Episode 3

1037 Words
          Titig na titig siya sa new classmate nila. Kasalukuyan itong nagpapakilala sa harapan, dahil pinatayo iyon ng titser nila. Kaninang pagpasok pa lang nito ay nakuha na nito ang kanyang atensyon. Alam naman niya na may bago silang kaklase dahil nabigyan na siya ng tip ng kanyang kaklase, pero hindi niya expected na ganito pala iyon kaganda.  Nakapangalumbaba pa siya habang nakatulala dito. Ang sarap nito pagmasdan dahil sa hugis puso nitong mukha, mahaba ang buhok nito na layer layer ang style at kulay brown. Ang tangos din ng ilong nito, parang may lahi nga ito at ang ganda ng mga mata, kulay brown na binagayan ng malalantik na pilik mata. At natutuwa siyang pagmasdan ang labi nito na kumikibot kibot, ramdam niya na nahihiya pa iyon sa pagsasalita sa harapan. Grabe tanggap na tanggap itong artista kung mag aaudition ito. Naisip niya. Ang ganda rin nitong magdala ng uniform, maputi kasi ang kulay ng balat nito. Tinandaan niyang mabuti ang pangalan nito ng sabihin nito iyon kanina. Abigael Dela Fuente, napapalatak siya pati ang pangalan ay bagay na bagay sa kagandahan nito. Narinig niyang pinaupo na iyon ng kanyang teacher sa bandang likuran at tapos na pala itong magpakilala. "Ok class kayo naman ang magsabi ng name ninyo sa kanya. Pakiramdam niya ay ang saya saya niya ngayon at may dahilan na ang pagpasok niya sa school everyday. Isa isa ngang nagsabi ng kani kanilang pangalan ang mga kaklase niya. Naexcite pa siya nung siya na ang magpapakilala. Tumayo siya at nag style na lalaki, humarap siya dito na halatang nagpapacute, ang lapad din ng pagkakangiti niya. "Hi! I'm Bernadette Villamor, just call me Dette in short. I'm sixteen years old and still single, never been kiss, and never been touch since birth." Nag ingay ang mga kaklase niya, tawanan ang mga ito at may mga humiyaw pa. Diyan lang kami nakatira sa malapit, walking distance from here, kaya if you're getting bored sa house niyo, just visit me in my house at tiyak na aaliwin kita." Iwinagayway pa niya ang kanyang kamay sa ere na animo ay nanalo siya sa paligsahan. Tawanan ang lahat sa kanya, pero ang nakapagtataka ay hindi man lang tumawa si Abigael at tumango lang sa kanya. Dismayado tuloy siya. Teka ang sungit mo ah. Mamaya kita kukulitin, alam ko naman na makukuha ko rin ang kiliti mo. Saloob niya. Natapos na ang lahat ng kaklase niya sa pagpapakilala kay abigael, at nagsimula na ang una nilang subject. Gumagawa siya ng paraan para masilip ito at makita ang ginagawa, sarap kasing tignan ang face nito at dahil nga nasa may bandang likuran niya ito nakaupo, kaya kailangan niyang lumingon talaga sa likuran. May kunyaring itatanong siya sa nakaupo sa likod niya. Sinasadya niyang ihulog ang hawak niyang ballpen, o may kukunin siya sa kanyang bag na nasa likod niya. Pero nakikita niya na seryoso lang ang new classmate nila, ni hindi nga ito tumitingin sa kanya, lagi lang sa harapan ang paningin nito at sa book na hawak nito. "Uy Dette mailap si new classmate noh." Bulong ng katabi. "Paano mo naman nasabi Anne?" "Eh pano kanina ka pa papansin eh deadma ka naman." Sabay ngisi nito. "Sira ka talaga!" Sabay hampas ng mahina dito. "Uy Anne, obvious ba ako?" Hindi siya nakatiis at nagtanong din siya. "Gusto mo malaman?" "Oo naman." "Hindi lang obvious." Napatingin siya dito. "Obvious na obvious Dette, sila din halata ka." Sabay turo sa mga kaklase niyang iba. Lumibot tuloy ang paningin niya sa mga ito. Kumaway siya sa mga nakatingin sa kanya, para hindi siya mapahiya. Yumuko siya at nagseryoso sa binabasa. Kay haba nang oras sa kanya ng dalawang subject nila, gusto na kasi niyang magbreak time nang malapitan na niya si Abigael. Nang sa wakas ay nag ring na ang bell, tanda na breaktime na sa buong school. Tumayo siya at binitbit ang bag, nakaharap siya kay abigael,  nakita niyang inaayos nito ang mga gamit sa loob ng bag, saktong nai zipper na niya iyon ay lumapit siya dito. "Hi new classmate." Kay lapad ng ngiti niya dito. Gumanti naman ito ng ngiti sa kanya. "Abigael right?" Tumango naman ito sa kanya. "May kasabay ka ba mag break? Gusto mo sabay na tayo?" Lakas loob niyang alok dito. "Ok lang ako mag isa. Don't bother." Sagot naman nito. "I insist abigael." Kulit niya dito, gusto niya ito kasing maging kaclose. Nakita niyang kumunot ang noo nito sa pagkakatingin sa kanya. Naisip niya na nakulitan siguro. Kaya ngumiti na lang siya. Hindi n nagsalita ito at basta na lamang umalis. Napakamot tuloy siya sa ulo sa pagkadismaya. "Uy Dette tara na. Yaan mo muna ung si Abigael baka makulitan sa iyo, nag aadjust pa yung tao." Yaya ng mga kasama niya. Sumama na siya sa mga ito. Pito silang magbabarkada sa klase, si Anne, Lara, Mel, Dang, Jen, at Shiela, puro sila makukulit. Kapag magkakasama sila ay napaka iingay nila, puro harutan at tawanan. Gusto niyang kasama ang mga ito kasi hindi siya nabobored, pakiramdam niya ay gustong gusto rin siya ng mga ito dahil lagi siyang tinatawag at hindi aalis kapag hindi siya kasama. Minsan nagagawa nilang mag mall na magkakasama, watch movie at food trip. Pero hindi alam nang mga ito ang lihim niya, akala lang nila ay boyish siya kumilos, Nakita niya si Abigael na nakaupo sa ilalim ng puno, busy iyon sa pagsecellphone habang my juice sa tabi nito. Nagagandahan siya talaga dito kahit sa malayo, at gusto niya itong makasama sa barkada nila, kanina nung kinausap niya ito ay napansin niya na may kakaiba dito. Malungkot ang aura nito at parang hindi masaya sa kasalukuyang buhay. Parang nagkaroon siya nang interes na maging malapit dito at malaman ang dahilan kung bakit ito mailap. Bigla siyang hinila ni Sheila sa braso. "Hay nako Dette tara na sa canteen parang gusto mo pa siyang lapitan. Yaan mo muna at maghahanap din iyan ng kaibigan pagtagal. Sabagay nga naman, naisip niya. Saka na lang niya siguro lalapitan kapag ok na ito. "Guys try natin iyong icecream sa canteen." Wika ni Anne "Mayron ba?" Tanong niya "Yup kahapon lang sila nag open." "Sige try natin masarap iyon." Sabi ng mga kasama niya kaya napaoo na rin siya. Huling sulyap pa ang ibinigay niya kay Abigael bago siya tuluyang humakbang papasok sa canteen ng eskwelahan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD