CHAPTER 3 ANG HARI

1511 Words
Don Juancho Walong staff ang nag-aabang sa lobby ng hotel sa pagdating ni Don Juancho. Lahat sila ay kabado sa maaring mood swings ng matanda ngayong hapon. Narito ang kaniyang kaisa-isang apo para sa kanilang hapunan. Ngunit nandito rin ang rebeldeng anak, si Arch Angelo ang kakambal ng pumanaw na si Arch Michael. Sa harapang entrada dumaan ang matanda kasabay ng dalawa niyang personal na alalay at isang sekretarya.. Huminto panandalian upang sipatin ang mga staff na naghihintay. Dinaanan ang mga tauhan isa- isa. "Hindi pantay ang neck tie." Bulong niya sa Assistant Manager na nakatayo. Tumalikod ang sinita at inayos ng necktie at muling humarap sa matanda. Hindi nakunteto sa pagkakayos ng necktie ang Don at siya na mismo ang nag-ayos nito. Para silang nasa isang military camp sa tuwing darating at bibisita ang matanda sa hotel. Takot silang sa isang kumpas o bulong nito ay maaring mawalan sila ng trabaho. Sikat ang hotel na ito sa mga celebrities ,politiko,at mayayamang parokyanong dito nanunuluyan ng ilang araw kaya ganun kaistrikto ang pamamalakad sa mga tauhan ng hotel. Parang mina ng langis ang Monleon Hotels na nagkalat sa ibat-ibang bahagi ng pilipinas at ibang bansa gaya ng Singapore,Japan,Korea,Hongkong, Dubai at Canada. Ka-tie up pa sa negosyo ang ilang agency ng turismo at airlines kayat ganoon na lang kasikat ang kanilang negosyo ng hotel at dito sa Pilipinas ang sentro ng kanilang kaharian. Dumiretso ang matanda sa kanyang private elevator papunta kung saan naroroon ang kaniyang apo. Mula ng isilang si Thirdy ay ito na ang direksyon ng kaniyang buhay lalo pa at naulila ito sa paborito niyang anak na si Arch Michael. Naiwan ang dalawang assistant para sa ilang mga papeles na aasikasuhin at tanging ang personal na sekretarya ang kasama sa loob ng pribadong elevator. Sa pinakamataas na palapag dinala ang matanda kung saan naroroon ang tinutuluyan ng kaniyang apo. Iyon nag presidential suite ni Arch Angelo. Gaya kanina sa lobby ng hotel ay hinihintay din siya ng dalawang yaya at kusinerang nakatalaga doon para bantayan si Thirdy. Parang wala siyang nakitang bumati sa kaniya at dirediretsong nagtungo sa silid ng kaniyang apo. Walang kamalay-malay ang bata na nasa loob na pala ang matanda na pinapanood ang kaniyang ginagawa. "Ehem!" Isang simpleng pang-agaw ng atensyon ng matanda. "Lolo! " Patakbong sinalubong ng bata ang kaniyang lolo. Tumayo muna sa harap ng matuwid. Ininspekyon ng matanda ang bata sa kaniyang pagkakatayo at saka sumenyas na pwede na siyang lumapit. Yumakap ng mahigpit at humalik sa magkabilang pisngi sa matanda. Giliw na giliw ang Don sa kaniyang apo. Nawala ang kaniyang pagiging istrikto sa tuwing kaharap at kasama ang bata. "Sobrang kang busy kaya di mo na napansin na pumasok ako iho." "E kasi gusto ko na matapos yung assigntment ko lolo." Kumalas ang bata sa pagkakayakap at hinila ang kamay ng matanda sa palapit sa kaniyang study table. Nakita ng matanda ang ginagawa ng bata. Isang drawing ng isang pamilya. "Ito si Mommy,si Daddy,si Uncle Arch angelo,si Lola, then ikaw ito lolo. Ako yung nakaupo sa balikat mo." Mahusay na inilarawan ng bata ang kaniyang pamilya gamit ang mga krayola at illustration board. Ito pala ang assingment ng bata na ginagawa. Tiningnan ng matanda ang iginuhit,niyakap niya ang bata at hinalikan sa noo. "I am so proud of you apo." Masaya niyang pinagmasdan ang inosenteng bata pabalik sa kaniyang study table at nagdadagdag pa ng mga kulay sa ginuhit. Kasabay ng pagtalikod ng bata ang pagkairita dahil wala ang kaniyang anak na rebelde. Si Arch Angelo. Magkabilang dulo ang pagtingin nila sa isa’t-isa. Malayo ang pagtingin ng matanda sa anak na laging sumasalungat sa kaniyang kagustuhan. Kambal man ang kaniyang anak ay pinaburan niya ang namatay na kambal kaysa sa isa. Dahil sa pagkamatay ng paboritong anak ay tinanggap niyang muli ang isa para sa apong naulila sa kaniyang mga magulang. "Wala talagang pag-asa ang anak mo Demetria. Walang pang tatlong buwang bumalik siya mula ng layasan tayo ay di na nagbago ang paborito mo." Bulong ng matanda sa sarili habang hinuhubad ang amerikanang suot. Agad namang inalalayan ni yaya Soli ang matanda sa kaniyang damit at iningatang huwag magusot ito. "Sir, excuse me po,may 30 minutes pa po kayo before your dinner. We can still wait for sir Arch Angelo." Paalala ni Ms. Anna. Ang personal secretary ng matanda. "Sabihan mo ang guest cheff na pababa na kami, ayaw kong magutom ang apo ko." "Sir paano po si sir Arch Angelo?" Tumalikod ang matanda na parang walang narinig at muling bumalik sa kaniyang apo na abala pa rin sa pagkukulay. "Thirdy apo, go get dressed for our dinner." Kahit malumanay ang salita ay authoritative ang dating ng tono. Nilingon ng bata ang lolo at inayos ang kaniyang mga gamit. Isinilid sa back pack mga gamit pang-eskwela. Lumapit ang isang yaya, inalalayan ang bata upang bihisan. Walong minuto at lumabas sa walk in closet na nakapustura. Lutang na anak mayaman ang bata dahil sa suot na signitured na white polo at black slacks, Mamahaling sapatos.Makintab ang buhok na maayos na pinadaan sa suklay. Magiliw na lumapit ang bata sa kaniyang lolo at yumakap dito, senyales na handa na siyang samahan ang matanda sa hapunan. Sinipat na muli ng matanda ang bata kung ayos ang pananamit nito. Bagay ang napili ng batang suutin para sa kanyang edad. Ayaw ng matanda na may masabi sa kanila kaya ganun na lang siya ka estrikto maging sa makikita sa kanila. Isang Royal family ang Monleon sa siyudad ng Makati. Hindi maiiwasang sinusundan din sila ng mga paparazzi dahil sa kanilang karangyaan at popularidad sa buhay. Bukod sa yaman, kilala din silang pilantropo na tumutulong sa mga bahay ampunan na pinasimulan ni Doña Demetria,ang nasirang asawa ni Don Juancho. Sumunod pa ang kasikatan ni Michael Angelo na isang sikat na race car enthuasiast at modelo ng sariling sports publication. Marami ring mga normal na tao ang intersadong malaman ang nangyayari sa kanilang pamilya ngunit marami din ang bigong makuhanan sila ng mga interview dahil mayroon din silang sariling publikasyon ng Magazine. Bago pa man ma-ambush ng ibang reporter ay nahaharang na agad ng mga body guard kayat limitado ang nakakaalam sa pamilya Monleon lalo na sa anak niyang Arch Angelo. Sa maluwag na restaurant ng hotel kumain ang mag-abuelo. Firm and proper ang bata sa harap ng matanda habang naghihintay ng kanilang kakainin. Sa malayong lamesa naman ang sekretarya na abala sa kausap sa cellphone habang nakatingin sa maglolo. Kasabay ng paghahain ng tatlong waiter sa hapunan ay dumating ang isa pang anak ng Don. Si Arch Angelo. "Did i kept you waiting." Bati niya sa pamangkin. Magiliw ang bata na inakay ang kaniyang tiyo at pinaupo ito. Tahimik lang matanda habang pinagsisilbihan ng waiter sa kaniyang kakainin. Tanging ang magtiyo lang ang madalas mag-usap. Kahit sino pa ang makakita sa kanila, halata mo agad na may tensyong namamagitan sa mag-amang Monleon. "Uncle Arch uuwi ka ba sa mansion with us? Tanong ng bata sa kaniyang tiyo. Agad na sumabat ang matanda. " No iho, matanda na siya para makitulog pa sa mansion ko." Sarkastikong tono ng matanda ng hindi man lang tumitingin sa pinariringgan. "Pero Lolo gusto ko sana sama-sama tayo kasi..." Naalala ng bata ang kaniyang mga magulang na namatay. Kakambal ni Michael Angelo si Arch Angelo kaya gayun na lang kagiliw ang bata sa kaniyang tiyuhin. " You can stay with him dito sa hotel. But in my mansion,no! I have to leave.Nawalan na ako ng gana." Tumayo ang matanda ng hindi tinatapos ang kaniyang kinakain. Hangos ang sekretarya sa pagsunod sa matanda at naiwan ang magtiyong hinahabol ng tingin ang umalis na patriarkal ng pamilya. Natahimik at napayuko ang bata sa ginawang pag-alis ng matanda. "Kumain ka na,don't mind your Lolo ganun lang talaga siya." Patuloy lang sa pagsubo ang binata na parang walang nagyari. Para muling ganahan ang bata ay tumabi pa siya dito at aktong susubuan. "Uncle! Malaki na ako!" "Namiss kasi kita. Ikaw kaya ang paborito kong pamangkin. Kaya kain na." Napaisip ang bata sa sinabi ng kaniyang tiyo na naghihintay sa kaniyang isusubo kutsarang may pagkain na nakatapat sa kaniyang bibig. "Uncle, Im your only nephew!" "Kaya nga paborito kita kasi nag-iisa ka lang Thirdy. Sige na kumain ka na. Di rin naman ako pwede sa masion ng Papa,isa pa malungkot dun. Masyadong madilim.Kung dito sa hotel matutulog makakapaglaro tayo." Muling bumalik ang sigla ng bata at isinubo ang nakaabang na kutsara sa kaniyang bibig mula sa kaniyang tiyuhin. Naalala niyang mahigpit nga pala ang matanda pagdating sa laro at ingay sa mansion. Masya siyang kasama ang tiyuhin kesa sa lolo. Dahil sa kakambal ni Arch Michael si Arch Angelo, hindi naging mahirap sa bata ang pagluluksa ng maulila sa magulang. Sa katauhan ni Arch Angelo muling sumigla ang bata. Sa kabila ng samaan ng loob sa pagitan ni Arch Angelo at ng ama ay isinantabi niya iyon alang-alang sa kapakanan ng pamangkin. "Hanggang ngayon isa pa rin akong tautauhan ninyo Papa. Mas nauna pa akong namatay sa kapatid ko dahil sa ginawa mo sa akin at ngayon, muli mo na naman akong papatayin?" Sa isip ni Arch Angelo na naawang nakatingin sa kaniyang pamangkin. Lingid sa kaalaman ng magtiyong kumakain, ilang mesa ang layo mula sa kanilang pwesto ay pinapanood pala sila ni Roman. "Umaayon ang pagkakataon... Aalamin ko ang kahinaan ninyo mga Monleon..." ***** Ano ang dahilan ng muling pagbabalik ni Arch Angelo sa kaniyang pamilya? Bakit ganoon na lang kamuhi ang kaniyang ama sa kaniya? Abangan!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD