. Nakatali ang kamay ko sa taas, putok ang labi at namamaga ang mga mata, bugbugin ba naman ng mga mamang malalaki ang katawan ‘pag wala silang magawa.   May mga pumasok sa silid, isang babaeng nasa early fifties kasama ang mga lalaking naka-lab gown. Tinanggal nila ako mula sa pagkakatali at kinaladkad palabas. I tried to protect myself by trying to dodge one of the goons pero bago pa man ako makalapit ay kinuryente na naman nila ako. Tumama ang ulo ko sa semento kaya ako nawalan ng malay.   Sa isang laboratory na ako nagising.  Nandoon na ‘yong sundalong kumuha sa akin at may inabot ‘yong babae sa kaniya. Ngingisi-ngisi nitong tinanggap ang sobre at sinabing sigurado raw siya na isa akong Montisenes. Nagtalo sila ng bababe at di naglipat-minuto ay umalingawngaw ang putok ng baril. Bumulagta ang lalake at tumagas sa ulo niyang may butas ang dugo. Naalala ko sina Red at Tito Karlos, marahil ay magkikita na rin kami. Malapit na ang katapusan ko.   Kahit hirap, pinilit kong magsalita at tinanong ang babae kung ano’ng kailangan nila sa akin pero sana pala hindi na lang. Ang sabi kasi niya ay kailangan niya ng pera mula sa Daddy ko, kaya lang noong humingi raw sila ng ransom ay binabaan sila ni Dad ng telepono. Kinontak din nila ang mga kapatid ko pero wala rin silang nakuhang pera. Ibig sabihin, wala akong silbi. Narinig ko silang nag-uusap na kailangan nila ng pera para maigpagpatuloy ang proyekto ng Crymson Arphaxad. Galit na galit ‘yong babae. Nanlilisik yung mga mata niya at gusto niya akong barilin. Nagkaputukan at kung saan man ‘yon nanggaling ay hindi ko alam. Sumiksik lang ako sa isang gilid at hinintay ang magiging kapalaran ko. Nang wala na ang putukan ay doon ako naiyak. Tang’na, buhay pa rin ako! Bakit ba hindi ako mamatay-matay?     May isang matangad na lalaki na armado rin ng baril ang pumasok. May mga kasama siya at mga armado rin sila. Masakit ang buo kong katawan pero pinilit kong lumuhod sa kanila. Nakatutok sa akin ang mga baril pero senenyasan sila noong matangkad na mama na ibaba raw dahil hindi ako kasama sa mga tinutugis nila. They were there to retrieve me. Napamura ‘yong nasa tabi niya at tinanggal ang itim na cap nito at sumabog sa ere ang mahaba at alon-alon niyang buhok. Babae at siya ang unang lumapit sa akin at niyakap ako.   Masama ang tingin niya roon sa matangkad na lalaki at sinabing ‘pag di niya naayos ang mga bagay-bagay ay siya mismo ang papatay sa ama ko pati ng mga kapatid ko. Napatango lang ‘yong lalaki bago lumapit sa akin. Umusog yung babae at kasabay ng pagyakap nito sa akin ay ang paghagulhol ko--- hagulhol ng labis na hinagpis, ng poot, ng sakit, pero nakakatawa na sa likod ng lahat ng iyon ay ang pagsibol ng saya at pag-asa, lalong lalo na noong sinabi niya ang bagay na ang tagal ko nang hinihintay.   “Tahan na bunso, nandito na si Kuya, hindi ka na mag-iisa.”       --------Aztec     July 10    Too much beating made me unconscious for two days. Namamanhid ang buo kong katawan dahil sa lahat ng pananakit na ginawa sa akin. Nang magising ako ay si Kuya agad ang hinanap ko. Marahil nga ay naghahanap lang ako ng pamilyang makakapitan.   Sinabi sa akin ni Kuya Dammas kung paano niya ako nahanap. Trending pala kasi ang pangalan ko sa Pinas dahil wanted ako for juvenile delinquency at ilang drug related cases. Hindi ako puweding umuwi dahil kalat pa rin ang pictures ko sa maraming pahayagan. Sabi niya, maghintay lang daw ako ng ilang araw at lilinisin niya ang pangalan ko. Niyakap niya ako ulit at gusto kong maiyak kasi magkasimbango sila ni Dad. Nami-miss ko rin naman siya kahit hindi niya ako mahal.   Naiwan kami ni Ate Ariana, ang babaeng kasamahan ni Kuya, sa bahay. Madalas siyang umaalis ‘pag gabi kaya sinundan ko siya at umabot kami ng Boardwalk of Cork. Ito ang pangalawang pinakamalaking syudad sa Ireland. Meron doong isang lumang pamilihan. Nakasunod lang ako sa kaniya pero bigla siyang nawala. Nagulat na lang ako nang may biglang pumilipit sa leeg ko saka mabilis akong ibinalibag sa semento. Napaigik ako sa sakit ngunit higit doon ay ang panlalamig ko nang itutok sa akin ni Ariana ang baril niya.   Akala ko talaga papatayin na niya ako pero dalawang batok lang naman pala ang ibibigay niya. Nagalit siya sa akin dahil sinusundan ko siya pero sa bandang huli ay pumayag siyang sumama ako. Sa isang lumang building ay pumasok kami. Nagtago kami sa kisame habang pinapanood ang bentahan ng cocaine. May inilabas siyang baril at tinira yung nasa malayo. Tinamaan naman pero sabi niya ay tracking device iyong bala. Paalis na kami nang may isa pang pumasok sa silid at nagpuyos ako sa galit dahil nandoon na naman si Rossacea.     I heard him clearly. Noong araw na hinahanap ako ni Mama Amelia ay dinukot siya ni Rosacea. He had her drugged and raped for many times saka tinurukan ng maraming gamot hanggang sa mamatay ito. I was so mad I want to kill him right in that moment. I was raging, fuming angry but Ate Ariana stopped me. Sabi niya, may tamang panahon para sa paghihiganti. Naramdaman ko na lang na nahihilo ako bago ako nawalan ng malay.     Nagising ako sa bahay. Maingay kasi sa may sala. Naabutan ko roon si Ate Ariana at isa pang babae na nagpakilalang ACE.  Aalis na sana ako para bumalik sa Cork pero kinasa noong babae ang baril niya at binaril ang doorknob. Natakot ako pero di naman ako nagpahalata. Noon ko lamang napansin ang kulay ng mga mata niya. Itim lang kasi ‘yon at walang puti.     She said she could kill me any moment if I compromise their mission. She was damn serious and it got me cringing on my toes.  I told her that I had to go back and kill Rosacea but she laughed at me like I am one crazy bastard cracking a joke.   When she dropped the gun, sa isang kisapmata lang ay nasuntok na niya ako sa mukha. Patihaya akong bumagsak sa coffee table at nabasag ‘yon. I can feel my back aching like hell pero noong dumilat ako ay makintab naman na samurai ang muntikan nang humagip sa mukha ko. Buti na lang at gumulong ako sa sahig. Tumusok sa mga braso ko ang ilang bubog.  I crawled gasping for air since I was nearly fainting sa sakit but then, ACE grabbed my collar at tinuhod ako sa sikmura saka muling ibinalibag papunta sa isang Mediterranean vase.   Ate Ariana stopped her but she was like a Kraken released from the portals of hell.  I lost track of fair breathing when she hit me from all over. Kababaeng tao ang lakas manuntok!  She was about to hit me again when I heard Kuya stopping her.   “Opss” lang ang nasabi niya nang bitiwan ako and my head hit the broken vase. Lalo iyong nadurong then I fainted so bad.   -----Aztec    --------------------------------------------- Nanggigigil ako sa galit! Why would a woman hurt Aztec just like that? Kagagaling lang niya sa sakit pero ‘yon na agad ang nangyari. I was about to continue reading when somebody knocked on my door. Maling hakbang dahil naramdaman kong sumilip ‘yon sa deriksiyon ni Aztec pero maagap akong lumipat ng puwesto para matakpan ang espasyong tinitignan niya.   “I’m looking for someone, here’s a picture. I would be pleased if you happen to know where he is.”   My hands were shaking nang inabot ko ang picture na sinasabi niya.  I heaved a sigh when I realized it was Aztec.   I gulped hard when I gave it back to the man. I just can’t afford to look at him in the eyes when I know I am lying.  I can’t look at his eyes because he has the eyes of the person I am claiming mine. No! Aztec is mine! He is mine and no one can take him away from me. Akin lang siya! Akin lang!   Kumirot ang dibdib ko when I saw pain in his eyes. Kung titignan ay nasa mid-fifties or early sixties na ang lalaki at kahit di ko itanong ay sigurado ako kung sino  siya! Mas lalong hindi ko siya ibibigay sa taong ito. Not anymore. Hindi na niya magagawa pang saktan si Aztec. Hindi na. Hindi na talaga.   ----------------------------------- It was a Saturday morning, I passed through a group of senior high school students talking about Angelina Jolie and Brat Pitt’s break-up. I shrugged with the idea that someday, Aztec and I will be separated by fate. No, I won’t let that happen.   The morning seemed usual as it always was. Nag-aalala pa rin ako kay Aztec dahil dalawang linggo na siyang hindi kumakain. Paano kaya siya nabubuhay nang ganoon?   Bandang tanghali nang may pumasok na apat na kababaihan. Iba’t iba iyong kulay ng mga damit nilang terno kaya agaw-pansin. Magaganda sila but I panicked when they begun speaking in Tagalog sa malakas na boses. Kung pakikinggang mabuti ay parang may pinariringgan sila. Nagpatuloy pa rin ako sa pag-aasikaso ng mga customers pero nang minsang magawi ang tingin ko sa kanila ay nahuli ko silang nakatingin sa akin. They averted their gazes immediately and drank their coffee.   Lalo akong kinabahan. Inabot ng dalawang oras ang mga babae bago nila ako pinatawag. Atubili akong lumapit dahil pakiramdam ko, ako ang pinag-uusapan nila but then, my manager literally pushed me to the four colorful women.   Napapitlag ako nang hawakan agad ako ng nakapula sa may taenga. Dumampi lang iyong daliri niya pero nabalot ng kilabot ang buo kong katawan.   I almost jumped at sinalat ang leeg kong hinawakan ng babae. Wala naman akong naramdamang kakaiba bukod sa kinakabahan ako nang todo.   “Sorry, for startling you miss. My friend here is three-months pregnant and she has been eyeing your neck for two hours now, I hope you don’t mind,” anang naka-green. She is smiling but her eyes tell the other way. I smell danger with her stare.   “Sa tingin mo may alam siya, Maya?” The woman who wore a yellow –overall interrupted. Nagtawanan silang apat na parang sinasabing hindi naman daw ako nakakaintindi ng Filipino.  “That’s silly, Rubie. Watch your mouth, and you, Gina, mind your baby and stop acting crazier… ” babala naman noong isang naka-violet sa mga kasama as if stopping them to expose something confidential.   “Susko, mura lang sili sa Mindanao.” They laughed again.   Nagsisimula na talaga akong mabahala. I asked them if they needed something pero wala naman daw. They asked me of my name and when I refused to give it, nagsitayuan silang apat at pasimpleng nagpakita ng baril. Sa sobrang takot ay nabitiwan ko pa ang menu na hawak ko.   “Again, what is your name, young lady?” mariing tanong noong nakapula. Gusto kong sumigaw, humingi ng tulong ngunit sa tuwing makikita ko ang baril nila ay natatakot ako hindi para sa sarili ko kun’di para ay Aztec. Paano na siya? Paano siya ‘pag nawala ako?   “Do I have to ask you again?”   Doon ako napaluha. Nasa pinakagilid ang kinaroroonan namin at ‘di basta-basta mapapansin. Paano na?     “One… ”   “Sahara, S-Sahara Castilliano po!” I know I was in tears. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa suot kong apron dahil naroon pa rin ang kaba, ang takot, ang panganib, binabaliw ako.   “Ohh… holy guacamole!!! She’s speaking the language!!! Let’s get outta’ here!” mabilis na aya ng naka-yellow. Akmang tatayo na rin ang iba pero yung sinabi nilang buntis ay yumakap lang sa akin. May iniabot siyang maliit na papel sa akin saka alanganing ngumiti.   “W-wait!!! Why don’t we just ask her? It’s easier!”   And indeed they sat back to their chairs at halos himatayin na ako nang bigkasin nila ang pangalan ni Aztec.   -------------------------------------------------- Diary,   People just find it amusing to make me suffer. My head was throbbing like hell when I regained my consciousness. Was I dead for days? Did I die and resurrect after days from my injuries? Hell no!!! I did not die. I wish I had but here I am, still alive with all the black eyes.   The room was spacious with a floor-to-ceiling window facing the sun rays. The wind was gently cascading the white curtain. I thought I am in heaven then sarcastically laughed at the thought.   I was a bad child. How can I see paradise?   I was expecting a dark dirty room when I woke up. Natakot ako nang maalala ang nagyari bago ako mawalan ng malay. I just happen to see the demon sa katawan ng isang babaeng may maamong mukha. Natatakot ako sa kaniya dahil pakiramdam ko ay kayang-kaya niya akong tirisin nang walang kalaban-laban.   The door opened and Kuya’s worried face almost made me cry. I wanted to sob on his chest na parang batang iniwan ng nanay, tulad noong iniwan ako ni Criselda pero, may pumipigil sa puso ko.   Natatakot akong magtiwala sa kaniya. Ganoon ba talaga ako kasabik sa pagmamahal at basta na lang tinanggap ang sinabi niyang magapatid kami sa ama? I don’t know.   Nang lumapit siya sa kama ay mabilis akong gumulong pakanan upang makalayo sa kaniya. Nagtaka siya kaya inilabas ko ang lahat nang gumugulo sa akin; kung sino talaga siya; kung paano niya nalaman kung saan ako hahanapin, lahat itinanong ko.   He stayed silent for several minutes bago nagsalita. Kuya is working for an agency that is trying to eradicate Crymson Arphaxad and the council behind it accordingly. I was so close to death dahil may nakaabang na snipers na pala sa paligid ko. I was a suspected Mafia leader because I was affiliated to Red and Tito Karlos. Ni hindi ko man lang alam na may malaking pabuya na palang nakapatong sa ulo ko. Drug lords from the underground society were threatened why Tito Karlos chose me as his replacement.   Nagkataon lang din na anak siya ni Dad sa pagkabinata. His mother was Albina Figuiroa at tulad ni Criselda, wala na rin siya. Naisip ko tuloy kung ako nga ba talaga ang malas sa pamilya o di kaya ay si Dad dahil lahat ng nali-link sa kaniya ay nawawala nang tuluyan.   I asked him of his name and he said he is Dammas. I now have a brother whose name is Dammas and it damn feel good, great rather. May tumawag sa kaniya sa cellphone at madali niya itong sinagot. After five minutes ay bumalik siya at sinabing si Kuya Alex naman ang babantayan niya dahil nanganganib din ang buhay nito.   Uuwi siya ng Pilipinas at maiiwan ako kasama ang gumulpi sa akin and as if on cue ay pumasok nga siya sa kuwarto.   Naka puting sweatshirt ito at tattered jeans. Nakayapak lang siya. Ibang-iba sa itsura niya noong gabing halos patayin na niya ako sa bugbog.  Fear grew immediately in my being when she started to get closer. Sinalubong siya ni Kuya at hinalikan sa noo sabay sabi sa akin na isa si ACE sa may pinakabusilak ang puso na nakilala niya, na hindi raw ito kalaban at ito umano ang susi sa kaligtasan ng mundo. Gusto kong sumigaw ng “WEHHH DI NGA???” pero mukhang paniwalang-paniwala si Kuya sa babae. Nagsusumigaw ako at gumapang palayo nang sumampa na siya sa kama. Grabeng kaba ang inabot ko dahil naramdaman kong may humawak sa collar ng suot kong pantulog saka ako pabalyang inihiga muli sa kama. Pakonswelo na lang siguro na water bed ‘yon dahil kung hindi ay nagkalasug-lasog na ang spinal cord ko sa lakas ng pagkakabalya sa akin. Nagpapasag-pasag ako para makakawala pero sadyang malakas yung babae at sinampal ako nang malakas. Akala ko talaga tumalsik na ang mga ngipin ko sa lakas no’n.   Sinabi niya kay Kuya, hindi raw ito makahinga. Nataranta si Kuya at nagtawag ng kung sino sa intercom. Pinausog niya ako at inihiga nang maayos yung babae. Wala pang isang minuto ay nagsidatingan na ang mga lalaking naka-surgical gown, maging si Ate Ariana ay dumating din. Hindi ako makapaniwala sa mga nagyayari dahil mukhang supernatural na nga ito sa lakas manuntok pero nere-revive ito ngayon. May heart-rate monitor at lalo akong nahintakutan nang mag-flat ang linya kasunod ang matinis na ingay ng aparato.   Patay na ba siya? Paano? Hindi ko maintindihan.   Bagsak ang mga balikat na dumistansya ang mga hinuha ko’y doktor at lahat kami ay maang na nakatingin lang kay ACE na nakahiga sa kama. Ni hindi ko na nga napansin na naka-pajama lang ako at walang briefs.   Hindi ko maintindihan ang lungkot at pagkabahala sa mga mata nila. Lalo pa akong naguluhan nang magsialisan ang mga doctor at naiwan kaming tatlo nina Kuya at Ate Ariana. Gusto ko na namang magmura nang sabihin ni Kuya na magiging maayos si ACE. Eh di ba nga’t patay na?   Pareho sila ni Ate na sumampa sa kama at parang aliw na aliw na nakatunghay kay ACE. Kinikilabutan ako sa kanila. Mga baliw ba ito? But, Kuya seemed to be just fine di tulad kanina na namutla talaga.   I shouted at them at the top-most of my lungs about what was happening and then sana hindi na nga lang. Lalo akong nalito. Lalo akong natakot kay ACE o mas tamang sabihin yata na ANDROID CLONE ELEVEN.          ---------------END OF CHAPTER 3 Author's note: Magbasa kayo, LOL!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD