CHAPTER 2 ANG PRINSIPE

1818 Words
Roman Tatlong buwan ang lumipas ng mamatay si Mia Rosa at Arch Michael. Mahaba na ang panahon na iyon para simulan ko ang aking plano. Hindi ko pa maaring lipatan ang condo unit na nabili ko dahil sa renovation na aking ipinagawa kaya’t sa Monleon Tower Hotel muna ako magpapalipas ng ilang araw. Adyain sana ng langit na makita ko ang aking anak. Nagtungo ako sa reception area at kumuha ng isang silid. Magalang at maayos ang mga tauhan ng hotel. Maging ang pasilidad nito ay world class na pwedeng makipagsabayan sa mga hotel ng Las Vegas sa America. Nakakalula ang karangyaang sumalubong sa akin ng pumasok ako. Parang ibang demensyon na inilayo sa polusyon ng kamaynilaan. Malamig at hindi mo marinig ang mga ingay sa labas. Parang wala ka sa Pilipinas dahil karamihan na nakikita ko ay mga foreigner na guest maliban sa mga local na empleyado. Abala ang mga tauhan kahit maraming guest ay tahimik at organisado ang sistema ng pag-eestima sa mga bisita. Kaswal akong nakakuha ng silid na aking titigilan pansamantala, sinamahan ako ng bellboy kung saan ang silid na para sa akin. Marangya ang silid na kinuha ko kayat may kamahalan ngunit kailangan kong gawin ito. Inayos ko ang aking panamitan, naligo at nagpahinga. Nang magutom ay nagtungo ako sa restaurant ng hotel upang kumain ng pananghalian. May patakaran pala ang restaurant na kailangang casual o formal attire lang ang maaring kumain sa loob ng restaurant. Naunawaan ko ang patakaran at di ako tumuloy sa loob dahil sa suot kong formal short,simpleng sneakers,at polo shirt na pang itaas. Isang mapag-imbot na house rule ang nasa isip ko. Nagtungo ako kung saan naroroon ang pool area, naupo sa isang garden chair at sa isang waiter na nakatalaga doon ako umorder ng aking makakain. Matapos kumain ay nagbasa ako ng pahayagang kasama sa kapritsong libre ng hotel para sa mga guest. Wala na talaga ang mga headlines patungkol sa eroplanong bumagsak. Patay na ang balita sa pagyao ng tagapagmana ng hotel na ito. Nag-abang ako ng dalawang oras para sa aking plano at nagbabakasakaling makakita ako ng pagkakataong magagamit ko. Ngunit bigo ako…sa ngayon. Napagpasiyahan kong bumalik sa aking silid. Kinuha ko ang aking sports bag, naglagay ng ilang gamit na pampaligo. Nais kong lumangoy sa malawak na infinity pool ng hotel. Sumakay ako ng elevator pababa at nagtungong changing area ng shower room. Nakapagpalit na ako ng swimming trunks at lumabas. May ilang guest na rin palang naliligo di gaya kanina ng kumain ako. Papalapit ako sa shower area ng pool upang magkondisyong ng temperatura ng katawan bago lumangoy. Napansin ko rin na may ilang mga mata na nakatingin sa akin. Noon pa may takaw pansin na ako.Kahit noong nasa amerika pa ay may mga indecent proposal na akong natatanggap at pinagbigyan mula sa aking mga kliyenteng nagsusugal. Mapababae o mapalalake ay naofferan na akong pagbigyan sila ng isang gabi sa kama. Mayroon pang handa akong suportahan at pakasalan. Lahat iyon ay ginawa ko makadagdag lang sa mga iniipon kong pera. Nagpapasalamat din ako dahil nabiyayaan ako ng kakisigang nagagamit ko para mabuhay. Hindi rin naman kaataasan ang sweldo ko bilang balasador.Lakasan lang ng loob ang magbenta ng katawan sa mga gustong magbayad. Nagkaron lang ng pag-asenso ng magkagusto sa akin ang kapatid ng CEO ng casino at gawin akong manager. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba kung ano man ang mga ginawa ko. Ang lahat ng pagbabago sa akin ay dulot ng sakit ng ginawa ni Mia at ng Monleon na iyon. Manhid na ako sa pag-ibig at pagmamahal at ang tanging hangad ko lang ay mabawi ang dapat na para sa akin. Lahat ay kaya ko ng gawin kahit lumakad pa ako ng nakahubad ay wala na akong pakialam. Wala rin akong inhibisyon kahit nakasuot ng swimming trunks at bumakat pa ang aking p*********i dahil nasanay na rin akong ganito sa amerika. Matapos magbasa ng katawan ay nagtungo ako sa gilid ng pool at tumayo sa diving board. Tumalon ako at lumangoy patungo sa dulo. Sa aking pagsisid ay kasabay ng aking pag-iisip sa kung ano ang aking kakaharapin.Nakarating ako sa dulo at suminghap ng hangin at muling lumangoy pabalik kung saan ako nagmula. Dere-deretso kong nilangoy ang dulo ng hindi nahinga. Nais kong talunin ang kahabaan ng pool na ito. Nais kong kayaning maabot ang dulo sa abot kaya ng aking lakas. Tagumpay ako! Hinihingal ako sa aking ginawa kaya sa gilid ako nagpahinga upang makabawi ng hangin sa aking baga. Lalangoy muli ako ng matanawan ko ang isang lalaki nakaswimming trunks din na kilala ko. Natantandaan ko siya… Kinabahan ako sa aking nakita dahil papalapit siya sa aking kung saan ako naroroon. "Buhay si Arch Michael?!" Ang tanong ko sa aking sarili ng may pagkalito. Nakaramdam ako galit at tiim bagang akong nakamasid sa kaniya. Ni hindi ko maramdaman ang lamig ng tubig dahil sa galit na nasa dibdib ko.Bakit laman ng balita na patay ka na Arch Michael at si Mia Rosa? Anong kalokohan ito? Isang palabas lang ba ang ginawa nila? Bakit? Gusto ko siyang patayin,lunurin dahil sa panloloko nila sa akin. Gusto ko na siyang lapitan, komprontahin at tanungin kung bakit buhay siya at nasaan si Mia Rosa. "Uncle Angelo! Ang daya mo! Sabi mo sabay tayo magsu-swim!" Nanalaki ang aking mga mata ng makita ko kung sino ang sumigaw. Isang bata na tumatakbo palapit sa kaniya. "Ang anak ko!" Nagsikip ang aking dibdib. Tumulo ang aking luha ng makita kong kinarga ng tinawag niyang uncle Arch ang bata. "Ang bagal mo kasi sa changing room e. Ayan naiwan ka tuloy." Masaya ang dalawa na tumalon sa pool. Masakit ang aking mata at ilong dahil sa pagpigil at paglaban ang damdaming maiyak. Lukso ng dugo ang nararamdaman ko sa bata. Di mapagkakaila na sa akin siya nagmula dahil hawig ko siya noong bata pa ako. Tumalikod ako sa kanila upang kalmahin ang aking nararamdaman. Biglang nanuyo ang aking lalamunan sa kaba. Nanginig ang aking mga kamay. Ngayon ako nakadama ng lamig ng tubig. Nais kong sumigaw at magwala. Tahimik akong nakiramdam sa mangyayari. Kailangan kong gawin ang aking mga plano. Patay malisya akong muling humarap sa kanila upang tanawin ang dalawa. Para silang mag-ama kung magdikit.  Nakapasan pa ang bata sa tinawag niyang uncle Angelo. Kung gayon hindi siya si Arch Michael? Anong ibig sabihin nito? Kailangan malaman ko ang misteryong nalantad sa akin. Sa ngayon kasama ko ang aking anak sa iisang lugar kayat kailangan kong mag-ingat at paglabanan ang galit na aking nararamdaman sa Monleon na ito. May ilang lumalangoy sa pool kayat di nila ako mapapansing nakamasid sa kanila. Naging matalas din ang aking paningin sakaling may mga bodyguard na nagbabantay. Mahusay ang anak kong lumangoy kahit na anim na taon pa lang. Marahil ay naturuan siya noon o naipasok sa isang swimming clinic kaya ganito siya kahusay lumangoy ng mag-isa. Hindi ko kaya,panay ang hilamos ko dahil patuloy ang pagluha ko,ilang metro lang ay pwede ko na siyang yakapin at magpakilalang ako ang tatay niya. Kahit gustuhin ko ay hindi pa panahon na malaman niya kung sino ako. Kailangan ko ng malakas na ebidensya laban sa kanila.Isang legal at malinis na laban ang gagawin ko para mabawi ko ang aking anak. Walang nakakakilala sa akin...iyon ang lamang ko sa laban na ito. Isang alikabok lang ako na di mapapansin na didikit sa kanila. Manakanaka akong sumusulyap sa Angelo na iyon at minsang nagtatama ang aming paningin. Kakaiba ang tingin na iyon. Mga tatlong beses kaming nagkasulyapan habang pinapanood ko lang sila sa paglalaro sa tubig at ako ay nagbababad lang na nakamasid sa kanila. Nagpatuloy ako sa paglangoy kahit may kabigatan ang aking kalooban na makita ang aking anak sa piling ng iba. Maya maya ay tinawag ang Angelo na iyon ng isang attendant. "Sir Arch Angelo,a phone call from Don Juancho." Agad umahon ang tinawag at nagpaalam sa bata. Tumamlay ang mukha ng anak ko ng iwan siya. Mag-isang naglangoy ang bata kahit wala na ang ang kaniyang tiyuhin.. "Uncle Arch Angelo?" Kung gayo'y maaaring kambal ni Arch Michael  ang taong ito. Bakit walang publicity ang kambal ni Michael. Hindi siya sikat sa mga magazine o balita. Bakit ngayon lang siya nagpakita? Nagulat na lang ako ng may lumutang sa harapan kong napayakap sa akin. Ang anak ko, si Juancho... Nahirapan akong kumilos kahit nasa 4 talampakan lang na lalim ang pwesto ko. Nanginginig ang aking mga bisig na napayakap sa bata. "Sorry po.Did i scare you? Ang lalim na po kasi sa gitna e." Nakakatuwa ang walang muwang niyang paghingi ng paumanhin sa akin. Marahil ay naturuan siya ng kaniyang ina na maging magalang. "I-it's okay, ang galing mong lumangoy. Sino nagturo sa iyo magswim?" Isang panimula kahit nanginginig ako sa nerbiyos kaharap ang sarili kong anak sa pananabik. "Wala po nagturo sa akin. Ako lang." lumipat siya sa aking likuran at pumasan. Anak ko nga siya. Mana sa aking kalikasan na laking dagat. Dahil ako man ay natutong lumangoy ng hindi tinuruan. "Arent you afraid talking to a stranger?" Nanunuyo ang aking lalamunan ng tanungin ko siya. "You look a nice person, sabi ni uncle Arch Angelo only nice person swims on this pool." Bibo niyang sagot sa akin habang nasampa at tumayo sa aking balikat gaya ng ginawa nila ng tinatawag niyang uncle Arch. Tumalon siya palayo sa akin. Muli akong naghilamos ng tubig upang di niya mapansin ang aking pagluha. Lumangoy siya muli papalipat at yumakap. "Sir,whats your name? Are you staying here in the hotel? My lolo owns this hotel." Pagyayabang niya. Garalgal ang boses kong sumagot. "You can call me uncle Roman and yes im staying here for a few days. Halos madurog ang puso ko ng pagmasdan pa ang kaniyang mga masiyahang mata. " Anak,ako ito, ako ang tatay mo!" Gusto kong ipagtapat sa kaniya ngunit di ko magawa. Niyakap niya ako sa leeg at hinalikan sa pisngi. " Yey! I have a new uncle!" Abot langit ang ngiti ko sa ginawa niyang paghalik. Ito ang unang pagkakataon na makasama ko ang aking anak ng hindi niya nalalaman. "Sir Thirdy, your uncle wants you back in your room. Magbihis na raw po kayo at parating na ang inyong Lolo." Ang attendant kanina na tumawag ng pansin sa anak ko. "Uncle, i have to go, tawag na ako ng uncle Arch. Have to finish my homework,padating na kasi si lolo for our dinner." Pabulong niya sa aking taenga na nagpaalam sa akin. "Su-sure, galingan mo sa homework mo ha." Halos mabilaukan ako ng lumapit sa kaniyang taenga at bulungan din siya. "See you around uncle Roman! After my tutorial study lagi ako nandito sa hotel!" Sigaw niya ng umahon sa pool habang nilalagyan siya ng attendant ng tuwalya sa balikat. Tinanaw ko siya palayo hanggang makapasok sa changing area, naiwan aking lumuluha sa kasabikan at sa kalungkutan sa aking anak na makita siya muli. Nakita ko na ang aking anak....hinalikan niya ako sa pisngi...niyakap... Ngayon ko naramdaman na ganito pala ang isang yakap ng isang anak sa ama. Ulila ako sa magulang at hindi ko alam kung ano ang pakiramdaman. Ganito pala iyon...ang mayakap at mahalikan ng isang musmos na nagmula sa akin. "Akin ang batang iyon. Laman at dugo ko ang nananalaytay sa kaniya na dapat ako ang nagbubuhos ng pagmamahal bilang ama." Walang dahilan para hindi ko siya bawiin sa kanila. "Akin lamang ang anak ko." Babawiin kita sa kanila anak. Babawiin kita... *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD